1
00:00:45,546 --> 00:00:47,131
Pwede akong maupo?

2
00:00:48,424 --> 00:00:49,633
Hi, Frank.

3
00:00:50,968 --> 00:00:52,011
Uy, ikaw.

4
00:01:01,687 --> 00:01:02,688
Ayos lang ako.

5
00:01:05,524 --> 00:01:07,359
Ligtas ka rito, tama?

6
00:01:09,361 --> 00:01:12,823
Oo, ako rin. Ganoon din ang pakiramdam ko.

7
00:01:14,283 --> 00:01:16,160
'Di mo kailangang manatili rito.

8
00:01:20,289 --> 00:01:22,082
Hindi ako makatakas.

9
00:01:24,960 --> 00:01:26,629
Pareho tayo, 'di rin ako makatakas.

10
00:01:29,131 --> 00:01:31,884
Gusto mo lang tumakbo at tumakas,

11
00:01:32,968 --> 00:01:35,137
pero wala kang mapuntahan.

12
00:01:42,269 --> 00:01:44,271
Tama ka tungkol kay Tiyo George.

13
00:01:47,566 --> 00:01:48,901
Ayoko sana.

14
00:02:06,585 --> 00:02:07,670
Mahal kita.

15
00:02:10,714 --> 00:02:11,590
Okey.

16
00:02:46,542 --> 00:02:48,043
Niloloko mo ako.

17
00:02:55,134 --> 00:02:57,428
Ibang kuwento iyon. Kumusta na siya?

18
00:03:00,848 --> 00:03:02,516
Ayos lang siya.

19
00:03:03,851 --> 00:03:05,436
Magiging ayos din siya.

20
00:03:06,270 --> 00:03:09,273
Pumayag si George na pumunta siya
sa psychiatric facility

21
00:03:09,356 --> 00:03:11,609
at hawak siya nito nang 72 oras.

22
00:03:12,818 --> 00:03:15,446
Napakagago niya.

23
00:03:16,280 --> 00:03:18,157
Sinubukan akong patayin ng kapatid mo.

24
00:03:21,160 --> 00:03:23,913
-Nagulat ka?
-Hindi.

25
00:03:23,996 --> 00:03:26,373
Ni hindi ako nagulat.

26
00:03:26,457 --> 00:03:29,043
'Di ko maintindihan.
Bakit niya gagawin iyon?

27
00:03:29,126 --> 00:03:31,170
Nasa kanya na si Kate, nananalo na siya.

28
00:03:32,421 --> 00:03:34,465
'Di sapat ang panalo kay George.

29
00:03:36,592 --> 00:03:38,218
Tetestigo ka ba?

30
00:03:55,986 --> 00:03:58,280
-Kumusta, Lisa?
-Uy, Billy.

31
00:03:59,448 --> 00:04:01,992
-Ayos ka lang?
-Gaya pa rin ng dati.

32
00:04:03,243 --> 00:04:05,913
Wala akong iniisip masyado ngayon.
Salamat naman.

33
00:04:05,996 --> 00:04:08,999
Kaya maliit na shot lang ng whiskey
para sa akin.

34
00:04:09,083 --> 00:04:11,043
Sigurado ka?

35
00:04:11,710 --> 00:04:15,005
Hindi. Mabait siya sa akin.

36
00:04:18,926 --> 00:04:20,135
Siya ang magbabayad.

37
00:04:30,896 --> 00:04:33,315
Lumpia? Masarap siya.

38
00:04:33,983 --> 00:04:37,736
Hindi na, salamat. Sigurado kang
ayos lang sa 'yong makita na kasama ako?

39
00:04:39,071 --> 00:04:41,573
Pwede naman tayong magkalayo.

40
00:04:41,657 --> 00:04:42,574
Maupo ka.

41
00:04:51,417 --> 00:04:52,626
Ano'ng maitutulong ko?

42
00:04:52,710 --> 00:04:55,170
Marami ka nang naitulong, hindi ba?

43
00:04:55,254 --> 00:04:57,548
Napakaabala mo sa pag-ayos ng trabaho.

44
00:05:00,259 --> 00:05:03,095
Pinawalang-bisa ng hukom
ang areglo sa Zax Pharma.

45
00:05:03,178 --> 00:05:04,722
Talaga? Ano'ng nangyari?

46
00:05:05,305 --> 00:05:07,474
Utang na loob! Parang 'di mo alam.

47
00:05:07,558 --> 00:05:09,435
Sinisante mo ako. Wala na ako sa kaso.

48
00:05:10,227 --> 00:05:13,689
Natutuwa akong mawalan ng trabaho
at mamasyal kung saan.

49
00:05:13,772 --> 00:05:16,942
Ang galing. Sayang, 'di ko alam
ang pinupuntahan mo.

50
00:05:17,609 --> 00:05:20,320
-Simula ng pagtatapos ng paglilitis.
-Syempre.

51
00:05:21,864 --> 00:05:24,825
McBride, masaya akong nagpapakasaya ka,

52
00:05:24,908 --> 00:05:27,411
at itutuloy kong bayaran ang renta mo,

53
00:05:27,494 --> 00:05:31,123
basta't magpapatuloy ka sa "pamamasyal."

54
00:05:31,206 --> 00:05:33,333
Napakabait mo naman.

55
00:05:33,417 --> 00:05:36,712
Walang kinalaman ang kabaitan doon.
Ayoko sa 'yo.

56
00:05:38,464 --> 00:05:40,007
Gusto mo ako kahit paano.

57
00:05:44,303 --> 00:05:46,305
May baho ang kasong ito,

58
00:05:46,388 --> 00:05:50,350
at naamoy mo iyon bago ko pa magawa iyon,
kaya wala akong pagpipilian.

59
00:05:50,809 --> 00:05:54,313
-Kailangan kitang pagkatiwalaan.
-Okey.

60
00:05:54,396 --> 00:05:57,483
At sa totoo lang, takot ako.

61
00:05:58,442 --> 00:06:00,778
-Takot saan?
-Kay Sam.

62
00:06:02,321 --> 00:06:04,490
Ang reaksyon niya sa pagkamatay ni Tom ay…

63
00:06:05,532 --> 00:06:07,451
kakaiba, walang pakialam.

64
00:06:08,744 --> 00:06:10,537
Tapos nanaginip ako nang gabing iyon

65
00:06:10,621 --> 00:06:15,292
na ginilitan niya ako
gamit ang letter opener na de-perlas,

66
00:06:16,043 --> 00:06:19,838
na tiyak akong matagal na niyang gusto
simula nang pakasalan ko ang ama niya,

67
00:06:21,048 --> 00:06:24,885
pero 'di pa niya nababagabag
ang tulog ko nang ganoon.

68
00:06:26,678 --> 00:06:29,431
Oo, binabangungot din ako minsan.

69
00:06:30,182 --> 00:06:31,225
Nakakaya mo?

70
00:06:33,102 --> 00:06:35,312
Ewan. Tinitingnan ko pa.

71
00:06:42,528 --> 00:06:44,196
Kasabwat ba si Sam?

72
00:06:46,448 --> 00:06:48,158
Sa kasamaang palad, oo.

73
00:06:56,750 --> 00:06:57,918
Lintik!

74
00:07:01,713 --> 00:07:03,090
Ano'ng gagawin ko?

75
00:07:04,299 --> 00:07:07,302
Ang tanging tao
na makaliligtas kay Sam ay si Sam mismo.

76
00:07:14,393 --> 00:07:15,519
Uy.

77
00:07:17,104 --> 00:07:19,690
Ang mga benepisyo
sa insurance policy ni Tom True,

78
00:07:19,773 --> 00:07:23,110
-kailangan mong pirmahan para mailabas.
-Hindi na kailangan.

79
00:07:23,193 --> 00:07:25,154
Para sa pormalidad na lang.

80
00:07:25,237 --> 00:07:28,615
Ayokong maging nag-iisang signatory.
Ang lungkot masyado.

81
00:07:30,534 --> 00:07:31,618
Tuloy ka.

82
00:07:42,754 --> 00:07:46,633
Parang nandiyan pa rin si Tom sa hallway,
sumisipol gaya ng dati.

83
00:07:46,717 --> 00:07:49,511
Ang wala sa tono niyang pagsipol.

84
00:07:50,262 --> 00:07:52,973
'Di ko mauunawaan
kung bakit niya ginawa 'yon.

85
00:07:54,892 --> 00:07:56,643
Diyos ko, ano'ng iniisip niya?

86
00:07:56,727 --> 00:08:00,314
Iyon ang problema sa suicide.
Hindi mo malalaman.

87
00:08:03,775 --> 00:08:07,112
-May isa pa tayong pag-uusapan.
-Ano iyon?

88
00:08:11,033 --> 00:08:14,244
-Ang life insurance policy mo.
-Ano'ng mayroon doon?

89
00:08:14,328 --> 00:08:18,624
Ngayong wala na si Tom,
mas maiging taasan mo ang premiums mo.

90
00:08:18,707 --> 00:08:22,961
Kaso komplikasyon
ang multiple sclerosis mo.

91
00:08:23,670 --> 00:08:25,589
Ava, gawin mo ang kailangan mong gawin.

92
00:08:27,966 --> 00:08:30,886
Baka nga ikaw
ang huling Margolis na matitira.

93
00:08:30,969 --> 00:08:34,223
Oo, at sino'ng makapagsasabing
hindi ko isasara ang firm

94
00:08:34,306 --> 00:08:37,017
bago pa matuyo ang ink
dito sa benefits check mo.

95
00:08:38,852 --> 00:08:41,104
-Dahil 'di mo gagawin iyon.
-Talaga ba?

96
00:08:41,188 --> 00:08:45,275
-Hindi. Firm ng tatay ko 'to.
-Firm ng asawa ko.

97
00:08:46,318 --> 00:08:49,571
At itutuloy ko ang sinimulan niya,
kahit hindi mo gawin.

98
00:08:54,660 --> 00:08:57,287
Pwede ka nang umalis sa opisina ko.

99
00:08:58,872 --> 00:09:01,083
-Salamat dito.
-Walang anuman.

100
00:09:13,178 --> 00:09:16,515
-Salamat sa Diyos, Peter. Akin na.
-Uy, Patty.

101
00:09:20,185 --> 00:09:21,728
Gusto mo ng bubble gum?

102
00:09:22,604 --> 00:09:23,981
-Ano?
-Bubble gum.

103
00:09:24,648 --> 00:09:26,024
Hindi, ayos na ako. Salamat.

104
00:09:26,108 --> 00:09:29,486
Oo, sinubukan ko ang patches,
pero wirdo sa pakiramdam.

105
00:09:29,569 --> 00:09:30,570
Ayos.

106
00:09:40,289 --> 00:09:41,623
Wala na ang testigo mo.

107
00:09:43,250 --> 00:09:45,961
-Ano 'kamo?
-Si Kate Zax. Umayaw na siya.

108
00:09:47,713 --> 00:09:50,924
-Teka lang, sino ka ba?
-Ako ang mensahero.

109
00:09:51,008 --> 00:09:51,967
Ano?

110
00:09:52,050 --> 00:09:54,594
Kinulong siya ng tiyo niya.
Sa 5150, psychiatric hold.

111
00:09:54,678 --> 00:09:57,556
-Kailan nangyari?
-Ewan. 'Di ako nagtanong.

112
00:09:57,639 --> 00:10:00,934
May meeting tayo mamayang gabi.
Ibibigay sa 'yo ang detalye roon.

113
00:10:02,436 --> 00:10:04,938
-Sino'ng kakatagpuin ko?
-Mensahero lang ako.

114
00:10:05,022 --> 00:10:07,190
Siguruhin mong 'di ka sinusundan.

115
00:10:07,274 --> 00:10:08,859
Ayoko ng bubblegum mo, pare.

116
00:10:08,942 --> 00:10:10,610
-Sigurado ka? Sige.
-Oo. Lintik!

117
00:10:18,076 --> 00:10:19,077
Salamat.

118
00:10:25,667 --> 00:10:26,668
Lintik.

119
00:10:29,880 --> 00:10:33,175
Uy, makinig ka, maling susi.
Hindi ako makapasok.

120
00:10:33,258 --> 00:10:36,678
Walang tao rito.
May oras ka pa para alamin.

121
00:10:38,347 --> 00:10:40,307
-Mga kapitbahay, subukan mo.
-Sige.

122
00:10:44,269 --> 00:10:45,604
May maitutulong ako?

123
00:10:46,688 --> 00:10:48,565
-Ikaw si Margaret, tama?
-Carol.

124
00:10:48,648 --> 00:10:51,318
Parang nakita kita sa hallway
kasama ni Tom dati.

125
00:10:51,401 --> 00:10:53,236
Baka, oo.

126
00:10:53,320 --> 00:10:56,782
Kukunan ko dapat ng gamit si Tom
mula sa apartment niya,

127
00:10:56,865 --> 00:11:00,077
pero 'di ko siya makontak.
Maling susi ang ibinigay niya…

128
00:11:00,160 --> 00:11:01,995
May magagawa ba ako…

129
00:11:02,079 --> 00:11:03,955
Gusto mong gamitin ang fire escape ko?

130
00:11:04,039 --> 00:11:06,291
-Maganda iyon.
-Okey. Pasok ka.

131
00:11:06,375 --> 00:11:09,169
-Salamat. Maraming salamat.
-Ayos lang.

132
00:11:31,149 --> 00:11:35,028
Imposible. Kenny? Diyos ko.
Sabi na nga ba, ikaw iyan.

133
00:11:35,112 --> 00:11:38,031
Nakita kita isang milya ang layo rito.
Ang linaw ng mata ko.

134
00:11:38,115 --> 00:11:40,283
Ano'ng ginagawa mo sa San Francisco?

135
00:11:40,367 --> 00:11:41,326
Paumanhin.

136
00:11:41,410 --> 00:11:43,328
Kung hindi mo ako naaalala,

137
00:11:43,412 --> 00:11:45,789
-baka wala nga akong kuwenta.
-Kilala ba kita?

138
00:11:45,872 --> 00:11:48,166
'Di mo ako naaalala roon sa kasal?

139
00:11:48,250 --> 00:11:51,336
Nainsulto ako. Pero medyo galit na ako.
Napakaguwapo mo.

140
00:11:51,420 --> 00:11:52,421
-Talaga?
-Pasensya na…

141
00:11:52,504 --> 00:11:56,591
Iba ang buhok ko noon.
Ewan ko kung may nobya ka pa pero…

142
00:11:56,675 --> 00:11:58,552
-May trabaho ako.
-Hindi, ayos lang.

143
00:11:58,635 --> 00:12:02,889
Alam kong abala tayo. Gaya noon, 'di ba?
Nahulog ko ba ang hikaw ko rito?

144
00:12:02,973 --> 00:12:06,184
Uy, Billy. Nakuha mo?

145
00:12:06,268 --> 00:12:09,020
Oo. Maraming, maraming salamat. Nakuha ko.

146
00:12:09,104 --> 00:12:10,605
Pwede ba kitang painumin?

147
00:12:11,565 --> 00:12:14,860
Kung may oras ako, oo, Carol. Kaso ngayon…

148
00:12:14,943 --> 00:12:17,654
-Kailangan kong ibigay 'to kay Tom.
-Okey.

149
00:12:17,737 --> 00:12:19,906
Sa susunnod na lang.
Kita tayo sa hallway?

150
00:12:19,990 --> 00:12:21,825
-Sa susunod.
-Masayang makita ka, Billy.

151
00:12:21,908 --> 00:12:23,452
Ako rin, Carol.

152
00:12:33,044 --> 00:12:35,464
-Uy, Patty.
-Ano'ng ginagawa mo rito?

153
00:12:35,547 --> 00:12:39,509
Medyo stranded ako.
Pwede akong tumuloy rito ngayon?

154
00:12:39,593 --> 00:12:40,969
Hindi!

155
00:12:46,850 --> 00:12:47,934
Ayos.

156
00:12:48,852 --> 00:12:52,981
Sobrang abala ako, at huli na ako.
Pwedeng sa kotse na tayo mag-usap?

157
00:12:54,608 --> 00:12:56,234
Bale… pwede akong tumuloy rito?

158
00:12:57,444 --> 00:13:00,655
Ano ba! Alam ba ng mama mong
nasa San Francisco ka?

159
00:13:00,739 --> 00:13:02,908
-Ano naman?
-Okey.

160
00:13:04,618 --> 00:13:08,330
-Sige, ano'ng nangyari?
-Sabi ni papa, pwede ako sa kanila.

161
00:13:08,413 --> 00:13:13,043
Pero wala siya sa bahay.
Nasa Cabo siya. Kasama ni Rhonda.

162
00:13:13,126 --> 00:13:15,712
Lintik na Rhonda!
Hindi niya alam na pupunta ka?

163
00:13:15,795 --> 00:13:18,673
Ayokong magkaroon siya ng tsansang umayaw.

164
00:13:18,757 --> 00:13:21,801
Matalino iyon. Bale, ganito.

165
00:13:21,885 --> 00:13:25,305
Pwede kang tumuloy sa 'kin mamayang gabi,
sa isang kondisyon.

166
00:13:25,388 --> 00:13:27,682
Kailangan mong sabihin sa mama mo
kung nasaan ka.

167
00:13:27,766 --> 00:13:31,520
Ano ba 'yan? Wala siyang paki sa 'kin.

168
00:13:31,603 --> 00:13:33,563
Wala akong paki. I-text mo ang mama mo.

169
00:13:33,647 --> 00:13:35,232
Sawa na akong masabihan niyang

170
00:13:35,315 --> 00:13:39,402
sinasayang ko ang buhay ko
sa pagwe-waitress at 'di pagkokolehiyo.

171
00:13:39,486 --> 00:13:41,988
-Hindi ko na kaya.
-Alam mo, naiintindihan ko.

172
00:13:42,072 --> 00:13:44,032
Mahirap pakisamahan si Christina.

173
00:13:44,115 --> 00:13:46,368
Pero tingin ko,
ang pinakamagandang magagawa mo

174
00:13:46,451 --> 00:13:49,204
ay magpakabait
at sabihin sa kanya kung nasaan ka.

175
00:13:49,287 --> 00:13:50,997
-Bakit?
-Dahil sinabi ko!

176
00:13:51,081 --> 00:13:52,499
Gusto mo bang tumuloy sa'kin?

177
00:13:52,582 --> 00:13:54,918
-Diyos ko!
-Diyos ko!

178
00:13:55,001 --> 00:13:58,088
Dito ka lang. I-lock mo ang pinto,
'wag kang tanga, okey?

179
00:13:58,171 --> 00:13:59,297
Mahal kita.

180
00:14:47,137 --> 00:14:49,472
Hi. Patty Solis-Papagian.

181
00:14:53,143 --> 00:14:54,769
Ako si Patty Solis-Papagian.

182
00:14:55,604 --> 00:14:56,980
Sa loob. Okey.

183
00:15:01,318 --> 00:15:05,655
Okey. Hi. Okey.

184
00:15:06,781 --> 00:15:08,074
Okey.

185
00:15:16,249 --> 00:15:17,834
Diyos ko!

186
00:15:21,379 --> 00:15:25,258
Hello. Alam mo bang delikadong
magkita tayo nang ganito?

187
00:15:25,342 --> 00:15:26,468
Oo, alam ko.

188
00:15:28,053 --> 00:15:30,972
Ano? Ano'ng nangyari?
Ayos lang ba si Kate?

189
00:15:31,056 --> 00:15:34,601
-Oo, ayos lang siya, pero wala na siya.
-Hindi, hindi pa.

190
00:15:34,684 --> 00:15:36,019
Hindi pwede.

191
00:15:36,102 --> 00:15:38,855
Kukuha ako ng order of continuance
hangga't makalabas siya

192
00:15:38,938 --> 00:15:41,399
-sa cycle niya.
-May mas malupit akong bago.

193
00:15:42,233 --> 00:15:45,028
-Sino?
-Si Frank Zax, ama ni Kate.

194
00:15:45,654 --> 00:15:47,530
Siya ang chemist ng Trimadone.

195
00:15:47,614 --> 00:15:50,784
Mas magandang testigo,
pero magiging mahirap.

196
00:15:51,618 --> 00:15:53,161
Ayos. Paanong mahirap?

197
00:15:53,953 --> 00:15:55,622
May mga isyu siya sa isip.

198
00:15:56,623 --> 00:15:59,709
Masyadong mahina si Kate ngayon.
Masyadong bago sa kanya,

199
00:15:59,793 --> 00:16:02,462
pero matagal nang may sakit si Frank.

200
00:16:02,545 --> 00:16:05,006
Kapag nasundan mo siya,
siya ang pinakaayos na testigo,

201
00:16:05,090 --> 00:16:07,258
dahil kasama niya palagi si George.

202
00:16:09,636 --> 00:16:10,637
Okey.

203
00:16:11,471 --> 00:16:17,018
Sige. Kailangan mong maitala
ang Amurzyn test results.

204
00:16:17,102 --> 00:16:19,521
-'Yong galing kay Cooperman.
-Paano?

205
00:16:20,438 --> 00:16:23,733
-'Di 'yon papayagan ng hukom.
-Kailangan mong subukan.

206
00:16:23,817 --> 00:16:28,530
Susuportahan ko ang testimonya ni Frank.
Kung hindi, maglalaban sila ni George.

207
00:16:32,826 --> 00:16:35,412
Alam mo, hinihiling ko talaga na sana…

208
00:16:37,706 --> 00:16:42,293
-Sana nasa korte ka.
-Kaso mo 'to.

209
00:16:44,003 --> 00:16:45,004
Kaya mo 'to.

210
00:16:46,089 --> 00:16:49,008
Ayos. Okey.

211
00:16:52,345 --> 00:16:53,304
Okey.

212
00:16:54,013 --> 00:16:55,265
Kailan ko makikita si…

213
00:16:56,558 --> 00:16:59,269
Dadaan siya sa opisina maya-maya.

214
00:16:59,936 --> 00:17:00,895
Opisina ko?

215
00:17:02,564 --> 00:17:04,274
Gusto mong makita siya ni Sam.

216
00:17:04,357 --> 00:17:06,860
Mabuting makita niya
kung sinong susunod natin.

217
00:17:06,943 --> 00:17:09,612
-Kumusta na siya?
-Ang lala.

218
00:17:09,696 --> 00:17:11,156
Wala akong tiwala sa kanya.

219
00:17:13,158 --> 00:17:18,663
Sobra. Babalik na ako sa opisina,
at aayusin ko ang mga papeles.

220
00:17:19,497 --> 00:17:20,749
Ewan ko kung kailan…

221
00:17:20,832 --> 00:17:25,003
Lintik, nandito ang kapatid ko.
Lintik! Ano'ng gagawin ko sa kanya?

222
00:17:25,086 --> 00:17:27,380
-Nasaan siya?
-Naghihintay sa kotse.

223
00:17:27,464 --> 00:17:29,966
Pupunta siya sa inyo?
Ako'ng bahala sa kanya.

224
00:17:30,383 --> 00:17:31,801
-Talaga?
-Oo.

225
00:17:31,885 --> 00:17:34,846
-Sobrang ayos iyon.
-Gusto ko siyang makilala.

226
00:17:34,929 --> 00:17:37,599
-Nakakatakot iyan.
-Paanong nakakatakot?

227
00:17:37,682 --> 00:17:39,184
Nakakatakot kapag sinasabi mo.

228
00:17:39,267 --> 00:17:41,895
-Gusto kong makita kung sino siya.
-Iyan na naman.

229
00:17:41,978 --> 00:17:42,896
-Sige.
-Ano?

230
00:17:42,979 --> 00:17:46,316
-Makinig ka. Unang pinto…
-Malalaman ko iyan.

231
00:17:46,399 --> 00:17:48,610
-Sige na.
-Sige. Salamat.

232
00:17:48,693 --> 00:17:50,236
Salamat talaga.

233
00:17:53,865 --> 00:17:55,116
-Patty.
-Ano iyon?

234
00:17:55,200 --> 00:17:56,451
Magaling ang ginagawa mo.

235
00:17:57,118 --> 00:18:00,830
Sobra iyon. Okey. Salamat.

236
00:18:03,333 --> 00:18:05,752
Okay, madadaling tanong muna.

237
00:18:05,835 --> 00:18:06,920
Okey.

238
00:18:07,337 --> 00:18:10,340
Ano'ng taon n'yo sinimulan
ng kapatid mo ang Zax Pharma?

239
00:18:11,591 --> 00:18:13,092
Ano'ng taon ka pinanganak?

240
00:18:14,636 --> 00:18:16,221
Hindi iyan mahalaga.

241
00:18:16,304 --> 00:18:19,724
Kasi… Ang bata mo talaga tingnan.

242
00:18:19,808 --> 00:18:21,893
Pero ang astig na ng ginagawa mo.

243
00:18:22,352 --> 00:18:25,647
-Okey.
-Papuri iyon.

244
00:18:25,730 --> 00:18:26,940
Sige, sige.

245
00:18:27,023 --> 00:18:30,693
Baka hindi ka pa buhay
nang magsimula kami ng kapatid ko.

246
00:18:31,402 --> 00:18:33,238
-1979?
-Hindi.

247
00:18:34,656 --> 00:18:36,533
-Wala ka pang foyer.
-Diyos ko, hindi.

248
00:18:36,616 --> 00:18:37,659
-Paumanhin.
-Hi.

249
00:18:37,742 --> 00:18:40,203
-Ito ang bago nating testigo. Frank Zax.
-Hi.

250
00:18:40,286 --> 00:18:42,914
Magandang gabi. Pwede kitang kausapin?

251
00:18:43,706 --> 00:18:44,707
Sige.

252
00:18:46,459 --> 00:18:49,420
Alam ko ang tono, ang gagawin.

253
00:18:49,504 --> 00:18:50,839
Babalik ako.

254
00:18:53,132 --> 00:18:54,259
Ano'ng problema?

255
00:18:54,342 --> 00:18:56,886
Alam mo naman sigurong
naospital si Frank Zax?

256
00:18:56,970 --> 00:18:58,555
At haharapin ko 'yon.

257
00:18:59,305 --> 00:19:00,723
At tingin mo, tama 'yon?

258
00:19:00,807 --> 00:19:02,475
Ayokong matalo sa naratibo.

259
00:19:02,559 --> 00:19:05,144
Mahalagang maging tapat at bukas.

260
00:19:05,228 --> 00:19:06,187
Okey.

261
00:19:07,480 --> 00:19:10,066
Hindi ka nagtataka
kung anong nangyari kay Kate Zax?

262
00:19:11,317 --> 00:19:14,195
Sasali ako sa lahat
ng paghahanda ng testigo.

263
00:19:23,162 --> 00:19:25,290
Nakapunta ka na ba dati sa San Francisco?

264
00:19:26,165 --> 00:19:30,211
-Hindi pa.
-Bago lang din ako rito.

265
00:19:34,048 --> 00:19:37,218
Masaya ka siguro,
nakita mo si Patty sandali. Tama?

266
00:19:37,927 --> 00:19:39,721
Ayaw niya ako rito.

267
00:19:40,138 --> 00:19:42,849
Alam mo na, abala siya.

268
00:19:42,932 --> 00:19:46,060
Malaking kaso ang tinatrabaho niya.
'Di ko pepersonalin.

269
00:19:46,144 --> 00:19:48,313
Oo. Ayos lang. Alam ko naman.

270
00:19:48,396 --> 00:19:50,356
Iba na siya pagtapos noong sa baby.

271
00:19:51,733 --> 00:19:53,943
Sinabi ba niya kung ano'ng nangyari?

272
00:19:54,027 --> 00:19:55,820
-Sa baby?
-Oo.

273
00:19:56,487 --> 00:19:58,573
Sobrang premature.

274
00:19:59,532 --> 00:20:02,368
May mali sa blood vessels sa utak.

275
00:20:03,703 --> 00:20:05,204
Nalimutan ko ano'ng tawag.

276
00:20:07,040 --> 00:20:09,042
Oo, 'di ko alam ang mga detalye.

277
00:20:14,047 --> 00:20:16,799
May anak akong kasing-edad mo.
Mabait na bata.

278
00:20:17,842 --> 00:20:19,052
Nasa kolehiyo siya.

279
00:20:19,552 --> 00:20:22,472
Dati, pero ewan ko na
kung ano'ng ginagawa niya ngayon.

280
00:20:22,555 --> 00:20:23,806
Ayaw niya akong kausapin.

281
00:20:27,852 --> 00:20:29,270
Pwede mo siyang i-text.

282
00:20:30,355 --> 00:20:32,065
Ayaw niya akong kausapin.

283
00:20:36,903 --> 00:20:40,990
'Di ko rin kinausap si papa nang
isang taon pagtapos ng diborsyo.

284
00:20:41,074 --> 00:20:44,953
Tapos pinadalhan niya ako
ng mga litrato ng mga aso sa lugar nila.

285
00:20:45,954 --> 00:20:50,708
-Kinausap mo siya pagkatapos no'n?
-Pagkatapos ng 20 aso.

286
00:20:50,792 --> 00:20:55,838
Siguro padadalhan ko siya ng mga aso
at tingnan natin ang mangyayari.

287
00:20:58,383 --> 00:20:59,884
Hindi siya sasagot agad.

288
00:21:01,803 --> 00:21:03,262
Buti nalaman ko.

289
00:21:18,611 --> 00:21:22,824
Narinig kita. At tingin ko, tama ka.

290
00:21:24,242 --> 00:21:26,494
-Tungkol saan?
-Panahon na para makialam.

291
00:21:27,120 --> 00:21:29,539
Tapusin ang kasong 'to para kay papa.

292
00:21:31,290 --> 00:21:34,168
Okey. At kumusta naman si Patty roon?

293
00:21:34,252 --> 00:21:36,087
Sasabihin ko sa kanya bukas.

294
00:21:38,006 --> 00:21:40,925
Walang magbabago masyado sa kanya.
Siya pa rin ang 1st chair.

295
00:21:41,009 --> 00:21:43,011
Nasa mesa lang ako.

296
00:21:44,762 --> 00:21:46,431
Handa ka ba?

297
00:21:46,514 --> 00:21:49,600
-Isipin mo ang kalusugan mo.
-Ayos lang ako.

298
00:21:52,061 --> 00:21:53,187
Pero salamat.

299
00:22:03,322 --> 00:22:06,743
-Nakalimutan ko ang scarf ko.
-Ingatan mo ang leeg mo.

300
00:22:11,664 --> 00:22:13,124
-Patty?
-Ano iyon?

301
00:22:13,791 --> 00:22:15,918
Kukunin ni Sam ang kaso.

302
00:22:17,712 --> 00:22:19,922
-Ano?
-Ikaw pa rin ang first chair.

303
00:22:20,006 --> 00:22:22,842
Kaya itutuloy ko lang
kung ano'ng ginagawa mo.

304
00:22:22,925 --> 00:22:24,761
Pero tatabi siya sa 'yo.

305
00:22:24,844 --> 00:22:28,848
At may kapangyarihan siyang gawin
kung ano mang gagawin niya.

306
00:22:29,223 --> 00:22:30,600
Ano'ng gagawin niya?

307
00:22:31,100 --> 00:22:32,894
Hindi ko alam.

308
00:22:34,937 --> 00:22:36,689
Ano'ng dapat kong gawin?

309
00:22:37,774 --> 00:22:40,359
Ang mapapayo ko lang, siguruhin mong

310
00:22:40,443 --> 00:22:43,029
handang-handa ka.

311
00:22:43,571 --> 00:22:47,158
Alam mo? Sobrang tatag ng karakter mo

312
00:22:47,241 --> 00:22:48,493
sa sarili mong paraan.

313
00:22:48,576 --> 00:22:51,329
Alam kong magagawa mo 'to.
At magiging ayos 'to.

314
00:22:54,415 --> 00:22:55,500
Magandang gabi.

315
00:22:58,628 --> 00:23:00,797
Matatag na karakter?

316
00:23:03,841 --> 00:23:04,884
Ano?

317
00:23:11,474 --> 00:23:12,683
Joe, ano ba 'to?

318
00:23:12,767 --> 00:23:14,936
Pasensya na, sir. May parada.

319
00:23:17,188 --> 00:23:19,440
Sige. Lintik. Maglalakad ako.

320
00:24:03,151 --> 00:24:04,902
Kung gayon, nabalitaan mo.

321
00:24:04,986 --> 00:24:08,948
Binalaan kita,
'wag mong isasali si Kate dito.

322
00:24:09,031 --> 00:24:13,452
Tinanggal ko si Kate.
'Di ko alam kung ano 'tong ginagawa mo.

323
00:24:13,536 --> 00:24:15,079
Nagkakalat ako.

324
00:24:16,539 --> 00:24:19,584
Frank, ano'ng… Lintik.

325
00:24:29,302 --> 00:24:31,804
Okey, Frank, bakit?

326
00:24:33,389 --> 00:24:35,766
Magandang tanong iyan.

327
00:24:37,393 --> 00:24:40,521
Siguro kasi tingin ko,
ito ang tamang gawin.

328
00:24:41,063 --> 00:24:43,441
Sige. Tungkol sa 'kin, tama?

329
00:24:43,524 --> 00:24:47,445
Hindi! Tungkol kay Kate, gago.

330
00:24:47,528 --> 00:24:50,990
Kate? Pwede mong masira ang lahat
ng itinayo natin para sa mga bata.

331
00:24:52,283 --> 00:24:56,162
Kung ako ang problema mo,
tayo ang magtuos dito, ngayon mismo.

332
00:24:56,245 --> 00:24:57,413
Ano'ng gusto mo?

333
00:24:59,498 --> 00:25:02,418
Ni hindi mo alam. Bakit mo ginagawa 'to?

334
00:25:02,501 --> 00:25:06,380
Para maging bayani?
Para mahalin ka ni Kate?

335
00:25:06,464 --> 00:25:09,425
Dahil tapos na 'yon. Hindi na magbago.

336
00:25:10,968 --> 00:25:13,846
Frank, nandito ako, okey?

337
00:25:13,930 --> 00:25:18,559
Panahon na. Huling kasunduan. Okey?

338
00:25:18,643 --> 00:25:22,772
'Di ka tetestigo o gagawa ako ng kung ano.

339
00:25:23,940 --> 00:25:26,359
-Magmakaawa ka pa.
-Lintik ka!

340
00:25:26,442 --> 00:25:28,569
Ibenta mo sa 'kin.
Iyon ang gusto mong gawin.

341
00:25:28,653 --> 00:25:30,112
Doon ka magaling.

342
00:25:30,196 --> 00:25:35,243
Sabihin mo sa 'kin ang langit na maaabot,
o 'yong magic beans.

343
00:25:35,326 --> 00:25:39,205
Ni hindi mo na alam kung ano'ng
binibenta mo, o kung may paki ka pa.

344
00:25:40,665 --> 00:25:43,960
Wala kang itinayo sa buhay mo.

345
00:25:45,878 --> 00:25:48,130
Peste ka lang.

346
00:25:52,510 --> 00:25:54,637
Congratulations.

347
00:25:54,720 --> 00:26:00,101
Naku! Umisa ka sa malapit nang mamatay.

348
00:26:03,062 --> 00:26:08,025
At 'di ko kakalimutan 'yan bukas
kapag tumestigo na ako.

349
00:26:12,446 --> 00:26:13,823
Peste.

350
00:26:22,790 --> 00:26:25,710
-Magandang umaga, Doctor Zax.
-Magandang umaga, ma'am.

351
00:26:25,793 --> 00:26:27,712
Frank ang tawag sa 'yo, tama?

352
00:26:27,795 --> 00:26:30,840
-Arthur ang tatay ko.
-Sige.

353
00:26:30,923 --> 00:26:32,675
Kapatid mo si George Zax?

354
00:26:34,427 --> 00:26:37,680
Sinimulan n'yo ng kapatid mo
ang Zax Pharma nang magkasama.

355
00:26:37,763 --> 00:26:40,433
Paano mo ilalarawan
ang mga papel n'yo sa kompanya?

356
00:26:40,516 --> 00:26:45,563
Ako ang chief pharmaceutical scientist
at lead drug designer,

357
00:26:46,522 --> 00:26:50,568
at si George ang presidente, ang CEO.

358
00:26:50,651 --> 00:26:53,696
Ano'ng klaseng mga gamot
ang ginawa mo sa kompanya?

359
00:26:53,779 --> 00:26:58,492
Nagsimula ako sa ZAXLAX. Mga pampadumi.

360
00:26:58,576 --> 00:26:59,618
Okey.

361
00:26:59,702 --> 00:27:03,372
Antacids. Tapos sinunod namin ang opioids.

362
00:27:03,456 --> 00:27:05,958
Mga Trimadone, Amurzyn.

363
00:27:06,042 --> 00:27:09,253
Objection. Pwedeng sandali, Your Honor?

364
00:27:11,756 --> 00:27:13,883
-Ano iyon?
-Malalaman mo.

365
00:27:15,176 --> 00:27:17,261
Magpa-file ako ng motion in limine

366
00:27:17,345 --> 00:27:20,681
para alisin ang impormasyon
tungkol sa Amurzyn sa testimonya niya.

367
00:27:20,765 --> 00:27:23,059
Hindi. Ano'ng basehan?

368
00:27:23,184 --> 00:27:27,271
Tungkol sa Trimadone ang kasong 'to.
Hindi mahalaga ang Amurzyn.

369
00:27:27,355 --> 00:27:29,023
Amurzyn ang pinakapunto ng kaso.

370
00:27:29,106 --> 00:27:31,359
Ibig sabihin,
alam nilang nakakaadik ang Trimadone.

371
00:27:31,442 --> 00:27:33,944
Anumang probative na ebidensya,
at mabait pa ako nito,

372
00:27:34,028 --> 00:27:36,781
ay wala rin sa di-makatarungang prejudice

373
00:27:36,864 --> 00:27:38,866
at kalituhan sa mga isyung dala nito.

374
00:27:38,949 --> 00:27:42,620
At kung ang husga ng hurado
ay nasira nito,

375
00:27:42,703 --> 00:27:45,081
sapat na iyon
para magkaroon ng agarang apela.

376
00:27:48,501 --> 00:27:53,381
Mukhang maiisipan mo ng paraan,
Bb. Solis-Papagian.

377
00:27:53,464 --> 00:27:55,800
Ang bait mo, Your Honor. Salamat.

378
00:27:55,883 --> 00:27:57,218
Pinapayagan ang mosyon.

379
00:27:58,094 --> 00:28:01,597
Doctor Zax,
'di mo pwedeng banggitin ang Amurzyn

380
00:28:01,680 --> 00:28:04,308
sa kahit ano man sa testimonya mo.

381
00:28:05,434 --> 00:28:07,645
-Sige.
-Okey.

382
00:28:10,481 --> 00:28:16,320
Sabihin mo, paano nauwi ang kompanya
mula sa pampadumi sa paggawa ng opioids?

383
00:28:17,154 --> 00:28:19,657
-Dahil doon, ang kapatid kong si George.
-Doon.

384
00:28:19,740 --> 00:28:22,952
Gusto niyang pumunta ang kumpanya
sa mga pampamanhid.

385
00:28:23,035 --> 00:28:25,621
Dahil malaking negosyo ang pampamanhid.

386
00:28:25,704 --> 00:28:29,500
Saglit lang ang ginhawa ng pampadumi.

387
00:28:30,459 --> 00:28:34,463
Kumikita ang pampamanhid
nang pangmatagalan.

388
00:28:35,381 --> 00:28:38,008
-Malaki ang kita?
-Ngayon, alam mo na.

389
00:28:38,384 --> 00:28:40,261
Payag ka ba sa estratehiya niya?

390
00:28:41,053 --> 00:28:43,681
-Ano 'kamo?
-Payag ka ba sa estratehiya niya?

391
00:28:43,764 --> 00:28:48,018
Sa umpisa, oo. Gusto kong gumawa
ng mas banayad na analgesic.

392
00:28:48,102 --> 00:28:52,940
May dahilan ba kung bakit 'di ka gumawa
ng pampamanhid na opioid-based?

393
00:28:53,023 --> 00:28:54,066
Masyadong nakakaadik.

394
00:28:54,150 --> 00:28:57,361
At may ilang siglo tayo sa kasaysayan
para patunayan 'yon.

395
00:29:01,031 --> 00:29:06,996
Para lang malinaw, ginamit ang opiates
para gumawa ng pampamanhid na opioid?

396
00:29:07,079 --> 00:29:09,457
Oo. Man-made sila.

397
00:29:09,540 --> 00:29:12,668
Bale, kung alam ng lahat
na nakakaadik ang natural na opiates,

398
00:29:12,751 --> 00:29:15,796
bakit hindi sila pareho
ng sintetikong opioids?

399
00:29:15,880 --> 00:29:20,801
Isang rason, may artikulo
sa The New England Journal of Medicine

400
00:29:20,885 --> 00:29:22,303
noong 1980

401
00:29:22,386 --> 00:29:27,433
kung saan sinabi ng doktor
na hindi nakakalulong ang opioids,

402
00:29:28,809 --> 00:29:30,060
kung sa statistics lang.

403
00:29:30,144 --> 00:29:33,939
Peer-reviewed ba
o may basehan ang artikulong ito?

404
00:29:34,023 --> 00:29:38,402
Wala, ma'am, isang talata lang 'yon.
Pero nakita 'yon ni George.

405
00:29:38,486 --> 00:29:42,448
Gusto niya 'yon dahil akala niya,
may ligal kaming proteksyon dahil doon.

406
00:29:42,531 --> 00:29:45,075
-Nauto ka ba no'n?
-Siyentista ako!

407
00:29:45,826 --> 00:29:51,248
Pasensya na sa pagtataas ng boses,
pero hindi. Opinyon lang iyon.

408
00:29:51,332 --> 00:29:53,626
Pero si George, lintik lang ang may paki.

409
00:29:53,709 --> 00:29:56,003
Doctor Zax, ingat sa pananalita.

410
00:29:56,086 --> 00:30:00,257
Nang bumalik ang test results
ng Trimadone, ano'ng sabi roon?

411
00:30:00,341 --> 00:30:02,134
Ang sabi, nakakaadik.

412
00:30:02,218 --> 00:30:07,014
Doctor Zax, kung alam mong
nakakaadik ang Trimadone,

413
00:30:07,097 --> 00:30:09,892
bakit 'di mo itinabi at iba ang tinrabaho?

414
00:30:09,975 --> 00:30:15,564
Sinubukan ko. Akala ko, nakagawa ako
ng di-nakakalulong na formula no'n.

415
00:30:16,774 --> 00:30:21,070
Pero biglang nagkaroon ng mga
di-inaasahang komplikasyon.

416
00:30:21,153 --> 00:30:23,197
-Objection.
-Ang lalaking 'to.

417
00:30:23,280 --> 00:30:27,451
Doctor Zax, 'wag n'yo pong babanggitin
ang Amurzyn.

418
00:30:27,535 --> 00:30:30,412
Nagtanong siya sa akin.
Paano ko sasagutin iyon?

419
00:30:30,496 --> 00:30:33,666
Bb. Solis-Papagian, pwede mong ibahin?

420
00:30:33,749 --> 00:30:34,667
Sige.

421
00:30:37,586 --> 00:30:41,298
Kung alam mong nakakaadik ang Trimadone,
bakit mo inilabas?

422
00:30:41,382 --> 00:30:43,217
Dahil iyon ang gusto ni George.

423
00:30:44,176 --> 00:30:47,513
Wala siyang interes
sa mga ikinakabahala ko.

424
00:30:48,013 --> 00:30:52,268
Ang gusto niya lang,
mailabas agad ang Trimadone.

425
00:30:52,351 --> 00:30:55,729
Napakagandang negosyo no'n para sa kanya.

426
00:30:55,813 --> 00:31:01,485
Nakakalulong na ligal na droga
na 'di na kailangang ibenta.

427
00:31:02,570 --> 00:31:03,779
Ano'ng sumunod na nangyari?

428
00:31:04,446 --> 00:31:06,490
Tinulak niya ako palabas ng kompanya.

429
00:31:06,574 --> 00:31:10,327
Tinanggal niya ako. Tapos.
"Tapos ka na rito."

430
00:31:12,037 --> 00:31:15,416
Gusto niyang mag-isa sa Zax Pharma,

431
00:31:16,166 --> 00:31:18,877
at kumita siya nang bilyon-bilyon,

432
00:31:18,961 --> 00:31:22,172
at bilyon-bilyong dolyar,

433
00:31:23,007 --> 00:31:25,676
kapalit ng mga buhay ng tao.

434
00:31:33,934 --> 00:31:36,770
Pwedeng saglit lang, Your Honor?
Saglit lang.

435
00:31:41,025 --> 00:31:43,444
Gusto siya ng hurado,
tapusin na natin dito.

436
00:31:43,527 --> 00:31:47,281
Ano'ng… Gusto mong lagpasan ko
ang mga isyu sa pag-iisip niya?

437
00:31:47,364 --> 00:31:52,036
-Si Griffin na, pwede?
-Hindi, perpektong panahon 'to.

438
00:31:52,119 --> 00:31:55,831
-Kahit na.
-Dudurugin nila siya, Sam.

439
00:31:55,914 --> 00:31:59,710
-Kahit na.
-Bb. Solis-Papagian, mayroon pa ba?

440
00:32:04,465 --> 00:32:06,550
Opo, isa na lang, Your Honor.

441
00:32:07,343 --> 00:32:09,011
Frank, pwedeng pabor?

442
00:32:09,928 --> 00:32:12,306
Pwedeng tingnan mo ang hurado natin?

443
00:32:14,183 --> 00:32:16,810
Gusto mong sabihin kung bakit ka
mayroong black eye?

444
00:32:16,894 --> 00:32:18,062
Sinuntok ako ng kapatid ko.

445
00:32:18,145 --> 00:32:21,231
Ang kapatid mong si George, sinuntok ka?
Tama ba?

446
00:32:21,315 --> 00:32:22,524
-Opo, ma'am.
-Bakit?

447
00:32:22,608 --> 00:32:24,026
-"Bakit?"
-Oo.

448
00:32:24,109 --> 00:32:26,654
Dahil tetestigo ako laban sa kanya.

449
00:32:29,615 --> 00:32:32,743
-Salamat.
-Salamat, ma'am.

450
00:32:32,826 --> 00:32:34,328
Wala na pong katanungan.

451
00:32:42,044 --> 00:32:44,254
Alam naming marami kang alam
sa gamot, Frank.

452
00:32:44,338 --> 00:32:47,633
Dahil lang ba 'yon
sa karanasan mo sa trabaho?

453
00:32:47,716 --> 00:32:49,468
-Objection.
-Babaguhin ko.

454
00:32:49,551 --> 00:32:55,140
May iniinom ka ba ngayong mga gamot
na makakapagbago ng pag-iisip mo?

455
00:32:55,933 --> 00:32:59,436
Umiinom ako ng Clozapine at Lamotrigine.

456
00:32:59,520 --> 00:33:02,773
Isang antipsychotic
at isang mood stabilizer.

457
00:33:03,399 --> 00:33:05,234
Nag-aral ka, hindi ba?

458
00:33:05,317 --> 00:33:08,487
Iniinom mo iyon para sa
schizoaffective disorder mo, tama?

459
00:33:08,570 --> 00:33:12,241
Objection.
Labas na 'to sa paksa, Your Honor.

460
00:33:12,324 --> 00:33:13,867
Kayong dalawa, lumapit kayo.

461
00:33:17,079 --> 00:33:19,248
Itinatanong 'to para sa kredibilidad niya.

462
00:33:19,331 --> 00:33:22,459
Dahil may sakit siya, 'di ibig sabihin,
wala siyang kredibilidad.

463
00:33:22,543 --> 00:33:24,211
Pasya na ng korte iyon.

464
00:33:24,294 --> 00:33:26,839
Sinasamantala niya ang mahinang tao,

465
00:33:26,922 --> 00:33:29,550
at may stigma siya sa sakit sa pag-iisip.

466
00:33:29,633 --> 00:33:32,928
Ang kredibilidad ng testigo
ang puso ng kasong ito,

467
00:33:33,011 --> 00:33:34,680
at tinatanong ko lang siya.

468
00:33:34,763 --> 00:33:37,599
Mapanganib ang laro mong 'to, G. Petock.

469
00:33:38,308 --> 00:33:40,561
Walang ibang mapagpipilian.

470
00:33:40,644 --> 00:33:44,314
Ang nagsasakdal ang hindi nagsiwalat
ng mga isyu ng testigo niya.

471
00:33:45,315 --> 00:33:46,734
Objection overruled.

472
00:33:46,817 --> 00:33:48,861
Pwede kang magpatuloy nang may pag-iingat.

473
00:33:48,944 --> 00:33:50,112
Opo, Your Honor.

474
00:33:52,322 --> 00:33:54,533
-Frank.
-Ano?

475
00:33:54,616 --> 00:33:57,202
Regular mo bang iniinom ito?

476
00:33:58,370 --> 00:33:59,455
Dalawang beses kada araw.

477
00:33:59,538 --> 00:34:03,709
At ininom mo na 'to simula pa
noong 25 taon ang nakakaraan?

478
00:34:04,501 --> 00:34:06,378
Pagkaalis mo sa Zax Pharma?

479
00:34:06,462 --> 00:34:08,464
Parang ganoon, oo.

480
00:34:08,547 --> 00:34:10,174
Halos sangkapat ng siglo.

481
00:34:10,257 --> 00:34:14,178
Nahihirapan ka bang matukoy
ang realidad sa delusyon?

482
00:34:14,261 --> 00:34:15,345
Hindi.

483
00:34:16,680 --> 00:34:20,184
Sinabi mo, tinulak ka ng kapatid mo
palabas ng Zax Pharma

484
00:34:20,267 --> 00:34:22,561
dahil sinubukan mong pigilan
ang Trimadone?

485
00:34:22,644 --> 00:34:23,645
Tama iyon.

486
00:34:25,939 --> 00:34:27,316
At iyon ay…

487
00:34:28,859 --> 00:34:32,362
noong Agosto 5, 1994, tama?

488
00:34:33,363 --> 00:34:34,448
Hindi ko alam.

489
00:34:35,407 --> 00:34:39,495
Tanda mo ba kung ano'ngnangyari
isang linggo bago ang ika-30 ng Hulyo?

490
00:34:40,454 --> 00:34:41,622
Kuha mo na ako, pare.

491
00:34:45,042 --> 00:34:48,253
-Maaalala mo ba rito?
-Objection.

492
00:34:48,337 --> 00:34:51,298
Your Honor, wala tayo niyan.

493
00:34:51,381 --> 00:34:54,134
Ngayon, mayroon na. Exhibit 233.

494
00:34:54,218 --> 00:34:57,304
Bakit itinago mo ito, G. Petock?

495
00:34:57,387 --> 00:35:01,308
Surprise witness si Doctor Zax,
ipinasok na lang bigla.

496
00:35:01,391 --> 00:35:05,312
Sinubukan naming i-cross-examine siya,
kahit mabilisan.

497
00:35:05,395 --> 00:35:07,940
Mag-ingat ka, G. Petock.

498
00:35:09,233 --> 00:35:12,194
Pwede mong basahin ang ulat?
Kahit 'yong highlighted lang.

499
00:35:12,277 --> 00:35:13,445
Objection. Sabi-sabi.

500
00:35:13,529 --> 00:35:17,032
Ang dokumentong ito, 20 taon na
at bahagi ng official state records.

501
00:35:17,115 --> 00:35:20,410
Overruled. Doktor Zax, basahin mo na.

502
00:35:20,744 --> 00:35:22,079
Pwede mong basahin ang ulat?

503
00:35:22,162 --> 00:35:24,331
Nagsasalamin ako at nasa bahay 'yon.

504
00:35:27,668 --> 00:35:30,462
Syempre.

505
00:35:30,546 --> 00:35:32,464
Dumating si Georgey,

506
00:35:32,548 --> 00:35:35,384
dala ang salamin ko

507
00:35:35,467 --> 00:35:39,137
na nasa bulsa niya sa paglilitis niya.

508
00:35:40,639 --> 00:35:43,767
-Ano'ng babasahin ko?
-Kahit 'yong naka-highlight lang.

509
00:35:44,101 --> 00:35:48,146
"Natagpuan ng mga pulis sa 200 block
ng Turk Street

510
00:35:48,230 --> 00:35:53,443
"si Arthur Francis Zax, edad 51,

511
00:35:53,527 --> 00:35:57,489
"na naglalakad sa gitna ng kalsada,

512
00:35:59,116 --> 00:36:03,370
"hubad at nasa estado
ng pagkairita at pagkalito.

513
00:36:07,749 --> 00:36:12,838
"Dinala siya sa kustodiya para masuri."

514
00:36:16,925 --> 00:36:19,177
Dumaranas ka ng maraming delusyon

515
00:36:19,261 --> 00:36:21,138
noong panahong ito, tama?

516
00:36:21,638 --> 00:36:26,685
Hindi ko tanda.
Alam kong sobra akong stressed noon.

517
00:36:26,768 --> 00:36:30,272
Pero, sir, ito ang insidenteng
naghudyat sa kapatid mo

518
00:36:30,355 --> 00:36:33,108
para kunan ka ng panghabambuhay
na professional care, tama?

519
00:36:33,191 --> 00:36:36,820
Kinulong niya ako, Diyos ko! Care ba iyon?

520
00:36:36,904 --> 00:36:39,406
At hindi ka tinanggal sa Zax Pharma

521
00:36:39,489 --> 00:36:42,492
hanggang madeklara kang incompetent, tama?

522
00:36:42,576 --> 00:36:45,662
Ginamit niya iyon bilang excuse

523
00:36:45,746 --> 00:36:49,666
para 'di ko siya mapigilan
sa paglalabas ng Trimadone.

524
00:36:49,750 --> 00:36:51,877
Kinuha ng lalaking 'yon

525
00:36:51,960 --> 00:36:56,423
ang asawa ko at anak ko.

526
00:36:57,507 --> 00:37:00,761
-Kasal ka noong panahong ito?
-Oo.

527
00:37:01,219 --> 00:37:03,388
-Nasaan siya nito?
-Objection.

528
00:37:03,472 --> 00:37:06,725
-Ano'ng kinalaman no'n?
-Lahat.

529
00:37:06,808 --> 00:37:11,104
-Tatlong tanong na lang.
-Magpatuloy ka, pero magbibilang ako.

530
00:37:13,649 --> 00:37:18,195
-Nasaan ang asawa mo, Frank?
-'Di ko alam. Nakakulong ako.

531
00:37:18,278 --> 00:37:21,615
Sinabi mo sa kapatid mong
bumalik siya sa China, tama?

532
00:37:21,698 --> 00:37:25,494
Oo, totoo iyon.
Nami-miss niya ang pamilya niya sa China.

533
00:37:25,577 --> 00:37:27,621
Pero 'di iyon ang buong katotohanan, tama?

534
00:37:27,955 --> 00:37:30,791
Umuwi siyang bangkay sa pamilya niya,
tama?

535
00:37:30,874 --> 00:37:35,921
-Ano? Bangkay? HIndi.
-Nagpakamatay siya, tama?

536
00:37:36,004 --> 00:37:37,798
Hindi, hindi nangyari iyon.

537
00:37:37,881 --> 00:37:40,217
Gusto mong makita ang death certificate?

538
00:37:40,300 --> 00:37:41,510
Hindi.

539
00:37:41,593 --> 00:37:45,555
Hindi mo maalala dahil dumaranas ka
ng persecutory delusions.

540
00:37:45,639 --> 00:37:48,976
Sinabi mo sa kanyang
hinahabol kayo ng estado,

541
00:37:49,059 --> 00:37:53,188
na kukunin siya at ipapadala sa kampo kung
saan siya puwersahang pagtatrabahuhin.

542
00:37:53,814 --> 00:37:56,775
Ikaw ang dahilan
ng pagpapakamatay niya, tama?

543
00:37:56,858 --> 00:38:02,030
Hindi totoo 'yan! Gusto niya lang bumalik
sa pamilya niya sa China!

544
00:38:02,114 --> 00:38:06,576
At kung ganoon ang kaso, tingin mo,
iiwan niya ang nag-iisa niyang anak?

545
00:38:06,660 --> 00:38:07,828
Ano?

546
00:38:09,496 --> 00:38:13,500
Ang ikalawang pahina ng police report,
pwedeng pakibasa po, sir?

547
00:38:18,255 --> 00:38:23,719
"May natagpuan sa kanyang bahay
ang mga pulis ng welfare check...

548
00:38:25,012 --> 00:38:30,642
"na isang menor de edad na babae.

549
00:38:32,310 --> 00:38:36,106
"Dinala ang bata
upang alagaan ng kanyang tiyo.

550
00:38:37,691 --> 00:38:40,610
Sabi mo, malinaw ang alaala mo
tungkol sa Trimadone.

551
00:38:40,694 --> 00:38:44,823
Na nakakalulong iyon at sinubukan mong
pigilan ang kapatid mo na ilabas iyon.

552
00:38:44,906 --> 00:38:49,870
Pero sa kaparehong panahon na iyon,
'di mo alam na namatay na ang asawa mo.

553
00:38:49,953 --> 00:38:52,080
O na inabandona mo ang anak mo?

554
00:38:52,164 --> 00:38:55,709
Dahil 'di 'yon totoo!
'Di ka pwedeng maniwala rito.

555
00:38:55,792 --> 00:38:58,837
Arte niya lang 'yon.

556
00:38:58,920 --> 00:39:01,882
Gumagawa siya ng mga kuwento,
nilalagay niya sa utak mo.

557
00:39:01,965 --> 00:39:04,342
Iyan ba ang tingin mong
ginagawa niya, Frank?

558
00:39:04,426 --> 00:39:06,470
Naglalagay ng kuwento sa utak mo?

559
00:39:06,553 --> 00:39:11,183
Hindi, 'di ganoon ang ibig kong sabihin.

560
00:39:11,266 --> 00:39:14,102
Makuwento siya. Salesman siya, eh.

561
00:39:14,186 --> 00:39:16,188
Napakatulis niya, napakamatalino,

562
00:39:16,271 --> 00:39:19,983
at lagi niyang alam kung ano'ng sasabihin,
at singungaling siya.

563
00:39:20,067 --> 00:39:24,237
Exhibit 234. Adoption application ito,
na pinirmahan mo,

564
00:39:24,321 --> 00:39:27,616
-isinusuko ang mga karapatan mo kay Kate.
-'Di totoo ito.

565
00:39:27,699 --> 00:39:29,409
Pineke mo 'to, ano?

566
00:39:29,493 --> 00:39:31,161
Hindi ba 'yan ang pirma mo?

567
00:39:31,244 --> 00:39:34,623
-Pamemeke.
-Kinumpirma ng notaryo publiko, sir.

568
00:39:34,706 --> 00:39:36,625
Diyos ko! Nakapagbayad kayo ng notaryo?

569
00:39:36,708 --> 00:39:40,504
Ang totoo, sir, hindi ninakaw ng
kapatid mo ang anak mo.

570
00:39:41,004 --> 00:39:42,923
Sa minsang saglit ng katinuan,

571
00:39:43,006 --> 00:39:46,968
ibinigay mo siya sa kanya,
upang palakihin, alagaan,

572
00:39:47,052 --> 00:39:48,804
dahil hindi mo kaya, sir.

573
00:39:51,431 --> 00:39:54,518
Hindi… Hindi iyan nangyari.

574
00:40:04,027 --> 00:40:05,195
Hindi nga ba?

575
00:40:09,866 --> 00:40:14,371
Wala kang masyadong matandaan
sa panahong iyon,

576
00:40:14,454 --> 00:40:17,582
lalo na tungkol sa Trimadone, tama?

577
00:40:18,416 --> 00:40:21,461
Muhing-muhi ka sa kapatid mo
dahil nadarang ka,

578
00:40:21,545 --> 00:40:24,005
dahil inampon ang anak mo, tama?

579
00:40:24,089 --> 00:40:28,760
Pero panlolokong abogado 'to.

580
00:40:30,470 --> 00:40:32,931
-Sinuntok niya ako.
-Hindi ka niya sinuntok.

581
00:40:33,014 --> 00:40:35,392
-Sinuntok niya ako!
-Ikaw ang may gawa niyan.

582
00:40:35,475 --> 00:40:37,644
-Gago.
-Ikaw ang may gawa niyan.

583
00:40:37,727 --> 00:40:39,563
-Dr. Zax…
-Gago.

584
00:40:39,646 --> 00:40:43,108
Umalis ka sa harap ko. Lumayas ka.

585
00:40:43,191 --> 00:40:45,318
-Ikaw. Tumayo ka.
-Tawagin ang marshals.

586
00:40:45,402 --> 00:40:47,571
-Lumayas ka, ngayon din!
-Tumayo ka!

587
00:40:47,654 --> 00:40:49,156
-Layas!
-'Wag kang umupo riyan

588
00:40:49,239 --> 00:40:51,616
nang may ganyang hitsura.

589
00:40:51,700 --> 00:40:57,038
Alam mo higit kanino man
na hindi ako baliw.

590
00:41:48,006 --> 00:41:49,132
Nandito ako.

591
00:41:53,470 --> 00:41:55,055
Hindi 'to magtatagal.

592
00:41:55,138 --> 00:41:57,015
Mabuti. Wala akong masyadong oras.

593
00:41:58,016 --> 00:41:59,559
Napakahusay mo,

594
00:41:59,643 --> 00:42:02,270
at ni hindi ko alam ang kalahati
ng nagawa mo.

595
00:42:04,940 --> 00:42:07,108
-Ano'ng nagawa ko, Billy?
-Hindi ko alam.

596
00:42:07,192 --> 00:42:09,527
Baka pambayad sa kuryente,

597
00:42:09,611 --> 00:42:12,239
o baka mas malaking kasunduan
kay George Zax.

598
00:42:12,322 --> 00:42:15,242
Pero hangga't 'di umaalis ang hurado
para mag-deliberate,

599
00:42:15,325 --> 00:42:17,911
may tsansa ka pa para takasan 'to.

600
00:42:22,499 --> 00:42:24,417
Nakausap mo ba si Doctor Ming ngayon?

601
00:42:35,720 --> 00:42:38,223
'Di ko alam kung bakit mahalaga 'to.

602
00:42:41,643 --> 00:42:47,399
Alam mo, habambuhay akong masasaktan.

603
00:42:49,276 --> 00:42:51,861
Wala akong matatakasan, Billy.

604
00:42:54,281 --> 00:42:55,740
Oo, alam ko ang nararamdaman mo.

605
00:42:56,366 --> 00:42:57,409
Hindi.

606
00:42:58,743 --> 00:42:59,703
Hindi mo alam.

607
00:42:59,786 --> 00:43:01,955
Ang totoo, nanggaling na ako riyan.

608
00:43:03,665 --> 00:43:06,209
Kung magagalit ka, magalit ka sa 'kin.

609
00:43:06,293 --> 00:43:07,919
'Wag ang ganitong pagpapakababa.

610
00:43:12,299 --> 00:43:14,217
Ilabas mo ang sarili mo.

611
00:43:15,302 --> 00:43:18,221
Sige.

612
00:43:23,226 --> 00:43:24,436
Pakinggan mo 'to.

613
00:43:52,213 --> 00:43:55,842
Rob, tama ka. Mabuting tao si Billy.

614
00:43:55,925 --> 00:43:59,971
Kaya dumikit ka sa kanya.
Siya ang nasa tama rito.

615
00:44:00,805 --> 00:44:04,517
Kaya ano mang ipagawa niya sa 'yo,
gawin mo. Kahit parang kahibangan.

616
00:44:05,435 --> 00:44:08,271
At sabi ko sa kanya,
kung mahahanapan niya ng solusyon 'to,

617
00:44:08,355 --> 00:44:10,023
mas mahusay siya kaysa sa 'kin.

618
00:44:10,106 --> 00:44:11,775
Pinersonal ko na.

619
00:44:11,858 --> 00:44:14,402
Minsan, panig sa 'yo ang tadhana,
minsan naman,

620
00:44:14,486 --> 00:44:18,656
dinudurog nito ang kaluluwa mo.

621
00:44:20,075 --> 00:44:23,870
Rob, durog na ang kaluluwa ko.

622
00:44:25,413 --> 00:44:30,502
Pero umaasa ako. Ngayon lang uli ako
nagkaroon ng pag-asa, Rob.

623
00:44:30,585 --> 00:44:33,713
Umaasa akong mapaparusahan
ang mga lintik na gagong iyon

624
00:44:33,797 --> 00:44:36,674
at danasin ang parehong dusang
dinanas ng kawawang Amanda ko.

625
00:44:36,758 --> 00:44:38,885
Mga halang ang kaluluwa!

626
00:44:40,720 --> 00:44:43,848
Teka. Parang may sumusunod sa akin.

627
00:44:44,641 --> 00:44:48,061
Hindi, layuan mo akong tarantado ka.

628
00:44:48,144 --> 00:44:51,314
Lintik. Hindi, huwag!

629
00:44:51,398 --> 00:44:55,777
Hindi! Huwag! Diyos ko, hindi!

630
00:45:07,872 --> 00:45:09,290
-Uy.
-Uy.

631
00:45:09,874 --> 00:45:10,917
Nandito si Mama.

632
00:45:14,963 --> 00:45:16,923
-Uy.
-Uy.

633
00:45:18,883 --> 00:45:22,095
Maraming salamat
at sa wakas ay tinext na niya ako.

634
00:45:22,178 --> 00:45:24,264
Ihahatid siya ng kaibigan niya.

635
00:45:24,347 --> 00:45:27,142
-Naisip kong nahulog sila sa kanal…
-Ayos lang.

636
00:45:28,309 --> 00:45:30,854
-Naka-impake ka na ba?
-Halos, oo.

637
00:45:31,521 --> 00:45:33,523
-Halos naka-impake ka na?
-Ma.

638
00:45:33,606 --> 00:45:35,608
-Tama na.
-Hindi mo…

639
00:45:38,027 --> 00:45:39,571
Wala akong magawang tama.

640
00:45:40,613 --> 00:45:42,449
Kumusta ang araw mo? Ang korte?

641
00:45:42,532 --> 00:45:44,325
Sobrang gulo.

642
00:45:45,785 --> 00:45:47,078
Ano'ng nangyari?

643
00:45:47,162 --> 00:45:50,123
Naramdaman ko na, nauto pa ako,

644
00:45:51,207 --> 00:45:53,251
at ngayon, naletse na ang kaso ko.

645
00:45:53,626 --> 00:45:56,880
-Hindi masyadong maganda.
-Tapos na ba ang paglilitis?

646
00:45:57,630 --> 00:46:00,467
-Hindi.
-Hindi. Mabuti, kung gayon.

647
00:46:01,134 --> 00:46:04,804
Mas may oras ka na ngayon
para 'di masira iyon, tama?

648
00:46:04,888 --> 00:46:06,514
Oo, parang ganoon na nga.

649
00:46:08,349 --> 00:46:11,769
-Kumain ka na ba?
-Hindi pa.

650
00:46:13,354 --> 00:46:16,983
May Italian resto diyan sa kanto,
alam kong alam mo iyon.

651
00:46:17,066 --> 00:46:19,402
Ililibre kita ng hapunan.

652
00:46:20,028 --> 00:46:22,947
-Hindi na kailangan.
-Alam ko.

653
00:46:27,202 --> 00:46:29,662
-Gutom ako.
-Pambihira.

654
00:46:35,084 --> 00:46:36,294
Si Denise.

655
00:46:37,921 --> 00:46:39,380
Uy, anak, kumusta?

656
00:46:39,464 --> 00:46:43,760
Mukhang 'di 'to emergency,
pero dalawang beses sumuka ang pusa mo.

657
00:46:43,843 --> 00:46:45,762
Gusto mong padalhan kita ng picture?

658
00:46:45,845 --> 00:46:47,931
Hindi na. Pakiusap, huwag.

659
00:46:48,765 --> 00:46:52,143
Mukhang ayos na siya,
nakakaalarma lang saka nakakadiri.

660
00:46:52,227 --> 00:46:54,729
Dalhin ko ba siya sa vet, kung sakali?

661
00:46:55,522 --> 00:46:57,106
Hindi, ayos lang.

662
00:46:57,190 --> 00:46:59,025
Malapit na akong bumalik. Ayos lang.

663
00:46:59,108 --> 00:47:01,819
Okay, mabuti. Kumusta ang trip mo?

664
00:47:01,903 --> 00:47:06,199
Ayos lang. Ang daming trabaho,
at alam mo na, kalokohan.

665
00:47:07,367 --> 00:47:10,119
Salamat sa pagpapaalam sa aking
sumuka ang pusa.

666
00:47:10,203 --> 00:47:13,540
-Walang anuman. Mamaya na lang.
-Sige, paalam.

667
00:47:15,416 --> 00:47:17,460
Bakit nasa Chicago si Denise?

668
00:47:18,169 --> 00:47:21,631
Dahil pinapakain niya si Kojak.

669
00:47:24,634 --> 00:47:27,095
-May gusto ka pang malaman?
-Hindi, okey na iyon.

670
00:47:27,845 --> 00:47:28,888
Okey.

671
00:47:28,972 --> 00:47:33,434
Okey, bale, ito ang lugar
kung saan iniwan ni Tom ang voicemail.

672
00:47:33,518 --> 00:47:37,981
May mga CCTV roon,
pwede mo bang tingnan kung nakuhaan siya?

673
00:47:38,815 --> 00:47:40,024
Sige.

674
00:47:41,442 --> 00:47:45,280
Baka dito rin, o doon.

675
00:47:46,447 --> 00:47:47,407
Ano?

676
00:47:55,623 --> 00:47:57,292
Iyon ang mga asong tumatahol.

677
00:48:01,337 --> 00:48:02,714
Nalintik na.

678
00:48:53,723 --> 00:48:54,682
Okey, binibini.

679
00:48:54,766 --> 00:48:58,019
Magkalinawan tayo ngayon.

680
00:48:58,102 --> 00:49:00,063
Pwede? Ano'ng problema natin?

681
00:49:00,813 --> 00:49:02,940
'Di ko alam na may problema tayo.

682
00:49:03,691 --> 00:49:06,152
-Si George ba?
-Sino'ng George?

683
00:49:06,235 --> 00:49:09,906
O si Frank? Sino'ng nagpapasunod sa 'yo
sa akin? 'Yong totoo?

684
00:49:09,989 --> 00:49:12,200
'Di ko alam ang sinasabi mo.

685
00:49:12,283 --> 00:49:14,619
Walang nagbayad sa 'yo para sundan ako?

686
00:49:14,702 --> 00:49:18,498
Nagkataon lang na kahit saan ako magpunta,
nandoon ka?

687
00:49:18,581 --> 00:49:20,416
-Iyon na iyon?
-Maliit na siyudad 'to.

688
00:49:21,084 --> 00:49:25,463
At pansin mo ba, tuwing nakikita mo ako,
nandoon na ako?

689
00:49:26,673 --> 00:49:28,466
Baka ikaw ang sumusunod sa akin.

690
00:49:29,884 --> 00:49:31,719
Lider ako, ako ang sinusundan.

691
00:49:32,595 --> 00:49:34,263
Pasensya na't mali ang inisip mo.

692
00:49:35,723 --> 00:49:40,436
Paano mo hinawakan ang katawan ko
Iba ang dulot mo

693
00:50:20,143 --> 00:50:21,102
Uy.

694
00:50:39,996 --> 00:50:41,664
'Di ko alam ang ginagawa ko.

695
00:50:46,169 --> 00:50:47,670
Nawawala na talaga ako.

696
00:50:50,465 --> 00:50:51,924
Tetestigo ako.

697
00:50:54,927 --> 00:50:59,891
Ni 'di ko alam… Paano?

698
00:51:01,184 --> 00:51:02,560
May plano ako.

699
00:51:06,773 --> 00:51:07,732
Halika.

700
00:53:17,028 --> 00:53:19,030
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Jessica Ignacio

701
00:53:19,113 --> 00:53:21,115
Mapanlikhang Superbisor
Maribeth Pierce

