1
00:00:05,506 --> 00:00:08,384
ENGAGEMENT NINA SAM AT ROB

2
00:00:48,048 --> 00:00:49,258
Lagi kong…

3
00:00:52,052 --> 00:00:53,137
Sabay-sabay!

4
00:00:59,810 --> 00:01:02,688
-Ayos. Ayos 'yon, sa tingin ko.
-Salamat.

5
00:01:02,772 --> 00:01:04,190
Salamat.

6
00:01:07,568 --> 00:01:09,403
Ang ganda no'n, mahal.

7
00:01:10,196 --> 00:01:13,699
Talagang masasabi mong mga abogado sila,
hindi mang-aawit.

8
00:01:15,951 --> 00:01:20,748
Sa tingin ko, mas magaling ako
sa closing remarks kaysa sa pagto-toast.

9
00:01:20,831 --> 00:01:23,918
Kaya Tom, halika rito.
Bakit hindi ikaw ang mag-toast?

10
00:01:24,001 --> 00:01:26,170
Para ka nang ikalawang ama sa kanila.

11
00:01:26,253 --> 00:01:29,089
-Ang galing mo.
-Halika na, Tom. Seryoso.

12
00:01:29,173 --> 00:01:30,800
-Okay. Buweno…
-Sammy.

13
00:01:31,300 --> 00:01:34,011
Tom. Diyos ko, tingnan mo 'to.

14
00:01:35,137 --> 00:01:38,974
Pinadala sa 'kin ni Rob.
Parang ngayon ko lang 'to nakita.

15
00:01:40,518 --> 00:01:42,144
Oo, ngayon ang kaarawan niya.

16
00:01:42,228 --> 00:01:47,358
-Oo. 71 na sana siya.
-Oo. Diyos ko.

17
00:01:51,320 --> 00:01:52,238
Uy.

18
00:01:53,155 --> 00:01:56,992
Sam, nakatanggap ako ng tawag ngayon.

19
00:01:58,327 --> 00:02:01,288
Mukhang may potensyal tayong
whistleblower.

20
00:02:01,372 --> 00:02:02,289
Ano?

21
00:02:02,373 --> 00:02:04,166
Baka mapalawak nito ang kaso.

22
00:02:06,544 --> 00:02:09,171
Mabubuksan uli natin ang Zax Pharma.
Mga gago sila.

23
00:02:09,255 --> 00:02:12,132
-Hindi, Tom, tapos na tayo sa Zax Pharma.
-Ano naman?

24
00:02:12,216 --> 00:02:15,010
Pinirmahan iyon ng judge,
'di na natin maibabalik ang pera.

25
00:02:15,094 --> 00:02:19,223
Ano naman? Bilyon ang pinag-uusapan natin.
Pwedeng ika-bankrupt nila.

26
00:02:19,306 --> 00:02:20,558
Hindi pwede.

27
00:02:22,017 --> 00:02:23,143
Hindi ko maintindihan.

28
00:02:23,227 --> 00:02:26,480
Ito na ang tsansa nating wasakin ang Zax.

29
00:02:26,564 --> 00:02:31,652
Sam, $160 milyon. Barya lang iyon sa Zax.

30
00:02:31,735 --> 00:02:35,906
Tom, ang payo ko sa 'yo,
tigilan mo na 'to. Ngayon din.

31
00:02:37,950 --> 00:02:39,493
Saan nanggagaling 'to?

32
00:02:42,037 --> 00:02:43,414
Masyadong delikado.

33
00:02:43,497 --> 00:02:47,209
'Di ko ipauubaya sa hurado 'to,
at hayaan itong pumalpak.

34
00:02:47,293 --> 00:02:48,419
May areglo na tayo,

35
00:02:48,502 --> 00:02:51,630
dapat na tayong umusad,
may iba pa tayong bibigyang-pokus.

36
00:02:51,714 --> 00:02:52,965
Iyon na iyon?

37
00:02:53,465 --> 00:02:56,010
Oo. Kailangang may magbantay sa kumpanya.

38
00:02:57,386 --> 00:02:58,554
Ito ang kumpanya ko.

39
00:02:58,637 --> 00:03:00,472
Na sinimulan ng aking ama.

40
00:03:00,556 --> 00:03:04,768
Na sinimulan ng iyong ama. Okay.
Ano naman?

41
00:03:04,852 --> 00:03:08,230
Alam kong may galit ka kay George Zax.

42
00:03:08,314 --> 00:03:10,858
Naiintindihan ko.
Nami-miss ko rin si Amanda.

43
00:03:10,941 --> 00:03:12,026
Huwag.

44
00:03:13,485 --> 00:03:14,612
Paumanhin.

45
00:03:15,988 --> 00:03:17,489
Ano'ng nangyayari sa 'yo?

46
00:03:21,243 --> 00:03:22,828
May kumausap ba sa 'yo?

47
00:03:33,881 --> 00:03:35,591
Ano'ng ipinangako mo sa kanila?

48
00:03:42,765 --> 00:03:43,933
Uy…

49
00:03:51,315 --> 00:03:53,651
Tingin ko, kailangan mong magpahinga.

50
00:03:55,110 --> 00:03:57,321
Parang nawawala ka na sa huwisyo.

51
00:03:59,490 --> 00:04:00,616
At naiintindihan ko.

52
00:04:00,699 --> 00:04:03,535
Ang asawa mo, ang anak mo… Nauunawaan ko.

53
00:04:03,619 --> 00:04:04,745
Oo.

54
00:04:08,290 --> 00:04:10,125
Sana nandito ang ama mo.

55
00:04:36,443 --> 00:04:40,072
Kung handa na ang parehong panig
para sa panunumpa,

56
00:04:40,155 --> 00:04:42,241
ilabas na natin ang unang panel.

57
00:04:49,123 --> 00:04:51,417
Naghahanap kami ng mga magulang,
senior citizens,

58
00:04:51,500 --> 00:04:54,336
mga taong may kasaysayan ng sakit,
mga beterano ng digmaan.

59
00:04:54,420 --> 00:04:58,132
Base sa questionnaire, dapat nating
tanggalin ang ikatlo, ikaapat,

60
00:04:58,215 --> 00:05:00,551
ikapito, ikasampu,
at ikalabing-isang hurado.

61
00:05:01,969 --> 00:05:03,470
Mukhang tama iyon.

62
00:05:04,430 --> 00:05:08,350
Your Honor, ayos na sa amin ang hurado.

63
00:05:09,059 --> 00:05:12,438
-Teka. Ano'ng ginagawa niya?
-Nagpapaubaya.

64
00:05:12,521 --> 00:05:15,065
G. McBride, sigurado ka ba?

65
00:05:15,899 --> 00:05:17,609
Opo, Your Honor. Sigurado ako.

66
00:05:18,652 --> 00:05:22,448
Your Honor, hindi ko alam
ang pinaplano ng nagsasakdal dito,

67
00:05:22,531 --> 00:05:24,992
pero gusto naming suriin ang panel.

68
00:05:25,075 --> 00:05:26,660
Pwede mong piliin ang bawat isa.

69
00:05:26,744 --> 00:05:29,538
-Hindi mo hahamunin kahit sino sa kanila?
-Hindi.

70
00:05:29,621 --> 00:05:31,790
-May isang bagay lang.
-Ano iyon?

71
00:05:33,542 --> 00:05:36,962
Gusto naming baguhin ang witness list
at idagdag si Greg Wetzel.

72
00:05:41,884 --> 00:05:43,093
Ayoko kay Wetzel.

73
00:05:43,177 --> 00:05:45,888
Hindi, hihiling ako ng sandaling recess.

74
00:05:46,555 --> 00:05:50,267
Your Honor, pwede ko ho bang
makausap si G. McBride?

75
00:05:52,352 --> 00:05:55,481
Mag-break tayo nang maaga para sa lunch.
Babalik tayo nang 1:00.

76
00:05:56,940 --> 00:05:58,025
Tumayo ang lahat.

77
00:06:09,787 --> 00:06:11,747
Ano'ng nangyayari?

78
00:06:11,830 --> 00:06:15,417
-Gusto mo ng malaking areglo.
-Hindi ganito ang ginagawa namin.

79
00:06:15,501 --> 00:06:17,169
Syempre, hindi. Salamat.

80
00:06:20,964 --> 00:06:24,384
Magandang balita.
Pumayag si Ivan Tillinger sa gusto mo.

81
00:06:24,468 --> 00:06:26,762
Pwede tayong mag-areglo sa 160 milyon.

82
00:06:26,845 --> 00:06:30,599
Iyon ang presyo kahapon, magkano ngayon?

83
00:06:30,682 --> 00:06:34,144
-160 milyon.
-Hindi, tapos na iyon.

84
00:06:34,228 --> 00:06:36,438
Nagsimula na ang pagdinig,
buo na ang hurado.

85
00:06:36,522 --> 00:06:38,107
Saan mo nahanap si Greg Wetzel?

86
00:06:38,190 --> 00:06:40,984
Sa kainan sa Fisherman's Wharf, ano naman?

87
00:06:41,068 --> 00:06:46,406
Matindi ang testimonya niya,
at tapos si Tillinger sa bawat hurado.

88
00:06:48,158 --> 00:06:49,451
Ano'ng presyo mo?

89
00:06:49,535 --> 00:06:50,911
Isang bilyon.

90
00:06:55,082 --> 00:06:56,125
Talaga lang, ha?

91
00:06:59,878 --> 00:07:01,338
Pwede ako sa kalahati.

92
00:07:01,421 --> 00:07:02,756
Kami, hindi.

93
00:07:03,465 --> 00:07:05,217
Pwedeng 600 milyon.

94
00:07:07,344 --> 00:07:11,974
Your Honor, may pansamantalang areglo
ang Tillinger Health para sa Estado.

95
00:07:12,057 --> 00:07:14,893
Magpapasa kami
ni G. McBride ng joint motion

96
00:07:14,977 --> 00:07:17,271
para i-dismiss
ang mga reklamo sa kliyente ko.

97
00:07:17,354 --> 00:07:20,524
-May masasabi ka ba, G. McBride?
-Wala po, Your Honor.

98
00:07:20,607 --> 00:07:24,319
Basta't masusunod ang lahat
ng magiging laman ng kasunduan.

99
00:07:24,403 --> 00:07:25,946
At ang Russell Drug?

100
00:07:26,029 --> 00:07:28,490
Mukhang ayaw nilang makipag-usap.

101
00:07:28,574 --> 00:07:34,204
G. Petock, isa na lang ang akusado.
Ito na ang panahon.

102
00:07:34,830 --> 00:07:38,208
Inaabangan nila ang araw nila sa korte,
Your Honor.

103
00:07:38,292 --> 00:07:40,377
Tuloy ang pagdinig nila.

104
00:07:40,460 --> 00:07:43,255
Magpapatuloy tayo sa Lunes.

105
00:07:43,338 --> 00:07:44,423
Court's adjourned.

106
00:07:49,136 --> 00:07:54,474
Gusto kong kilalanin ang nangyari ngayon.

107
00:07:54,558 --> 00:07:56,226
Matindi 'to, napakalaking araw…

108
00:07:56,310 --> 00:07:58,061
Anim na raang milyon.

109
00:07:58,604 --> 00:08:01,815
Puwera sa kakaiba mong pagpili sa hurado,

110
00:08:01,899 --> 00:08:04,484
congratulations, mahusay ka, G. McBride.

111
00:08:04,568 --> 00:08:07,237
-Salamat.
-Hindi. Ang galing talaga.

112
00:08:07,321 --> 00:08:09,489
Matutuwa ang tatay ko.

113
00:08:16,705 --> 00:08:17,706
Uy.

114
00:08:17,789 --> 00:08:19,291
-Uy.
-Kumusta?

115
00:08:19,374 --> 00:08:22,252
Aalis na lang siguro ako.
Hindi maganda ang lagay ko.

116
00:08:22,336 --> 00:08:25,339
-Kukuha ako ng masasakyan mo?
-Hindi. Gusto kong gumalaw-galaw.

117
00:08:25,422 --> 00:08:27,216
-Kaya…
-Sigurado ka?

118
00:08:27,299 --> 00:08:29,092
-Oo, ayos lang ako.
-Okey.

119
00:08:29,176 --> 00:08:30,719
Teka.

120
00:08:30,802 --> 00:08:34,389
'Di ba kahina-hinalang
bumigay agad ang Tillinger?

121
00:08:35,515 --> 00:08:38,852
Pagpapakamatay ang ginawa mo sa hurado,
wala silang pagpipilian.

122
00:08:41,772 --> 00:08:44,441
-Magsaya ka na. Mag-usap tayo sa susunod.
-Okay.

123
00:09:02,584 --> 00:09:06,797
Pwede kaya kitang makumbinsing
manatili at magdiwang kasama ko?

124
00:09:06,880 --> 00:09:09,258
Hindi ako mahilig sa mga kasiyahan.
Pasensya na.

125
00:09:09,341 --> 00:09:10,592
Naiintindihan ko.

126
00:09:11,551 --> 00:09:13,512
Kung hapunan bukas ng gabi?

127
00:09:14,054 --> 00:09:15,806
Sige. Gusto ko 'yan.

128
00:09:15,889 --> 00:09:17,683
Ayos. Ite-text kita.

129
00:09:17,766 --> 00:09:19,559
Okey. Sige. Magandang gabi.

130
00:09:25,148 --> 00:09:26,483
Gaya ng iyong ama.

131
00:09:26,566 --> 00:09:29,653
Ayaw niya rin ng ingay
pagkatapos iligtas ang lahat.

132
00:09:29,736 --> 00:09:31,363
Nakakainis, sa totoo lang.

133
00:09:31,947 --> 00:09:33,198
Paano mo nalaman?

134
00:09:33,282 --> 00:09:34,491
Ang alin?

135
00:09:35,284 --> 00:09:37,911
Ang garantiya mo,
"Kalahating bilyon o higit pa."

136
00:09:37,995 --> 00:09:39,538
Kumpiyansang-kumpiyansa ka.

137
00:09:39,621 --> 00:09:42,374
160 lang ang areglo ng Zax Pharma.

138
00:09:43,000 --> 00:09:46,086
Kung wala akong kumpiyansa,
walang matitira sa 'kin.

139
00:09:47,296 --> 00:09:49,423
Pwede mong gawing motto 'yan.

140
00:09:58,015 --> 00:10:01,560
Iniisip ko ngayon ang Russell Drug.

141
00:10:01,643 --> 00:10:04,021
Hindi mauulit iyon ni McBride.

142
00:10:04,104 --> 00:10:06,440
Nililigtas niya tayo, Ava.

143
00:10:07,065 --> 00:10:10,277
Parang wala ka pa namang nagagawa
para iligtas tayo,

144
00:10:10,360 --> 00:10:13,447
puwera kung tinuturing mong trabaho
'tong pagdadakdak mo.

145
00:10:13,530 --> 00:10:15,782
Linawin natin ang mga papel natin dito.

146
00:10:16,450 --> 00:10:20,537
Pinagkatiwalaan ako ng tatay mo sa pera,
at sa pagbabantay sa 'yo.

147
00:10:20,620 --> 00:10:22,164
Huwag mo siyang idamay dito.

148
00:10:22,247 --> 00:10:24,041
Kulang ka raw sa disiplina.

149
00:10:24,124 --> 00:10:25,876
At kulang ka raw sa imahinasyon.

150
00:10:27,419 --> 00:10:31,214
Hindi gaya niya, magsasaya ako ngayon.
Paumanhin.

151
00:11:04,915 --> 00:11:05,874
Uy!

152
00:11:06,708 --> 00:11:07,709
Uy.

153
00:11:09,544 --> 00:11:10,754
Ayos ka lang?

154
00:11:11,880 --> 00:11:15,384
Oo. Sino ka ba?

155
00:11:16,093 --> 00:11:17,677
May pangalan ka?

156
00:11:42,119 --> 00:11:46,498
Papa, ano'ng ginagawa mo? Nangako ka.

157
00:11:47,416 --> 00:11:48,625
Nangako ng ano?

158
00:11:49,960 --> 00:11:52,712
Ako lang ang handang sumalo sa 'yo.

159
00:11:53,839 --> 00:11:57,592
Kapag pinagtabuyan mo ang lahat,
alam mo, aalis talaga sila.

160
00:11:59,845 --> 00:12:01,972
Pinapatay mo ba ang sarili mo?

161
00:12:04,558 --> 00:12:07,602
Siguro. Ano naman?

162
00:12:11,398 --> 00:12:12,566
Sumakay ka.

163
00:12:36,173 --> 00:12:37,674
Gusto mong magdahan-dahan?

164
00:12:38,550 --> 00:12:41,094
Akala ko, may hinahabol kang tren.

165
00:12:41,178 --> 00:12:43,180
Pero gusto kong makarating doon
nang buhay.

166
00:13:16,463 --> 00:13:17,714
"Muhi."

167
00:13:19,424 --> 00:13:20,884
Muhing ano?

168
00:13:22,802 --> 00:13:24,846
Salitang may apat na titik
para sa "galit."

169
00:13:26,806 --> 00:13:28,099
22 iyon sa pababa.

170
00:13:34,397 --> 00:13:35,732
Nasaan si Denise?

171
00:13:37,859 --> 00:13:40,362
HIndi siya ang nasa taas, tama?

172
00:15:09,409 --> 00:15:11,870
Oo. Pasensya na. Kaibigan ko ang sumagot.

173
00:15:13,330 --> 00:15:15,165
Sige, ganito kasi.

174
00:15:18,001 --> 00:15:20,503
Gusto ko lang malaman
kung buhay si Denise.

175
00:15:21,087 --> 00:15:24,132
Diyos ko, Billy, ano'ng nangyayari?

176
00:15:24,215 --> 00:15:25,467
Buhay ba siya?

177
00:15:26,009 --> 00:15:27,802
Oo, syempre naman.

178
00:15:29,512 --> 00:15:31,473
Gusto ko lang malaman, okay?

179
00:15:32,349 --> 00:15:33,600
Tawagan mo siya.

180
00:15:33,933 --> 00:15:35,352
Oo, alam ko.

181
00:15:36,478 --> 00:15:40,106
Alam ko. Hindi ako…

182
00:15:41,733 --> 00:15:42,651
Alam mo na…

183
00:15:43,485 --> 00:15:46,321
May kasama ka o
nasa gala ka o kung ano pa man.

184
00:15:46,404 --> 00:15:49,199
-Tatawagan na lang kita uli.
-Hindi, Billy…

185
00:16:01,294 --> 00:16:05,840
PAPA

186
00:16:29,114 --> 00:16:33,493
Pansin mo bang 7:50 ang 7:50
kapag nakita mo ang numero,

187
00:16:33,576 --> 00:16:36,663
pero kapag sa orasan,
para 'yong sampung minuto bago 8:00?

188
00:16:37,997 --> 00:16:39,374
Hindi ko naisip iyon.

189
00:16:40,875 --> 00:16:42,293
Tama, hindi ba?

190
00:16:45,213 --> 00:16:46,297
Oo.

191
00:16:52,721 --> 00:16:53,888
Ako ito!

192
00:16:59,728 --> 00:17:01,312
Hindi mo sinabing…

193
00:17:02,230 --> 00:17:04,274
bigatin ka palang abogado.

194
00:17:06,526 --> 00:17:07,777
Hindi naman kasi talaga.

195
00:17:08,361 --> 00:17:10,113
Sabi sa TV, bigatin ka.

196
00:17:11,406 --> 00:17:12,949
Oo, alam mo naman ang TV.

197
00:17:15,452 --> 00:17:17,412
Iyon ang pumasa sa kanila, okey?

198
00:17:18,288 --> 00:17:19,873
Lagi naman, Frank.

199
00:17:22,876 --> 00:17:24,711
Ngayon, alam ko nang ikaw si Frank.

200
00:17:27,464 --> 00:17:29,340
May pagbabago ba roon?

201
00:17:30,675 --> 00:17:32,051
Parang wala naman.

202
00:17:36,890 --> 00:17:38,558
Binabangungot ka ba?

203
00:17:40,769 --> 00:17:42,395
Oo, parang ganoon na nga.

204
00:17:45,982 --> 00:17:48,276
Baka gusto mong
subukang matulog sa kama mo

205
00:17:48,359 --> 00:17:51,488
kaysa sa walang kuwentang
rocking chair doon.

206
00:17:51,571 --> 00:17:53,239
Talagang minamatyagan mo ako.

207
00:17:55,283 --> 00:17:57,118
Minamatyagan ko ang lahat.

208
00:17:59,245 --> 00:18:00,830
Hindi ka espesyal.

209
00:18:02,749 --> 00:18:03,958
May asawa ka?

210
00:18:06,002 --> 00:18:07,045
Anak?

211
00:18:10,632 --> 00:18:12,884
Dating asawa at isang anak na babae.

212
00:18:13,676 --> 00:18:15,553
Oo, may anak din akong babae.

213
00:18:16,846 --> 00:18:20,558
Galit sa 'kin. Tiyak akong kasalanan ko.

214
00:18:22,435 --> 00:18:24,437
Kung makapagpapagaan ng loob mo,

215
00:18:24,521 --> 00:18:27,065
hindi rin ako kinakausap ng anak ko.

216
00:18:28,107 --> 00:18:30,527
Paano no'n mapapagaan ang loob ko?

217
00:18:32,695 --> 00:18:36,115
Hindi ka nag-iisa.
Iyon ang ibig kong sabihin.

218
00:18:36,908 --> 00:18:39,953
Gusto kong nag-iisa. Siya rin.

219
00:18:40,620 --> 00:18:42,914
Iyon ang problema, sa tingin ko.

220
00:18:47,335 --> 00:18:48,795
Ano'ng ginawa mo?

221
00:18:48,878 --> 00:18:50,129
Ano'ng ibig mong sabihin?

222
00:18:51,965 --> 00:18:53,091
Sa anak mo?

223
00:18:55,385 --> 00:19:01,182
Hindi na ako gaanong mahagilap
pagkatapos kong mabaril.

224
00:19:02,725 --> 00:19:04,102
Ah, gago ka?

225
00:19:04,185 --> 00:19:05,603
Parang ganoon, oo.

226
00:19:06,271 --> 00:19:08,273
Dapat lang pala talaga sa 'yo.

227
00:19:08,356 --> 00:19:10,441
Sobra ang paghihirap ko noon,
hanggang ngayon.

228
00:19:10,525 --> 00:19:12,777
Bale, ang sinasabi mo ngayon,
siya ang gago?

229
00:19:12,861 --> 00:19:14,028
Hindi, napakabuti niya.

230
00:19:15,488 --> 00:19:20,535
Isa sa inyo ang gago. Mamili ka.

231
00:19:22,203 --> 00:19:23,413
Eh, ikaw?

232
00:19:24,831 --> 00:19:26,207
Ano'ng mayroon sa 'kin?

233
00:19:28,626 --> 00:19:29,961
Gago ka ba?

234
00:19:33,214 --> 00:19:39,012
Ang kapatid ko ang pinakagago
sa balat ng lupa.

235
00:19:40,680 --> 00:19:41,973
Gulat ka?

236
00:19:42,807 --> 00:19:44,684
Hindi gaano, 'di ko maiisip.

237
00:19:47,353 --> 00:19:49,147
Ano'ng ginagawa niya rito?

238
00:19:53,276 --> 00:19:56,571
Uy! Pinag-uusapan ninyo ako.

239
00:19:57,488 --> 00:19:59,407
Kung may sasabihin kayo sa 'kin,

240
00:19:59,490 --> 00:20:02,452
lumapit kayo rito
at sabihin niyo sa 'kin nang harapan.

241
00:20:04,329 --> 00:20:06,539
Paki-Ingles, pakiusap.

242
00:20:10,418 --> 00:20:11,669
Pakiusap.

243
00:20:13,212 --> 00:20:15,590
Binabastos niya ako, ano?

244
00:20:15,673 --> 00:20:17,592
Hindi mo rin naman ako paniniwalaan.

245
00:20:25,266 --> 00:20:27,143
Mag-ingat ka sa kanila, Billy.

246
00:20:28,061 --> 00:20:29,354
Silang lahat.

247
00:20:30,897 --> 00:20:32,607
Mga hayop sila.

248
00:20:42,492 --> 00:20:43,701
Pasensya na.

249
00:20:44,827 --> 00:20:46,412
Kakaiba siya.

250
00:20:47,705 --> 00:20:51,501
Kay Frank ang buong building,
inis lang siyang 'di niya kami mapalayas.

251
00:20:51,584 --> 00:20:53,002
Kanya ang building?

252
00:20:53,836 --> 00:20:55,296
Ang buong kalye.

253
00:20:56,756 --> 00:20:57,799
Hindi nga?

254
00:20:58,508 --> 00:20:59,467
Isa pa?

255
00:21:00,343 --> 00:21:01,803
Sige.

256
00:21:58,943 --> 00:22:00,862
BUOD NG RESULTA NG DATA
D-3 E-2 D+3 G0 E0 G0 C+1 V*+1 C*+5

257
00:22:00,945 --> 00:22:03,364
PAGSUSURIi:
HIGIT SA NARARAPAT ANG RH-HR LEVELS

258
00:22:07,076 --> 00:22:08,911
Dave, kailangan nating ulitin.

259
00:22:13,332 --> 00:22:15,084
Gusto ng update ng Tiyo George mo.

260
00:22:16,085 --> 00:22:19,589
May pasta-making class ako.
Dadagdagan ko ang husay ko sa kusina.

261
00:22:19,672 --> 00:22:21,758
-Alam mo ang gusto niya.
-Kaunti pang oras.

262
00:22:21,841 --> 00:22:24,385
-10:00 a.m. pa lang.
-'Di iyon ang ibig kong sabihin.

263
00:22:24,469 --> 00:22:27,805
Alam ko. Pero wala akong paki.

264
00:22:39,776 --> 00:22:40,943
Diyos ko.

265
00:22:43,446 --> 00:22:44,489
Ano?

266
00:22:44,572 --> 00:22:47,325
Kailangan kang makausap ni Ava.
Importante.

267
00:22:47,992 --> 00:22:48,993
Bakit?

268
00:22:49,535 --> 00:22:52,330
Hindi ko alam,
sinabi niya lang na importante…

269
00:22:58,836 --> 00:23:01,631
Patty. Pasok ka. Isara mo ang pinto.

270
00:23:04,425 --> 00:23:06,260
Maupo ka. Kumusta?

271
00:23:13,768 --> 00:23:15,520
Gusto ko lang sabihin sa 'yong

272
00:23:15,603 --> 00:23:18,773
nagkaroon ng emergency meeting
ang partners kaninang umaga

273
00:23:18,856 --> 00:23:21,234
at bumoto kami
sa 'yong equity partnership.

274
00:23:27,323 --> 00:23:29,325
Matatanggal ka na bilang empleyado.

275
00:23:29,408 --> 00:23:32,203
Wala nang W-2s, wala nang benepisyo,

276
00:23:32,286 --> 00:23:36,624
at ipinapayo kong kumuha ka
ng qualified na financial planner

277
00:23:36,707 --> 00:23:39,252
para tulungan ka
sa bagong kalagayan ng tax mo.

278
00:23:43,840 --> 00:23:45,216
Mukhang wala kang masabi.

279
00:23:47,009 --> 00:23:49,095
Patty, panig sa 'yo ang boto.

280
00:23:49,178 --> 00:23:51,556
Hindi ka na empleyado,

281
00:23:51,639 --> 00:23:55,393
pero owner-operator at equity partner dito
sa Margolis and True.

282
00:24:07,655 --> 00:24:08,906
Magkano iyon?

283
00:24:09,866 --> 00:24:10,908
Oo, syempre.

284
00:24:17,957 --> 00:24:20,001
Okay. Ayos.

285
00:24:20,084 --> 00:24:23,546
At kung gusto mong pag-usapan
ang life insurance policy,

286
00:24:23,629 --> 00:24:25,047
ito na ang tamang panahon.

287
00:24:25,840 --> 00:24:28,259
-Kailangan ko ng life insurance?
-Hindi.

288
00:24:28,342 --> 00:24:31,387
Ang firm ang bibili ng policy,
at ang firm ang beneficiary.

289
00:24:31,470 --> 00:24:34,724
Kung ano man ang mangyari sa 'yo.
Na sana wala naman.

290
00:24:35,641 --> 00:24:38,603
Ayos.

291
00:24:38,686 --> 00:24:41,439
Oo. Ayos talaga. Congratulations, Patty.

292
00:24:41,981 --> 00:24:42,982
Salamat.

293
00:24:46,110 --> 00:24:48,613
-Iyon na iyon.
-Iyon na iyon. Okay.

294
00:24:51,949 --> 00:24:53,534
-At Patty?
-Ano iyon?

295
00:24:55,328 --> 00:24:56,829
Hindi ako bumoto sa 'yo.

296
00:24:59,498 --> 00:25:03,294
Diyos ko, hindi.
Hindi ko inisip iyon. Okey.

297
00:25:03,669 --> 00:25:06,964
-Pakisara ng pinto.
-Oo, isasara ko. Salamat.

298
00:25:11,302 --> 00:25:13,262
Paumanhin. Namamanhid.

299
00:25:15,389 --> 00:25:18,392
SAM
GUSTO NI AVA NA SABIHIN SA'YO (SORRY)

300
00:25:18,476 --> 00:25:20,645
AYOS!

301
00:25:23,064 --> 00:25:24,315
Ayos talaga!

302
00:25:24,398 --> 00:25:25,691
Kumusta, Travis?

303
00:25:25,775 --> 00:25:27,109
Uy. Kumusta, Kate?

304
00:25:27,193 --> 00:25:28,945
-Nandito ba ang tiyo ko?
-Wala pa.

305
00:25:29,028 --> 00:25:32,323
Ipapakita ko sa 'yo
ang nangyari sa Mustang kahapon.

306
00:25:32,406 --> 00:25:34,325
Iiyak ka, nakakapanlumo.

307
00:25:34,408 --> 00:25:36,494
Hindi. Grabe.

308
00:25:36,577 --> 00:25:39,121
Nangyari pagka-Starbucks ko
nang limang minuto.

309
00:25:39,914 --> 00:25:41,123
Ano'ng minamaneho mo?

310
00:25:42,083 --> 00:25:44,335
-2011 GT.
-Astig.

311
00:25:44,418 --> 00:25:45,753
Pabayaan mo na ang yupi.

312
00:25:45,836 --> 00:25:50,591
Oo, naisahan ka nila.
Meron akong '66 Mustang convertible.

313
00:25:50,675 --> 00:25:53,886
Nasa anak ko 'yon ngayon,
pero matagal kong gamit iyon.

314
00:25:53,970 --> 00:25:55,972
-Masuwerteng bata.
-Alam ko.

315
00:25:57,682 --> 00:25:58,683
Tiyo George.

316
00:25:59,141 --> 00:26:01,394
Ang ganda palaging makita ka
sa ganitong ilaw.

317
00:26:01,477 --> 00:26:04,397
Kilala mo naman siguro
ang kausap mo rito, tama?

318
00:26:04,480 --> 00:26:09,527
Si Billy McBride 'to, ang abogadong
pinulbos ang Tillinger para sa 600 milyon.

319
00:26:10,319 --> 00:26:12,697
Masaya akong wala ka
nang mag-aregluhan kami.

320
00:26:15,241 --> 00:26:18,995
Oo, alam ko. Napanood kita sa balita
na iniiwasan ang sisi.

321
00:26:20,997 --> 00:26:23,416
Ligtas ang produkto namin
'pag ginamit nang maayos.

322
00:26:23,499 --> 00:26:24,500
Talaga?

323
00:26:25,001 --> 00:26:28,713
Ang pamangkin ko ang may hawak ng lab.
Tanungin mo siya.

324
00:26:30,256 --> 00:26:32,842
Ligtas ang Trimadone
kapag ginamit nang tama.

325
00:26:33,884 --> 00:26:37,221
Malaking bilang ng mga bangkay
ang iba ang sinasabi.

326
00:26:37,972 --> 00:26:40,308
Tapos na ang kaso namin, Billy. Kaya…

327
00:26:41,142 --> 00:26:44,395
Pwede akong tumayo rito magdamag
at buksan ang kaso.

328
00:26:44,478 --> 00:26:47,565
O pwede akong umorder ng
malamig na martini at bloody ribeye.

329
00:26:47,648 --> 00:26:51,319
Madaling sagutin. Gutom ka?

330
00:26:52,445 --> 00:26:54,322
Oo. Sobra.

331
00:26:55,406 --> 00:26:56,615
Masayang makilala ka, Billy.

332
00:26:57,575 --> 00:26:59,994
Good luck sa pagpaparusa sa Russell Drug.

333
00:27:00,077 --> 00:27:01,370
Salamat.

334
00:27:16,719 --> 00:27:17,803
Pasensya na, huli ako.

335
00:27:18,304 --> 00:27:19,180
Ayos lang.

336
00:27:20,348 --> 00:27:22,975
Medyo natapilok lang ako
papunta rito, kaya…

337
00:27:23,059 --> 00:27:24,101
Talaga? Ayos ka lang?

338
00:27:24,185 --> 00:27:26,854
Oo. 'Yong siko ko lang…

339
00:27:27,646 --> 00:27:31,525
at ang ego ko ang pinakanasaktan,
pero magiging ayos lang ako.

340
00:27:32,276 --> 00:27:34,236
Pwede namang sa susunod na lang.

341
00:27:34,320 --> 00:27:37,698
Syempre, hindi.
Buong araw kong hinintay 'to.

342
00:27:37,782 --> 00:27:39,909
-Pwedeng makuha ang coat mo?
-Salamat.

343
00:27:40,826 --> 00:27:43,579
-Ayos lang kung sa bar tayo?
-Ayos lang sa akin.

344
00:27:47,041 --> 00:27:50,544
Nakausap ko si George Zax.

345
00:27:51,128 --> 00:27:53,672
-Nandito siya?
-Oo. Naroon siya.

346
00:27:55,174 --> 00:27:58,386
At mukhang masaya iyon.
Napakagago ng taong iyon.

347
00:27:59,178 --> 00:28:01,263
Oo. Sang-ayon ako riyan.

348
00:28:03,015 --> 00:28:05,518
Oo. Ayos lang ako, salamat.

349
00:28:07,186 --> 00:28:10,731
Hindi, gusto namin ang usapang iyon.

350
00:28:11,607 --> 00:28:12,817
Sasabihin ko sa kanya.

351
00:28:15,236 --> 00:28:18,614
Sige, usap tayo bukas ng umaga.
Salamat, paalam.

352
00:28:20,866 --> 00:28:24,703
Gusto ni Griffin Petock
na makipag-areglo para sa Russell Drug.

353
00:28:24,787 --> 00:28:26,872
Ayos na hula. Oo, gusto nga niya.

354
00:28:26,956 --> 00:28:28,416
Halata naman.

355
00:28:29,708 --> 00:28:30,793
Para sa areglo?

356
00:28:31,794 --> 00:28:32,962
Para sa areglo.

357
00:28:34,505 --> 00:28:36,924
Hindi ko maiinom 'to.
Sumasakit ang ulo ko.

358
00:28:37,007 --> 00:28:38,217
Ayos lang.

359
00:28:39,885 --> 00:28:44,056
Hindi ka interesado sa pagdinig?

360
00:28:46,392 --> 00:28:48,477
Interesado ako sa paggawa ng tama.

361
00:28:48,561 --> 00:28:51,147
Kung areglo iyon, iyon ang gagawin natin.

362
00:28:53,315 --> 00:28:57,319
Pakiramdam ko, kakasimula ko lang.
Pero alam mo, naiintindihan ko.

363
00:28:58,362 --> 00:29:02,741
Masaya lang akong halos patapos na 'to.

364
00:29:04,994 --> 00:29:07,955
Oo, at mukhang makakatulong
ang malalaking areglong 'to

365
00:29:08,038 --> 00:29:09,790
para maayos ng kumpanya ang finances.

366
00:29:14,587 --> 00:29:15,796
Paano mo nalaman iyan?

367
00:29:17,131 --> 00:29:18,466
Hindi ko alam.

368
00:29:23,679 --> 00:29:24,805
Gago ka.

369
00:29:25,431 --> 00:29:27,016
Iyon ang sabi nila.

370
00:29:30,811 --> 00:29:32,396
Ano'ng nangyari?

371
00:29:35,065 --> 00:29:37,318
Namatay ang tatay ko at umalis lahat.

372
00:29:38,652 --> 00:29:42,907
May mga nanatiling kliyente,
pero marami ang umalis na lang bigla.

373
00:29:43,657 --> 00:29:44,992
Oo, mahirap 'yon.

374
00:29:45,075 --> 00:29:46,118
Oo.

375
00:29:46,869 --> 00:29:51,415
Maraming nanghingi ng paumanhin,
nag-condolence, nagbigay ng bulaklak.

376
00:29:52,041 --> 00:29:56,712
Mga regalo, pero hindi naman mapapatakbo
ang kumpanyang mga regalo, kaya…

377
00:29:58,130 --> 00:30:00,508
Naiintindihan ko naman. Totoo.

378
00:30:00,591 --> 00:30:05,804
'Di rin ako tataya
sa sirang kalakal. Kaya…

379
00:30:06,597 --> 00:30:09,266
Ayokong ganyan
ang sinasabi mo sa sarili mo.

380
00:30:11,227 --> 00:30:15,314
Babae akong may Multiple Sclerosis.
Alam ko kung ano'ng tingin nila sa 'kin.

381
00:30:15,397 --> 00:30:19,109
May alam ako sa mga sirang kalakal,
at hindi ka ganoon.

382
00:30:21,695 --> 00:30:22,947
Ang bait mo talaga.

383
00:30:24,114 --> 00:30:25,324
Katotohanan lang.

384
00:30:29,954 --> 00:30:32,665
Dapat patay na ako ngayon.

385
00:30:33,707 --> 00:30:36,252
Natatakot talaga roon ang mga tao.

386
00:30:36,335 --> 00:30:37,711
Ano ka ba?

387
00:30:37,795 --> 00:30:39,255
Hindi kita niloloko.

388
00:30:40,881 --> 00:30:42,925
Sabi ng doktor, tatlong taon na lang ako.

389
00:30:45,553 --> 00:30:47,638
At tatlong taon at kalahati na.

390
00:30:49,223 --> 00:30:53,686
Nandito ka. Kita mo? Hindi natin masasabi.

391
00:30:58,816 --> 00:31:00,609
May alam ang mga doktor.

392
00:31:01,068 --> 00:31:02,570
Puro kagaguhan ang mga doktor.

393
00:31:03,821 --> 00:31:06,824
Nabaril ako, namatay, bumalik.

394
00:31:06,907 --> 00:31:09,410
Nakaupo rito nang kasama ka,
'di nila maintindihan.

395
00:31:11,912 --> 00:31:15,332
Maraming bagay na hindi natin alam.

396
00:31:15,416 --> 00:31:16,333
Alam mo?

397
00:31:16,417 --> 00:31:19,169
Minsan, pinangungunahan natin
ang mga buhay natin.

398
00:31:21,088 --> 00:31:26,427
O baka kakaibang suwerte lang talaga,
o hiram na oras, ewan.

399
00:31:28,554 --> 00:31:29,722
Oo.

400
00:31:34,893 --> 00:31:36,562
Oo, para ngang…

401
00:31:38,105 --> 00:31:39,398
hiram na oras.

402
00:31:58,334 --> 00:31:59,501
Lintik.

403
00:32:03,213 --> 00:32:04,590
Ayos lang.

404
00:32:06,550 --> 00:32:08,552
-Seryoso…
-Pwedeng umalis ka na?

405
00:32:10,054 --> 00:32:12,765
Gusto mong umalis ako? Paanong alis?

406
00:32:12,848 --> 00:32:15,225
Gusto kong umalis rito,

407
00:32:15,309 --> 00:32:18,479
pero hindi ko magawa
dahil ayoko uling madapa, kaya…

408
00:32:22,524 --> 00:32:23,609
Sige.

409
00:32:26,111 --> 00:32:29,615
Lalabas ako at magyoyosi,
pero babalik ako pagtapos ng isang minuto.

410
00:32:35,496 --> 00:32:37,748
Mukhang mahirap na kalagayan.

411
00:32:37,831 --> 00:32:41,460
Ayoko siyang saktan,
pero kung hindi mo aayusin,

412
00:32:41,543 --> 00:32:43,045
lagot ka talaga.

413
00:32:43,837 --> 00:32:45,464
Tanga si Dylan.

414
00:32:45,547 --> 00:32:47,633
Kailangan mo ng mas mahusay na partner.

415
00:32:48,300 --> 00:32:49,218
Si Fern kaya?

416
00:32:51,595 --> 00:32:56,016
Marami siyang galit.
At mas malakas siyang sumuntok.

417
00:32:56,725 --> 00:32:58,477
Baka matalo pa ako.

418
00:33:00,646 --> 00:33:01,689
Okey.

419
00:33:03,565 --> 00:33:06,819
Kung papabayaran ko sa kompanya 'to,
negosyo ang pag-usapan natin.

420
00:33:07,611 --> 00:33:09,905
Kumusta ang Amurzyn?

421
00:33:10,948 --> 00:33:14,451
Tiyo George,
alam kong ayaw mong marinig 'to pero…

422
00:33:14,535 --> 00:33:18,288
Okay. Gusto ko bang marinig
ang ayaw kong marinig?

423
00:33:18,956 --> 00:33:21,291
-Alam ko, pero…
-Ano'ng gusto kong marinig?

424
00:33:21,375 --> 00:33:23,585
-Pinag-usapan na natin 'to. Sabi mo…
-Kate?

425
00:33:30,050 --> 00:33:33,095
Gumagana ang bahaging anti-addictive
ng Amurzyn.

426
00:33:35,180 --> 00:33:38,058
Ayos. At?

427
00:33:40,602 --> 00:33:43,021
Dahan-dahan, ayusin mo.

428
00:33:46,859 --> 00:33:51,363
Pero paano kung ang side effects
sa katagalan ay 'di papasa sa FDA?

429
00:33:53,157 --> 00:33:56,452
Parang hindi kita narinig nang maayos.

430
00:33:57,828 --> 00:33:58,954
Subukan mo ulit.

431
00:34:00,205 --> 00:34:02,791
-Kung ang oras ay gaya ng pinangako mo…
-Okey, walang…

432
00:34:03,625 --> 00:34:05,627
Hindi tayo nagkakaintindihan.

433
00:34:08,130 --> 00:34:10,132
Ngayon na ang oras, Kate.

434
00:34:11,300 --> 00:34:14,511
Ngayon ang perpektong oras.

435
00:34:16,847 --> 00:34:18,599
Gusto mo uling subukan?

436
00:34:20,642 --> 00:34:24,980
Ang Amurzyn ay non-addictive,
at epektibong pampamanhid na opioid.

437
00:34:25,731 --> 00:34:28,233
Aprubado ng FDA at pwede na sa merkado.

438
00:34:30,819 --> 00:34:32,571
Ang gandang balita niyan.

439
00:34:34,823 --> 00:34:36,033
Kumusta ang steak mo?

440
00:34:50,214 --> 00:34:51,381
Uy, kumusta?

441
00:34:51,465 --> 00:34:54,051
Uy, sinabi ba sa 'yo ni Sam?

442
00:34:54,134 --> 00:34:55,135
Sinabi ang alin?

443
00:34:55,928 --> 00:35:00,140
Nakuha ko.
Nakuha ko ang equity partnership.

444
00:35:00,849 --> 00:35:02,017
Ang galing no'n.

445
00:35:02,100 --> 00:35:06,396
Oo, ang bigat ng capital contribution,
pero bukod doon…

446
00:35:06,480 --> 00:35:09,817
Welcome sa mundo ng equity partnership.

447
00:35:09,900 --> 00:35:12,236
Salamat sa pagsasabi sa 'kin
ng magandang balita.

448
00:35:13,987 --> 00:35:16,615
Kailangan ko nang ibaba. Paalam.

449
00:35:23,997 --> 00:35:26,375
Uy! Hi.

450
00:35:28,043 --> 00:35:30,546
-Nasaan ang kasama mo?
-Mama.

451
00:35:30,629 --> 00:35:33,590
Hanapin 'yang "Mama" na 'yan. Halika rito.

452
00:35:34,216 --> 00:35:36,218
Oo. Alam ko.

453
00:35:36,301 --> 00:35:38,053
-Izzie?
-Tara na?

454
00:35:38,220 --> 00:35:41,139
Diyos ko. Pasensya na.
Bigla na lang siyang nawala at…

455
00:35:41,223 --> 00:35:45,519
-Sa 'yo ba 'to? Gusto mo kay "Mama?"
-Emergency babysitting 'to.

456
00:35:45,602 --> 00:35:48,814
Wala akong pagpipilian
pagdating sa pag-aalaga ng bata.

457
00:35:48,897 --> 00:35:50,732
-Nasa opisina ko siya.
-Paumanhin.

458
00:35:50,816 --> 00:35:52,901
-Kaya kinuha ko siya.
-Nasa baba si Mama.

459
00:35:52,985 --> 00:35:55,445
Galit talaga siya sa 'kin. Tara na, Izzie.

460
00:35:55,529 --> 00:35:58,699
-Huwag mong gawin 'to.
-Pwede kitang samahan sa baba.

461
00:35:58,782 --> 00:35:59,825
-Talaga?
-Oo.

462
00:35:59,908 --> 00:36:01,869
-Kung ayos lang.
-Ayos lang.

463
00:36:01,952 --> 00:36:04,288
Gusto mong bumaba?
Hanapin natin si "Mama."

464
00:36:04,371 --> 00:36:05,581
Hanapin natin si Mama.

465
00:36:05,664 --> 00:36:07,249
-Sige.
-Salamat.

466
00:36:15,132 --> 00:36:18,594
Congratulations.
Ang partnership mo. Ayos iyon.

467
00:36:18,677 --> 00:36:21,471
-Salamat.
-Oo. Pinaghirapan mo iyon.

468
00:36:22,764 --> 00:36:23,891
Pinaghirapan ko.

469
00:36:24,683 --> 00:36:25,517
Talaga?

470
00:36:27,227 --> 00:36:29,813
Uy! Paalam!

471
00:36:30,606 --> 00:36:31,857
Uy, anak.

472
00:36:33,942 --> 00:36:35,068
-Tara dito.
-Pasensya na.

473
00:36:36,653 --> 00:36:37,779
Paalam.

474
00:36:37,863 --> 00:36:39,573
Ano'ng nangyari? Nawala mo ba siya?

475
00:36:39,656 --> 00:36:41,158
Hindi, syempre.

476
00:36:41,241 --> 00:36:42,367
Oo, okay.

477
00:36:42,451 --> 00:36:44,578
Bakit ba lagi mong iniisip…

478
00:37:45,138 --> 00:37:49,601
Binayaran na ni Miss Margolis ang bill.
May gusto ka bang iuwi?

479
00:37:50,519 --> 00:37:51,979
Hindi. Ang coat ko lang.

480
00:37:53,772 --> 00:37:55,649
-Magandang gabi.
-Oo.

481
00:39:51,473 --> 00:39:52,599
Uy, Billy.

482
00:39:53,642 --> 00:39:54,976
Ako si Tom True.

483
00:39:56,061 --> 00:39:57,187
Kailangan mag-usap tayo.

484
00:39:59,439 --> 00:40:00,774
Okey, pasok ka.

485
00:40:04,986 --> 00:40:09,449
Billy, tanungin mo ang sarili mo
kung paano ka napunta rito.

486
00:40:11,827 --> 00:40:12,994
Ano 'to?

487
00:40:13,620 --> 00:40:16,873
Attorney advisory letter
mula sa Cooperman-McBride.

488
00:40:17,582 --> 00:40:19,459
Nagtrabaho ka dati para sa Zax Pharma.

489
00:40:31,179 --> 00:40:33,014
"1995."

490
00:40:34,933 --> 00:40:37,769
25 taon na ang nakakaraan.
'Di ko na tanda iyan.

491
00:40:37,853 --> 00:40:39,146
Walang rason para tandaan.

492
00:40:39,229 --> 00:40:41,731
Libo-libong ganito na rin ang naisulat ko.

493
00:40:41,815 --> 00:40:43,817
'Di ko na tanda ang karamihan.

494
00:40:44,401 --> 00:40:48,488
Ang totoo, inasahan na ng Zax na 'di mo
tandang nagtrabaho ka para sa kanila.

495
00:41:00,167 --> 00:41:02,335
"Base sa mga paunang ulat ng lab,

496
00:41:03,628 --> 00:41:08,967
"mapanganib sa kalusugan ang Amurzyn
at hindi ligtas para gamitin ng tao.

497
00:41:09,050 --> 00:41:12,762
"Agarang ihinto ang pananaliksik
at paggawa ng nasabing droga,

498
00:41:12,846 --> 00:41:15,015
"kabilang ang lahat ng clinical trials,

499
00:41:15,098 --> 00:41:18,268
"at tanggalin ang produkto mula sa
proseso ng pag-apruba ng FDA."

500
00:41:18,977 --> 00:41:20,645
At kung ano-ano pa.

501
00:41:20,729 --> 00:41:22,898
"Isinumite ni…" Oo, ako.

502
00:41:22,981 --> 00:41:27,194
'Di ba? Bale, sinunod ng Zax ang payo mo,
kinalimutan ang Amurzyn

503
00:41:27,861 --> 00:41:30,530
at binenta sa merkado ang Trimadone.

504
00:41:30,614 --> 00:41:33,408
Pero walang kinalaman 'yon.

505
00:41:34,367 --> 00:41:37,829
Nagtrabaho ako para sa Zax,
kaya hindi ko sila makakasuhan.

506
00:41:37,913 --> 00:41:40,248
At 'di ako pwedeng tumuloy
sa pagtuklas ng kung ano.

507
00:41:41,124 --> 00:41:43,877
Habambuhay nang kliyente
ang isang kliyente.

508
00:41:44,753 --> 00:41:46,338
Lintik.

509
00:41:50,300 --> 00:41:52,969
Sana dati pa tayo nagkakilala,

510
00:41:53,053 --> 00:41:56,348
pero 'di ako sigurado
kung kakampi mo ang Zax o hindi.

511
00:41:56,431 --> 00:41:59,017
Oo, 'di kita masisi kung nag-iingat ka.

512
00:41:59,643 --> 00:42:03,605
Saan mo nahanap 'to?
Confidential na produkto ito.

513
00:42:03,688 --> 00:42:04,564
Oo.

514
00:42:04,648 --> 00:42:07,734
Nagmula 'to sa loob ng Zax.
Isang nakakataas.

515
00:42:07,817 --> 00:42:08,944
May tumawag sa'kin.

516
00:42:09,945 --> 00:42:11,029
May tumawag sa'yo?

517
00:42:12,739 --> 00:42:13,740
Okey.

518
00:42:15,742 --> 00:42:18,119
Tawag na akala ko ay si Greg Wetzel.

519
00:42:18,203 --> 00:42:19,996
Oo. Hindi, babae iyon.

520
00:42:20,080 --> 00:42:23,333
Nasa trenta, kwarenta anyos?
Walang pangalan, pero kabado.

521
00:42:24,376 --> 00:42:27,504
Sumunod na araw, may liham sa pintuan ko.

522
00:42:27,587 --> 00:42:30,298
Itinanim nila si Greg Wetzel
sa apartment mo.

523
00:42:30,382 --> 00:42:32,050
Gusto nilang hanapin ko siya.

524
00:42:32,133 --> 00:42:35,720
Para makipag-areglo ako sa Tillinger
dahil sa kalokohang banta.

525
00:42:36,596 --> 00:42:40,725
At kung isinuko nila itong si Wetzel,
na may mabigat na impormasyon,

526
00:42:40,809 --> 00:42:43,228
may tinatago silang mas malala.

527
00:42:43,311 --> 00:42:46,690
Isipin mo ang halagang nakuha nila
sa pagbebenta ng Trimadone ng Zax

528
00:42:46,773 --> 00:42:50,026
kapag napatalsik ka nila sa 600 milyon.

529
00:42:51,903 --> 00:42:55,365
Naisip ko ngang ang bilis nilang sumuko.

530
00:42:57,117 --> 00:43:01,162
Pagkakuha ko ng liham na 'to, nagtago ako
para protektahan ang sarili ko.

531
00:43:02,497 --> 00:43:06,543
Kinuha ka ng Margolis and True,
William Hamilton McBride,

532
00:43:06,626 --> 00:43:10,672
isang taong 'di pwedeng magbukas ng kaso
laban sa Zax Pharma.

533
00:43:16,011 --> 00:43:18,179
Hindi ito nagkataon. Pinag-isipan 'to.

534
00:43:19,139 --> 00:43:22,976
Alam mo kung sino'ng nag-iisip.
At hindi iyon si George Zax.

535
00:43:24,936 --> 00:43:26,229
Si Sam.

536
00:43:26,313 --> 00:43:27,397
Si Sam.

537
00:43:30,025 --> 00:43:32,193
Binigay niya ang susi mo sa apartment.

538
00:43:32,944 --> 00:43:34,571
Sa kumpanya iyon.

539
00:43:34,654 --> 00:43:37,574
At syempre, masaya siyang tulungan ka.

540
00:43:47,542 --> 00:43:49,794
Mahal ko siya
na parang sarili ko nang anak.

541
00:43:51,963 --> 00:43:52,922
'Di magbabago 'yon.

542
00:43:56,343 --> 00:43:59,429
Pero si Sam,
malaki ang responsibilidad niya, alam mo?

543
00:43:59,512 --> 00:44:02,807
Gusto niya lang iligtas ang firm
ng tatay niya mula sa pagkalugi.

544
00:44:02,891 --> 00:44:05,393
At nakipagkasundo siya
sa demonyo para gawin iyon.

545
00:44:11,566 --> 00:44:12,901
Sobra akong nalulungkot.

546
00:44:16,654 --> 00:44:19,157
Nangako ako kay Samuel
na babantayan ko ang anak niya.

547
00:44:21,076 --> 00:44:22,702
Baka hindi pa huli ang lahat.

548
00:44:22,786 --> 00:44:24,037
Hindi ko alam.

549
00:44:24,829 --> 00:44:28,291
Baka makahanap ka ng paraan,
mas magaling kang abogado kaysa sa 'kin.

550
00:44:29,167 --> 00:44:30,627
Hindi ko sigurado riyan,

551
00:44:31,795 --> 00:44:35,465
pero pwede nating pagtulungan 'to.
May alam na ako ngayon.

552
00:44:40,053 --> 00:44:41,221
Oo.

553
00:44:41,971 --> 00:44:43,390
Salamat talaga rito.

554
00:44:44,641 --> 00:44:45,767
Okey.

555
00:44:52,315 --> 00:44:53,441
Oo, si Frank 'to.

556
00:44:54,984 --> 00:44:58,154
Pakausap sa kanya!

557
00:45:01,616 --> 00:45:03,993
Nagkakagulo na sa kapitbahayan.

558
00:47:39,274 --> 00:47:41,276
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Jessica Ignacio

559
00:47:41,359 --> 00:47:43,361
Mapanlikhang Superbisor
Maribeth Pierce

