1
00:00:06,006 --> 00:00:07,841
May warrant kami para halughugin 'to.

2
00:00:07,924 --> 00:00:10,927
Kasama sa warrant 'yong opisina n'yo
pati 'yong storage facility.

3
00:00:11,011 --> 00:00:12,137
May tinatago ba tayo?

4
00:00:12,220 --> 00:00:14,806
Di mag-aaksaya ng effort si Berg
nang walang dahilan.

5
00:00:14,889 --> 00:00:16,891
Hintayin mong maiharap kita sa jury.

6
00:00:16,975 --> 00:00:20,687
Tama ba na nakakuha
ng superseding indictment ang Prosecution?

7
00:00:20,770 --> 00:00:23,732
First-degree murder
na may special circumstance ng pagpatay

8
00:00:23,815 --> 00:00:24,941
para sa pera.

9
00:00:25,025 --> 00:00:28,445
Isusuko ko ang sarili ko sa korte
at ipagtanggol ang sarili ko

10
00:00:28,528 --> 00:00:29,612
sa kasong nakatakda.

11
00:00:32,490 --> 00:00:36,703
Ipinapatay kaya ni Gazarian si Sam kasi
nalaman niyang nirereport siya sa FBI?

12
00:00:36,786 --> 00:00:39,372
Pag umalis siya ng state,
di natin siya maisa-subpoena.

13
00:00:39,456 --> 00:00:40,540
Gumagalaw sila.

14
00:00:40,623 --> 00:00:42,709
Bantayan mo sila.
Nakadepende 'to sa subpoena.

15
00:00:42,792 --> 00:00:44,961
-Cisco, asan ka?
-Nasa Palm Springs.

16
00:00:45,045 --> 00:00:49,215
Umalis sina Gazarian at Jeanine.
Sinundan ko sila sa isang resort dito.

17
00:00:49,299 --> 00:00:51,342
May paparating akong preliminary hearing.

18
00:00:51,426 --> 00:00:53,720
Pinatay ko daw ‘yong kasosyo ko.

19
00:00:53,803 --> 00:00:56,097
Carter, mukhang di maganda ‘to.
May testigo sila.

20
00:00:56,181 --> 00:00:57,766
Hindi ko ‘to ginawa.

21
00:01:00,143 --> 00:01:02,145
Saan n'yo ako dadalhin? Hoy!

22
00:01:02,228 --> 00:01:03,563
Hoy!

23
00:01:54,656 --> 00:01:56,366
Uy.

24
00:01:56,866 --> 00:02:00,245
Hoy!
Ga'no n'yo pa ako katagal ikukulong dito?

25
00:02:00,328 --> 00:02:02,789
Hoy! Alam n'yong di ako
'yong nagsimula ng away!

26
00:02:12,257 --> 00:02:15,426
Hindi, wala silang papapasukin.
Lockdown 'yong kulungan buong weekend.

27
00:02:15,510 --> 00:02:16,511
Riot daw, e.

28
00:02:16,594 --> 00:02:19,806
Di din tumawag si Mickey.
Tingin mo, nasaktan siya?

29
00:02:19,889 --> 00:02:21,641
Kung seryoso, may balita na sana tayo.

30
00:02:21,724 --> 00:02:24,519
Malamang, nasa SHU siya.
Di sila pinapayagang tumawag do'n.

31
00:02:24,602 --> 00:02:26,354
Bakit siya ilalagay sa solitary?

32
00:02:26,437 --> 00:02:28,565
Di ko alam, pero kailangan nating malaman.

33
00:02:28,648 --> 00:02:31,860
-And'yan na ako in ten minutes.
-Oo, sasabihin ko sa kanila. Salamat.

34
00:02:31,943 --> 00:02:35,196
Good. Nag-file ako ng emergency motion
para makaharap si Judge Stone.

35
00:02:35,280 --> 00:02:37,949
-Inadvance 'yon.
-Ano'ng ibig mong sabihin, Izzy?

36
00:02:38,032 --> 00:02:40,076
Tumawag 'yong clerk ng judge,
9:00 dapat kayo.

37
00:02:40,160 --> 00:02:42,328
Pero sabi nila
kailangan na daw kayo do'n ASAP.

38
00:02:43,413 --> 00:02:45,915
Ms. Berg, Ms. Crane, Ms. McPherson.

39
00:02:46,457 --> 00:02:48,084
Eto si Assistant Sheriff Adams,

40
00:02:48,168 --> 00:02:51,296
in charge sa custody operations
para sa sheriff's department.

41
00:02:51,379 --> 00:02:54,424
Kasama din natin
'yong counsel ng sheriff's department.

42
00:02:54,507 --> 00:02:59,387
Late na tayo, so, Sheriff Adams,
ipaliwanag mo na kung bakit kayo andito.

43
00:02:59,470 --> 00:03:00,597
Salamat, Judge.

44
00:03:01,848 --> 00:03:05,476
May lumalala tayong issue kay Mr. Haller.

45
00:03:06,186 --> 00:03:09,564
Mula Biyernes ng gabi,
nasa secure housing unit siya sa kulungan.

46
00:03:10,565 --> 00:03:11,774
Bakit?

47
00:03:11,858 --> 00:03:15,612
Sentro siya ng riot kaya nag-lockdown
'yong buong facility ngayong weekend.

48
00:03:15,695 --> 00:03:17,405
Okay lang ba siya? Safe ba siya?

49
00:03:17,488 --> 00:03:22,035
Ayos lang siya, pero 'yong safety niya
'yong dapat natin pag-usapan.

50
00:03:22,118 --> 00:03:23,536
Sa tingin ng department namin

51
00:03:23,620 --> 00:03:25,955
'yong presensya ni Mr. Haller sa kulungan

52
00:03:26,039 --> 00:03:29,083
ay nagdudulot ng panganib
sa sarili niya at sa ibang preso.

53
00:03:29,167 --> 00:03:30,418
Ano'ng ibig mong sabihin?

54
00:03:31,252 --> 00:03:34,130
Sa madaling salita,
di na kami siguradong kaya pa naming

55
00:03:35,131 --> 00:03:37,050
masecure 'yong kaligtasan niya
sa kulungan.

56
00:03:37,133 --> 00:03:39,802
Ay, sandali. Ano'ng sinasabi mo?

57
00:03:39,886 --> 00:03:43,223
'Yong sinasabi niya 'yong dahilan
bakit kami nag-file ng emergency motion.

58
00:03:43,306 --> 00:03:45,016
Kailangan natin ilabas si Mr. Haller.

59
00:03:45,099 --> 00:03:46,935
-Over my dead body.
-Ms. Berg—

60
00:03:47,018 --> 00:03:51,397
Your Honor, requirement sa batas
na manatili sa custody 'yong akusado.

61
00:03:51,481 --> 00:03:54,359
Ngayon sinasabi ng kulungan
na di nila kayang i-handle?

62
00:03:55,276 --> 00:03:57,904
Ilipat n'yo siya sa ibang wing
o sa isa sa walong kulungan

63
00:03:57,987 --> 00:03:59,530
na hawak ng sheriff department.

64
00:03:59,614 --> 00:04:02,825
Ilipat man siya, wala din mangyayari.
Di ba, Sheriff?

65
00:04:02,909 --> 00:04:06,079
Kasi di naman kulungan 'yong problema,
kundi 'yong mga bantay.

66
00:04:06,162 --> 00:04:09,249
Nahuli ni Mr. Haller
na nakikinig 'yong deputies,

67
00:04:09,332 --> 00:04:11,167
at ngayon gusto nilang gumanti.

68
00:04:11,251 --> 00:04:12,710
Totoo ba 'to, Sheriff?

69
00:04:12,794 --> 00:04:13,628
May

70
00:04:14,379 --> 00:04:16,714
issues sa custodial security, oo.

71
00:04:16,798 --> 00:04:19,968
Nagpasok na ako ng bagong deputies
na direktang nagrereport sa 'kin.

72
00:04:20,051 --> 00:04:22,387
Nagpasok ka ng mga spy
para ituro 'yong magugulo?

73
00:04:22,470 --> 00:04:24,514
Nasa proseso kami para itama 'yong issues.

74
00:04:24,597 --> 00:04:28,268
Good. Sa ngayon,
kung ligtas 'yong nasasakdal sa SHU,

75
00:04:28,351 --> 00:04:30,853
bakit di siya mag-stay do'n
hanggang trial?

76
00:04:30,937 --> 00:04:34,190
Kasi wala naman siyang ginawa
para ma-solitary,

77
00:04:34,274 --> 00:04:37,277
at lumalabag 'yon sa karapatan niya.

78
00:04:37,360 --> 00:04:39,821
At malay natin
kung ga'no siya kaligtas sa SHU?

79
00:04:39,904 --> 00:04:42,615
Kinokontrol 'yon ng deputies,
pati buong kulungan.

80
00:04:42,699 --> 00:04:46,411
Kahit gano'n, may desisyon na dito, Judge.

81
00:04:46,494 --> 00:04:49,122
Kung gusto ng akusado
matuloy 'yong speedy trial niya,

82
00:04:49,205 --> 00:04:51,165
kailangan niyang bitawan 'yong bail niya.

83
00:04:51,249 --> 00:04:53,584
Tinupad namin 'yong usapan,

84
00:04:53,668 --> 00:04:55,920
at ngayon gustong samantalahin ng defense—

85
00:04:56,004 --> 00:04:58,631
Hindi sang-ayon ang defense.

86
00:04:58,715 --> 00:05:02,677
Nasayang 'yong buong weekend namin
habang nasa solitary 'yong client ko.

87
00:05:02,760 --> 00:05:05,513
Kung may nakalamang,
'yong Prosecution 'yon.

88
00:05:05,596 --> 00:05:09,309
Huhulaan ko, isa sa mga bagong deputy mo
'yong naglagay sa kanya sa SHU,

89
00:05:09,392 --> 00:05:11,769
kaya ikaw 'yong naiwan
para ayusin 'yong gulo.

90
00:05:11,853 --> 00:05:13,271
Di ako nagdadahilan.

91
00:05:13,354 --> 00:05:15,523
Iniiwasan ng department n'yo
'yong lawsuit,

92
00:05:15,606 --> 00:05:18,901
na makukuha n'yo mismo
kung may mangyari sa kanya sa loob.

93
00:05:19,652 --> 00:05:20,570
Your Honor,

94
00:05:20,653 --> 00:05:24,324
hinihiling ng defense nang may paggalang,
na palayain si Mr. Haller

95
00:05:24,407 --> 00:05:27,577
mula sa pagkakakulong
para sa kaligtasan niya at ng ibang preso.

96
00:05:27,660 --> 00:05:32,290
At tutol ang Prosecution
sa mapangahas na kahilingang 'to

97
00:05:32,373 --> 00:05:35,043
at ipipilit sundin 'yong batas.

98
00:05:42,467 --> 00:05:43,384
Well,

99
00:05:44,969 --> 00:05:45,928
magulo na talaga 'to—

100
00:05:51,267 --> 00:05:52,101
Tara na.

101
00:06:28,930 --> 00:06:29,972
Okay ka lang?

102
00:06:32,558 --> 00:06:35,478
-Ano'ng nangyayari, Maggie?
-Pumayag 'yong judge palabasin ka.

103
00:06:35,561 --> 00:06:37,980
Pinilit ni Berg na ipa-house arrest ka.

104
00:06:40,358 --> 00:06:41,734
Siya si Deputy Bennett.

105
00:06:41,818 --> 00:06:45,029
Sasamahan ka niya pauwi
at sa korte araw-araw.

106
00:06:45,113 --> 00:06:47,031
Di ka pwedeng pumunta kahit saan.

107
00:06:49,367 --> 00:06:50,743
Pumasok ka na sa kotse.

108
00:06:57,375 --> 00:06:58,876
Kita tayo sa bahay, Mick?

109
00:07:44,881 --> 00:07:45,882
Lorna.

110
00:07:47,175 --> 00:07:48,468
Kailangan mong makita 'to.

111
00:07:50,928 --> 00:07:51,888
Ano' yan?

112
00:07:51,971 --> 00:07:54,891
Security video sa tindahan ni Carter.
Panoorin mo.

113
00:07:55,725 --> 00:07:57,727
Dumating 'to ngayong umaga.

114
00:07:57,810 --> 00:08:00,771
Umaasa akong makakahanap ka ng butas
sa kuwento ni Rashad, pero…

115
00:08:02,648 --> 00:08:03,816
Ayan si Rashad.

116
00:08:13,493 --> 00:08:15,703
Bumalik siya sa bodega
gaya ng sinabi niya.

117
00:08:21,000 --> 00:08:22,293
Ilang segundo lang…

118
00:08:28,674 --> 00:08:29,884
'Yan lang.

119
00:08:30,718 --> 00:08:34,805
Alam ng shooter kung asan 'yong camera
at sinira 'to. Si Carter 'yong may-ari.

120
00:08:34,889 --> 00:08:37,725
Kung may nakakaalam
kung asan 'yong camera, siya 'yon.

121
00:08:38,893 --> 00:08:40,603
Malapit na 'yong prelim niya.

122
00:08:40,686 --> 00:08:43,105
May paraan ako
para sirain 'yong testimony ni Rashad,

123
00:08:43,189 --> 00:08:44,941
pero mas lumalala 'to.

124
00:08:45,024 --> 00:08:49,111
Wag ka munang magpanic.
May oras pa tayo para maghanap.

125
00:08:49,612 --> 00:08:51,822
Pupunta ako sa korte for moral support.

126
00:08:52,782 --> 00:08:53,866
Salamat, Izzy.

127
00:08:55,409 --> 00:08:56,786
May balita ka kay Cisco?

128
00:08:56,869 --> 00:08:58,162
Wala.

129
00:08:58,246 --> 00:09:00,581
Tawagan mo na lang siya, pwede ba?

130
00:09:00,665 --> 00:09:02,458
O i-text mo siya. Kahit ano.

131
00:09:06,462 --> 00:09:07,380
Sige.

132
00:09:14,220 --> 00:09:15,596
-Babe?
-Uy.

133
00:09:15,680 --> 00:09:18,849
I love you too. Nag-aalala lang ako.

134
00:09:18,933 --> 00:09:20,643
Ikaw na tanga ka.

135
00:09:20,726 --> 00:09:22,895
Alam ko, sorry talaga.

136
00:09:22,979 --> 00:09:26,399
Di ako nagsisinungaling
sa pagsunod kay Gazarian dito.

137
00:09:26,482 --> 00:09:28,693
Alam ko.
Ginagawa mo lang 'yong trabaho mo.

138
00:09:30,069 --> 00:09:32,822
Nakita mo ba 'yong dalawang gago
na bumugbog sa 'yo?

139
00:09:32,905 --> 00:09:35,825
Hindi, medyo weird nga, e.

140
00:09:35,908 --> 00:09:38,411
Di ako nagrereklamo.

141
00:09:38,494 --> 00:09:41,872
Babe, promise, safe 'to. Di 'to delikado.

142
00:09:41,956 --> 00:09:43,916
Kung meron man, medyo

143
00:09:45,293 --> 00:09:46,377
boring nga, e.

144
00:09:46,460 --> 00:09:47,962
Buong araw akong nasa kuwarto,

145
00:09:48,045 --> 00:09:51,841
pinapanood sina Gazarian at Jeanine
maglabas-pasok sa pool.

146
00:09:51,924 --> 00:09:54,594
Umuwi ka na. Miss ka na namin ni Winston.

147
00:09:54,677 --> 00:09:56,470
Talaga, ga'no mo ako nami-miss?

148
00:09:58,389 --> 00:10:00,725
Miss na miss na kita.

149
00:10:00,808 --> 00:10:03,978
Pero di gaya ng pagka-miss ko sa Mini ko.

150
00:10:04,061 --> 00:10:05,730
Ayokong i-drive 'yong truck mo.

151
00:10:05,813 --> 00:10:08,190
Kailangan ko ng booster seat
para makita 'yong harap.

152
00:10:08,274 --> 00:10:09,233
Babe, makinig ka.

153
00:10:09,317 --> 00:10:12,778
Kailangan ko 'yong Mini
para di ako mahalata. Okay?

154
00:10:12,862 --> 00:10:14,405
'Yan 'yong sinabi mo sa truck mo.

155
00:10:14,488 --> 00:10:17,867
Babalik sa 'yo 'yong kotse, saka ako,
na mas maayos pa kaysa dati.

156
00:10:17,950 --> 00:10:19,952
-Promise.
-Good.

157
00:10:21,704 --> 00:10:23,080
May prelim ako.

158
00:10:23,164 --> 00:10:25,458
Dapat ready na ako in two hours,
kaya sige na.

159
00:10:25,541 --> 00:10:27,960
Galingan mo. Alam kong gagawin mo.

160
00:10:28,044 --> 00:10:30,212
-I love you.
-I love you too, babe.

161
00:10:30,296 --> 00:10:31,213
Bye.

162
00:10:51,734 --> 00:10:52,985
Ano sa tingin mo?

163
00:10:53,486 --> 00:10:55,404
Tingin ko, si Drucker, sigurado.

164
00:10:55,488 --> 00:10:58,574
Inilatag niya 'yong pundasyon kay Collins.
Si Drucker 'yong tatapos.

165
00:10:58,658 --> 00:11:00,409
-'Yon 'yong gagawin ko.
-Oo.

166
00:11:01,285 --> 00:11:02,411
All rise.

167
00:11:09,210 --> 00:11:10,419
Umupo na kayo.

168
00:11:11,796 --> 00:11:15,216
Ang good news, madami tayong magagawa
kung magdecide si Drucker na—

169
00:11:15,299 --> 00:11:16,175
Ms. Berg.

170
00:11:17,343 --> 00:11:19,428
-Handa na ba ang Prosecution?
-Opo, Your Honor.

171
00:11:19,512 --> 00:11:22,640
Tinatawag ng Prosecution
si Paul Russo para tumestigo.

172
00:11:27,103 --> 00:11:29,855
'Yong ballistic expert.
Bakit sa kanya siya magsisimula?

173
00:11:30,648 --> 00:11:34,151
At 'yong bala na nakuha mo
sa garahe ng nasasakdal,

174
00:11:34,235 --> 00:11:37,029
tugma ba 'yon sa bala
na nabawi sa biktima?

175
00:11:37,113 --> 00:11:40,408
Oo. Pareho 'yong mga bala
at galing sa parehong baril,

176
00:11:40,491 --> 00:11:43,369
sa isang Mossberg MC2sc.

177
00:11:43,452 --> 00:11:45,037
Karaniwang baril ba 'yon?

178
00:11:45,621 --> 00:11:47,123
Karaniwan lang. Oo.

179
00:11:47,206 --> 00:11:48,165
Mr. Russo,

180
00:11:48,249 --> 00:11:51,293
'yong ingay na ginagawa ng baril
'yong isang issue na nabanggit.

181
00:11:51,377 --> 00:11:56,424
Walang nagreport na kapitbahay ng akusado
na may putok ng baril no'ng gabing 'yon.

182
00:11:56,507 --> 00:11:58,759
Pwede mo bang ipaliwanag
kung pa'no nangyari 'yon?

183
00:11:58,843 --> 00:12:04,557
In my opinion, sa malamang,
may nakakabit na suppressor sa baril.

184
00:12:04,640 --> 00:12:06,058
-Silencer?
-Oo.

185
00:12:06,142 --> 00:12:10,646
Pero taliwas sa paniniwala,
di nito totally pinapatahimik 'yong putok.

186
00:12:10,730 --> 00:12:14,734
Nakakabawas lang 'yon ng ingay
na 100, 110 decibels.

187
00:12:14,817 --> 00:12:18,988
Para sa jury, pwede mo ba i-compare
kung ga'no kalakas 'yong tunog?

188
00:12:19,071 --> 00:12:22,199
Halos kapareho
ng tunog ng blender na nakatodo

189
00:12:22,283 --> 00:12:27,204
o tunog ng makina ng kotse
na nag-start pero saglit lang.

190
00:12:27,288 --> 00:12:30,708
Para sa 'yo, posible ba
na 'yong mga kapitbahay ng nasasakdal

191
00:12:30,791 --> 00:12:32,460
ay di napansin 'yong ingay?

192
00:12:32,543 --> 00:12:36,297
Malamang, lalo na kung tulog sila
o nanonood ng TV.

193
00:12:36,380 --> 00:12:39,842
I mean, 'yon naman
'yong purpose ng suppressor, e.

194
00:12:39,925 --> 00:12:41,051
Oo naman.

195
00:12:41,552 --> 00:12:42,678
Wala nang susunod.

196
00:12:45,681 --> 00:12:47,767
Good afternoon, Mr. Russo.

197
00:12:48,517 --> 00:12:51,520
Di ko na patatagalin.
May mga tanong lang ako.

198
00:12:51,604 --> 00:12:57,401
Tumestigo ka na may noise level na 100
to 110 decibels 'yong suppressed round.

199
00:12:57,485 --> 00:12:58,652
-Tama?
-Tama.

200
00:12:58,736 --> 00:13:00,571
At lalo na, kung saglit lang,

201
00:13:00,654 --> 00:13:03,282
malamang di mapapansin
ng mga kapitbahay 'yong ingay?

202
00:13:03,365 --> 00:13:04,909
Para sa 'kin, oo.

203
00:13:13,959 --> 00:13:16,462
Defense Exhibit B, Your Honor.

204
00:13:21,383 --> 00:13:25,805
Mr. Russo, diagram 'to
ng bahay ni Mr. Haller.

205
00:13:26,388 --> 00:13:29,308
Gaya ng nakikita mo,
andito 'yong garahe niya,

206
00:13:29,391 --> 00:13:33,312
at andito 'yong kuwarto niya sa dulo.

207
00:13:33,395 --> 00:13:36,816
Mga 78 feet
'yong tinatayang diagonal distance.

208
00:13:36,899 --> 00:13:40,319
Nagtestify ka na sa parehong layo,
'yong mga kapitbahay,

209
00:13:40,402 --> 00:13:42,696
di mapapansin 'yong ingay na 'to.

210
00:13:43,197 --> 00:13:45,783
Kung tulog si Mr. Haller sa kuwartong 'to,

211
00:13:45,866 --> 00:13:50,246
palagay ko, di niya din maririnig
'yong ingay, tama?

212
00:13:50,746 --> 00:13:54,166
Sa palagay ko, posible na di niya marinig—

213
00:13:54,250 --> 00:13:56,293
Pero sabi mo, malamang.

214
00:13:56,377 --> 00:13:57,837
Hindi posible.

215
00:13:58,838 --> 00:14:01,924
I mean, 'yon naman
'yong purpose ng suppressor, tama?

216
00:14:02,675 --> 00:14:04,009
Di 'yon exact science.

217
00:14:04,093 --> 00:14:06,220
Sagutin mo lang 'yong tanong, Mr. Russo.

218
00:14:06,720 --> 00:14:09,431
Kung may tao sa garahe ni Mr. Haller

219
00:14:09,515 --> 00:14:12,726
at pinatay 'yong biktima
gamit 'yong suppressor, ayon sa 'yo,

220
00:14:12,810 --> 00:14:16,397
pwedeng tulog lang si Mr. Haller
sa oras ng buong pangyayaring 'yon, tama?

221
00:14:19,775 --> 00:14:21,068
Pwede, oo.

222
00:14:21,819 --> 00:14:22,653
Salamat.

223
00:14:23,612 --> 00:14:24,864
Wala na po.

224
00:14:27,116 --> 00:14:30,244
Mr. Johnson, pwede mo bang sabihin
kung ano'ng trabaho mo?

225
00:14:30,327 --> 00:14:31,328
Private security.

226
00:14:31,412 --> 00:14:33,956
Nagpapatrol ako sa mga negosyo
sa West Adams Boulevard,

227
00:14:34,039 --> 00:14:35,833
mula Vermont hanggang Western.

228
00:14:35,916 --> 00:14:37,626
Matagal ka na ba sa security?

229
00:14:37,710 --> 00:14:41,505
Medyo. Retiradong pulis ako
ng New York City.

230
00:14:41,589 --> 00:14:43,507
Lumipat kami ng asawa ko sa LA.

231
00:14:43,591 --> 00:14:46,302
May pamilya kami dito, saka 'yong panahon.

232
00:14:46,385 --> 00:14:47,428
I see.

233
00:14:47,511 --> 00:14:50,848
Balik tayo sa December 20 last year.

234
00:14:51,348 --> 00:14:55,269
Masasabi mo ba kung ano'ng nag-alert
sa 'yo na may nangyayaring krimen?

235
00:14:55,352 --> 00:14:57,688
Oo. Nasa patrol car ako.

236
00:14:57,771 --> 00:15:00,816
Narinig ko 'yong, sa tingin ko,
dalawang magkasunod na putok.

237
00:15:00,900 --> 00:15:02,818
-Ano'ng ginawa mo?
-Bumaba ako ng sasakyan.

238
00:15:02,902 --> 00:15:04,862
Nasa Kenwood ako, south ng Adams.

239
00:15:04,945 --> 00:15:06,906
Narinig ko 'yong pangatlo. Tumakbo ako.

240
00:15:06,989 --> 00:15:09,241
Di ko alam kung saan nanggagaling
'yong mga putok,

241
00:15:09,325 --> 00:15:13,203
pero nakita ko na nakasiwang
'yong pinto sa tindahan ng alak.

242
00:15:13,287 --> 00:15:16,790
Kaya pumasok ako
at ando'n si Gary, nakahiga sa sahig.

243
00:15:16,874 --> 00:15:19,001
Si Gary Cartwright, 'yong biktima?

244
00:15:19,585 --> 00:15:20,461
Opo.

245
00:15:20,961 --> 00:15:22,713
Ano 'yong kondisyon ni Mr. Cartwright?

246
00:15:24,214 --> 00:15:25,215
Di maganda.

247
00:15:26,759 --> 00:15:27,843
Siya…

248
00:15:30,095 --> 00:15:31,388
Siya…

249
00:15:32,431 --> 00:15:33,849
Excuse me. Pasensiya na.

250
00:15:37,186 --> 00:15:39,188
Tinamaan siya sa tiyan.

251
00:15:39,980 --> 00:15:41,273
Nagkalat 'yong dugo.

252
00:15:42,274 --> 00:15:45,736
Sinubukan kong pigilan 'yong pagdurugo.
Ang lala no'n.

253
00:15:46,946 --> 00:15:50,407
'Yong stock boy, si Rashad,
sabi niya papunta na 'yong 911.

254
00:15:50,491 --> 00:15:53,369
Kaya ginawa ko 'yong best ko
para mag-CPR, pero—

255
00:15:53,452 --> 00:15:55,162
May malay pa ba si Mr. Cartwright?

256
00:15:55,245 --> 00:15:58,082
Halos. Sinasabi ko sa kanya
na kumapit lang, alam mo 'yon.

257
00:15:58,165 --> 00:16:01,961
-Parating na 'yong paramedics.
-May nasabi ba siya sa 'yo?

258
00:16:05,297 --> 00:16:06,382
Mr. Johnson?

259
00:16:08,342 --> 00:16:12,262
Gaya ng sinabi ko. Gulat.
Di ko alam kung alam niya ang nangyayari.

260
00:16:12,346 --> 00:16:14,014
Tatanungin kita ulit, Mr. Johnson.

261
00:16:14,890 --> 00:16:16,266
Ano'ng sabi ni Mr. Cartwright?

262
00:16:18,602 --> 00:16:19,603
Sabi niya…

263
00:16:23,190 --> 00:16:26,235
Carter. 'Yon 'yong narinig ko,
sa tingin ko.

264
00:16:26,318 --> 00:16:28,904
-Objection. Sabi-sabi.
-Dying declaration 'to.

265
00:16:28,988 --> 00:16:31,156
Pero, base sa medical report,

266
00:16:31,240 --> 00:16:33,575
after 40 minutes pa
no'ng idineklara siyang patay.

267
00:16:33,659 --> 00:16:37,413
Excited utterance 'yon,
na hearsay exception din.

268
00:16:37,496 --> 00:16:40,290
Para sa 'kin,
nakakagulat na pangyayari 'yong mabaril.

269
00:16:40,374 --> 00:16:42,876
Balewala 'yon
at mas nakakasama kaysa nakakatulong.

270
00:16:42,960 --> 00:16:45,879
Your Honor, malinaw na nakipagtalo
'yong client ko

271
00:16:45,963 --> 00:16:47,840
sa biktima bago 'yong pamamaril,

272
00:16:47,923 --> 00:16:51,844
pero walang bearing 'yong pagbanggit niya
sa pangalan ng client ko—

273
00:16:51,927 --> 00:16:54,972
Sinubukan mo, Ms. Crane,
pero pasok na 'yong testimony.

274
00:17:03,856 --> 00:17:06,859
Palala nang palala 'to. Naloko ako, Izzy.

275
00:17:06,942 --> 00:17:10,446
Naawa ako kay Carter, pero ngayon,
iniisip ko nang siya 'yong gumawa.

276
00:17:10,529 --> 00:17:12,656
Pero ire-represent mo pa din siya, di ba?

277
00:17:14,074 --> 00:17:15,993
Kung gusto nating mabayaran, oo.

278
00:17:19,538 --> 00:17:23,292
Uy, L, may follow-up lang ako
sa case ni Mickey,

279
00:17:23,792 --> 00:17:26,211
pero stay positive, okay?

280
00:17:47,483 --> 00:17:49,151
Andito si Drucker.

281
00:17:50,194 --> 00:17:51,403
Siya 'yong sunod.

282
00:17:54,823 --> 00:17:56,450
Ready na ba 'yong testigo?

283
00:17:56,533 --> 00:17:57,701
Ayos na.

284
00:18:04,041 --> 00:18:05,125
Ms. Berg?

285
00:18:06,210 --> 00:18:07,169
Yes, Your Honor.

286
00:18:07,252 --> 00:18:10,130
Ipinapatawag ng Prosecution
si Jessica Westfeldt para tumestigo.

287
00:18:11,965 --> 00:18:13,550
Ipaalala mo sa 'kin kung sino 'yon.

288
00:18:13,634 --> 00:18:15,219
Isa siya sa mga intern namin.

289
00:18:15,302 --> 00:18:17,513
Ilang buwan lang 'yon.
Kinuha siya ni Lorna.

290
00:18:17,596 --> 00:18:18,931
May problema ba sa kanya?

291
00:18:20,349 --> 00:18:22,184
Parang di ko pa siya nakakausap.

292
00:18:26,647 --> 00:18:27,481
Ms. Westfeldt,

293
00:18:27,564 --> 00:18:30,692
pwede mo bang ipaliwanag sa jury
'yong relasyon mo sa nasasakdal?

294
00:18:30,776 --> 00:18:34,154
Intern ako sa law firm ni Mr. Haller
sa loob ng tatlong buwan.

295
00:18:34,238 --> 00:18:35,322
Habang ando'n ka,

296
00:18:35,405 --> 00:18:39,576
nirerepresenta ba ng firm ni Mr. Haller
ang biktima sa kasong 'to, si Mr. Scales?

297
00:18:39,660 --> 00:18:41,578
Oo, sa kasong fraud.

298
00:18:41,662 --> 00:18:44,540
Objection. Pwede ba kaming lumapit?

299
00:18:50,337 --> 00:18:53,423
Judge, lumalabag sa attorney-client
privilege ang pagtatanong na 'to.

300
00:18:53,507 --> 00:18:54,883
Patay na si Mr. Scales,

301
00:18:54,967 --> 00:18:58,387
pero 'yong details ng representation niya,
privileged pa din 'yon.

302
00:18:58,470 --> 00:19:00,222
Di angkop ang privilege dito.

303
00:19:00,305 --> 00:19:03,851
Di magsisiwalat ng anumang
confidential details si Ms. Westfeldt

304
00:19:03,934 --> 00:19:06,186
ng representation ni Mr. Scales.

305
00:19:06,270 --> 00:19:10,524
Tungkol sa statement ng nasasakdal
'yong testimony niya.

306
00:19:11,108 --> 00:19:14,027
Papayagan ko, pero puputulin ko agad

307
00:19:14,111 --> 00:19:16,363
pag lumihis kayo sa anumang privileged,
Ms. Berg.

308
00:19:16,446 --> 00:19:17,531
Oo naman, Your Honor.

309
00:19:28,125 --> 00:19:30,169
Salamat sa pakikipagkita sa 'kin,
Dr. Schultz.

310
00:19:30,252 --> 00:19:33,046
Wala 'yon. Naintriga ako
nang lumapit sa 'kin si Keith

311
00:19:33,130 --> 00:19:36,175
ng LA Times tungkol sa master's thesis mo.

312
00:19:36,258 --> 00:19:38,760
Ilang tao ba 'yong may paki sa biofuel?

313
00:19:38,844 --> 00:19:42,639
Hangin at solar 'yong stars
ng renewable energy.

314
00:19:43,473 --> 00:19:49,271
Biofuel 'yong weird na pinsan
na di masyadong mabango.

315
00:19:50,480 --> 00:19:53,442
Nasa likod ako ng isang
converted biodiesel fuel car minsan.

316
00:19:53,525 --> 00:19:55,569
Amoy egg rolls. Di naman gano'n kabaho.

317
00:19:55,652 --> 00:19:57,863
Kung gano'n, isa ka sa mga masuwerte.

318
00:19:58,363 --> 00:19:59,448
Ano'ng maitutulong ko?

319
00:19:59,531 --> 00:20:03,994
Masaya akong tumulong para umusad
'yong science o sane public policy.

320
00:20:05,662 --> 00:20:08,582
Dr. Schultz, kailangan kong umamin.

321
00:20:09,791 --> 00:20:11,418
Di naman talaga ako grad student.

322
00:20:12,461 --> 00:20:13,921
Di nga ako pumapasok sa UCLA, e.

323
00:20:14,004 --> 00:20:15,047
Ano?

324
00:20:15,130 --> 00:20:17,883
Nagsinungaling ako do'n sa reporter
para makakuha ng info.

325
00:20:18,550 --> 00:20:20,594
Nagtatrabaho ako para sa isang lawyer.

326
00:20:21,094 --> 00:20:21,929
Lawyer?

327
00:20:22,012 --> 00:20:24,640
Di kita masisisi
kung ayaw mo akong kausapin, pero…

328
00:20:28,644 --> 00:20:30,062
kailangan ko ng tulong mo.

329
00:20:31,271 --> 00:20:33,815
Pa'no ka napunta sa korte
no'ng araw na 'yon?

330
00:20:34,399 --> 00:20:36,235
Tumawag si Lorna at pinapunta ako.

331
00:20:36,318 --> 00:20:38,528
Natanggal 'yong isang takong niya.

332
00:20:38,612 --> 00:20:40,656
Tapos, may extra shoes pala siya
sa office.

333
00:20:41,240 --> 00:20:44,576
Pagdating ko,
kasama niya si Mr. Haller at Mr. Scales.

334
00:20:44,660 --> 00:20:46,203
Bakit ando'n si Mr. Scales?

335
00:20:46,286 --> 00:20:47,871
Kagagaling lang niya sa hearing.

336
00:20:47,955 --> 00:20:50,374
'Yon 'yong kaso ng fraud na nabanggit ko.

337
00:20:50,457 --> 00:20:53,877
Inakusahan siya ng paglustay ng pera
mula sa isang charity.

338
00:20:53,961 --> 00:20:56,004
Naaalala mo ba 'yong kinahinatnan ng kaso?

339
00:20:57,589 --> 00:20:58,632
Well…

340
00:20:58,715 --> 00:21:02,010
Pumayag ang judge sa supervised probation.
Ibalik niya lang 'yong pera.

341
00:21:02,094 --> 00:21:05,931
-Na hindi pa mangyayari.
-Ano'ng sinasabi mo?

342
00:21:06,014 --> 00:21:09,559
Dapat magbayad ako sa last investor ko.
Pag di ko sila binayaran, patay ako.

343
00:21:09,643 --> 00:21:11,561
Hindi. Pag di mo kami binayaran, patay ka.

344
00:21:13,313 --> 00:21:16,316
Tinakot niya si Sam Scales?

345
00:21:17,109 --> 00:21:19,361
-Oo.
-'Yon mismo 'yong sinabi niya.

346
00:21:20,487 --> 00:21:22,906
"Pag di mo kami binayaran, patay ka?"

347
00:21:22,990 --> 00:21:27,869
Oo. Naalala ko kasi galit na galit
si Mr. Haller at natakot ako.

348
00:21:28,453 --> 00:21:30,330
Kaya sineryoso mo 'yong banta niya?

349
00:21:30,414 --> 00:21:34,167
Oo. In fact, di nagtagal,
umalis na din ako sa trabaho do'n.

350
00:21:34,251 --> 00:21:35,544
Sure ako.

351
00:21:36,295 --> 00:21:39,381
Salamat, Ms. Westfeldt.
Wala nang tanong, Your Honor.

352
00:21:40,799 --> 00:21:44,177
Ako na 'to. Wag kang magmukhang galit.
Di maganda 'yon.

353
00:21:46,179 --> 00:21:47,097
Salamat.

354
00:21:55,897 --> 00:21:58,066
Good afternoon, Ms. Westfeldt.

355
00:21:58,775 --> 00:22:02,529
Kung ayos lang,
gusto kong tanungin ka sa narinig mo,

356
00:22:02,612 --> 00:22:04,448
'yong phrase na, "patay ka."

357
00:22:05,198 --> 00:22:08,618
Narinig mo na ba na ginamit 'yon
bilang figure of speech?

358
00:22:08,702 --> 00:22:11,830
Parang sinasabi ng ate sa bunsong kapatid
pag sinuot 'yong damit niya.

359
00:22:11,913 --> 00:22:13,707
"Galawin mo 'yong gamit ko, patay ka."

360
00:22:13,790 --> 00:22:16,543
Oo, narinig ko na 'yan dati.

361
00:22:16,626 --> 00:22:19,171
Pero parang mas,

362
00:22:19,755 --> 00:22:21,965
ewan ko, totoo 'to, siguro.

363
00:22:22,049 --> 00:22:26,845
Tama, dahil sabi mo si Mr. Haller
ay, ano nga, galit?

364
00:22:26,928 --> 00:22:27,763
Oo.

365
00:22:27,846 --> 00:22:30,515
Para sa 'kin, gano'n siya.

366
00:22:30,599 --> 00:22:34,019
At pa'no mo idedescribe
'yong experience mo sa firm ni Mr. Haller?

367
00:22:34,686 --> 00:22:36,355
Okay lang.

368
00:22:36,438 --> 00:22:39,483
Okay lang? Tinatrato ka ba nang maayos?

369
00:22:39,566 --> 00:22:43,737
Magkasundo kami ni Lorna,
saka, 'yong ibang tauhan.

370
00:22:43,820 --> 00:22:45,322
Pero hindi si Mr. Haller?

371
00:22:46,198 --> 00:22:48,283
Di ko masasabi na kilala ko talaga siya.

372
00:22:48,367 --> 00:22:50,994
Nagka-interes ba siya sa 'yo?
Sinubukang turuan ka?

373
00:22:51,078 --> 00:22:54,373
Hindi. Busy siya palagi.

374
00:22:54,456 --> 00:22:57,667
Minsan nakakalimutan niya
'yong pangalan ko. Actually, madalas.

375
00:22:59,544 --> 00:23:02,672
Siguro nakakainis sa 'yo 'yon. Tama?

376
00:23:03,423 --> 00:23:05,384
Nag-i-intern ka sa law firm

377
00:23:05,467 --> 00:23:07,761
para matuto sa magaling na lawyer,
hind balewalain.

378
00:23:07,844 --> 00:23:09,805
Objection. Kaugnayan?

379
00:23:09,888 --> 00:23:12,391
Overruled,
pero diretso na sa punto, Ms. McPherson.

380
00:23:12,474 --> 00:23:16,228
Malapit na po.
Ms. Westfeldt, ano'ng trabaho mo ngayon?

381
00:23:16,311 --> 00:23:20,732
Kakapasa ko lang sa bar.
Pinag-iisipan ko pa 'yong options ko.

382
00:23:20,816 --> 00:23:22,192
So wala kang trabaho.

383
00:23:22,275 --> 00:23:25,654
Nakatulong ba 'yong internship mo
kay Mr. Haller sa paghahanap ng trabaho?

384
00:23:26,238 --> 00:23:30,283
Hindi. Nasa trial siya para sa murder
kaya di 'yon magandang reference.

385
00:23:30,367 --> 00:23:33,286
Nabanggit mong umalis ka
sa firm ni Mr. Haller kamakailan lang.

386
00:23:33,370 --> 00:23:36,498
Sinabi mong pinili mong umalis,

387
00:23:36,581 --> 00:23:41,086
pero sabihin mo, Ms. Westfeldt,
voluntary ba 'yong pag-alis mo?

388
00:23:41,169 --> 00:23:45,424
Nagkaro'n sila ng problema sa pera, kaya…

389
00:23:45,507 --> 00:23:47,759
Sa madaling salita, nasisante ka.
Hindi ba?

390
00:23:51,721 --> 00:23:52,556
Oo.

391
00:23:52,639 --> 00:23:56,560
Dahil tinanggal ka niya sa trabaho
at di nakatulong sa future career mo,

392
00:23:56,643 --> 00:23:59,813
di ba totoo
na may galit ka kay Mr. Haller?

393
00:23:59,896 --> 00:24:01,022
Hindi. Di gano'n.

394
00:24:01,106 --> 00:24:03,775
Pati simpleng figure of speech
na-misinterpret mo pa

395
00:24:03,859 --> 00:24:05,694
dahil ikaw 'yong galit sa kanya.

396
00:24:05,777 --> 00:24:07,446
Hindi talaga. Hindi ko—

397
00:24:07,529 --> 00:24:09,781
Tumetestigo ka ba ngayon bilang ganti?

398
00:24:09,865 --> 00:24:11,408
Objection.

399
00:24:16,079 --> 00:24:17,497
Iwi-withdraw ko 'yong tanong.

400
00:24:18,707 --> 00:24:21,251
Good luck sa paghahanap ng trabaho,
Ms. Westfeldt.

401
00:24:21,835 --> 00:24:22,669
Wala nang susunod.

402
00:24:42,355 --> 00:24:43,899
Sana sapat 'yong ginawa ko ngayon.

403
00:24:43,982 --> 00:24:47,486
Nagbibiro ka ba? Sure ka
na ayaw mong maging defense lawyer?

404
00:24:49,529 --> 00:24:52,240
Di pa din ako makapaniwalang
di inuna ni Berg si Drucker.

405
00:24:52,991 --> 00:24:55,076
Baka nakaapekto sa kanya
'yong late na simula.

406
00:24:55,160 --> 00:24:58,371
Imposibleng nagkamali si Dana do'n.
Calculated 'yon, e.

407
00:24:58,997 --> 00:25:00,874
May dahilan kaya bakit naiwan si Drucker?

408
00:25:02,334 --> 00:25:04,419
Bakit, worried ka
na may October surprise siya?

409
00:25:04,503 --> 00:25:06,213
'Yon lang 'yong pwedeng paliwanag.

410
00:25:06,755 --> 00:25:10,967
Kung tungkol sa financial gain motive,
kaya natin sirain 'yon sa cross.

411
00:25:11,051 --> 00:25:12,177
Mahina 'yon, e.

412
00:25:12,260 --> 00:25:14,930
At alam ni Dana 'yon.
Kaya nga nag-aalala ako.

413
00:25:16,056 --> 00:25:19,017
May mga kalansay pa ba sa cabinet mo
na dapat kong malaman?

414
00:25:19,518 --> 00:25:23,522
Mga di nasisiyahang dating empleyado,
mga kliyenteng pinagbantaan mo?

415
00:25:23,605 --> 00:25:26,483
Mags, di maganda 'yong araw ko sa korte
at inilabas ko kay Sam.

416
00:25:26,566 --> 00:25:28,693
Di ako nagbabanta sa clients ko.

417
00:25:28,777 --> 00:25:31,154
Aminin mo,
minsan di mo mapigilan 'yong sarili mo.

418
00:25:31,238 --> 00:25:34,908
Oo. Di ko best quality 'yon,
pero di ibig sabihin murderer ako.

419
00:25:35,951 --> 00:25:38,662
Kailangan lang maipakita natin sa jury.
'Yon lang.

420
00:25:40,580 --> 00:25:43,833
Kung taste mo lang sana sa pagkain
'yong ija-judge sa 'yo.

421
00:25:43,917 --> 00:25:45,585
Saan mo nahahanap 'tong mga 'to?

422
00:25:45,669 --> 00:25:48,672
Pag sa kotse ka nagtatrabaho,
buong city 'yong kinakainan mo.

423
00:25:48,755 --> 00:25:51,424
Sobrang sarap nitong jerk chicken na 'to.

424
00:25:51,508 --> 00:25:54,177
Oo, pwede bang kumagat
bago mo kainin lahat?

425
00:25:57,556 --> 00:25:59,849
Isang kagat lang, 'yon lang.

426
00:26:00,934 --> 00:26:02,686
Etong maliit na piraso lang.

427
00:26:02,769 --> 00:26:03,728
Ang kuripot mo.

428
00:26:05,814 --> 00:26:06,731
'Yan lang.

429
00:26:08,441 --> 00:26:09,693
Salamat.

430
00:26:09,776 --> 00:26:11,528
Di ako foodie katulad n'yo ni Hayley,

431
00:26:11,611 --> 00:26:14,531
pero miss ko na
'yong mga pinupuntahan natin dati.

432
00:26:15,865 --> 00:26:19,244
Miss mo 'yong mga pagkain
o ang kasama ako?

433
00:26:24,082 --> 00:26:27,043
Siguro nagsesend sa 'yo si Hayley
ng food pics galing Mexico.

434
00:26:27,127 --> 00:26:30,380
Ini-spoil siya ng nanay ko.
Baka nga ayaw na niyang bumalik, e.

435
00:26:30,463 --> 00:26:31,506
Gusto niya.

436
00:26:32,173 --> 00:26:34,509
Gusto niyang makitang malampasan mo
'tong bangungot.

437
00:26:38,471 --> 00:26:41,308
Di ko alam kung pa'no ko gagawin 'to
kung wala ka, Mag.

438
00:26:43,893 --> 00:26:45,979
Nauubusan na ako ng paraan
para magpasalamat.

439
00:27:01,244 --> 00:27:02,954
Dapat sagutin mo na 'yan.

440
00:27:05,957 --> 00:27:07,000
Oo.

441
00:27:11,004 --> 00:27:12,964
Uy, kahit may diskarte si Dana,

442
00:27:13,048 --> 00:27:15,675
tingin ko,
matatapos pa din 'yong kaso bukas.

443
00:27:16,217 --> 00:27:18,219
Oras na para i-serve si Alex Gazarian.

444
00:27:18,303 --> 00:27:19,888
Oo, ite-text ko si Cisco.

445
00:27:19,971 --> 00:27:20,889
Sige.

446
00:28:13,692 --> 00:28:15,276
Room service.

447
00:28:20,115 --> 00:28:21,533
Wala na yata sila, sir.

448
00:29:00,905 --> 00:29:02,115
Okay. Safe na.

449
00:29:33,229 --> 00:29:34,606
Anak ng…

450
00:29:35,607 --> 00:29:38,860
Ga'no ka na katagal
sa robbery homicide, Detective?

451
00:29:38,943 --> 00:29:40,653
Fourteen years.

452
00:29:40,737 --> 00:29:43,615
Fourteen years. Ang tagal na.

453
00:29:44,532 --> 00:29:47,535
Ilang pagpatay na 'yong naimbestigahan mo?

454
00:29:47,619 --> 00:29:50,246
Masyado nang madami. Halos 100.

455
00:29:50,330 --> 00:29:54,793
At sa lawak ng karanasan mo
may naranasan ka na bang 'yong pumatay

456
00:29:54,876 --> 00:29:57,378
ginamit 'yong sasakyan niya
para itapon 'yong bangkay?

457
00:29:57,462 --> 00:29:59,380
Objection. Kaugnayan.

458
00:29:59,464 --> 00:30:03,301
Pinapatibay nito 'yong focus
ng pulisya sa nasasakdal, Your Honor.

459
00:30:03,384 --> 00:30:04,219
Overruled.

460
00:30:04,886 --> 00:30:06,054
Detective?

461
00:30:06,137 --> 00:30:08,056
Oo. Ilang beses na.

462
00:30:08,139 --> 00:30:11,643
Hindi na 'to bago,
lalo na pag pinagplanuhan 'yong pagpatay.

463
00:30:11,726 --> 00:30:13,102
Bakit mahalaga 'yon?

464
00:30:13,186 --> 00:30:16,815
Sa crime of passion,
di ga'no pinag-iisipan ng killer 'yon.

465
00:30:16,898 --> 00:30:20,485
Pero kung may planong pumatay,
kunwari, para sa pera,

466
00:30:20,568 --> 00:30:23,988
sinusubukan nilang pagtakpan
'yong mga bakas nila.

467
00:30:25,323 --> 00:30:26,991
Pag-usapan natin 'yan.

468
00:30:27,075 --> 00:30:29,953
Nabanggit mo 'yong pera bilang motibo.

469
00:30:30,036 --> 00:30:31,996
Dumating ba 'yong oras na naghinala ka

470
00:30:32,080 --> 00:30:34,582
na baka pera 'yong motibo
sa likod ng pagpatay na 'to?

471
00:30:34,666 --> 00:30:36,793
Oo, isang teorya 'yon na tiningnan namin.

472
00:30:36,876 --> 00:30:38,795
May mga witness statement kami

473
00:30:38,878 --> 00:30:42,465
na may tension sa nasasakdal
dahil sa mga bayarin.

474
00:30:42,549 --> 00:30:44,050
At inimbestigahan mo ba 'to?

475
00:30:44,133 --> 00:30:48,847
Oo. Una, nagsagawa kami ng search
sa bahay at opisina ni Mr. Haller,

476
00:30:48,930 --> 00:30:53,852
tapos, sa kanyang remote storage facility,
kung saan nakatago 'yong old files.

477
00:30:53,935 --> 00:30:55,061
Ano'ng nahanap mo?

478
00:30:55,144 --> 00:30:59,774
Gaya ng inaasahan namin,
may nakita kaming bill na $200,000

479
00:30:59,858 --> 00:31:04,195
ng overdue legal fees mula sa biktima,
at kopya ng mga tumalbog na tseke

480
00:31:04,279 --> 00:31:08,074
na nagpapakitang sinubukan
ng biktimang umiwas sa pagbabayad.

481
00:31:08,157 --> 00:31:12,620
May nakita din kaming sulat ng pagbabanta
kung di agad mabayaran 'yong mga bayarin.

482
00:31:12,704 --> 00:31:14,831
People's 5, Your Honor.

483
00:31:15,665 --> 00:31:19,002
Detective, mababasa mo ba
'yong naka-highlight?

484
00:31:19,085 --> 00:31:20,003
Sige.

485
00:31:21,504 --> 00:31:23,631
"Dahil dati kitang nirepresenta,

486
00:31:23,715 --> 00:31:27,260
alam kong may hawak kang legal fund
para magbayad ng abogado,

487
00:31:27,343 --> 00:31:31,097
at inaasahan kong babayaran mo ako agad
mula sa pondong 'yon.

488
00:31:31,180 --> 00:31:34,726
Kung hindi, wala akong magagawa
kundi gumawa ng seryosong aksyon

489
00:31:34,809 --> 00:31:37,312
gamit ang anumang paraan.

490
00:31:37,395 --> 00:31:39,647
Huling warning mo na 'to."

491
00:31:40,148 --> 00:31:44,319
Walang pirma, pero nasa baba
'yong pangalan ng nasasakdal.

492
00:31:44,986 --> 00:31:46,905
At ano'ng naintindihan mo dito?

493
00:31:46,988 --> 00:31:51,117
Na naniniwala si Mr. Haller
na may itinagong pera si Mr. Scales,

494
00:31:51,200 --> 00:31:52,452
at gusto niya 'yon.

495
00:31:52,535 --> 00:31:54,704
Hinanap din namin 'yong court records

496
00:31:54,787 --> 00:31:59,334
at natuklasang nag-file si Mr. Haller
ng parehong civil judgments

497
00:31:59,417 --> 00:32:02,211
at attorney's lien laban kay Mr. Scales.

498
00:32:02,295 --> 00:32:06,382
Sinubukan niya din mag-file ng judgment
para pilitin magbayad si Mr. Scales?

499
00:32:06,466 --> 00:32:07,425
Higit pa do'n.

500
00:32:08,009 --> 00:32:10,720
Sakop din ng lien
'yong ari-arian ni Mr. Scales.

501
00:32:10,803 --> 00:32:12,347
'Yong ari-arian niya?

502
00:32:12,430 --> 00:32:13,389
Oo.

503
00:32:13,473 --> 00:32:17,143
Ibig sabihin,
kung mamamatay si Mr. Scales,

504
00:32:17,226 --> 00:32:20,688
kahit anong perang di niya nabayaran,

505
00:32:20,772 --> 00:32:23,691
pwedeng kolektahin ng nasasakdal
pag namatay na siya.

506
00:32:42,961 --> 00:32:44,087
Di 'to best time, babe.

507
00:32:44,170 --> 00:32:47,465
-Sabihin mong na-serve mo si Gazarian.
-May konting aberya lang.

508
00:32:48,841 --> 00:32:50,969
Pero kaya ko naman ayusin 'to.

509
00:32:51,052 --> 00:32:53,638
'Yong punto kaya and'yan ka,
para bantayan sila.

510
00:32:53,721 --> 00:32:56,933
Mukhang nabuko nila ako
kasi iniwan nila 'yong Mercedes

511
00:32:57,016 --> 00:32:59,352
-at gumamit ng nirentang kotse.
-Papunta saan?

512
00:33:00,687 --> 00:33:03,064
Tingin ko pupunta sila sa Mexico.

513
00:33:03,147 --> 00:33:05,274
Ano? Di siya pwedeng tumawid sa border.

514
00:33:05,358 --> 00:33:09,153
Di 'yon mangyayari, promise.
Sasagasaan ko siya bago mangyari 'yon.

515
00:33:09,237 --> 00:33:12,407
Okay. Pupunta na ako sa hearing ko,
pero si Iceberg,

516
00:33:12,490 --> 00:33:14,826
pinapalakas
'tong financial game bullshit na 'to.

517
00:33:14,909 --> 00:33:17,662
-Kailangan natin 'tong taong 'to.
-Okay, sige na, baby.

518
00:33:21,457 --> 00:33:24,127
Salamat, Detective.
Wala na po, Your Honor.

519
00:33:24,627 --> 00:33:25,837
Cross-examination?

520
00:33:26,462 --> 00:33:29,257
Hindi. Maiidiin ko siya
sa pag-search sa files ko. Ando'n ako.

521
00:33:29,340 --> 00:33:32,301
Sige. Pero sa facts ka lang.
Wag mong hayaang hilahin ka niya.

522
00:33:32,385 --> 00:33:34,804
Oo. Salamat, Your Honor.

523
00:33:34,887 --> 00:33:39,350
Detective, 'tong sulat mula sa office ko
na naniningil kay Mr. Scales,

524
00:33:39,434 --> 00:33:41,519
sabi mo di ko pinirmahan 'to, tama?

525
00:33:41,602 --> 00:33:44,814
Tama. Mukhang ginawa 'yon
ng office manager mo.

526
00:33:44,897 --> 00:33:48,860
At siya din 'yong gumawa ng court filings
na tinutukoy mo para sa judgment at liens?

527
00:33:49,652 --> 00:33:50,862
Di ako sure.

528
00:33:50,945 --> 00:33:52,905
Pero wala kang ebidensiyang alam ko 'to.

529
00:33:52,989 --> 00:33:55,825
Maliban sa nakita namin
'yong sulat sa files mo, wala.

530
00:33:55,908 --> 00:33:59,078
At wala kang ebidensiya
na ipinadala kay Mr. Scales 'yong sulat.

531
00:33:59,162 --> 00:34:02,040
-Di ba?
-Oo, tama 'yan.

532
00:34:02,123 --> 00:34:04,292
Standard letter lang 'yon
na humihingi ng bayad.

533
00:34:04,375 --> 00:34:07,211
Objection.
Lampas na sa kaalaman ng testigo.

534
00:34:07,295 --> 00:34:10,256
Sinasabi na mismo ng letter, Mr. Haller.
Sustained.

535
00:34:10,923 --> 00:34:13,176
Pag-usapan natin
pa'no mo nahanap 'tong sulat.

536
00:34:13,259 --> 00:34:15,178
Pa'no mo na-access
ang storage facility ko?

537
00:34:15,261 --> 00:34:17,305
Gaya ng sinabi ko,
may search warrant kami.

538
00:34:17,388 --> 00:34:19,390
Oo, pero pa'no ka nakarating do'n?

539
00:34:21,184 --> 00:34:22,769
Sir, di ko naiintindihan.

540
00:34:22,852 --> 00:34:24,437
Di ba totoo na dinala kita do'n?

541
00:34:24,520 --> 00:34:26,105
Nag-volunteer akong samahan ka,

542
00:34:26,189 --> 00:34:29,817
kahit wala akong obligasyon
para tulungan ka. Tama ba 'yon?

543
00:34:29,901 --> 00:34:31,611
Sinundan ka namin do'n, oo.

544
00:34:31,694 --> 00:34:34,238
Di lang 'yon, Detective.
Di mo ba naaalala?

545
00:34:34,322 --> 00:34:36,783
Huminto pa 'yong kotse ko at hinintay ka

546
00:34:36,866 --> 00:34:39,077
no'ng naipit ka sa stop light
para di ka maligaw.

547
00:34:39,160 --> 00:34:43,206
Sinamahan mo kami sa paghahanap
ng storage facility mo, oo.

548
00:34:44,207 --> 00:34:46,959
Pa'no n'yo na-access 'yong facility ko?
Naka-lock 'yon, e.

549
00:34:47,043 --> 00:34:49,879
Tinagpo kami ng kasamahan mo,
dala 'yong susi at binuksan 'yon.

550
00:34:49,962 --> 00:34:53,841
Tapos, tinuro niya kayo sa file cabinets
at binuksan niya din 'yon, di ba?

551
00:34:54,801 --> 00:34:55,635
Oo.

552
00:34:55,718 --> 00:34:59,430
Mukhang nakipagtulungan kami ng tauhan ko
sa paghahanap n'yo, di ba?

553
00:35:00,598 --> 00:35:01,974
Di mo kami hinarangan.

554
00:35:02,058 --> 00:35:03,810
Kasi wala kaming tinatago.

555
00:35:03,893 --> 00:35:06,562
Objection. Tumetestigo 'yong abogado.

556
00:35:06,646 --> 00:35:07,897
Pasensiya na, Your Honor.

557
00:35:07,980 --> 00:35:09,941
First time kong i-represent
'yong sarili ko.

558
00:35:10,024 --> 00:35:13,236
Winiwithdraw ko 'yong statement.
Sabihin mo sa 'kin, Detective.

559
00:35:13,820 --> 00:35:16,072
Sa malawak mong karanasan,

560
00:35:16,739 --> 00:35:19,200
unusual ba para sa abogado
na mag-file ng judgment

561
00:35:19,283 --> 00:35:21,828
o kumuha ng lien
para maningil ng unpaid legal fees?

562
00:35:21,911 --> 00:35:23,538
-Di ko alam.
-Hindi?

563
00:35:23,621 --> 00:35:26,999
Gaya ng pwedeng gawin ng ibang
may negosyo, parang lien ng mekaniko.

564
00:35:27,083 --> 00:35:28,292
Di mo sinearch 'yon?

565
00:35:29,377 --> 00:35:30,211
Hindi.

566
00:35:31,087 --> 00:35:34,465
-Tingin mo ba unusual 'yon?
-Objection. Call for speculation.

567
00:35:34,549 --> 00:35:35,842
Pasensiya ulit, Your Honor.

568
00:35:35,925 --> 00:35:38,469
Iniintindi ko lang
'tong sinasabing motive.

569
00:35:38,553 --> 00:35:40,847
Ngayon, no'ng naghahanap ka
sa files ko, Detectve,

570
00:35:40,930 --> 00:35:43,766
tiningnan mo man lang ba
'yong tax returns ko para makita

571
00:35:43,850 --> 00:35:46,269
kung nirecord ko ba
'yong unpaid bills bilang lugi?

572
00:35:46,352 --> 00:35:48,980
-Hindi, di ako kumuha ng tax returns.
-Hindi?

573
00:35:49,480 --> 00:35:51,691
Ibig mong sabihin, ilang oras ka

574
00:35:51,774 --> 00:35:54,735
na naghahanap sa bahay,
opisina at facility ko?

575
00:35:54,819 --> 00:35:58,447
Chineck mo 'yong court records
at kahit ano pang maiisip mo,

576
00:35:58,531 --> 00:36:02,160
tapos, sa huli,
isang letter lang na di ko pinirmahan

577
00:36:02,243 --> 00:36:04,704
at judgment na makukuha
ng kahit sinong business owner?

578
00:36:05,788 --> 00:36:06,622
No.

579
00:36:08,833 --> 00:36:10,835
Di lang 'yon 'yong nahanap namin.

580
00:36:13,588 --> 00:36:16,924
'Yan lang 'yong ipinakita mo, Detective.

581
00:36:17,008 --> 00:36:19,051
Wala na, Your Honor,
pero may karapatan kaming

582
00:36:19,135 --> 00:36:21,262
tawagin ulit 'yong testigo sa susunod.

583
00:36:21,762 --> 00:36:22,930
Redirect, Your Honor.

584
00:36:27,143 --> 00:36:28,936
So, Detective,

585
00:36:29,020 --> 00:36:32,815
kakabanggit mo lang
na may nahanap pa kayo sa search n'yo.

586
00:36:32,899 --> 00:36:34,400
Pwede mo bang ikuwento?

587
00:36:34,483 --> 00:36:37,778
Oo. Di lang mga papeles
'yong tinutukan namin.

588
00:36:37,862 --> 00:36:39,655
Sa email server ng nasasakdal,

589
00:36:39,739 --> 00:36:42,575
may nakita kaming email
galing sa fraudulent charity

590
00:36:42,658 --> 00:36:44,327
na sinet up ni Mr. Scales.

591
00:36:44,410 --> 00:36:45,453
Isang email?

592
00:36:45,536 --> 00:36:46,537
Oo.

593
00:36:46,621 --> 00:36:50,499
Mukhang naghanda si Mr. Scales
ng pekeng fundraising drive

594
00:36:50,583 --> 00:36:52,793
para tulungan 'yong migrants
mula Latin America.

595
00:36:52,877 --> 00:36:55,504
Gano'ng klaseng scam
'yong specialty niya, pero—

596
00:36:55,588 --> 00:36:56,839
Objection, Your Honor.

597
00:36:56,923 --> 00:36:59,884
Wala kaming natanggap na kopya
ng anumang email.

598
00:36:59,967 --> 00:37:04,180
Dahil kakatapos lang ng analysis
ng computer ng nasasakdal.

599
00:37:04,263 --> 00:37:07,725
Kaya di namin inilabas ang ebidensiya
sa direct examination namin,

600
00:37:07,808 --> 00:37:11,145
pero malinaw na nabuksan
ng tanong ng akusado ang usaping 'to,

601
00:37:11,229 --> 00:37:15,608
at may kopya ako ng email dito
para sa defense counsel.

602
00:37:17,610 --> 00:37:18,819
Papayagan ko.

603
00:37:20,321 --> 00:37:22,949
Pero limitado lang
'yong interpretation ko dito, Ms. Berg.

604
00:37:23,032 --> 00:37:24,700
Naiintindihan ko, Your Honor.

605
00:37:24,784 --> 00:37:26,369
Never ko pa nakita 'to.

606
00:37:27,036 --> 00:37:32,583
So, Detective, 'tong email na nahanap mo,
bakit parang importante 'to?

607
00:37:33,584 --> 00:37:36,879
Sinend 'yong email
sa mailing list ng legit na charity

608
00:37:36,963 --> 00:37:38,881
na tinatawag na Fuertes Unidos.

609
00:37:38,965 --> 00:37:41,425
Nagbibigay sila ng legal aid
para sa migrant workers.

610
00:37:41,509 --> 00:37:45,513
In fact, nagbigay pa ng oras si Mr. Haller
sa organisasyon no'n.

611
00:37:45,596 --> 00:37:49,225
At ginagamit ni Mr. Scales
'yong pangalan ng organisasyong 'to

612
00:37:49,308 --> 00:37:52,019
para manloko ng tao
para magpadala ng pera sa kanya?

613
00:37:52,103 --> 00:37:53,229
Mas malala do'n.

614
00:37:53,312 --> 00:37:56,232
Ginagamit niya 'yong pangalan
at mukha ng nasasakdal.

615
00:37:57,692 --> 00:38:01,320
Ibig sabihin,
ginawa niyang parang si Mr. Haller

616
00:38:01,404 --> 00:38:04,073
'yong nag-eendorso
nitong pekeng fundraising?

617
00:38:04,156 --> 00:38:05,491
Tama.

618
00:38:05,574 --> 00:38:08,619
Malinaw na pwede 'tong makasira
sa reputasyon ng nasasakdal

619
00:38:08,703 --> 00:38:10,788
o kahit potensyal na pananagutan.

620
00:38:10,871 --> 00:38:12,164
Malinaw sa 'kin

621
00:38:12,248 --> 00:38:16,043
na kung alam 'to ng nasasakdal,
magagalit siya dito, tapos—

622
00:38:16,127 --> 00:38:18,546
Objection! Speculation!

623
00:38:18,629 --> 00:38:19,505
Sustained.

624
00:38:19,588 --> 00:38:23,634
Itetestify lang ng testigo
'yong nasa ebidensiya. Malinaw ba?

625
00:38:23,718 --> 00:38:25,094
Opo, Your Honor.

626
00:38:25,177 --> 00:38:26,846
Babaguhin ko.

627
00:38:26,929 --> 00:38:30,433
Detective, may nakita ka bang ebidensiya

628
00:38:30,516 --> 00:38:32,893
na alam ng nasasakdal ang email na 'to?

629
00:38:32,977 --> 00:38:37,481
Gaya ng sabi ko, nakita namin
ang mismong email sa server ng nasasakdal.

630
00:38:37,565 --> 00:38:39,233
Kasama siya sa mailing list.

631
00:38:39,317 --> 00:38:41,027
Nasa junk folder niya 'yon,

632
00:38:41,110 --> 00:38:44,447
pero wala kaming paraan para malaman
kung diretsong sinend do'n

633
00:38:44,530 --> 00:38:47,950
o kung nabasa niya
at inilipat niya 'yon do'n.

634
00:38:48,034 --> 00:38:52,538
Detective, tumestigo ka
sa posibleng financial motive

635
00:38:52,621 --> 00:38:54,123
para sa murder na 'to.

636
00:38:54,206 --> 00:38:56,167
Pinapatunayan ba ng email
ang motibong 'yon?

637
00:38:56,792 --> 00:39:00,087
Di madaling sabihin, pero sa karanasan ko,

638
00:39:01,756 --> 00:39:04,467
maraming motibo ang pagpatay.

639
00:39:04,550 --> 00:39:06,719
Isipin n'yo,
galit 'yong lalaki sa asawa niya,

640
00:39:06,802 --> 00:39:10,598
at makakakuha siya ng life insurance
pag namatay 'yong asawa.

641
00:39:10,681 --> 00:39:13,225
Madalas higit sa isang dahilan
kaya pumapatay 'yong tao.

642
00:39:47,802 --> 00:39:49,387
Nakita mo 'yong bumaril?

643
00:39:50,054 --> 00:39:52,515
Oo, sandali lang
bago ako bumalik sa stockroom.

644
00:39:52,598 --> 00:39:54,934
-Ano'ng nangyari?
-Narinig ko 'yong putok.

645
00:39:55,017 --> 00:39:58,604
Parang binaril niya 'yong camera.
At sumigaw siya, "Ibigay mo 'yong pera."

646
00:39:58,687 --> 00:40:02,942
Tingin ko, gumanti si Gary.
Tapos parang nag-jam 'yong baril.

647
00:40:03,692 --> 00:40:06,112
Tapos may isa pang putok. Tapos na.

648
00:40:06,195 --> 00:40:08,572
-Tumakas ba 'yong bumaril pagkatapos?
-Oo.

649
00:40:09,156 --> 00:40:11,492
Tumakbo ako palabas.
Nakita ko si Gary, nakahiga.

650
00:40:13,119 --> 00:40:15,663
Napakaraming dugo.
Tumawag ako agad sa 911.

651
00:40:15,746 --> 00:40:17,665
Para lang malinaw, Mr. Harrison,

652
00:40:17,748 --> 00:40:21,836
sigurado ka na si Carter Gates
'yong lalaking may baril no'n?

653
00:40:25,923 --> 00:40:28,092
Siya 'yon. Oo.

654
00:40:30,094 --> 00:40:32,138
Salamat. Wala nang tanong.

655
00:40:32,847 --> 00:40:33,973
Ms. Crane.

656
00:40:34,056 --> 00:40:35,683
Salamat, Your Honor.

657
00:40:38,936 --> 00:40:43,607
Okay. Sisiguraduhin ko lang na tama
'yong pagkakaintindi ko, Mr. Harrison.

658
00:40:43,691 --> 00:40:45,568
Nag-away sina Carter at Gary.

659
00:40:45,651 --> 00:40:47,153
-Tama?
-Oo.

660
00:40:47,236 --> 00:40:49,947
Tapos, umalis si Carter,
at makalipas ang ilang minuto,

661
00:40:50,030 --> 00:40:52,491
bumalik siya sa sarili niyang tindahan

662
00:40:52,575 --> 00:40:54,368
na nakamaskara at may baril

663
00:40:54,452 --> 00:40:57,455
at hiningi 'yong sarili niyang pera.

664
00:40:58,581 --> 00:41:00,082
Di ba parang weird 'yon?

665
00:41:00,166 --> 00:41:02,877
Baka ginusto niyang magmukhang nakawan.

666
00:41:02,960 --> 00:41:06,547
-Kaya sinira niya 'yong security camera.
-At sigurado kang si Carter 'yon?

667
00:41:07,673 --> 00:41:10,009
-Oo. Medyo sigurado ako.
-Medyo sigurado?

668
00:41:10,092 --> 00:41:12,344
Sigurado ako. Alam ko 'yong nakita ko.

669
00:41:12,428 --> 00:41:15,306
Kahit may itim na stocking siya sa ulo,

670
00:41:15,389 --> 00:41:17,725
at inamin mo
na nakita mo lang siya saglit?

671
00:41:17,808 --> 00:41:20,603
Alam ko din 'yong narinig ko.
Boses niya 'yon.

672
00:41:21,812 --> 00:41:25,858
Mr. Harrison, alam mo ba
kung ano 'yong confirmation bias?

673
00:41:27,193 --> 00:41:28,861
Hindi.

674
00:41:28,944 --> 00:41:32,281
Ibig sabihin,
minsan 'yong inaasahan mong mangyari,

675
00:41:32,364 --> 00:41:34,366
nakakaapekto 'yon
sa pananaw mo sa nangyari.

676
00:41:34,450 --> 00:41:35,784
Sa kasong 'to,

677
00:41:35,868 --> 00:41:39,955
baka kung ano sa tingin mong narinig mo,
'yon 'yong inaasahan mong marinig.

678
00:41:40,039 --> 00:41:41,582
Objection. Lampas sa kaalaman.

679
00:41:41,665 --> 00:41:44,919
Tinatanong ko lang 'yong testigo
ng sarili niyang impresyon, Your Honor.

680
00:41:46,337 --> 00:41:48,923
Overruled. Pwedeng sumagot 'yong testigo.

681
00:41:49,423 --> 00:41:51,509
Mag-ingat ka, Ms. Crane.

682
00:41:53,302 --> 00:41:54,595
Di ko naiintindihan.

683
00:41:54,678 --> 00:41:56,305
Nag-away sina Gary at Carter.

684
00:41:56,388 --> 00:41:58,224
Nag-aalala ka na baka maging marahas.

685
00:41:58,307 --> 00:42:02,520
So, no'ng may bumalik na may baril,
inakala mo lang na si Carter.

686
00:42:02,603 --> 00:42:06,065
-Hindi. Di 'yon 'yong nakita ko.
-Hindi? Di mo nakita ang mukha ng bumaril.

687
00:42:06,148 --> 00:42:08,817
Alam mo ba
kung pareho sila ng suot ni Carter?

688
00:42:08,901 --> 00:42:10,945
Di ko alam 'yong suot ni Carter, pero—

689
00:42:11,028 --> 00:42:13,822
Dahil nasa stockroom ka
no'ng nag-aaway sila.

690
00:42:14,782 --> 00:42:16,033
Pero boses niya 'yon.

691
00:42:16,116 --> 00:42:18,661
Alam mo ba
na may criminal record si Carter?

692
00:42:19,161 --> 00:42:22,164
Nabanggit niya minsan.
Di naman niya tinatago.

693
00:42:22,248 --> 00:42:23,290
Natakot ka ba do'n?

694
00:42:23,374 --> 00:42:26,669
Ewan. Naisip ko lang,
galing siya sa magulong background.

695
00:42:26,752 --> 00:42:30,297
'Yong tipong akala mo
kaya niyang gumawa ng karahasan?

696
00:42:30,381 --> 00:42:31,215
Ibig ko sabihin…

697
00:42:31,298 --> 00:42:34,760
Alam mong may record siya.
Alam mong galit na galit siya.

698
00:42:34,843 --> 00:42:36,345
At takot ka sa karahasan.

699
00:42:36,428 --> 00:42:39,723
Posible ba
na nasa isip mo lang lahat ng 'yan,

700
00:42:39,807 --> 00:42:42,351
at sinabi ng utak mong,
"Si Carter 'yong may baril."

701
00:42:42,434 --> 00:42:43,811
-Di ko alam.
-Di mo alam?

702
00:42:43,894 --> 00:42:47,481
Di ko alam. Oo, sige.
Posible naman lahat, di ba?

703
00:42:48,274 --> 00:42:49,441
Oo.

704
00:42:49,525 --> 00:42:50,943
Salamat, Mr. Harrison.

705
00:44:12,858 --> 00:44:15,694
-Magkita tayo sa baba?
-Oo, saglit lang.

706
00:44:51,063 --> 00:44:52,314
Alex Gazarian.

707
00:44:57,611 --> 00:44:59,446
Di mo kailangang maging marahas.

708
00:45:00,114 --> 00:45:01,699
Tinakot mo ako.

709
00:45:04,785 --> 00:45:05,786
Sino ka….

710
00:45:06,954 --> 00:45:08,122
Teka, kilala kita.

711
00:45:08,205 --> 00:45:09,832
Nagkita na tayo, oo.

712
00:45:10,666 --> 00:45:13,043
Para sa 'yo 'to. You've been served.

713
00:45:15,045 --> 00:45:17,089
Di mo ako matatakasan.

714
00:45:18,590 --> 00:45:20,801
Tingin mo may paki ako sa subpoena?

715
00:45:25,556 --> 00:45:27,516
Muntik na akong atakihin sa puso.

716
00:45:53,542 --> 00:45:54,460
Salamat ulit.

717
00:45:55,335 --> 00:45:58,630
Uy, tatawagan sana kita.
Parang may maganda tayong break.

718
00:45:58,714 --> 00:46:00,549
-Anong klaseng break?
-Sa kaso ni Mickey.

719
00:46:00,632 --> 00:46:02,509
Tanda mo 'yong scientist na nahanap ko?

720
00:46:02,593 --> 00:46:04,595
'Yong EPA specialist sa LA Times article?

721
00:46:05,637 --> 00:46:07,139
Nakausap ko siya kahapon.

722
00:46:07,222 --> 00:46:08,182
Kakatawag lang niya.

723
00:46:08,265 --> 00:46:11,226
Sabi niya ready siyang tumestigo
tungkol sa Biogreen scam.

724
00:46:11,727 --> 00:46:13,061
Good news nga 'yan.

725
00:46:13,771 --> 00:46:14,646
Ano'ng problema?

726
00:46:15,230 --> 00:46:17,608
Nabasag mo ba 'yong testimony ni Rashad?

727
00:46:17,691 --> 00:46:21,111
Tingin ko, pero di 'yon sapat.
Nakita mo 'yong nangyari.

728
00:46:21,195 --> 00:46:24,490
Sabi ng guard, binanggit ng biktima
'yong client ko bago siya mamatay.

729
00:46:25,574 --> 00:46:26,492
Sorry, L.

730
00:46:28,368 --> 00:46:30,078
Medyo malas si Carter, a.

731
00:46:30,162 --> 00:46:32,790
Nabuhay pa ng sapat 'yong biktima
para ma-ID siya?

732
00:46:33,373 --> 00:46:34,792
Ano'ng chance?

733
00:46:42,716 --> 00:46:43,842
Mismo.

734
00:46:45,135 --> 00:46:46,720
Ano'ng chance?

735
00:46:47,471 --> 00:46:48,305
Ng…

736
00:46:49,681 --> 00:46:51,683
Parang may maganda tayong break.

737
00:46:52,559 --> 00:46:54,353
Oo. 'Yon nga 'yong sinabi ko.

738
00:46:56,939 --> 00:46:59,358
Uy. Si Lorna 'to.

739
00:46:59,858 --> 00:47:02,194
Oo. Nakakatuwa din marinig 'yong boses mo.

740
00:47:02,277 --> 00:47:05,531
Makinig ka,
pwede mo bang icheck 'to para sa 'kin?

741
00:47:05,614 --> 00:47:07,449
Promise, mabilis lang 'to.

742
00:47:15,207 --> 00:47:17,960
At least alam na natin
kung ano 'yong October surprise.

743
00:47:18,043 --> 00:47:20,420
Puro kalokohan,
tapos, pinaniwalaan pa ng jury.

744
00:47:20,504 --> 00:47:21,630
Di mo kasalanan.

745
00:47:21,713 --> 00:47:23,257
Hindi, kasalanan ko, Maggie.

746
00:47:23,340 --> 00:47:26,385
Naglatag siya ng patibong
tapos, nahulog ako do'n.

747
00:47:26,468 --> 00:47:28,053
'Yong sinabi mong wag kong gawin.

748
00:47:28,136 --> 00:47:29,972
Wala na tayong magagawa ngayon.

749
00:47:30,055 --> 00:47:33,809
Ang galing mo do'n sa pagbasag
ng financial gain na motibo.

750
00:47:34,309 --> 00:47:37,479
Di ko alam na pwedeng ibawas
'yong unpaid legal fees sa tax mo.

751
00:47:37,563 --> 00:47:39,106
Kasi hindi naman pwede.

752
00:47:39,940 --> 00:47:40,816
Ano?

753
00:47:40,899 --> 00:47:42,860
Nasa gobyerno ka, kaya di mo malalaman.

754
00:47:42,943 --> 00:47:46,780
Pero kung di ka binayaran ng kliyente,
kailangan mo lang tiisin 'yong lugi.

755
00:47:47,281 --> 00:47:50,993
Di ko sinabing pwede. Tinanong ko lang
kung chineck 'yong returns ko.

756
00:47:51,076 --> 00:47:52,119
Nang-bluff ka.

757
00:47:53,161 --> 00:47:55,414
Tama. Welcome sa defense work.

758
00:48:00,252 --> 00:48:02,546
At least, may good news.

759
00:48:05,674 --> 00:48:06,508
Okay.

760
00:48:31,283 --> 00:48:32,868
Sige, ayos.

761
00:48:32,951 --> 00:48:35,454
Sabihan mo lang ako ng mahahanap mo.

762
00:48:35,537 --> 00:48:36,830
Bye!

763
00:48:39,541 --> 00:48:42,544
-Gagana kaya 'to?
-Worth it naman subukan, di ba?

764
00:48:43,462 --> 00:48:44,463
Oo.

765
00:48:47,090 --> 00:48:50,510
-Hi, hon. Nagawa mo na?
-Oo, pero ewan ko.

766
00:48:50,594 --> 00:48:51,428
Ano?

767
00:48:52,054 --> 00:48:53,931
Parang may mali.

768
00:48:54,514 --> 00:48:56,683
Hinahabol ko siya kahit saan.

769
00:48:56,767 --> 00:49:00,395
No'ng na-serve ko sa kanya,
parang wala lang.

770
00:49:00,479 --> 00:49:03,565
So? Baka medyo humupa na siya
mula no'ng huli kang nag-serve.

771
00:49:03,649 --> 00:49:05,817
Hindi. Di siya worried sa 'tin.

772
00:49:06,610 --> 00:49:09,988
-Parang may iba.
-Pa'no mo nalampasan 'yong bodyguards?

773
00:49:10,072 --> 00:49:11,073
'Yon na nga, e.

774
00:49:11,156 --> 00:49:14,117
Di ko pa nakikita 'yong dalawang 'yon
buong oras na 'to.

775
00:49:14,785 --> 00:49:16,411
Ngayon lang, sila…

776
00:49:18,413 --> 00:49:19,706
Lintik.

777
00:49:19,790 --> 00:49:21,333
Di siya worried sa 'tin.

778
00:49:21,917 --> 00:49:23,710
Worried siya sa kanila.

779
00:49:36,473 --> 00:49:38,225
Cisco, ano'ng nangyari?

780
00:49:40,185 --> 00:49:41,561
May problema tayo.

781
00:49:48,026 --> 00:49:50,070
HANGO SA MGA NOBELA NI MICHAEL CONNELLY

782
00:51:32,923 --> 00:51:37,928
Nagsalin ng Subtitle:
Jorraine Laurette Vergara

