1
00:00:06,006 --> 00:00:08,633
Si Deborah Glass. Hindi ko siya natawagan.

2
00:00:08,633 --> 00:00:12,053
Tinanggal ako ni Suarez
sa Scott Glass case.

3
00:00:12,053 --> 00:00:13,388
Mahirap magkaambisyon.

4
00:00:13,388 --> 00:00:14,723
Tarantado ka, Haller.

5
00:00:14,723 --> 00:00:17,726
Ano pa'ng nalaman mo
noong nagkita kayo ni Trina Rafferty?

6
00:00:17,726 --> 00:00:20,020
Inamin ni Gloria
'yong pagtatanim ng baril.

7
00:00:20,020 --> 00:00:21,312
Objection, hearsay.

8
00:00:21,312 --> 00:00:24,482
Sa utos ng DEA agent na si James De Marco.

9
00:00:24,482 --> 00:00:26,192
'Yong investigator mo't asawa niya,

10
00:00:26,192 --> 00:00:28,987
kung may gusto silang malaman,
magtanong sila sa 'kin.

11
00:00:28,987 --> 00:00:30,155
Nandito lang ako.

12
00:00:30,155 --> 00:00:33,074
May bagong ebidensiya tayo
laban kay De Marco. Malaki.

13
00:00:33,074 --> 00:00:34,409
Bingo.

14
00:00:34,409 --> 00:00:36,453
Papayagan ko nang tumestigo si De Marco.

15
00:00:36,453 --> 00:00:38,580
Babantayan kita.

16
00:00:38,580 --> 00:00:42,042
Natanggap ni Gloria Dayton ang subpoena
noong gabi ng August 3.

17
00:00:42,042 --> 00:00:44,252
Tapos 41 minutes later,
tinawagan niya 'yon.

18
00:00:44,252 --> 00:00:46,129
Pwede mong i-dial 'yong number?

19
00:00:46,129 --> 00:00:48,298
<i>Drug Enforcement Administration.</i>

20
00:00:48,298 --> 00:00:50,175
E, itong nakasombrerong 'to?

21
00:00:50,175 --> 00:00:52,135
Mukhang sinusundan niya si Gloria.

22
00:00:52,135 --> 00:00:54,387
Si Neil Bishop 'yong nakasombrero.

23
00:00:54,387 --> 00:00:56,723
Sino'ng nagbigay ng cocaine? Kilala mo?

24
00:00:56,723 --> 00:01:00,435
Hector something daw
ang pangalan niya. Moya?

25
00:01:00,435 --> 00:01:03,646
Hindi ako traidor. Alam mo 'yan.
Pwede akong balikan no'n.

26
00:01:03,646 --> 00:01:06,191
- E, kung hindi inumin?
- Parking lot.

27
00:01:07,025 --> 00:01:09,778
Si James De Marco.
Hawak ka niya sa leeg, 'no?

28
00:01:09,778 --> 00:01:11,071
- Mr. Haller?
- Ano ba?

29
00:01:13,198 --> 00:01:17,994
Kung may natutunan man ako,
kailangan mong pakawalan 'yong mga multo,

30
00:01:17,994 --> 00:01:19,996
kung hindi, hihilahin ka nila pababa,

31
00:01:19,996 --> 00:01:22,624
tapos di ka na
magiging magaling na abogado.

32
00:01:22,624 --> 00:01:23,666
Di pwedeng patagalin.

33
00:01:23,666 --> 00:01:26,086
Kailangan niyang makalabas.
Di na niya kakayanin.

34
00:02:15,510 --> 00:02:16,344
Hello?

35
00:02:16,886 --> 00:02:17,971
Oo, ako nga.

36
00:02:19,597 --> 00:02:23,143
Ano? Ano'ng sinasabi mo? Kailan?

37
00:02:23,977 --> 00:02:25,103
Papunta na ako.

38
00:02:27,939 --> 00:02:30,400
Nasa ospital si Julian.
Inatake daw ng inmate.

39
00:02:30,400 --> 00:02:32,652
- Punyeta.
- Oh my God. Paanong inatake?

40
00:02:32,652 --> 00:02:35,655
Sinaksak daw
habang tina-transfer galing sa county.

41
00:02:35,655 --> 00:02:38,741
Teka, pan'o nangyari 'yon?
Wala bang guard na nagguguwardiya?

42
00:02:38,741 --> 00:02:41,703
Kung gusto kang tirahin sa kulungan,
titirahin ka. Malala ba?

43
00:02:42,287 --> 00:02:44,873
Di ko pa alam. Papunta na ako sa ospital.

44
00:02:44,873 --> 00:02:47,876
Lorna, tawagan mo 'yong clerk ni Judge.
Sabihin mo ang nangyari.

45
00:02:47,876 --> 00:02:50,503
<i>Baka i-postpone niya ang hearing
habang inaalam ko pa.</i>

46
00:02:50,503 --> 00:02:51,421
Okay.

47
00:02:51,421 --> 00:02:54,048
Para makaisip pa tayo
kung paano pipigilan ang mistrial.

48
00:02:54,048 --> 00:02:55,967
Teka. Mistrial?

49
00:02:55,967 --> 00:02:58,428
Magmo-move agad si Forsythe
para sa mistrial.

50
00:02:58,428 --> 00:03:00,680
Alam nilang
nakukuha natin ang loob ng jury,

51
00:03:00,680 --> 00:03:03,224
kaya gagamitin niya 'to
para magsimula ulit.

52
00:03:03,224 --> 00:03:06,019
'Yon ang gagawin ko.
Cisco, alamin mo kung sino'ng sumaksak.

53
00:03:06,019 --> 00:03:08,271
Kung may koneksiyon ba
kay Bishop o De Marco.

54
00:03:08,271 --> 00:03:10,732
- Sige.
- Tingin mo, si De Marco ang may pakana?

55
00:03:10,732 --> 00:03:12,775
<i>Di ko pa mapatunayan, pero posible.</i>

56
00:03:12,775 --> 00:03:15,486
Pag nawala si Julian,
mababasura 'yong kaso.

57
00:03:16,112 --> 00:03:19,991
Ibig sabihin, uulit tayo sa umpisa.
Mag-iisang taon pa si Julian sa kulungan.

58
00:03:19,991 --> 00:03:20,950
Oh my God.

59
00:03:20,950 --> 00:03:24,370
Wag tayong pumayag sa mistrial.
Lorna, maghanap ka ng precedent.

60
00:03:24,370 --> 00:03:26,831
Trials na nagpatuloy
kahit wala 'yong defendant.

61
00:03:26,831 --> 00:03:29,209
Male-late na ako sa McCrudden hearing,

62
00:03:29,209 --> 00:03:31,836
pero magse-set lang ng pretrial
kaya mabilis lang 'yon.

63
00:03:31,836 --> 00:03:35,798
Magkita tayo sa courtroom ni Judge Turner.
Maghanda ka ng sasabihin.

64
00:03:35,798 --> 00:03:36,966
Okay, sige.

65
00:03:36,966 --> 00:03:40,762
Izzy, magkita tayo sa ospital.
Aalis ako agad. Ikaw muna do'n.

66
00:03:40,762 --> 00:03:41,721
Papunta na.

67
00:03:41,721 --> 00:03:43,139
Sige, see you.

68
00:03:53,024 --> 00:03:55,443
- Ingat.
- Nakita ko 'yon.

69
00:03:55,443 --> 00:03:57,779
Oo naman, lagi mong sinasabi 'yan.

70
00:03:57,779 --> 00:04:00,240
Ang ending,
matatapunan ng kape ang tie mo.

71
00:04:02,533 --> 00:04:04,369
Nawala ka sa focus, e.

72
00:04:05,870 --> 00:04:08,122
Ginawa ko lahat ng naisip kong
dapat gawin.

73
00:04:08,623 --> 00:04:10,541
Pinalipat ko siya sa protective housing.

74
00:04:10,541 --> 00:04:13,253
Sabi pa ni Moya,
babantayan siya ng mga tropa niya.

75
00:04:13,253 --> 00:04:15,171
Hindi 'yon ang sinasabi ko.

76
00:04:15,171 --> 00:04:18,716
Kung sinabi mo 'yong totoo,
di sana mangyayari 'to.

77
00:04:18,716 --> 00:04:19,926
Naisip mo ba 'yon?

78
00:04:19,926 --> 00:04:21,886
Ginawa ko ang dapat kong gawin.

79
00:04:23,012 --> 00:04:24,389
Naisip mo ba kung bakit?

80
00:04:25,682 --> 00:04:27,809
Bakit di ko masabi sa 'yo?

81
00:04:30,812 --> 00:04:32,647
Di na importante 'yon, di ba?

82
00:04:33,147 --> 00:04:35,525
Ang importante, ano'ng gagawin ko?

83
00:04:35,525 --> 00:04:37,819
Pabagsakin mo si De Marco.

84
00:04:37,819 --> 00:04:39,404
Sinusubukan ko nga.

85
00:04:39,404 --> 00:04:42,532
May proseso 'yan.
May rules na dapat sundin.

86
00:04:42,532 --> 00:04:43,700
Putragis 'yan.

87
00:04:43,700 --> 00:04:46,536
Hindi sumusunod sa rules
'yong mga gagong 'yon.

88
00:04:46,536 --> 00:04:49,122
Pag may humarang sa kanila,
papatayin nila.

89
00:04:49,622 --> 00:04:51,541
Tapos hinahayaan mo silang makalusot.

90
00:04:53,710 --> 00:04:55,670
Kailangan kita, Mickey Mantle.

91
00:04:56,587 --> 00:04:59,048
Kailangan mong manalo. Naiintindihan mo?

92
00:04:59,716 --> 00:05:02,677
Wag mong hayaang
maging kuwento na lang ako.

93
00:05:04,178 --> 00:05:05,847
Parusahan mo 'yong mga gagong 'yon.

94
00:05:06,931 --> 00:05:07,765
Para sa 'kin.

95
00:05:50,808 --> 00:05:52,727
Sorry, pero in custody po siya.

96
00:05:52,727 --> 00:05:55,063
Sinaksak siya,
pero inaalala n'yong tatakas siya?

97
00:05:55,063 --> 00:05:58,316
May procedures kami.
Di kayo nakalista as next of kin, kaya...

98
00:05:58,316 --> 00:06:00,318
Pero hindi... Diskriminasyon 'yan!

99
00:06:00,318 --> 00:06:04,864
Hindi. Pareho ang trato namin sa lahat
ng mag-asawa, ano man ang kasarian.

100
00:06:04,864 --> 00:06:07,283
Pero hindi kayo kasal ng pasyente.

101
00:06:07,283 --> 00:06:09,410
Excuse me, ako ang lawyer ng pasyente.

102
00:06:09,410 --> 00:06:12,455
Sana maintindihan n'yo.
Nag-aalala lang si Mr. Lyons.

103
00:06:12,455 --> 00:06:16,209
Oo. Promise, may magsasabi sa inyo
pag may update na tayo.

104
00:06:16,209 --> 00:06:20,129
Sa ngayon, ang masasabi ko lang,
inooperahan pa si Mr. La Cosse.

105
00:06:20,129 --> 00:06:22,006
Maupo po muna kayo.

106
00:06:22,006 --> 00:06:24,717
Sige po. Salamat po sa tulong. Tara na.

107
00:06:26,052 --> 00:06:26,886
Nakakaloka.

108
00:06:26,886 --> 00:06:28,888
Ginagawa lang nila ang trabaho nila.

109
00:06:28,888 --> 00:06:34,602
Hindi. Paano nasaksak si Julian?
Ni walang pumigil.

110
00:06:36,396 --> 00:06:38,731
Mickey, muntik na siyang mamatay.

111
00:06:38,731 --> 00:06:40,775
Okay? Pwede pa siyang mamatay. Si Julian...

112
00:06:41,984 --> 00:06:45,196
- Naiintindihan mo ba?
- Oo. Aalamin ko ang nangyari.

113
00:06:45,196 --> 00:06:47,073
Pinapaimbestigahan ko na.

114
00:06:48,908 --> 00:06:50,827
Sabi mo, sisiguraduhin mong safe siya.

115
00:06:51,953 --> 00:06:53,204
Tingnan mo 'yong nangyari.

116
00:07:02,338 --> 00:07:05,633
Case number BA72539.

117
00:07:05,633 --> 00:07:07,468
<i>People v. McCrudden.</i>

118
00:07:09,887 --> 00:07:12,557
BA72539.

119
00:07:13,057 --> 00:07:14,183
Narito ba ang counsel?

120
00:07:18,479 --> 00:07:22,150
Last chance. BA72539.

121
00:07:22,775 --> 00:07:25,403
Going once. Going twice.

122
00:07:25,403 --> 00:07:28,197
Your Honor, nakikita ko po 'yong counsel.

123
00:07:28,197 --> 00:07:30,032
- Pwedeng saglit lang po?
- Sure.

124
00:07:30,032 --> 00:07:32,326
Take your time lang, Ms. Freemann.

125
00:07:32,326 --> 00:07:35,121
Wala naman kaming importanteng gagawin.

126
00:07:36,330 --> 00:07:38,249
Lorna.

127
00:07:38,833 --> 00:07:40,042
Lorna!

128
00:07:40,042 --> 00:07:43,713
Ay, shit. Sorry, in the zone ako.
Tinawag na 'yong case ko?

129
00:07:43,713 --> 00:07:45,381
Oo. Tatlong beses.

130
00:07:47,008 --> 00:07:48,676
- Ayos ka lang?
- Hindi.

131
00:07:48,676 --> 00:07:50,344
Sinaksak si Julian La Cosse.

132
00:07:50,344 --> 00:07:52,972
Kailangan kong makipag-argue
sa judge mamaya.

133
00:07:52,972 --> 00:07:54,474
Oh my God. Sorry.

134
00:07:54,474 --> 00:07:56,601
Okay lang. Salamat, tinawag mo 'ko.

135
00:07:56,601 --> 00:07:57,560
Sige.

136
00:07:57,560 --> 00:07:59,312
Ano pala'ng ginagawa mo dito?

137
00:08:00,062 --> 00:08:02,523
- Naka-calendar duty ka?
- Unfortunately.

138
00:08:02,523 --> 00:08:04,901
Mahaba at nakaka-depress na kuwento.

139
00:08:04,901 --> 00:08:08,362
Anyway, nalulungkot ako para sa client mo.

140
00:08:08,362 --> 00:08:10,823
Sabihin mo kung may maitutulong ako.

141
00:08:11,324 --> 00:08:14,160
Gusto mong iatras 'tong kaso
para makaalis na ako?

142
00:08:14,160 --> 00:08:15,870
- Di ako gano'n kalungkot.
- Counsel.

143
00:08:15,870 --> 00:08:17,497
Tara na. Tapusin na natin 'to.

144
00:08:22,543 --> 00:08:25,171
Excuse me. Makikiraan. Excuse me!

145
00:08:44,732 --> 00:08:45,816
Cisco.

146
00:08:45,816 --> 00:08:48,152
Wala akong masasabi sa 'yo, okay?

147
00:08:48,152 --> 00:08:51,280
Gusto mong protektahan ang privacy
ng nanaksak ng kakosa?

148
00:08:51,280 --> 00:08:53,449
Hindi. Ayokong mawalan ng trabaho.

149
00:08:53,449 --> 00:08:55,660
Isa pa, hindi ako naka-duty kagabi.

150
00:08:55,660 --> 00:08:58,079
Para namang di n'yo pinag-uusapan 'yon.

151
00:08:58,079 --> 00:09:01,165
Tapos uupo ka diyan,
kunwari di mo narinig 'yong pangalan

152
00:09:01,165 --> 00:09:03,084
nang dalawampung beses kanina?

153
00:09:03,084 --> 00:09:04,627
Ano'ng point mo?

154
00:09:11,592 --> 00:09:15,137
Trabaho kong makakuha ng impormasyon
sa kahit anong paraan.

155
00:09:15,805 --> 00:09:17,640
Pwede akong manghikayat,

156
00:09:18,599 --> 00:09:19,976
pwede ring manakot.

157
00:09:21,227 --> 00:09:23,354
Wala akong oras para do'n ngayon,

158
00:09:23,354 --> 00:09:26,440
kasi baka di na abutin ng bukas
'yong client namin.

159
00:09:27,692 --> 00:09:31,153
Kaya humihingi ako ng konting awa, Ramon.

160
00:09:32,113 --> 00:09:34,198
At magalang kong hinihingi sa 'yo

161
00:09:35,616 --> 00:09:37,159
'yong pangalan no'ng tao.

162
00:09:46,544 --> 00:09:48,588
Ayan ka na naman, Mr. Haller.

163
00:09:49,088 --> 00:09:50,423
Bakit?

164
00:09:50,423 --> 00:09:52,049
Sinisisi mo ang sarili mo

165
00:09:52,049 --> 00:09:54,552
sa lahat ng nangyayari
sa mga tao sa buhay mo.

166
00:09:56,012 --> 00:09:56,971
Gano'n ba?

167
00:09:58,389 --> 00:10:02,476
Sabi ng Buddhists,
kahit gaano kasakit 'yong unang arrow,

168
00:10:02,476 --> 00:10:06,564
di hamak na mas masakit
'yong pangalawang arrow.

169
00:10:07,231 --> 00:10:08,899
Ano 'yong pangalawang arrow?

170
00:10:09,525 --> 00:10:12,153
'Yong ipinapana mo sa sarili mo

171
00:10:12,153 --> 00:10:14,447
para parusahan ang sarili mo
para do'n sa una.

172
00:10:15,323 --> 00:10:17,199
Sa LeBron app mo 'yan nakuha?

173
00:10:21,996 --> 00:10:24,123
Hindi mo kasalanan 'yon, Mr. Haller.

174
00:10:25,124 --> 00:10:26,834
Kahit 'yong nangyari sa 'kin.

175
00:10:30,296 --> 00:10:32,048
Sana kaya kong maniwala diyan.

176
00:10:34,050 --> 00:10:37,428
Matagal na akong sinasabihan ni Maggie
na delikado 'yong ginagawa ko,

177
00:10:37,428 --> 00:10:40,056
na balang-araw, mapapahamak ako.

178
00:10:41,390 --> 00:10:43,351
Pero di ako ang napahamak, 'no?

179
00:10:44,977 --> 00:10:46,228
Ikaw.

180
00:10:48,022 --> 00:10:51,609
Ang dami mong nauubos na oras at energy
sa pagiging guilty,

181
00:10:51,609 --> 00:10:55,446
pero di mo masyadong iniisip
kung paano ipapanalo ang kasong 'to.

182
00:10:55,946 --> 00:10:57,698
Mag-focus kayo, Mr. Haller.

183
00:10:59,200 --> 00:11:01,035
Saka laging magsi-seat belt.

184
00:11:24,225 --> 00:11:27,103
NASA SOLITARY SIYA
HANGGA'T DI PA NILA ALAM ANG GAGAWIN.

185
00:11:27,103 --> 00:11:29,105
TINATAGO MUNA ANG ID NIYA.

186
00:11:38,406 --> 00:11:41,283
Sumama ka na rin sa loob.

187
00:11:42,993 --> 00:11:43,869
Sige.

188
00:11:56,966 --> 00:12:01,512
Your Honor, ayokong maging insensitive,
pero balita ko, walang kasiguraduhan.

189
00:12:01,512 --> 00:12:04,140
Mawalang-galang na,
sa tingin ko, walang ibang option

190
00:12:04,140 --> 00:12:05,683
kundi mag-declare ng mistrial.

191
00:12:05,683 --> 00:12:08,144
Aba, masuwerte ang court

192
00:12:08,144 --> 00:12:10,938
at andito ka para ipaliwanag
'yong options, Mr. Forsythe.

193
00:12:10,938 --> 00:12:13,983
Your Honor, mahigpit na tumututol
ang defense sa mistrial.

194
00:12:13,983 --> 00:12:17,319
Hangga't di pa alam ang kondisyon
ni Mr. La Cosse, premature 'yon.

195
00:12:17,319 --> 00:12:21,532
Premature? Your Honor,
kahit mabuhay si Mr. La Cosse,

196
00:12:21,532 --> 00:12:23,534
malay natin kung kailan siya gagaling?

197
00:12:23,534 --> 00:12:26,120
Paghihintayin na lang ba natin 'yong jury?

198
00:12:26,120 --> 00:12:28,873
Judge, hindi pa ako sure,
pero sa tingin ko,

199
00:12:28,873 --> 00:12:33,461
posibleng sinaksak 'yong client ko
para magka-mistrial.

200
00:12:33,461 --> 00:12:35,629
Ano? Katarantaduhan.

201
00:12:35,629 --> 00:12:39,383
Mr. Bishop, ayusin n'yo ang asal n'yo
sa chambers ko, okay?

202
00:12:39,383 --> 00:12:40,968
Pasensiya na, Your Honor.

203
00:12:40,968 --> 00:12:43,971
Pero ayon sa lahat ng indikasyon,
malamang na hate crime 'yon.

204
00:12:43,971 --> 00:12:46,390
Gay si Mr. La Cosse.

205
00:12:46,390 --> 00:12:49,435
Iba-ibang klase ng inmate ang nasa county.

206
00:12:49,435 --> 00:12:51,979
Hindi sila mahirap galitin.

207
00:12:51,979 --> 00:12:55,024
Alam na ba natin kung sino'ng sumaksak?

208
00:12:55,024 --> 00:12:58,569
Hindi pa po, Your Honor. Inaalam ko pa po.

209
00:12:59,236 --> 00:13:03,365
Pangit man ang pagkakasabi, Mr. Haller,
ikinalulungkot ko pero may point sila.

210
00:13:03,365 --> 00:13:06,118
Limitado ang oras ng korte para maghintay.

211
00:13:06,118 --> 00:13:07,787
Baka di na kailangang maghintay.

212
00:13:07,787 --> 00:13:11,207
Buong umaga akong nasa ospital,
kaya kung okay lang po,

213
00:13:11,207 --> 00:13:15,002
ipapasa ko na sa cocounsel kong
si Ms. Crane ang pagsasalita.

214
00:13:19,340 --> 00:13:20,841
May it please the court.

215
00:13:20,841 --> 00:13:24,428
Malaking perhuwisyo 'yon
pag nagdeklara ng mistrial ngayon,

216
00:13:24,428 --> 00:13:28,516
hindi lamang kay Mr. La Cosse,
kundi sa taxpayers ng Los Angeles

217
00:13:28,516 --> 00:13:31,393
na malaki na ang ginastos sa kasong 'to.

218
00:13:31,393 --> 00:13:36,065
Malaki na rin ang ginastos ni Mr. La Cosse
sa pagbubuo ng defense,

219
00:13:36,065 --> 00:13:40,277
dagdag pa 'yong matinding epekto
ng pagkakakulong sa katawan niya.

220
00:13:40,277 --> 00:13:43,656
At marahil ang pinakamahalaga,
alam na ni Mr. Forsythe

221
00:13:43,656 --> 00:13:46,617
at ng team niya
ang pinaghirapang strategy ng defense,

222
00:13:46,617 --> 00:13:49,787
at magkakaro'n siya ng unfair advantage
pag inulit 'yong trial.

223
00:13:49,787 --> 00:13:52,373
Unfair din naman
ang magiging advantage ng defense

224
00:13:52,373 --> 00:13:54,959
dahil alam na nila ang strategy namin.

225
00:13:54,959 --> 00:13:57,253
Mabuti na lang, may remedy tayo do'n.

226
00:13:57,253 --> 00:14:01,340
Ayon sa Rule 43
ng Federal Rules of Criminal Procedure,

227
00:14:01,340 --> 00:14:04,552
posibleng litisin in absentia
ang defendant.

228
00:14:04,552 --> 00:14:07,263
Bagama't madalas 'yong ginagamit
dahil sa masamang asal

229
00:14:07,263 --> 00:14:08,597
o pag pinili ng defendant,

230
00:14:08,597 --> 00:14:11,767
walang pumipigil sa ating
ipatupad ang rule na 'yon dito.

231
00:14:11,767 --> 00:14:14,854
Sure, at sabi sa Section 977
ng California Penal Code,

232
00:14:14,854 --> 00:14:17,815
na namamahala sa mga trial
sa state na 'to,

233
00:14:17,815 --> 00:14:20,943
dapat personal na nasa trial ang defendant

234
00:14:20,943 --> 00:14:24,488
maliban kung malinaw nilang ipapaubaya
ang karapatang 'yon nang nakasulat,

235
00:14:24,488 --> 00:14:27,867
na hindi kayang gawin
ni Mr. La Cosse ngayon.

236
00:14:27,867 --> 00:14:32,746
Meron akong cases mula sa jurisdictions,
kabilang ang California,

237
00:14:32,746 --> 00:14:35,457
kung saan itinuloy 'yong trials
kahit wala ang defendant.

238
00:14:35,457 --> 00:14:37,626
Your Honor, kahit ano pa'ng sinasabi nito,

239
00:14:37,626 --> 00:14:41,714
pag itinuloy 'yong trial
habang inooperahan si Mr. La Cosse,

240
00:14:41,714 --> 00:14:45,467
para mo na ring automatic na binigyan
ang defense ng chance na umulit

241
00:14:45,467 --> 00:14:46,886
sakaling mahatulan.

242
00:14:46,886 --> 00:14:49,555
Mawalang-galang na po,
gano'n din ang ibibigay

243
00:14:49,555 --> 00:14:52,391
ng mistrial sa prosecution.
Mawalang-galang na.

244
00:14:54,518 --> 00:14:57,229
Mukhang deadlock na tayo.

245
00:14:57,229 --> 00:15:00,900
Parehong malakas ang argumento n'yo
kaya pag-iisipan ko muna

246
00:15:00,900 --> 00:15:03,694
at sasabihin ko ang desisyon ko
after lunch.

247
00:15:03,694 --> 00:15:07,364
Ngayon, kung okay lang,
gusto kong magtsaa nang tahimik.

248
00:15:07,364 --> 00:15:09,491
- Salamat, Your Honor.
- Salamat, Your Honor.

249
00:15:17,458 --> 00:15:19,668
Di ka man lang nagsuot ng malinis na tie.

250
00:15:26,592 --> 00:15:27,426
David?

251
00:15:29,428 --> 00:15:32,097
- Kayo ang pamilya ni Mr. La Cosse?
- Opo.

252
00:15:32,598 --> 00:15:36,185
Ang good news, buhay siya,
pero inooperahan pa siya.

253
00:15:36,185 --> 00:15:37,144
Gaano po kalala?

254
00:15:37,144 --> 00:15:41,190
Nagkaro'n ng komplikasyon.
Nawalan siya ng maraming dugo.

255
00:15:41,190 --> 00:15:43,651
Malala din ang tama ng isang kidney niya

256
00:15:43,651 --> 00:15:45,861
kaya tinanggal na namin.

257
00:15:45,861 --> 00:15:46,904
Diyos ko.

258
00:15:46,904 --> 00:15:49,323
Huminto 'yong puso niya,
pero na-revive namin siya

259
00:15:49,323 --> 00:15:51,700
hanggang maging stable
kaya naituloy namin.

260
00:15:51,700 --> 00:15:52,993
Kakayanin niya ba?

261
00:15:53,619 --> 00:15:57,206
Mahirap pang sabihin sa ngayon,
pero ginagawa na namin lahat.

262
00:15:57,206 --> 00:15:59,833
Hahanapin ko kayo agad
pag may iba pang information.

263
00:16:00,376 --> 00:16:02,419
Salamat. Naa-appreciate po namin.

264
00:16:02,920 --> 00:16:03,837
Salamat po.

265
00:16:11,929 --> 00:16:13,389
Palaban si Julian, David.

266
00:16:14,515 --> 00:16:18,268
Humina na siya sa tagal niyang nakakulong.
Di ko alam kung kaya niya pa.

267
00:16:18,268 --> 00:16:19,186
Andiyan ka naman.

268
00:16:20,354 --> 00:16:22,022
Alam niyang naghihintay ka dito.

269
00:16:22,022 --> 00:16:23,774
Alam niya kaya?

270
00:16:40,791 --> 00:16:42,042
Cisco, ano'ng balita?

271
00:16:42,042 --> 00:16:45,879
Lalo Vasquez 'yong sumaksak kay Julian.

272
00:16:46,422 --> 00:16:49,466
May kasong murder.
Wala pang ibang detalye.

273
00:16:49,466 --> 00:16:51,844
Konektado siguro siya kay De Marco.

274
00:16:51,844 --> 00:16:54,722
Ewan kung paano, pero posibleng
sa kanya magdepende ang kaso.

275
00:16:54,722 --> 00:16:56,724
Aalamin ko kung may koneksiyon sila.

276
00:16:56,724 --> 00:16:58,058
Baka lang matagalan.

277
00:16:58,058 --> 00:17:00,102
<i>- Tatawagan kita agad.</i>
- Sige.

278
00:17:17,411 --> 00:17:18,704
May nakaupo ba dito?

279
00:17:23,375 --> 00:17:24,793
Meron na ngayon.

280
00:17:28,338 --> 00:17:31,633
- Paano mo ako nahanap?
- Sinabi ni Lorna kung asan ka.

281
00:17:33,844 --> 00:17:35,596
Kawawa naman 'yong client mo.

282
00:17:36,638 --> 00:17:38,015
Okay lang ba siya?

283
00:17:39,767 --> 00:17:40,851
Di pa namin alam.

284
00:17:42,686 --> 00:17:45,898
Konti na lang, panalo na sana ako, Andy.

285
00:17:46,899 --> 00:17:48,567
Kaya nila ginawa 'yon.

286
00:17:50,486 --> 00:17:52,529
May pruweba ka ba diyan?

287
00:17:53,113 --> 00:17:57,034
Naghahanap na si Cisco,
pero nahihirapan siya dahil sa burukrasya.

288
00:18:02,081 --> 00:18:03,082
- Uy.
- Alam mo...

289
00:18:06,001 --> 00:18:08,128
Gusto ko lang mag-sorry sa nangyari.

290
00:18:08,128 --> 00:18:11,965
Mali 'yong sinabi ko.
Di ako nag-isip bago magsalita.

291
00:18:13,342 --> 00:18:16,678
Totoo 'yan,
pero hindi mali 'yong sinabi mo.

292
00:18:16,678 --> 00:18:18,722
Maraming ahas sa opisinang 'yon.

293
00:18:19,348 --> 00:18:21,433
Di ako dapat nagtiwala kay Vanessa.

294
00:18:22,851 --> 00:18:23,811
Ewan ko ba.

295
00:18:25,687 --> 00:18:28,232
Baka kasi ayoko nang isekreto 'yon.

296
00:18:31,110 --> 00:18:34,696
Ang hirap pag nakadepende sa 'yo
ang kapalaran ng isang tao.

297
00:18:35,197 --> 00:18:39,284
Kahit wala ka nang magagawa,
pakiramdam mo, kasalanan mo pa rin.

298
00:18:40,077 --> 00:18:44,164
Oo, ang kaibahan lang,
meron akong magagawa at dapat ginawa.

299
00:18:44,164 --> 00:18:47,209
Andy, ano ka ba? Lahat tayo, nagkakamali.

300
00:18:47,709 --> 00:18:49,628
Patawarin mo na ang sarili mo.

301
00:18:50,462 --> 00:18:52,714
Sabihin mo kaya 'yan sa sarili mo?

302
00:18:56,343 --> 00:18:59,429
Sabi ni Lorna, nilagay ka ni Suarez
sa calendar duty.

303
00:19:00,597 --> 00:19:04,309
Gusto ko na ngang sundutin ng lapis
'yong mata ko.

304
00:19:05,394 --> 00:19:10,023
Kaya mo 'yan. Mari-realize niyang
sinayang niya 'yong isa sa pinakamagaling.

305
00:19:10,858 --> 00:19:11,984
Baka nga.

306
00:19:21,618 --> 00:19:22,786
Naging masaya ako, Andy.

307
00:19:26,415 --> 00:19:27,249
Ako rin.

308
00:19:32,754 --> 00:19:34,673
Alam naman nating di na nagwo-work.

309
00:19:37,134 --> 00:19:40,345
Masyadong komplikado ang buhay ko ngayon.

310
00:19:40,929 --> 00:19:45,434
Sa tingin ko, pareho tayong di magaling
sa work-life balance.

311
00:19:47,102 --> 00:19:50,272
Kaya nga di kita pinayagang
mag-iwan ng toothbrush.

312
00:19:56,570 --> 00:19:59,031
Baka maayos ko din 'to balang-araw.

313
00:20:00,699 --> 00:20:01,533
Kaya mo 'yan.

314
00:20:02,910 --> 00:20:06,079
Maniwala ka, Haller, tiwala ako sa 'yo.

315
00:20:18,717 --> 00:20:20,093
Kakainin mo pa ba 'yan?

316
00:20:23,972 --> 00:20:24,973
Sa 'yo na.

317
00:20:30,771 --> 00:20:34,024
Babalik na 'ko. Titingnan ko
kung may trial pa ako o wala.

318
00:20:34,983 --> 00:20:36,443
Good luck.

319
00:20:59,341 --> 00:21:00,759
Mabuti, andito na lahat.

320
00:21:01,927 --> 00:21:03,178
Malaking problema 'to.

321
00:21:03,178 --> 00:21:07,224
Ikinalulungkot ko 'yong mga nangyari
na dahilan kung bakit tayo andito.

322
00:21:07,224 --> 00:21:10,352
Tungkulin ng korteng
balansehin ang interes ng parehong partido

323
00:21:10,352 --> 00:21:12,396
ayon sa iniaatas ng batas.

324
00:21:12,396 --> 00:21:13,522
Kung gayon, ang...

325
00:21:14,064 --> 00:21:15,023
Ano 'yon?

326
00:21:15,023 --> 00:21:16,608
Excuse po, Judge.

327
00:21:16,608 --> 00:21:20,779
Andito po si Agent James De Marco
kasama ng attorney mula sa DEA.

328
00:21:20,779 --> 00:21:25,450
Nakatanggap daw sila ng subpoena,
and I quote, "Limitado ang oras nila."

329
00:21:27,327 --> 00:21:28,620
Salamat, Claire.

330
00:21:28,620 --> 00:21:32,916
Your Honor, sa hirap na pinagdaanan namin
para lang i-serve si Agent De Marco,

331
00:21:32,916 --> 00:21:35,335
hinihimok ko ang korte
na pakinggan natin siya.

332
00:21:35,335 --> 00:21:39,256
Ano? Paano? Your Honor,
wala pa rin 'yong defendant natin.

333
00:21:39,256 --> 00:21:41,758
Bagama't naiintindihan kong
pumayag na ang korte

334
00:21:41,758 --> 00:21:44,720
na tumestigo si De Marco,
diskumpiyado pa rin ako

335
00:21:44,720 --> 00:21:46,930
sa relevance ng testimonya niya.

336
00:21:46,930 --> 00:21:48,390
Tamang-tama nga, Your Honor.

337
00:21:48,390 --> 00:21:51,893
Wala tayong jury habang inaantay natin
'yong update sa client ko.

338
00:21:51,893 --> 00:21:55,605
Pwede nating pagsalitain si De Marco
nang wala ang jury bilang offer of proof.

339
00:21:55,605 --> 00:21:58,025
Pag kinailangang umulit sa umpisa,

340
00:21:58,025 --> 00:22:01,361
matutukoy na ng korte
kung relevant 'yong testimonya niya.

341
00:22:01,361 --> 00:22:03,739
Your Honor, labag na sa rules 'to.

342
00:22:03,739 --> 00:22:06,575
Ni hindi ako handa
para kuwestiyunin ang witness na 'to.

343
00:22:06,575 --> 00:22:08,910
Bakit? Sinubpoena na nga siya.

344
00:22:08,910 --> 00:22:10,954
Di mo lang in-expect na sisipot siya.

345
00:22:10,954 --> 00:22:12,789
Mukhang ikaw din naman.

346
00:22:12,789 --> 00:22:16,084
Makakatipid sa oras ang korte dito
sakaling magka-retrial.

347
00:22:16,084 --> 00:22:19,296
Makakatipid tayo sa judicial resources.

348
00:22:21,965 --> 00:22:25,344
Sabi nga ng nanay ko,
samantalahin ang bawat pagkakataon.

349
00:22:25,344 --> 00:22:27,929
Kung andito na siya, pakinggan natin siya.

350
00:22:27,929 --> 00:22:30,891
Saka ako magdedesisyon
tungkol sa mistrial.

351
00:22:30,891 --> 00:22:32,642
- Salamat po.
- Salamat po.

352
00:22:36,563 --> 00:22:40,567
Ang galing. Biglang sumipot si De Marco
kung kailan posibleng wala nang trial.

353
00:22:40,567 --> 00:22:43,820
Sobra. Pakiramdam niya,
di siya pwedeng galawin.

354
00:22:43,820 --> 00:22:45,405
E, di ipakita mong mali siya.

355
00:22:45,405 --> 00:22:48,950
Gamitin mo 'yong footage
sa bahay ni Sterghos sa rebuttal.

356
00:22:48,950 --> 00:22:52,120
- Tingnan natin kung malusutan niya 'yon.
- Wag muna.

357
00:22:52,120 --> 00:22:53,246
Bakit?

358
00:22:53,246 --> 00:22:55,624
Akala niya,
kaya niyang lusutan ang murder.

359
00:22:55,624 --> 00:22:58,418
Malulusutan niya talaga 'yon
kung di tayo magiging matalino.

360
00:22:58,418 --> 00:23:01,380
Pag pinakita natin 'yong video,
tapos na-grant 'yong mistrial,

361
00:23:01,380 --> 00:23:04,049
di na siya mapapabalik
at di na makikita ng jury 'yon.

362
00:23:04,049 --> 00:23:06,134
Pero pag di mo pinakita 'yong video,

363
00:23:06,134 --> 00:23:08,804
at na-argue ni Forsythe
na di revelant si De Marco,

364
00:23:08,804 --> 00:23:10,347
di rin natin siya mapapabalik.

365
00:23:10,347 --> 00:23:13,100
Isusugal natin 'yon. Maniwala ka, saka na.

366
00:23:13,100 --> 00:23:15,435
Sige na nga. Isara mo 'yang jacket mo.

367
00:23:19,231 --> 00:23:21,066
Good afternoon, Agent De Marco.

368
00:23:21,566 --> 00:23:23,026
Sa 'yo rin, Counselor.

369
00:23:23,944 --> 00:23:27,864
Gaano ka na katagal
sa Drug Enforcement Administration?

370
00:23:28,448 --> 00:23:32,035
- Twenty-three years na sa September.
- Twenty-three years. Matagal na.

371
00:23:32,994 --> 00:23:35,497
Primary focus mo ang foreign drug cartels?

372
00:23:35,497 --> 00:23:39,835
Primary focus ng buong agency
ang foreign drug cartels.

373
00:23:40,627 --> 00:23:41,461
Oo naman.

374
00:23:42,379 --> 00:23:45,382
Ngayon, sa kurso ng imbestigasyon mo
sa cartels,

375
00:23:45,382 --> 00:23:48,343
nakilala mo ba si Hector Moya?

376
00:23:48,343 --> 00:23:50,512
Pamilyar ako kay Mr. Moya, oo.

377
00:23:50,512 --> 00:23:54,891
Bossing ng Tijuana cartel.
Hindi siya mabuting tao.

378
00:23:55,475 --> 00:23:57,686
Alam mo kung asan si Mr. Moya ngayon?

379
00:23:58,353 --> 00:24:01,565
Balita ko, naka-life in prison
sa federal penitentiary.

380
00:24:01,565 --> 00:24:05,110
A, okay. Agent De Marco,
pwede mong sabihin sa korte

381
00:24:05,110 --> 00:24:07,654
kung paano mo nakilala si Gloria Dayton?

382
00:24:08,905 --> 00:24:10,115
Di ko siya kilala.

383
00:24:10,115 --> 00:24:13,952
Hindi? Kasi may tumestigong
informant mo siya.

384
00:24:13,952 --> 00:24:15,454
Hindi totoo 'yon?

385
00:24:15,454 --> 00:24:17,289
Hindi. Di ko siya nakilala.

386
00:24:17,289 --> 00:24:20,417
So, hindi ka niya tinawagan
noong August 3 last year

387
00:24:20,417 --> 00:24:23,712
para sabihing sinubpoena siya
sa demanda ni Hector Moya?

388
00:24:23,712 --> 00:24:27,549
Objection. Nasagot na po 'yan,
Your Honor. Maraming beses.

389
00:24:27,549 --> 00:24:28,967
Sustained.

390
00:24:28,967 --> 00:24:31,052
Sige, balikan natin si Mr. Moya.

391
00:24:31,052 --> 00:24:33,763
Alam mo kung paano siya napunta
sa federal prison?

392
00:24:33,763 --> 00:24:36,850
Inaresto siya ng pulis dito sa Los Angeles

393
00:24:36,850 --> 00:24:39,978
dahil sa possession ng maraming cocaine
at armas.

394
00:24:39,978 --> 00:24:42,814
Ang tanda ko, konektado 'yong baril
sa murder kung saan.

395
00:24:42,814 --> 00:24:45,358
Saka nag-take over ang agency ko sa kaso.

396
00:24:45,358 --> 00:24:50,572
Okay. At 'yong gun enhancement
ang dahilan ng life sentence niya?

397
00:24:50,572 --> 00:24:52,657
Sa tingin ko. Oo.

398
00:24:54,159 --> 00:24:56,286
Ngayon, andito ka, Agent De Marco,

399
00:24:56,286 --> 00:24:59,372
kasi nakatanggap ka ng subpoena
galing sa akin sa kasong 'to.

400
00:24:59,372 --> 00:25:02,042
Nakatanggap ka ba ng subpoena
mula sa lawyers ni Mr. Moya

401
00:25:02,042 --> 00:25:04,544
sa habeas action
para bawiin ang life sentence niya?

402
00:25:04,544 --> 00:25:05,795
Posible.

403
00:25:06,463 --> 00:25:10,425
Marami akong natatanggap na subpoena.
Lawyers ng agency ang nag-aasikaso.

404
00:25:10,425 --> 00:25:12,886
Pero direkta kang sangkot sa kasong 'to.

405
00:25:12,886 --> 00:25:16,848
Kinakasuhan niya ang federal government,
kasama ang agency n'yo,

406
00:25:16,848 --> 00:25:19,267
kasi finrame-up mo daw siya
no'ng inaresto siya.

407
00:25:19,267 --> 00:25:21,603
Di mo alam 'yong habeas case ni Mr. Moya?

408
00:25:22,229 --> 00:25:25,982
Desperado si Mr. Moya.
Saka nasa America tayo.

409
00:25:25,982 --> 00:25:29,069
Pwedeng magdemanda ng kahit sino.
Pero di nangangahulugang totoo.

410
00:25:29,736 --> 00:25:32,948
Wala akong kinalaman
sa pagkakakulong ni Mr. Moya.

411
00:25:32,948 --> 00:25:35,825
Huli na no'ng na-involve ang DEA.

412
00:25:35,825 --> 00:25:36,826
Gaya ng ibang preso,

413
00:25:36,826 --> 00:25:40,121
sinusubukan lang ni Mr. Moya
kung uubra ba ang palusot niya.

414
00:25:40,121 --> 00:25:42,791
Sige. Dumako naman tayo sa kasong 'to.

415
00:25:42,791 --> 00:25:45,085
Pamilyar ka ba kay Julian La Cosse?

416
00:25:45,085 --> 00:25:47,170
Nakasalamuha mo na ba siya?

417
00:25:47,754 --> 00:25:48,713
Hindi.

418
00:25:48,713 --> 00:25:53,134
E, sa ibang tao sa kasong 'to?
Kilala mo si Mr. Forsythe?

419
00:25:53,718 --> 00:25:54,928
Hindi.

420
00:25:54,928 --> 00:26:00,100
E, 'yong investigator niya,
si Mr. Bishop? 'Yang nakaupo na 'yan.

421
00:26:01,309 --> 00:26:02,310
Kilala mo siya?

422
00:26:04,479 --> 00:26:06,773
Oo. Medyo.

423
00:26:08,066 --> 00:26:10,026
Nagkatrabaho kami, siguro ten years ago.

424
00:26:11,653 --> 00:26:12,571
Saan?

425
00:26:13,488 --> 00:26:15,657
Nasa LAPD siya noon.

426
00:26:15,657 --> 00:26:18,201
May hinawakan kaming
double murder sa Valley.

427
00:26:18,201 --> 00:26:20,078
May suspetsang sangkot ang cartel,

428
00:26:20,078 --> 00:26:22,914
kaya kinonsulta ng pulis
ang DEA para sa kaso.

429
00:26:22,914 --> 00:26:26,960
A, okay. Nagkita o nag-usap ba kayo
ni Mr. Bishop mula noon?

430
00:26:27,877 --> 00:26:29,087
Hindi.

431
00:26:29,087 --> 00:26:31,756
Di mo siya kinakausap
tungkol sa kasong 'to?

432
00:26:33,174 --> 00:26:34,050
Hindi.

433
00:26:34,050 --> 00:26:37,387
May kinausap ka bang iba
tungkol sa kasong 'to?

434
00:26:37,387 --> 00:26:40,682
Wala akong alam sa kasong 'to
hanggang i-subpoena mo ako.

435
00:26:40,682 --> 00:26:42,767
Kaya wala. Ang sagot ay wala.

436
00:26:45,228 --> 00:26:46,062
Okay.

437
00:26:58,033 --> 00:27:02,120
Balik tayo sa double murder
kung saan mo nakilala si Mr. Bishop.

438
00:27:02,120 --> 00:27:05,874
Nangyari ba 'yong murder
sa Montgomery Avenue sa Lake Balboa?

439
00:27:09,127 --> 00:27:14,174
Di ko na maalala.
Sabi ko nga, ten years ago na 'yon.

440
00:27:14,174 --> 00:27:17,052
Pamilyar ka ba
sa pangalang Peter Sterghos?

441
00:27:17,636 --> 00:27:19,554
Objection. Pwede pong lumapit?

442
00:27:22,641 --> 00:27:25,769
Your Honor, nagdesisyon ka nang
di pwedeng isama si Peter Sterghos,

443
00:27:25,769 --> 00:27:28,146
kung sino man siya, bilang witness.

444
00:27:28,146 --> 00:27:31,149
Mukhang gusto 'yong lusutan ni Mr. Haller.

445
00:27:31,149 --> 00:27:33,693
Gusto ko lang pong i-establish
kung alam ng witness

446
00:27:33,693 --> 00:27:36,071
na nasa witness list namin
si Peter Sterghos.

447
00:27:36,071 --> 00:27:39,032
Sabi niya, wala siyang contact
sa kahit sinong sangkot sa kaso.

448
00:27:39,032 --> 00:27:41,493
May ebidensiya ako na hindi totoo 'yon.

449
00:27:41,493 --> 00:27:45,121
Wala pong ebidensiya. Palabas lang 'to.
Dahil magkaka-mistrial...

450
00:27:45,121 --> 00:27:48,458
Ako ang magsasabi kung magkaka-mistrial,
hindi ikaw.

451
00:27:49,376 --> 00:27:52,045
Mr. Haller, please, tapusin mo na.

452
00:27:52,754 --> 00:27:53,713
Opo, Your Honor.

453
00:27:56,007 --> 00:27:58,134
Sige, Agent De Marco,

454
00:27:58,134 --> 00:28:02,555
may nagsabi ba sa 'yo na potential witness
si Peter Sterghos sa kasong 'to?

455
00:28:03,139 --> 00:28:05,558
Wala. Hindi ko kilala 'yon.

456
00:28:05,558 --> 00:28:10,689
Okay. Pwede mong sabihin sa korte
kung asan ka no'ng gabi ng May 17?

457
00:28:12,857 --> 00:28:15,151
Nag-surveillance ako buong gabi.

458
00:28:15,944 --> 00:28:17,987
Mave-verify 'yan ng partner ko.

459
00:28:17,987 --> 00:28:21,741
Sa Montgomery Avenue, Lake Balboa ba
'yong sinurveillance n'yo?

460
00:28:23,368 --> 00:28:27,372
Di ko pwedeng i-discuss
ang ongoing confidential investigations.

461
00:28:27,372 --> 00:28:29,416
Your Honor, objection po ulit.

462
00:28:29,416 --> 00:28:33,503
Bakit siya nagtatanong
tungkol sa random na mga address at gabi

463
00:28:33,503 --> 00:28:35,338
na walang kinalaman sa kasong 'to?

464
00:28:35,338 --> 00:28:36,464
Sustained.

465
00:28:37,048 --> 00:28:39,217
Mr. Haller, may tanong ka pa sa witness?

466
00:28:45,265 --> 00:28:47,267
Wala na po sa ngayon, Your Honor.

467
00:28:48,768 --> 00:28:51,062
Mr. Forsythe, may tanong ka?

468
00:28:51,062 --> 00:28:51,980
Wala po.

469
00:28:52,564 --> 00:28:55,108
Sige. Agent De Marco, makakaalis ka na.

470
00:28:55,108 --> 00:28:57,902
- Salamat sa oras mo.
- Walang anuman, Your Honor.

471
00:29:07,912 --> 00:29:10,790
- Nagsisinungaling siya.
- At magaling siya.

472
00:29:25,430 --> 00:29:29,058
Your Honor, inuulit namin ang objection
sa testimonya ni Agent De Marco.

473
00:29:29,058 --> 00:29:30,143
TAWAGAN MO AKO. BILIS.

474
00:29:30,143 --> 00:29:32,020
Walang relevance 'yon.

475
00:29:32,020 --> 00:29:33,605
Kung magkakaro'n ng bagong trial,

476
00:29:33,605 --> 00:29:36,691
hihilingin naming alisin siya
sa witness list.

477
00:29:36,691 --> 00:29:38,818
Noted 'yan, Mr. Forsythe.

478
00:29:38,818 --> 00:29:42,030
Mr. Haller, may idadagdag ka ba
bago ako magbigay ng ruling?

479
00:29:49,621 --> 00:29:50,872
Your Honor, may...

480
00:29:51,498 --> 00:29:53,750
Your Honor, 'yong ospital na 'to.

481
00:29:53,750 --> 00:29:57,629
Bago natin ituloy, pwedeng makahingi
ng ten minutes para sagutin 'to?

482
00:29:58,296 --> 00:29:59,964
Five lang, Mr. Haller.

483
00:29:59,964 --> 00:30:00,965
Salamat.

484
00:30:05,678 --> 00:30:06,846
Ano'ng balita?

485
00:30:07,430 --> 00:30:10,308
Kakatapos lang ng surgery
ni Julian. Kinaya niya.

486
00:30:11,267 --> 00:30:12,185
Muntik nang hindi.

487
00:30:13,102 --> 00:30:15,480
- Kasama niya si David.
- Kumusta siya?

488
00:30:15,480 --> 00:30:17,148
<i>Wala pang kasiguraduhan.</i>

489
00:30:17,148 --> 00:30:20,860
- Malalaman daw sa mga susunod na oras.
- <i>Ano? Gising na siya?</i>

490
00:30:21,778 --> 00:30:26,407
Ano? Sabi ko, muntik na niyang di kinaya.
Wala pa siyang malay.

491
00:30:26,407 --> 00:30:29,369
Izzy, sabihin mong gising na si Julian.

492
00:30:34,165 --> 00:30:36,334
Mickey, gising na si Julian.

493
00:30:36,334 --> 00:30:37,669
Salamat.

494
00:30:41,589 --> 00:30:44,342
Your Honor, kakasabi lang sa 'kin
na gising na ang client ko.

495
00:30:44,342 --> 00:30:45,260
Ano?

496
00:30:45,260 --> 00:30:49,264
Kung papayagan ng korte, baka pwedeng
i-delay muna ang ruling sa mistrial

497
00:30:49,264 --> 00:30:50,682
hanggang makausap ko siya.

498
00:30:50,682 --> 00:30:51,599
Your Honor, kung...

499
00:30:51,599 --> 00:30:54,727
Naiintindihan kong hindi natutuwa
ang prosecution at ang korte,

500
00:30:54,727 --> 00:30:57,939
pero di ko alam kung hanggang kailan
makakapagsalita 'yong client ko.

501
00:30:57,939 --> 00:30:59,274
Kailangan pong magmadali.

502
00:31:02,193 --> 00:31:05,154
Sige. Mag-recess muna tayo
nang 90 minutes.

503
00:31:05,154 --> 00:31:08,199
Dapat makabalik lahat dito
nang 3:30 sharp.

504
00:31:08,199 --> 00:31:09,617
Salamat, Your Honor.

505
00:31:10,451 --> 00:31:11,286
Okay.

506
00:31:20,420 --> 00:31:21,754
Alam ko ang sasabihin mo.

507
00:31:25,008 --> 00:31:27,218
Talaga? Sige nga.

508
00:31:27,218 --> 00:31:30,013
Sasabihin mo kung ano'ng gagawin mo
sa ganitong sitwasyon.

509
00:31:30,013 --> 00:31:33,433
Alam kong hindi ako
naging pinakamabuting ama,

510
00:31:33,433 --> 00:31:35,685
pero naging magaling akong abogado.

511
00:31:36,352 --> 00:31:39,898
- Natural lang na gusto mo akong gayahin.
- 'Yon ang tingin mo sa ginagawa ko?

512
00:31:39,898 --> 00:31:42,567
Ewan ko.
Kanino ba 'yang class ring na suot mo?

513
00:31:46,070 --> 00:31:48,740
Binali mo lahat ng rules noon.

514
00:31:48,740 --> 00:31:51,868
- Ikaw, hindi?
- Ang sinasabi ko, sa labas ng korte.

515
00:31:53,286 --> 00:31:55,705
May sarili akong diskarte, okay?

516
00:31:56,581 --> 00:31:59,000
Andiyan si Legal
tuwing kailangan ko ng ibang pananaw.

517
00:31:59,000 --> 00:32:00,043
Oo naman.

518
00:32:00,710 --> 00:32:03,880
Mahilig sumugal si Legal
mula sa safe na opisina niya,

519
00:32:03,880 --> 00:32:07,467
pero ako 'yong gumagawa
ng maruruming trabaho.

520
00:32:08,468 --> 00:32:12,847
Ang totoo, gusto niya ring
maging kasinggaling ko, gaya mo.

521
00:32:15,433 --> 00:32:17,435
Tingin mo, di ako kasinggaling mo?

522
00:32:18,061 --> 00:32:19,729
Malalaman na natin 'yan.

523
00:32:21,272 --> 00:32:23,358
Maselan 'yang pagdedesisyunan mo.

524
00:32:24,150 --> 00:32:26,778
Ganyan ang tipong
tinatakbuhan ng ibang abogado.

525
00:32:26,778 --> 00:32:29,614
Ang tanong, tatakbuhan mo rin ba?

526
00:32:31,491 --> 00:32:34,285
Kasi kung gusto mong
maging kasinggaling ko,

527
00:32:35,578 --> 00:32:37,747
o mas magaling sa 'kin,

528
00:32:39,415 --> 00:32:42,502
gagawin mo ang lahat
para makakuha ng "not guilty".

529
00:32:43,252 --> 00:32:46,589
'Yon lang ang inaasahan ng client mo.

530
00:32:51,511 --> 00:32:52,428
Slainte.

531
00:33:02,063 --> 00:33:03,439
Gising na ba si Julian?

532
00:33:04,190 --> 00:33:06,401
Di ako sure
kung ano'ng gusto mong isagot ko.

533
00:33:06,401 --> 00:33:07,402
'Yong totoo.

534
00:33:08,069 --> 00:33:10,863
Nagigising, tapos natutulog ulit.
Madalas tulog.

535
00:33:11,489 --> 00:33:12,490
Kumusta siya?

536
00:33:14,200 --> 00:33:15,785
Ginagawa niya ang makakaya niya.

537
00:33:17,161 --> 00:33:18,037
Okay.

538
00:33:19,622 --> 00:33:22,166
Pwede kang bumili ng kape?
Kakausapin ko lang siya.

539
00:33:22,166 --> 00:33:23,501
- Sige.
- Thanks, Izzy.

540
00:33:34,303 --> 00:33:36,264
Dapat mas in-appreciate namin.

541
00:33:36,973 --> 00:33:37,807
Alin?

542
00:33:39,183 --> 00:33:40,393
'Yong pagiging healthy.

543
00:33:41,269 --> 00:33:42,103
Pagiging masaya.

544
00:33:44,188 --> 00:33:48,151
Di mo naman iisipin 'yong kamatayan, e.
Nangyayari sa iba, pero...

545
00:33:53,031 --> 00:33:55,950
David, hindi mo naman alam
na mangyayari 'to.

546
00:33:58,119 --> 00:34:00,621
Totoo 'yan, kahit sa relasyon namin.

547
00:34:01,789 --> 00:34:03,624
Di ko akalaing pipirmi na ako.

548
00:34:04,876 --> 00:34:06,127
Wala sa plano 'yon.

549
00:34:10,173 --> 00:34:11,257
Ano'ng nangyari?

550
00:34:12,258 --> 00:34:13,676
Nabangga 'yong kotse ko.

551
00:34:14,469 --> 00:34:16,345
Di naman malala.

552
00:34:16,846 --> 00:34:19,891
Biglang huminto 'yong nasa harap ko,
kaya nabangga ko siya.

553
00:34:20,391 --> 00:34:23,811
Tapos bumaba siya sa kotse niya,
pinagsisigawan ako.

554
00:34:24,645 --> 00:34:27,732
Pulang-pula 'yong mukha,
pataas-taas pa ng kamay.

555
00:34:27,732 --> 00:34:31,527
Ewan ko ba. Nag-sorry naman ako,
pero nakakatawa kasi talaga.

556
00:34:31,527 --> 00:34:34,280
Oo. Lalo siguro siyang nagalit.

557
00:34:34,280 --> 00:34:35,740
Sinabi mo pa.

558
00:34:38,659 --> 00:34:42,371
Binigay ko 'yong insurance ko,
nagpalitan kami ng number.

559
00:34:42,371 --> 00:34:44,832
Kinagabihan, tinext niya 'ko.

560
00:34:44,832 --> 00:34:48,878
Niyaya akong uminom
para makapag-sorry siya sa pagiging OA.

561
00:34:51,839 --> 00:34:53,299
The end.

562
00:35:01,849 --> 00:35:05,019
David, may problema tayo
sa kaso ni Julian.

563
00:35:05,728 --> 00:35:08,064
Malapit nang mag-declare ng mistrial
'yong judge.

564
00:35:08,064 --> 00:35:09,732
Ibig sabihin, uulit tayo.

565
00:35:09,732 --> 00:35:12,318
Si Julian lang ang makakapigil do'n.

566
00:35:13,152 --> 00:35:14,695
Kailangan ko siyang makausap.

567
00:35:16,030 --> 00:35:20,743
Naghihingalo pa siya. Pwede kang magsalita
pero ewan ko kung maririnig ka niya.

568
00:35:20,743 --> 00:35:23,830
Kailangan mong magtiwala sa 'kin.
Susubukan ko lang.

569
00:35:31,462 --> 00:35:33,089
Gawin mo ang kailangan.

570
00:35:42,265 --> 00:35:44,976
- Sorry, bawal pong pumasok.
- Abogado niya 'ko.

571
00:35:44,976 --> 00:35:47,478
Nirerespeto ko 'yon,
pero mahigpit ang bilin sa 'kin.

572
00:35:47,478 --> 00:35:49,230
Doktor lang ang pwedeng pumasok.

573
00:35:49,230 --> 00:35:52,650
Pinapasok ko na 'yong boyfriend kanina,
yari na ako do'n.

574
00:35:52,650 --> 00:35:56,362
Makinig kang mabuti, Deputy Henderson.

575
00:35:56,362 --> 00:35:59,282
Karapatan niyang kumonsulta
sa abogado niya.

576
00:35:59,282 --> 00:36:00,616
Di pa po 'ata siya gising.

577
00:36:00,616 --> 00:36:03,244
- Doktor ka ba?
- Hindi, pero kanina pa ako nakatayo...

578
00:36:03,244 --> 00:36:07,165
Gusto mong humarap sa judge bukas
at ipaliwanag kung bakit ipinagkait mo

579
00:36:07,165 --> 00:36:08,833
ang mga karapatan niya?

580
00:36:08,833 --> 00:36:10,835
Itong biktima ng napakasamang krimen

581
00:36:10,835 --> 00:36:13,671
na nangyari sa ilalim ng superbisyon
ng sheriff's department?

582
00:36:13,671 --> 00:36:17,466
Kasi kung 'yon ang gusto mo,
sisiguraduhin kong mangyayari 'yon.

583
00:36:21,387 --> 00:36:24,348
Five minutes. Tapos umalis ka na.

584
00:36:24,348 --> 00:36:25,349
Salamat.

585
00:36:25,349 --> 00:36:27,101
Dito lang ako sa labas.

586
00:36:27,101 --> 00:36:28,853
Safe na safe sa pakiramdam.

587
00:36:58,174 --> 00:37:00,635
Eto na po ang pinirmahang waiver
ni Mr. La Cosse

588
00:37:00,635 --> 00:37:03,596
na nagbibigay ng permiso
na ituloy natin kahit wala siya.

589
00:37:06,599 --> 00:37:09,393
Your Honor, may sasabihin lang ako.

590
00:37:09,393 --> 00:37:12,480
Ang balita ko sa ospital
at sa sheriff's department,

591
00:37:12,480 --> 00:37:15,399
kritikal pa rin ang kondisyon
ni Mr. La Cosse.

592
00:37:15,399 --> 00:37:16,651
Totoo po 'yon

593
00:37:16,651 --> 00:37:19,487
kaya mas kailangan nating magmadali.

594
00:37:19,487 --> 00:37:21,906
Suwerte ko, sakto 'yong dating ko doon.

595
00:37:22,657 --> 00:37:26,244
Mr. Forsythe, sana sumama ka
kay Mr. Haller sa ospital

596
00:37:26,244 --> 00:37:27,620
kung diskumpiyado ka.

597
00:37:27,620 --> 00:37:31,207
Mr. Haller, ikaw ay officer of the court.

598
00:37:31,791 --> 00:37:35,419
Pag nagtiwala ako sa 'yo
at nalaman kong may di karapat-dapat...

599
00:37:35,419 --> 00:37:36,963
Hindi na po kailangan.

600
00:37:36,963 --> 00:37:38,839
Nando'n po ang partner ni Mr. La Cosse,

601
00:37:38,839 --> 00:37:41,759
payag po siyang tumestigo
para patunayang totoo 'yong pirma.

602
00:37:45,096 --> 00:37:46,472
Pakisaad ang pangalan.

603
00:37:46,472 --> 00:37:48,057
David Henry Lyons.

604
00:37:48,057 --> 00:37:49,267
Nangangako ka ba

605
00:37:49,267 --> 00:37:52,478
na ang testimonyang ibibigay mo
sa kasong nakabinbin sa korteng ito

606
00:37:52,478 --> 00:37:55,439
ay katotohanan, buong katotohanan,
at pawang katotohanan lamang?

607
00:37:55,439 --> 00:37:56,357
Opo.

608
00:37:56,941 --> 00:37:58,651
Maupo ka na, Mr. Lyons.

609
00:38:02,613 --> 00:38:05,074
Mr. Lyons, pwede mong ipaliwanag sa korte

610
00:38:05,074 --> 00:38:07,994
ang relasyon mo
sa defendant na si Julian La Cosse?

611
00:38:10,204 --> 00:38:11,539
Siya ang nag-iisang mahal ko.

612
00:38:12,373 --> 00:38:13,874
Partner ko siya.

613
00:38:13,874 --> 00:38:18,045
Di kami nagpakasal kasi di kami naniniwala
sa institusyon ng kasal,

614
00:38:19,297 --> 00:38:21,215
pero mukhang maiiba na ang tingin ko do'n.

615
00:38:22,341 --> 00:38:25,636
- Gaano na kayo katagal na nagsasama?
- Magna-nine years na.

616
00:38:26,220 --> 00:38:28,097
Di ba kasama mo lang siya sa ospital?

617
00:38:28,681 --> 00:38:32,435
Kasama ko na siya mula no'ng malaman kong
sinaksak siya sa kulungan.

618
00:38:32,977 --> 00:38:36,147
Mr. Lyons, ito ay isang waiver

619
00:38:36,147 --> 00:38:40,609
na nagpapahintulot sa akin
na ituloy ang trial kahit wala si Julian.

620
00:38:40,609 --> 00:38:42,278
Nakita mo na ba 'to?

621
00:38:42,987 --> 00:38:45,740
Oo, pinakita mo 'to sa ospital
pagkatapos mo siyang iwan.

622
00:38:45,740 --> 00:38:48,200
Kilala mo ba 'yong pirma sa ibaba?

623
00:38:48,200 --> 00:38:50,328
Oo, kay Julian 'to.

624
00:38:50,328 --> 00:38:51,996
Medyo magulo,

625
00:38:51,996 --> 00:38:54,332
pero kagagaling niya lang sa surgery.

626
00:38:54,332 --> 00:38:56,709
Malamang, di niya pa iniisip
'yong penmanship niya.

627
00:38:56,709 --> 00:38:59,587
Kaya makukumpirma mo
na 'yong pirma sa ibaba

628
00:38:59,587 --> 00:39:02,381
ay sa partner mong si Julian La Cosse?

629
00:39:02,381 --> 00:39:04,550
Oo. Kanya 'to.

630
00:39:06,469 --> 00:39:07,636
Salamat, Mr. Lyons.

631
00:39:08,637 --> 00:39:09,597
Mr. Forsythe.

632
00:39:10,097 --> 00:39:14,810
Alam mo ba ang parusa
sa perjury sa state of California?

633
00:39:15,686 --> 00:39:17,021
Hindi po.

634
00:39:17,021 --> 00:39:20,274
Sa ilalim ng California Penal Code,
felony offense ang perjury,

635
00:39:20,274 --> 00:39:23,444
at hanggang apat na taong pagkakakulong
ang katumbas no'n.

636
00:39:24,028 --> 00:39:27,740
Kung gano'n, sigurado ka pa rin ba
sa mga sagot mo,

637
00:39:27,740 --> 00:39:29,825
o gusto mo bang baguhin 'yong iba?

638
00:39:30,326 --> 00:39:32,745
Hindi. Hindi ko babaguhin.

639
00:39:34,288 --> 00:39:36,374
Gusto ni Julian
na ituloy ang trial na 'to.

640
00:39:36,374 --> 00:39:40,294
Alam ko dahil sinabi niya 'yon sa 'kin
bago siya nawalan ng malay.

641
00:39:40,294 --> 00:39:44,048
Sasabihin niya rin 'yon sa 'yo
kung di siya nakaposas sa ospital.

642
00:39:48,427 --> 00:39:49,678
Wala na pong tanong.

643
00:39:51,806 --> 00:39:53,391
Makakaalis na ang witness.

644
00:39:57,853 --> 00:40:01,148
May argumento pa ba
kaugnay ng pagtutuloy ng trial?

645
00:40:01,148 --> 00:40:03,901
Your Honor, gusto kong ulitin
ang mahigpit kong pagtutol

646
00:40:03,901 --> 00:40:05,820
na magpatuloy sa kasalukuyang kalagayan.

647
00:40:05,820 --> 00:40:07,113
Kahit ano'ng mangyari,

648
00:40:07,113 --> 00:40:10,908
gagamitin lang 'to ng defense para iapela
ang anumang di-pabor na desisyon.

649
00:40:10,908 --> 00:40:15,037
Your Honor, ipinaalala n'yo kanina
na officer ako ng court.

650
00:40:15,037 --> 00:40:19,917
Tinitiyak ko sa inyo na bagama't
inilalaan ko ang karapatan kong umapela,

651
00:40:19,917 --> 00:40:22,628
di ko gagawin 'yon
sa dahilang wala ang client ko sa trial.

652
00:40:23,963 --> 00:40:27,675
Hindi ka kayang panagutin ng korte diyan,
Mr. Haller, pero salamat sa offer.

653
00:40:36,183 --> 00:40:37,560
May idadagdag ka ba?

654
00:40:38,269 --> 00:40:42,606
Your Honor, gusto ko lang ipahayag
na pinakamabisang maisasagawa

655
00:40:42,606 --> 00:40:45,568
ang agarang pagbibigay ng hustisya
pag itinuloy ang kasong ito.

656
00:40:45,568 --> 00:40:47,528
Ayon sa court of appeals,

657
00:40:47,528 --> 00:40:51,449
nakasalalay ang ganitong desisyon
sa judicial discretion.

658
00:40:53,117 --> 00:40:55,369
Salamat sa paalala, Ms. Crane.

659
00:41:02,585 --> 00:41:04,336
Komplikado ang sitwasyong 'to,

660
00:41:05,337 --> 00:41:07,465
at maraming dapat isaalang-alang.

661
00:41:08,674 --> 00:41:12,386
Pero dahil may ebidensiya na
ng kagustuhan ng defendant,

662
00:41:12,887 --> 00:41:15,055
at dahil gusto niyang magpatuloy,

663
00:41:15,055 --> 00:41:18,309
napagpasyahan kong
hindi i-grant ang mistrial.

664
00:41:18,893 --> 00:41:21,270
Bailiff, pakisabi sa jury, pasensiya na.

665
00:41:21,270 --> 00:41:24,648
Magre-resume tayo agad
bukas nang 9:00 a.m.

666
00:41:24,648 --> 00:41:26,150
Court is adjourned.

667
00:41:26,150 --> 00:41:27,985
Isa sa mga una mong itinuro.

668
00:41:27,985 --> 00:41:32,281
Ayaw ng judge na mabaliktad sa appeal,
at pang-engganyo ang judicial discretion.

669
00:41:32,281 --> 00:41:33,782
- Amen tayo diyan.
- Oo.

670
00:41:33,782 --> 00:41:36,785
Maawa ka sa sarili mo.
Itapon mo na 'yang tie.

671
00:41:38,329 --> 00:41:39,246
Gusto ko 'to.

672
00:41:39,246 --> 00:41:42,458
Temporary lang ang lahat ng bagay.
Sunugin mo na 'yan.

673
00:41:52,092 --> 00:41:56,514
Hindi, Vasquez. Lalo Vasquez.

674
00:41:57,139 --> 00:41:59,850
Kung may info kayo do'n...

675
00:41:59,850 --> 00:42:00,893
Ano?

676
00:42:01,685 --> 00:42:05,231
Sige. Maghihintay ako. Wag mo lang akong...

677
00:42:08,025 --> 00:42:08,943
Hello?

678
00:42:10,569 --> 00:42:11,487
Hello?

679
00:42:16,325 --> 00:42:19,453
Uy, hi. Nasa court si Mick.

680
00:42:19,453 --> 00:42:21,956
Okay lang. Ikaw ang hinahanap ko.

681
00:42:23,165 --> 00:42:24,375
Ano 'yan?

682
00:42:24,375 --> 00:42:27,753
Discovery galing sa office ko
kaugnay ng Lalo Vasquez case.

683
00:42:29,129 --> 00:42:30,172
Di nga?

684
00:42:35,886 --> 00:42:37,388
Hindi ka ba mapapahamak?

685
00:42:37,388 --> 00:42:39,098
Tapos na 'yong prelim,

686
00:42:39,098 --> 00:42:42,893
naibigay na lahat 'yan sa defense,
kaya hindi naman siguro.

687
00:42:44,103 --> 00:42:46,313
Sa totoo lang, wala na akong pakialam.

688
00:42:47,147 --> 00:42:47,982
Wow.

689
00:42:49,024 --> 00:42:53,904
Tatlong college students, patay.
Na-overdose. May fentanyl 'yong cocaine.

690
00:42:59,285 --> 00:43:00,369
Bakit?

691
00:43:00,995 --> 00:43:02,037
Maganda 'to.

692
00:43:03,664 --> 00:43:06,375
Sobrang ganda. Salamat.

693
00:43:06,375 --> 00:43:07,501
Walang anuman.

694
00:43:09,295 --> 00:43:10,879
Wag ka lang masanay.

695
00:43:22,349 --> 00:43:23,726
- Ano 'to?
- Research.

696
00:43:23,726 --> 00:43:26,061
Naisip ko,
sa lahat ng ingay tungkol kay Julian,

697
00:43:26,061 --> 00:43:28,397
walang ruling ang judge
sa testimony ni De Marco.

698
00:43:28,397 --> 00:43:30,566
- Pwede mo pang ipasok 'yon.
- Lorna.

699
00:43:30,566 --> 00:43:34,570
Ano? Sabi mo, useless 'yong video
maliban kung makita ng jury.

700
00:43:34,570 --> 00:43:37,364
Di na niya papayagang
tumestigo ulit si De Marco.

701
00:43:37,364 --> 00:43:39,283
Lalo kung ganyan ang attitude mo.

702
00:43:39,283 --> 00:43:43,120
Mickey, seryoso ako.
Kailangan nating maipasok 'yong video.

703
00:43:45,623 --> 00:43:46,957
Okay lang, Lorna.

704
00:43:47,541 --> 00:43:51,170
May idea ako kung paano gagamitin 'yon.
Magkita tayo sa loob.

705
00:43:59,178 --> 00:44:00,304
Pwedeng maupo?

706
00:44:04,767 --> 00:44:06,852
Actually, may ipapakita ako.

707
00:44:07,936 --> 00:44:10,731
Ipakita mo na lang sa may paki.

708
00:44:11,398 --> 00:44:12,858
Sa tingin ko, ikaw 'yon.

709
00:44:14,777 --> 00:44:16,195
Pagod ka na, 'no?

710
00:44:16,987 --> 00:44:18,155
Pagod saan?

711
00:44:23,452 --> 00:44:24,536
I-play mo na lang.

712
00:44:40,344 --> 00:44:42,513
Sang-ayon ka naman sigurong
di maganda 'to.

713
00:44:47,976 --> 00:44:49,853
Di ako sumama sa kanya sa loob.

714
00:44:51,355 --> 00:44:52,648
Mali ang iniisip mo.

715
00:44:52,648 --> 00:44:54,775
Naku, tama ang iniisip ko.

716
00:44:55,442 --> 00:44:58,195
Eto lang kasi, Bishop.
Wala na akong pakialam.

717
00:44:59,279 --> 00:45:01,782
Wala na akong pakialam
sa naging arrangement n'yo.

718
00:45:01,782 --> 00:45:06,078
Ang gusto ko lang, iligtas ang client ko
at pabagsakin 'tong gagong 'to.

719
00:45:06,912 --> 00:45:08,163
Di gano'n kasimple 'yon.

720
00:45:08,163 --> 00:45:11,750
May babaeng namatay.
Namatay ang driver ko.

721
00:45:11,750 --> 00:45:13,752
Baka sumunod pa 'yong client ko.

722
00:45:17,548 --> 00:45:20,050
Marami kang ginawa, pero hindi ka pumatay.

723
00:45:21,301 --> 00:45:24,888
Ano man ang nangyari,
alam kong gusto mo 'yong itama.

724
00:45:31,478 --> 00:45:32,980
Wag mong ipakita 'yan.

725
00:45:33,689 --> 00:45:36,442
Wag mong ipakita sa korte,
o sa kahit sino.

726
00:45:40,487 --> 00:45:42,114
Siyempre, depende 'yon.

727
00:46:06,930 --> 00:46:09,057
Mr. Haller, pakitawag ang witness mo.

728
00:46:10,517 --> 00:46:13,020
Tinatawagan ng defense si Neil Bishop.

729
00:46:27,075 --> 00:46:29,119
BATAY SA MGA NOBELA NI
MICHAEL CONNELLY

730
00:48:09,094 --> 00:48:12,890
Nagsalin ng Subtitle: Ivee Jade Tañedo

