1
00:00:05,922 --> 00:00:08,383
Pinaghirapan mo 'yon.
Kailan lalabas ang results?

2
00:00:08,383 --> 00:00:09,551
Tatlong buwan pa.

3
00:00:09,551 --> 00:00:10,677
Nasa La Cosse case ka?

4
00:00:10,677 --> 00:00:13,513
Madalas na tayong magkikita, gaya ng dati.

5
00:00:13,513 --> 00:00:17,809
- Fifteen thousand? Para saan 'to?
- Sinublease ko 'yong studio kay Cat.

6
00:00:17,809 --> 00:00:19,060
Tatawagan ko si Deborah.

7
00:00:19,060 --> 00:00:21,730
Kailangan niyang malaman
na lalabas 'yong ex niya,

8
00:00:21,730 --> 00:00:23,148
kahit isang araw lang.

9
00:00:23,148 --> 00:00:26,109
Pinasyal ng biktima
'yong aso niya sa park.

10
00:00:26,109 --> 00:00:28,695
May lalaking nakaabang.
'Yong ex-husband niya.

11
00:00:28,695 --> 00:00:31,990
Kung na-warningan ko siya,
nag-ingat sana siya.

12
00:00:31,990 --> 00:00:34,284
<i>Pero abogado tayo. Hindi superheroes.</i>

13
00:00:34,284 --> 00:00:35,577
<i>Si Mickey 'to.</i>

14
00:00:35,577 --> 00:00:39,873
<i>Uy, di ako makakapunta mamaya.
Ipapaliwanag ko pag nagkita tayo.</i>

15
00:00:39,873 --> 00:00:43,084
Hinahanap natin 'yong koneksiyon
nina Bishop at Hector Moya.

16
00:00:43,084 --> 00:00:46,254
Baka dapat hanapin 'yong koneksiyon
nina Bishop at De Marco.

17
00:00:46,254 --> 00:00:50,675
Baka ito 'yong hinahanap natin.
Dalawang suspected dealer na nangupahan.

18
00:00:50,675 --> 00:00:53,595
- Tingnan mo 'yong detective.
- Hello, Mr. Bishop.

19
00:00:53,595 --> 00:00:55,930
- Ano'ng kailangan mo?
- Gusto kitang tulungan.

20
00:00:55,930 --> 00:00:58,767
Gera 'to. Kailangan mong pumili ng kampo.

21
00:00:58,767 --> 00:01:01,478
Magkakaro'n tayo ng bagong client.
Si Hector Moya.

22
00:01:01,478 --> 00:01:03,229
Pupunta ka sa bossing ng cartel...

23
00:01:03,229 --> 00:01:05,356
Eddie, may lakad tayo bukas.
Sa Victorville.

24
00:01:05,356 --> 00:01:07,233
Alam mo ba kung ano'ng nakasugal dito?

25
00:01:07,233 --> 00:01:09,235
Alam kong gagawin nila ang lahat

26
00:01:09,235 --> 00:01:11,780
para di lumabas ang kuwento nila.

27
00:01:11,780 --> 00:01:13,364
'Yon ay kung may deal na tayo.

28
00:01:13,364 --> 00:01:15,533
Lorna, ayos na. Pumayag na si Moya.

29
00:01:15,533 --> 00:01:16,826
- Mr. Haller?
- Ano ba?

30
00:01:20,747 --> 00:01:21,623
Eddie?

31
00:01:32,967 --> 00:01:34,469
Kasalanan mo 'yon!

32
00:01:34,969 --> 00:01:37,722
Sabi mo, kakampi ka ng mga dehado?
Mukha mo!

33
00:01:37,722 --> 00:01:39,724
- Sarili mo lang ang iniisip mo!
- Hayley.

34
00:01:39,724 --> 00:01:41,810
- Namamatay lahat ng nasa paligid mo!
- Anak.

35
00:01:41,810 --> 00:01:45,313
I hate you!
Ayaw na kitang makausap kahit kailan!

36
00:01:49,275 --> 00:01:50,777
Hindi 'yon totoo.

37
00:01:51,945 --> 00:01:53,404
Nasasaktan lang siya.

38
00:01:54,364 --> 00:01:55,532
Bigyan mo lang ng time.

39
00:01:56,407 --> 00:01:57,283
Mickey.

40
00:01:59,410 --> 00:02:02,205
Sino man ang gumawa no'n,
protektahan mo ang sarili mo.

41
00:02:03,248 --> 00:02:05,291
- Seryoso ako.
- Oo.

42
00:02:05,291 --> 00:02:08,586
Iniisip niya, mawawala ka rin.
Wag mong hayaang mangyari 'yon.

43
00:02:26,229 --> 00:02:27,647
Di mo kasalanan 'yon.

44
00:02:29,190 --> 00:02:30,900
Kasalanan ko 'yon, Lorna.

45
00:02:32,569 --> 00:02:34,988
Lahat. Kaya aayusin ko 'yon.

46
00:02:35,613 --> 00:02:37,490
Hahanapin ko 'yong gagong gumawa no'n.

47
00:02:37,490 --> 00:02:39,576
Hahanapin ko at ililibing ko siya.

48
00:03:01,472 --> 00:03:03,683
PWEDE TAYONG MAGKITA?

49
00:03:48,811 --> 00:03:49,646
Uy.

50
00:03:50,647 --> 00:03:51,481
Hi.

51
00:03:53,441 --> 00:03:55,860
Nabalitaan ko 'yong nangyari.

52
00:03:56,361 --> 00:03:57,570
Nakikiramay ako.

53
00:04:13,044 --> 00:04:14,212
Uy, Andy.

54
00:04:15,296 --> 00:04:16,839
Alam ko ang sasabihin mo.

55
00:04:18,758 --> 00:04:21,678
'Yong nangyari kay Eddie,
ako ang target no'n.

56
00:04:22,929 --> 00:04:26,975
Hindi 'yon ang first time
na may nadamay sa gera ko.

57
00:04:28,851 --> 00:04:32,772
- Ano'ng sinasabi mo?
- Ang sinasabi ko, naiintindihan kita.

58
00:04:33,773 --> 00:04:35,858
Kailangan mong gawin 'to.

59
00:04:37,360 --> 00:04:39,320
Siguro... ewan ko.

60
00:04:39,320 --> 00:04:42,573
Siguro tama lang na lumayo ka muna.

61
00:04:42,573 --> 00:04:45,285
Siguro nga,
di natin afford ang luhong 'to.

62
00:04:46,160 --> 00:04:47,954
Akala mo, makikipaghiwalay ako?

63
00:04:49,580 --> 00:04:50,540
Okay.

64
00:04:50,540 --> 00:04:51,874
Hindi.

65
00:04:52,625 --> 00:04:56,170
Hindi 'yon ang sasabihin ko. Malayo.

66
00:04:59,090 --> 00:05:01,342
Ang sabi ko sa 'yo, di ako si Maggie.

67
00:05:02,510 --> 00:05:05,930
Di kita iiwanan
dahil lang masyado nang mahirap.

68
00:05:09,100 --> 00:05:11,686
Maniwala ka o hindi, naiintindihan ko.

69
00:05:13,146 --> 00:05:18,443
Sa isang level, ginagawa natin 'to
kasi iisa ang pinaglalaban natin.

70
00:05:21,404 --> 00:05:26,326
At masasabi ko talagang
minsan, nagkakamali 'yong sistema.

71
00:05:27,243 --> 00:05:28,119
Nang malala.

72
00:05:30,747 --> 00:05:31,622
At saka...

73
00:05:33,791 --> 00:05:35,710
tama ka sa sinabi mo,

74
00:05:35,710 --> 00:05:37,837
kahit hirap akong aminin.

75
00:05:39,047 --> 00:05:40,548
'Yong Glass case?

76
00:05:40,548 --> 00:05:42,091
Naapektuhan ako no'n.

77
00:05:42,091 --> 00:05:44,177
Nablangko ako sa court.

78
00:05:47,597 --> 00:05:50,224
Dapat nagpahinga muna ako,
gaya ng sinabi mo.

79
00:05:51,642 --> 00:05:53,061
Kaya 'yon ang ginawa ko.

80
00:05:53,561 --> 00:05:57,231
Nag-out of town muna ako, nagpahinga,

81
00:05:58,107 --> 00:06:00,485
nag-isip-isip kung ano na'ng gagawin ko.

82
00:06:02,278 --> 00:06:03,780
Ngayon, nakabalik na ako.

83
00:06:06,741 --> 00:06:08,284
Tapos gusto kitang makita.

84
00:06:10,870 --> 00:06:11,704
'Yon lang.

85
00:06:15,958 --> 00:06:18,628
Kaya wag mo din akong iiwan.

86
00:06:19,670 --> 00:06:20,755
Okay?

87
00:06:53,287 --> 00:06:55,456
<i>Pinadala ko 'yong brief
para sa Schaffer appeal.</i>

88
00:06:55,456 --> 00:06:57,959
<i>Pina-move ko na
'yong status conference ni Pinkerton</i>

89
00:06:57,959 --> 00:07:00,670
<i>para makapag-focus tayo kay La Cosse
ngayong umaga.</i>

90
00:07:00,670 --> 00:07:01,629
Ayos.

91
00:07:01,629 --> 00:07:03,965
<i>Ano, nagkita ba kayo ni Andrea kagabi?</i>

92
00:07:03,965 --> 00:07:06,050
Sandali. May kinalaman ba 'yon
sa schedule?

93
00:07:06,050 --> 00:07:09,137
May kinalaman 'yon sa 'kin
kasi invested ako sa buhay mo.

94
00:07:09,137 --> 00:07:10,221
<i>- Lorna...</i>
- Ano?

95
00:07:10,221 --> 00:07:13,015
Sinisigurado ko lang
na di mo na 'to sisirain.

96
00:07:13,015 --> 00:07:15,309
Maniwala ka o hindi, gusto ko siya.

97
00:07:15,309 --> 00:07:18,521
- Bago 'yan, a. Wala ka namang gustong tao.
- <i>Kaya nga, di ba?</i>

98
00:07:18,521 --> 00:07:20,773
<i>Feeling ko lang, mabuti siya para sa 'yo.</i>

99
00:07:20,773 --> 00:07:24,610
Kaya ka niyang pagsabihan.
Kailangan mo 'yon.

100
00:07:24,610 --> 00:07:27,363
Parang ginagawa mo naman na 'yon.

101
00:07:27,363 --> 00:07:30,783
May kailangan pa ba akong malaman
bago ako pumunta sa office?

102
00:07:30,783 --> 00:07:32,452
<i>Ako ang may gustong malaman.</i>

103
00:07:32,452 --> 00:07:33,995
Nagustuhan mo 'yong regalo mo?

104
00:07:33,995 --> 00:07:35,079
Anong regalo?

105
00:07:37,039 --> 00:07:38,249
Ano naman 'to?

106
00:07:38,249 --> 00:07:41,419
<i>Bigay ni Moya. Pina-test ko na
kay Cisco 'yong bulletproofing.</i>

107
00:07:41,419 --> 00:07:42,587
Bulletproof 'to?

108
00:07:42,587 --> 00:07:43,504
<i>Armored pa.</i>

109
00:07:43,504 --> 00:07:46,174
<i>Parang 'yong sasakyan ng pangulo.
The Beast ba 'yon?</i>

110
00:07:46,174 --> 00:07:49,260
Pero walang tear gas cannon
o ref na puno ng dugo.

111
00:07:49,260 --> 00:07:51,471
Gusto mo ba ng ref na puno ng dugo?

112
00:07:52,305 --> 00:07:53,723
May ibang tao dito.

113
00:07:53,723 --> 00:07:57,560
<i>Kasama ng sasakyan 'yan.
Gusto kang paprotektahan ni Moya.</i>

114
00:07:57,560 --> 00:07:58,895
<i>Sa dami ng nangyari,</i>

115
00:07:58,895 --> 00:08:00,897
at di ako makapaniwalang sasabihin ko 'to,

116
00:08:00,897 --> 00:08:03,232
kakampi ako ng cartel diyan.

117
00:08:03,232 --> 00:08:05,193
- Sige na.
<i>- Siya, kitakits.</i>

118
00:08:05,193 --> 00:08:06,986
Alam mo na, hopefully.

119
00:08:11,240 --> 00:08:12,200
Ako si Omar.

120
00:08:12,700 --> 00:08:15,995
Sabi ni boss,
sundan daw kita kahit saan ka pumunta.

121
00:08:18,206 --> 00:08:19,624
Sandali lang, ha?

122
00:08:19,624 --> 00:08:23,336
Ano'ng ginagawa mo? Sabi ko,
ako na muna habang walang driver.

123
00:08:23,336 --> 00:08:25,880
Akala mo, hahayaan kitang
paglaruan 'to nang mag-isa?

124
00:08:25,880 --> 00:08:28,299
Tingnan mo 'tong pinto.
Parang vault sa bangko.

125
00:08:28,299 --> 00:08:31,594
Izzy, hindi 'to laro.
Taga-cartel 'yang lalaking 'yan.

126
00:08:31,594 --> 00:08:34,764
Kailangan mo ng driver.
Wala akong tiwala sa kahit na sino ngayon.

127
00:08:34,764 --> 00:08:36,307
- Masyadong delikado.
- Alam ko.

128
00:08:36,307 --> 00:08:38,976
Kaya nga may tangke at sundalo tayo.
Sumakay ka na nga.

129
00:08:38,976 --> 00:08:41,646
- Izzy...
- Mickey, sinabing sumakay ka na.

130
00:08:59,288 --> 00:09:01,040
Nag-text ka. Ano'ng meron?

131
00:09:01,916 --> 00:09:03,584
Pasok. Pakisara ang pinto.

132
00:09:13,177 --> 00:09:14,554
Ano'ng meron, Freemann?

133
00:09:18,224 --> 00:09:19,642
Hindi ko siya natawagan.

134
00:09:21,143 --> 00:09:21,978
Sino?

135
00:09:23,145 --> 00:09:24,438
Si Deborah Glass.

136
00:09:25,064 --> 00:09:27,024
Hindi ko siya natawagan, Adam.

137
00:09:29,902 --> 00:09:31,988
- 'Yong domestic violence case?
- Oo.

138
00:09:33,906 --> 00:09:35,866
Di niya alam 'yong Cruz Waiver?

139
00:09:35,866 --> 00:09:36,951
Hindi.

140
00:09:38,494 --> 00:09:39,996
Alam kong papagalitan mo ako.

141
00:09:39,996 --> 00:09:42,498
Tanggalin mo ako sa Shelby case
kung kailangan.

142
00:09:42,498 --> 00:09:45,209
Kahit sisantehin mo ako, maiintindihan ko.

143
00:09:45,835 --> 00:09:48,588
Pero wag muna ngayon.

144
00:09:49,171 --> 00:09:51,257
Kailangang mapakulong

145
00:09:51,257 --> 00:09:53,759
'yong gagong pumatay kay Deborah Glass.

146
00:09:53,759 --> 00:09:57,096
Wala nang mas magsisikap pang gawin 'yon
kaysa sa 'kin.

147
00:10:03,436 --> 00:10:05,813
Tapusin mo 'yong kaso nang may dangal.

148
00:10:06,981 --> 00:10:07,857
Pansamantala...

149
00:10:09,942 --> 00:10:11,485
kalimutan mong nag-usap tayo.

150
00:10:26,083 --> 00:10:26,959
Uy.

151
00:10:35,718 --> 00:10:38,012
Sabi sa 'kin,
wag kang aalisin sa paningin ko.

152
00:10:40,181 --> 00:10:42,058
Salamin naman 'yong dingding.

153
00:10:54,028 --> 00:10:54,862
Ano 'yan?

154
00:10:56,280 --> 00:10:59,784
'Yan lang ang nakuha nila sa kotse
pagkatapos ng...

155
00:11:04,955 --> 00:11:08,250
Sabi niya a few weeks ago,
may ginagawa siya para sa 'kin.

156
00:11:09,168 --> 00:11:12,296
Tinawanan ko lang siya.
Pinintasan ko pa 'yong kulay.

157
00:11:21,889 --> 00:11:23,391
Magtrabaho na tayo.

158
00:11:23,391 --> 00:11:26,435
- Dalawang buwan na lang bago ang trial.
- Okay.

159
00:11:27,061 --> 00:11:28,187
Bago ang lahat,

160
00:11:28,187 --> 00:11:31,399
kailangan nating hulaan
ang magiging laro ng prosecution.

161
00:11:31,399 --> 00:11:34,652
Di na kailangan.
Alam ko kung ano'ng gagawin ni Forsythe.

162
00:11:34,652 --> 00:11:37,196
Kaya kong isulat
'yong opening niya kahit tulog ako.

163
00:11:37,196 --> 00:11:41,200
Pinakamatandang propesyon 'yon
sa mundo. Si Gloria Dayton ay prostitute...

164
00:11:41,200 --> 00:11:43,786
...na masyadong na-involve
sa masasamang tao.

165
00:11:44,620 --> 00:11:45,788
Si Julian La Cosse

166
00:11:47,039 --> 00:11:48,082
ang bugaw niya.

167
00:11:48,708 --> 00:11:49,959
Gano'n lang kasimple.

168
00:11:50,543 --> 00:11:52,336
Isang lalaking kumikita

169
00:11:52,837 --> 00:11:55,631
sa pagsasamantala
sa desperadong kababaihan.

170
00:11:55,631 --> 00:11:59,593
Sa paraang walang awa.
At kung kinakailangan, sa paraang marahas.

171
00:12:00,094 --> 00:12:01,762
Ang tanong lang dito,

172
00:12:01,762 --> 00:12:05,766
hanggang saan ang kaya niyang gawin
para makuha ang parte niya?

173
00:12:05,766 --> 00:12:07,351
Planado ang buong kaso niya.

174
00:12:07,351 --> 00:12:10,813
Tatawagin niya 'yong medical examiner
para sabihin sa jury na...

175
00:12:10,813 --> 00:12:13,482
...may fracture 'yong hyoid bone niya.

176
00:12:13,482 --> 00:12:16,068
'Yon 'yong free-floating bone
sa itaas ng leeg.

177
00:12:16,068 --> 00:12:17,653
Nasa ilalim 'yon ng baba.

178
00:12:18,154 --> 00:12:20,281
Dalawa 'yong fracture.

179
00:12:20,281 --> 00:12:21,991
Karaniwan bang injury 'yon?

180
00:12:21,991 --> 00:12:23,617
Hindi, bihira 'yon.

181
00:12:23,617 --> 00:12:28,539
Pag nangyayari 'yon,
madalas dahil sa pananakal o asphyxiation.

182
00:12:28,539 --> 00:12:32,084
Tapos si Detective Whitten
para ipakita 'yong footage kung saan...

183
00:12:32,084 --> 00:12:33,544
...inamin ng defendant

184
00:12:33,544 --> 00:12:37,089
na nagkasakitan sila ng biktima
noong gabing 'yon.

185
00:12:37,089 --> 00:12:41,385
Naging malinaw na sa away na 'yon,
hinawakan niya ang biktima sa leeg.

186
00:12:41,385 --> 00:12:45,473
Dahil doon, natukoy naming
may probable cause para arestuhin siya.

187
00:12:45,473 --> 00:12:48,934
Tapos 'yong kapitbahay
na magbabanggit ng sigawan...

188
00:12:48,934 --> 00:12:51,353
...saka ingay sa kabilang bahay.

189
00:12:51,353 --> 00:12:54,064
Malala 'yong away na 'yon,
talagang bugbugan.

190
00:12:54,064 --> 00:12:55,524
Bayolente ba?

191
00:12:56,275 --> 00:12:57,943
Gano'n ang dinig ko.

192
00:12:58,861 --> 00:13:01,697
- Do'n papasok ang unang bigwas natin.
- Paano?

193
00:13:03,073 --> 00:13:05,159
Ms. Stevens,
nakita namin 'yong CCTV footage

194
00:13:05,159 --> 00:13:09,663
mula sa lobby n'yo kung saan pumasok
at lumabas si Mr. La Cosse.

195
00:13:10,581 --> 00:13:14,126
Walang CCTV sa entrance sa likod, 'no?

196
00:13:14,126 --> 00:13:16,003
Wala po.

197
00:13:16,003 --> 00:13:19,131
Paulit-ulit ko 'yong nireklamo
pero walang nangyari.

198
00:13:19,131 --> 00:13:20,549
Maliit na bagay lang 'yon.

199
00:13:20,549 --> 00:13:22,218
Oo, pero itatanim no'n 'yong idea

200
00:13:22,218 --> 00:13:24,929
na pwedeng may ibang pumasok
sa ibang daanan.

201
00:13:24,929 --> 00:13:27,056
Susundin ni Forsythe 'yong rules.

202
00:13:27,056 --> 00:13:31,101
Makabagbag-damdamin 'yong kuwento niya.
Di niya kailangang mag-imbento.

203
00:13:31,101 --> 00:13:33,395
Madaling hulaan ang bawat detalye.

204
00:13:33,395 --> 00:13:34,814
Kahit 'yong fact

205
00:13:34,814 --> 00:13:38,734
na may huling hirit pa 'yan
bago tapusin ang case niya.

206
00:13:38,734 --> 00:13:42,780
Mr. Miller,
paano mo nakilala ang defendant?

207
00:13:43,572 --> 00:13:46,450
- Magkatrabaho kami noon.
- Paano?

208
00:13:46,951 --> 00:13:49,995
Escort ako dati. Ginamit ko
'yong website niya para sa clients.

209
00:13:49,995 --> 00:13:51,914
Di ka na nagtatrabaho sa kanya?

210
00:13:52,414 --> 00:13:54,250
Hindi na. Ilang taon na rin.

211
00:13:54,250 --> 00:13:55,167
Bakit?

212
00:13:56,460 --> 00:13:58,963
May isang beses
na na-late magbayad 'yong client.

213
00:13:58,963 --> 00:14:01,507
Akala ni Julian, ginugulangan ko siya.

214
00:14:01,507 --> 00:14:04,176
No'ng wala akong maibigay,
nanakit na siya.

215
00:14:04,176 --> 00:14:05,302
Sinaktan ka niya?

216
00:14:05,302 --> 00:14:08,597
Sinaktan niya ako, oo.
Galit na galit siya.

217
00:14:08,597 --> 00:14:11,475
Talaga? Pwede mong ikuwento?

218
00:14:11,475 --> 00:14:14,353
Sunday nang gabi 'yon.

219
00:14:14,353 --> 00:14:17,815
Matumal pag Sunday,
pero may suki akong nag-book sa 'kin.

220
00:14:17,815 --> 00:14:22,570
Med rep na taga-Denver na pumupunta dito
kada ilang buwan para sa clients niya.

221
00:14:23,070 --> 00:14:24,864
'Yon pala, wala siyang cash.

222
00:14:24,864 --> 00:14:27,032
Pero nagbabayad naman siya dati

223
00:14:27,032 --> 00:14:29,702
kaya naisip kong pagbigyan na muna.

224
00:14:29,702 --> 00:14:32,037
- No'ng nalaman ni Julian...
- Napa'no ka?

225
00:14:32,037 --> 00:14:33,622
Dumating kasi siya...

226
00:14:33,622 --> 00:14:37,251
Ay! Mamaya nga pala
'yong email ng bar results...

227
00:14:45,050 --> 00:14:46,719
Gaya ng sinasabi ko,

228
00:14:46,719 --> 00:14:50,806
pagkatapos akong suntukin ni Mr. La Cosse,
umalis na lang ako.

229
00:14:50,806 --> 00:14:53,767
Tapos naisip ko nang
maghanap ng ibang arrangement.

230
00:14:53,767 --> 00:14:56,186
Ayoko nang maranasan ulit 'yon.

231
00:14:56,186 --> 00:14:58,564
Salamat, Mr. Miller. Nothing further.

232
00:15:02,526 --> 00:15:05,112
Mr. Miller, di ba amateur boxer ka dati?

233
00:15:07,406 --> 00:15:10,242
Sorry, ako ang nagtatanong,
di si Mr. Forsythe.

234
00:15:12,912 --> 00:15:14,830
Nagba-boxing ako nang konti, oo.

235
00:15:14,830 --> 00:15:18,125
Magandang exercise 'yon,
pero hindi ako boxer.

236
00:15:18,125 --> 00:15:19,043
Hindi ba?

237
00:15:20,794 --> 00:15:22,671
Defense D, Your Honor.

238
00:15:27,509 --> 00:15:29,678
So hindi ikaw 'tong nasa picture?

239
00:15:31,513 --> 00:15:35,809
Nanalo sa Inland Empire
Cruiserweight Championship four years ago.

240
00:15:36,393 --> 00:15:38,437
A, local lang namang...

241
00:15:38,437 --> 00:15:39,647
Ire-rephrase ko.

242
00:15:40,147 --> 00:15:43,108
Amateur boxing champion ka ba o hindi?

243
00:15:44,443 --> 00:15:46,320
Oo. Tama.

244
00:15:46,904 --> 00:15:50,908
Ang sinasabi mo ba,
natakot ka do'n kay Mr. La Cosse?

245
00:15:50,908 --> 00:15:54,161
Magtanong kayo sa kahit sinong boxer.
Wala sa size 'yon.

246
00:15:54,161 --> 00:15:58,290
Sige. Ngayon, Mr. Miller,
naaresto ka na ba dahil sa solicitation?

247
00:15:58,290 --> 00:16:00,042
Objection, Your Honor.

248
00:16:00,042 --> 00:16:02,461
Inamin na ng witness na escort siya.

249
00:16:02,461 --> 00:16:04,588
Importante 'yong criminal history niya

250
00:16:04,588 --> 00:16:06,757
for the purpose of impeachment,
Your Honor.

251
00:16:06,757 --> 00:16:07,800
Overruled.

252
00:16:08,592 --> 00:16:10,636
Pwede mong sagutin, Mr. Miller.

253
00:16:11,720 --> 00:16:12,721
Solicitation?

254
00:16:14,390 --> 00:16:15,224
Oo.

255
00:16:15,975 --> 00:16:16,934
Ilang beses?

256
00:16:17,768 --> 00:16:19,895
- Tatlo.
- Tatlong beses ka nang naaresto.

257
00:16:19,895 --> 00:16:24,733
Ano'ng resulta ng pagkakaaresto mo?
Nahatulan ka ba?

258
00:16:24,733 --> 00:16:28,696
Hindi. Na-dismiss 'yong dalawa.
Pinadala ako sa rehab.

259
00:16:28,696 --> 00:16:31,532
Drug treatment diversion.
Di ba 'yon ang tawag?

260
00:16:31,532 --> 00:16:33,033
Sa tingin ko.

261
00:16:33,033 --> 00:16:36,578
A, okay. Tapos 'yong pangatlo,
pending pa rin ba?

262
00:16:37,871 --> 00:16:38,706
Oo.

263
00:16:38,706 --> 00:16:40,124
Gano'n ba?

264
00:16:40,124 --> 00:16:41,709
Alam mo kasi, dito sa LA,

265
00:16:41,709 --> 00:16:45,045
kung dalawang beses ka nang
dinala sa rehab,

266
00:16:45,045 --> 00:16:47,339
hindi na pwede ang pangatlo.

267
00:16:47,339 --> 00:16:49,758
Nasa LA County ba ang pending case mo?

268
00:16:50,467 --> 00:16:51,385
Wala.

269
00:16:51,927 --> 00:16:53,053
Nasa Riverside.

270
00:16:53,679 --> 00:16:54,638
Riverside?

271
00:16:56,140 --> 00:16:59,685
May in-offer ba ang prosecutor
para sa kaso mong 'yon

272
00:16:59,685 --> 00:17:01,562
kapalit ng testimonya mo?

273
00:17:01,562 --> 00:17:04,106
Wala! Wala. Promise.

274
00:17:04,106 --> 00:17:06,025
Wala? Kasi hanggang nito lang,

275
00:17:06,025 --> 00:17:09,069
prosecutor sa Riverside County
si Mr. Forsythe, kaya...

276
00:17:09,069 --> 00:17:10,529
Objection, Your Honor.

277
00:17:10,529 --> 00:17:14,950
Para malinaw, walang anumang deal
na in-offer sa witness na ito

278
00:17:14,950 --> 00:17:17,536
kapalit ng pagtestigo niya ngayon.

279
00:17:17,536 --> 00:17:18,746
Sustained.

280
00:17:18,746 --> 00:17:22,207
Pasensiya na, Your Honor.
Di ko sinasadyang maka-offend.

281
00:17:22,791 --> 00:17:23,834
Nothing further.

282
00:17:35,721 --> 00:17:38,098
Akala ko maghihintay siya
sa labas ng courthouse.

283
00:17:38,098 --> 00:17:41,894
Ano ka ba? Pinigilan ko pa nga siyang
sumunod sa banyo.

284
00:17:41,894 --> 00:17:44,730
Magtatangka ba agad sila
pagkatapos no'ng sa Victorville?

285
00:17:44,730 --> 00:17:47,816
Sabi ni Cisco, magpapalamig muna
si De Marco o kung sino man 'yon.

286
00:17:47,816 --> 00:17:50,486
- Masyado pang mainit.
- Sana tama si Cisco.

287
00:17:51,195 --> 00:17:52,654
Siyempre, out of order.

288
00:17:52,654 --> 00:17:54,990
Wala bang gumagana sa building na 'to?

289
00:17:55,699 --> 00:17:56,575
Ay.

290
00:18:06,752 --> 00:18:08,837
Dapat bang bilhan natin siya ng lunch?

291
00:18:09,338 --> 00:18:10,464
Happy Meal siguro.

292
00:18:32,111 --> 00:18:33,195
Ano 'yan?

293
00:18:33,195 --> 00:18:34,613
May gusto ka ba diyan?

294
00:18:35,948 --> 00:18:37,282
Para saan?

295
00:18:37,282 --> 00:18:40,035
Unless suma-sideline ka sa Road Saints,

296
00:18:40,035 --> 00:18:43,914
na ayokong malaman, di natin 'to afford.

297
00:18:43,914 --> 00:18:48,377
Gusto mo nang maghanap, di ba?
May retirement funds naman ako.

298
00:18:49,044 --> 00:18:53,674
Plus 'yong posibleng itataas ng suweldo mo
pag nakapasa ka sa bar...

299
00:18:53,674 --> 00:18:55,175
Wag! Ayokong ma-jinx.

300
00:18:55,759 --> 00:18:59,096
Isa pa, ino-overestimate mo
ang pagkagalante ni Mickey

301
00:18:59,096 --> 00:19:01,723
kung sa tingin mo,
kakayanin 'to ng budget natin.

302
00:19:03,142 --> 00:19:06,186
Oh my God. Ang ganda ng kusina.

303
00:19:08,730 --> 00:19:09,565
Okay.

304
00:19:10,065 --> 00:19:13,318
Tara na. Hangry na 'ko.

305
00:19:23,412 --> 00:19:24,329
Tara na!

306
00:19:25,330 --> 00:19:26,165
Andiyan na.

307
00:19:48,896 --> 00:19:50,022
Sa'n na tayo?

308
00:19:50,522 --> 00:19:51,356
Uuwi na?

309
00:19:53,692 --> 00:19:55,194
Wag, tara muna sa park.

310
00:20:33,398 --> 00:20:35,234
Sabi ko na, andito ka, e.

311
00:20:36,193 --> 00:20:38,987
Ito na ang pinakamalapit
na pwede kong puntahan.

312
00:20:39,613 --> 00:20:40,447
Alam ko.

313
00:20:41,198 --> 00:20:42,282
Inaayos ko na.

314
00:20:45,827 --> 00:20:46,745
Kaibigan mo?

315
00:20:50,123 --> 00:20:52,876
Hindi. Siya 'yong proteksiyong
sinasabi mo.

316
00:20:52,876 --> 00:20:54,378
Sa'n mo siya nakuha?

317
00:20:56,672 --> 00:21:00,926
'Yan siguro ang tamang sagot.
At least, sineseryoso mo.

318
00:21:03,762 --> 00:21:07,307
Mabuti, tinuloy niya 'yong lessons.
Ang galing na niya, 'no?

319
00:21:07,808 --> 00:21:10,185
Nasa dugo, e. 'Yon ang sabi mo.

320
00:21:14,147 --> 00:21:16,233
Uminom kami ni Andy no'ng isang gabi.

321
00:21:18,151 --> 00:21:23,115
Uy, kung ayaw mong magtanong ako,
dapat sa iba ka namingwit.

322
00:21:23,115 --> 00:21:24,324
May point ka.

323
00:21:24,324 --> 00:21:27,744
Ano'ng sinabi niya?

324
00:21:31,123 --> 00:21:32,708
Mukhang maayos naman kayo.

325
00:21:37,129 --> 00:21:41,174
Alam kong hindi ko kinaya
'yong ibang aspect ng career mo.

326
00:21:42,884 --> 00:21:45,762
Baka kaya ni Andy 'yong challenge.

327
00:21:47,264 --> 00:21:52,519
Deserve mo 'yon, ha,
'yong taong game... para sa 'yo.

328
00:21:53,103 --> 00:21:54,938
Iilan na lang sila ngayon.

329
00:21:55,439 --> 00:21:57,691
Well, di ka kasi madaling magustuhan.

330
00:22:06,325 --> 00:22:08,493
Maiintindihan din niya, Mickey.

331
00:22:10,537 --> 00:22:13,999
Pakisabi sa kanya, babawi ako.

332
00:22:15,834 --> 00:22:16,793
Hindi.

333
00:22:17,544 --> 00:22:19,463
Hindi na 'yon mababawi.

334
00:22:20,047 --> 00:22:20,881
Kahit kailan.

335
00:22:21,840 --> 00:22:23,258
Hayaan mo lang siyang mag-heal.

336
00:22:25,969 --> 00:22:28,430
- Matatapos na siya. Babalik na ako.
- Sige.

337
00:22:30,057 --> 00:22:31,558
Alagaan mo ang sarili mo.

338
00:22:32,768 --> 00:22:34,061
Utang mo 'yon sa kanya.

339
00:22:37,981 --> 00:22:38,940
Uy, Maggie.

340
00:22:40,275 --> 00:22:41,193
Salamat.

341
00:22:58,377 --> 00:22:59,294
Okay.

342
00:23:01,254 --> 00:23:04,216
Ganyan ang edad ko
no'ng di ko na kinausap si Papa.

343
00:23:05,634 --> 00:23:06,468
Teenager, e.

344
00:23:07,677 --> 00:23:08,845
Bati na kayo ngayon?

345
00:23:11,014 --> 00:23:11,973
Nag-uusap kami.

346
00:23:13,141 --> 00:23:14,226
Tuwing birthday niya.

347
00:23:15,102 --> 00:23:15,936
Once a year?

348
00:23:16,895 --> 00:23:18,146
Saka pag birthday ko.

349
00:23:19,231 --> 00:23:20,774
Salamat, ha.

350
00:23:20,774 --> 00:23:22,359
Okay, di naman kayo gano'n.

351
00:23:22,359 --> 00:23:25,529
Ang sinasabi ko lang,
normal na magkatampuhan ang mag-ama.

352
00:23:26,196 --> 00:23:27,572
Lalo sa ganyang edad.

353
00:23:30,409 --> 00:23:33,495
Ginagawa mo ang best mo.
Nakikita ng lahat 'yon.

354
00:23:35,247 --> 00:23:36,915
Lahat puwera sa kanya.

355
00:23:36,915 --> 00:23:38,291
Hindi, pati siya.

356
00:23:39,000 --> 00:23:40,752
Di pa ngayon. Balang-araw.

357
00:23:44,131 --> 00:23:46,299
Ginawa ba ng papa mo ang best niya?

358
00:23:52,139 --> 00:23:53,515
Hindi ikaw si Papa.

359
00:24:34,848 --> 00:24:37,726
- Nag-check ka na ng email?
- Mamaya na sa office.

360
00:24:37,726 --> 00:24:40,103
Mam... Ano'ng ibig mong sabihin?

361
00:24:44,316 --> 00:24:45,358
Okay.

362
00:24:48,195 --> 00:24:51,114
Okay, i-check natin mamaya sa office.

363
00:24:56,745 --> 00:24:58,246
Nag-check ka na ng email?

364
00:24:58,246 --> 00:25:00,332
Dito na lang daw sa office.

365
00:25:00,332 --> 00:25:03,001
Ha? Lorna. Diyos ko. I-check mo na.

366
00:25:04,836 --> 00:25:07,255
Mukha bang nalalanta 'yang halamang 'yan?

367
00:25:08,757 --> 00:25:10,383
Dinidiligan ba natin 'yan?

368
00:25:11,343 --> 00:25:12,219
Lorna.

369
00:25:12,219 --> 00:25:14,179
- Morning, everyone.
- Morning.

370
00:25:14,179 --> 00:25:15,305
Morning.

371
00:25:15,931 --> 00:25:18,308
Ano, nag-check ka na ng email?

372
00:25:18,892 --> 00:25:19,976
Oh my God!

373
00:25:20,477 --> 00:25:23,897
Bakit obsessed na obsessed kayo
sa email ko?

374
00:25:24,439 --> 00:25:29,277
Oo na. Magche-check na ako ng email.
Para kayong mga batang makulit.

375
00:25:35,116 --> 00:25:35,951
Okay.

376
00:25:44,125 --> 00:25:45,168
Oh my God.

377
00:25:48,004 --> 00:25:49,005
Bumagsak ako.

378
00:25:53,635 --> 00:25:55,136
- Naku, babe.
- Lorna.

379
00:25:55,136 --> 00:25:56,346
Sorry.

380
00:25:57,013 --> 00:26:00,392
Okay lang 'yon. Di bale,
pwede ka namang mag-take ulit.

381
00:26:01,476 --> 00:26:02,394
Ano ba'ng...

382
00:26:04,062 --> 00:26:05,355
Anak ng...

383
00:26:05,939 --> 00:26:07,399
Siyempre, di ako bumagsak.

384
00:26:07,399 --> 00:26:09,943
- Alam mo namang papasa ako.
- Diyos ko po.

385
00:26:09,943 --> 00:26:12,779
Oh my God. 'Yong itsura mo.
Tingnan n'yo siya.

386
00:26:13,989 --> 00:26:16,032
Winston! Lawyer na si Mama!

387
00:26:16,032 --> 00:26:18,827
At kaya niya pang mang-prank
ng mga shunga!

388
00:26:18,827 --> 00:26:21,246
- Congrats, baby.
- Thank you!

389
00:26:21,246 --> 00:26:22,831
Sobrang proud ako sa 'yo.

390
00:26:24,249 --> 00:26:26,334
- Congrats, Lorna.
- Thank you!

391
00:26:26,334 --> 00:26:29,671
- Felicidades. Mag-celebrate tayo mamaya.
- Yehey! Pwede?

392
00:26:29,671 --> 00:26:33,883
Magpapa-reserve na ako para ma-busy ako
at hindi kita masigawan.

393
00:26:34,384 --> 00:26:35,760
- Congrats.
- Thank you!

394
00:26:35,760 --> 00:26:37,387
Sagot ko na ang dessert

395
00:26:37,387 --> 00:26:40,181
kasi on time magbayad
'yong production company.

396
00:26:42,392 --> 00:26:45,061
- Para sa 'yo.
- Ito 'yong amended witness list?

397
00:26:45,061 --> 00:26:48,398
Hindi, ito 'yon.
'Yan 'yong job offer mo para sa 'kin.

398
00:26:48,398 --> 00:26:50,400
Tinype ko na para sa 'yo.

399
00:26:52,944 --> 00:26:53,778
Pet insurance.

400
00:26:53,778 --> 00:26:57,866
Negotiable 'yan. Charot lang.
Pirmahan mo tapos ibalik mo sa 'kin.

401
00:26:57,866 --> 00:27:01,494
Pag-iisipan ko. Pwede nang makuha
'yong witness list, please?

402
00:27:01,494 --> 00:27:02,412
Oo na, sungit.

403
00:27:04,748 --> 00:27:06,833
Ayaw kang bigyan ng dental insurance.

404
00:27:06,833 --> 00:27:07,751
Ayos na 'to.

405
00:27:07,751 --> 00:27:11,796
Isasara na ni Forsythe ang case niya.
Ito ang una nating ibabato sa kanya.

406
00:27:11,796 --> 00:27:15,592
Kumpirmado lahat ng pangalan
bukod sa isa. Sino si Peter Sterghos?

407
00:27:15,592 --> 00:27:17,385
'Yon ang nakuha kong pangalan

408
00:27:17,385 --> 00:27:20,221
no'ng hinahanap ko ang koneksiyon
nina Bishop at De Marco.

409
00:27:20,221 --> 00:27:23,266
May koneksiyon na tayo.
'Yong nakita namin ni Lorna.

410
00:27:23,266 --> 00:27:26,102
- 'Yong involved silang pareho.
- Ten years ago pa 'yon.

411
00:27:26,102 --> 00:27:29,272
Kailangang patunayan
na konektado pa rin sila.

412
00:27:29,856 --> 00:27:31,566
Si Peter Sterghos ang magpapatunay?

413
00:27:31,566 --> 00:27:33,652
Hindi pa.

414
00:27:34,486 --> 00:27:35,654
Ita-trap natin sila.

415
00:27:35,654 --> 00:27:37,113
Si Sterghos ang pain.

416
00:27:37,989 --> 00:27:39,240
At ito...

417
00:27:40,408 --> 00:27:41,660
ang gagamitin natin.

418
00:27:46,831 --> 00:27:48,583
Mr. Sterghos, kumusta ho?

419
00:27:48,583 --> 00:27:49,542
Uy.

420
00:27:49,542 --> 00:27:52,128
- Technical adviser namin, si Dennis.
- Uy, Dennis.

421
00:27:52,128 --> 00:27:54,547
Salamat ulit sa pagpapagamit
ng bahay n'yo.

422
00:27:54,547 --> 00:27:55,465
Ano ka ba?

423
00:27:55,465 --> 00:27:57,717
Mapapanood sa TV ang bahay ko.

424
00:27:57,717 --> 00:28:00,011
Naku, matutuwa 'yong nanay ko.

425
00:28:00,011 --> 00:28:01,888
Pakipirmahan na lang po dito.

426
00:28:03,431 --> 00:28:04,724
- Ayan.
- Salamat.

427
00:28:04,724 --> 00:28:06,434
Ito ang mga kailangan n'yo.

428
00:28:06,434 --> 00:28:09,396
Alarm code, breaker box,
saka susi ng bahay.

429
00:28:09,396 --> 00:28:10,814
Salamat.

430
00:28:10,814 --> 00:28:13,108
Pwedeng pakipatay ang aircon sa gabi?

431
00:28:13,108 --> 00:28:15,735
Ayoko sanang tumaas 'yong bill,
kung pwede.

432
00:28:15,735 --> 00:28:19,572
Kami po ang bahala, promise.
Wow, ang bilis n'yong mag-empake.

433
00:28:19,572 --> 00:28:21,449
- Saan po ang punta n'yo?
- Sa Greece.

434
00:28:21,449 --> 00:28:22,909
Do'n nakatira ang nanay ko.

435
00:28:22,909 --> 00:28:25,537
Salamat sa inyo,
makakasama ko siya nang ilang linggo.

436
00:28:25,537 --> 00:28:27,247
Dalawang linggo sa Greece.

437
00:28:27,247 --> 00:28:29,582
Wow, ang saya naman.

438
00:28:29,582 --> 00:28:33,503
Ay, andito na 'yong taxi. Mauna na ako.
Salamat ulit sa inyo, ha.

439
00:28:33,503 --> 00:28:36,756
Kami ang dapat magpasalamat.
Ang laking tulong po nito.

440
00:28:36,756 --> 00:28:38,466
Good luck sa shooting.

441
00:28:39,384 --> 00:28:40,385
Salamat po.

442
00:28:44,973 --> 00:28:46,057
Magtatrabaho na ako.

443
00:28:48,560 --> 00:28:49,519
Salamat, sir.

444
00:29:05,118 --> 00:29:07,454
Tama na 'yan. Tumahimik na ang lahat.

445
00:29:13,460 --> 00:29:17,672
Narito tayo para sa preliminary hearing
ng <i>People v. Scott Glass</i>.

446
00:29:18,715 --> 00:29:21,509
Bago tayo magsimula,
may motions ba ang magkabilang panig?

447
00:29:22,093 --> 00:29:23,011
Ms. Freemann?

448
00:29:31,978 --> 00:29:33,354
Ms. Freemann, hello?

449
00:29:36,900 --> 00:29:39,903
Wala na po.
Handa nang magpatuloy ang prosecution.

450
00:29:45,575 --> 00:29:46,618
<i>'Yong defense?</i>

451
00:29:46,618 --> 00:29:48,453
May concern pa bago magsimula?

452
00:29:48,453 --> 00:29:50,038
Meron po, Your Honor.

453
00:29:50,038 --> 00:29:52,040
Bago mag-umpisa, nais ng defense

454
00:29:52,040 --> 00:29:55,752
na magbigay sa korte at counsel
ng amended witness list.

455
00:30:00,882 --> 00:30:02,592
Ano 'to, joke?

456
00:30:03,468 --> 00:30:05,595
Your Honor, kalagitnaan na ng trial,

457
00:30:05,595 --> 00:30:10,809
tapos gusto nilang magdagdag
ng 20... 33 na pangalan sa witness list?

458
00:30:10,809 --> 00:30:12,101
Pasensiya na, Your Honor,

459
00:30:12,101 --> 00:30:15,063
pero nakakita kami ng 33 na tao
sa imbestigasyon

460
00:30:15,063 --> 00:30:16,815
na maaaring may relevance sa kaso.

461
00:30:16,815 --> 00:30:18,024
Kalokohan.

462
00:30:18,024 --> 00:30:21,319
Paano namin malalaman
kung relevant nga ito

463
00:30:21,319 --> 00:30:23,071
sa kalagitnaan ng trial?

464
00:30:23,071 --> 00:30:25,573
Karamihan dito, ngayon ko lang nakita.

465
00:30:25,573 --> 00:30:27,116
'Yong iba...

466
00:30:27,116 --> 00:30:30,745
Andito pa 'yong kalahati
ng sheriff's department.

467
00:30:30,745 --> 00:30:33,081
Kahit 'yong investigator ko, andito.

468
00:30:33,081 --> 00:30:36,918
Your Honor, hindi ako handang
pag-usapan 'tong mga pangalang 'to

469
00:30:36,918 --> 00:30:39,587
hangga't di ko naiimbestigahan.

470
00:30:39,587 --> 00:30:41,631
May idea po ako. Baka makatulong.

471
00:30:41,631 --> 00:30:43,800
Handa akong simulan ang defense ko

472
00:30:43,800 --> 00:30:46,678
sa witnesses na inaprubahan n'yo
sa unang list namin.

473
00:30:46,678 --> 00:30:51,266
Para magawa ni Mr. Forsythe
ang kailangan niyang imbestigasyon.

474
00:30:51,266 --> 00:30:53,142
Tingin ko, makatuwiran naman 'yon.

475
00:30:53,142 --> 00:30:55,854
Mr. Forsythe, meron kang
hanggang katapusan ng weekend

476
00:30:55,854 --> 00:30:57,856
para imbestigahan 'yong mga dinagdag.

477
00:30:57,856 --> 00:31:02,235
- Okay ba 'yon sa magkabilang panig?
- Okay lang sa defense, Your Honor.

478
00:31:03,027 --> 00:31:04,320
Gagawin ko ang makakaya ko.

479
00:31:04,904 --> 00:31:05,822
Sige.

480
00:31:06,364 --> 00:31:08,658
Pag-usapan natin 'to sa Lunes nang umaga.

481
00:31:08,658 --> 00:31:10,660
Pansamantala, tawagin natin ang jury.

482
00:31:10,660 --> 00:31:13,663
May limang minuto ang counsel
bago tayo mag-umpisa.

483
00:31:13,663 --> 00:31:15,081
Salamat, Your Honor.

484
00:31:28,553 --> 00:31:30,889
Bakit ako nasa witness list mo, ha?

485
00:31:31,472 --> 00:31:34,225
Di dapat tayo nagkikita
nang ganito, Bishop.

486
00:31:34,809 --> 00:31:36,769
Tatawagin sana kitang "detective", kaso...

487
00:31:36,769 --> 00:31:38,771
Sa tingin mo, nakakatawa 'to?

488
00:31:39,522 --> 00:31:42,442
- Ano 'to, laro?
- Maniwala ka, hindi 'to laro.

489
00:31:43,026 --> 00:31:45,612
Wala akong kinalaman sa kaso mo.

490
00:31:45,612 --> 00:31:48,489
E, di wala kang dapat ipag-alala.

491
00:31:48,489 --> 00:31:50,450
Pero inosente 'yong client ko.

492
00:31:50,450 --> 00:31:52,744
May ibang pumatay kay Gloria Dayton.

493
00:31:52,744 --> 00:31:56,748
Ang pinakamagandang defense ko,
ilantad ang totoong salarin.

494
00:31:57,749 --> 00:32:00,168
Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Gaya mo.

495
00:32:00,668 --> 00:32:02,378
Di mo talaga mapigilan, 'no?

496
00:32:02,879 --> 00:32:05,840
Parang masaya ka
pag kinakalaban mo 'yong mabubuti.

497
00:32:07,884 --> 00:32:10,345
Sa tingin mo pa rin, mabuti ka, Neil?

498
00:32:10,345 --> 00:32:11,846
Nakakatuwa naman.

499
00:32:13,014 --> 00:32:15,767
At least inaamin ko pag sumusuway ako.

500
00:32:24,525 --> 00:32:25,735
Putang ina mo.

501
00:32:39,415 --> 00:32:41,834
Alam mo? Sumama ka na sa loob sa susunod.

502
00:32:44,128 --> 00:32:47,298
Members of the jury, kung maaalala n'yo,
noong simula ng trial,

503
00:32:47,298 --> 00:32:50,051
pinili ng defense
na ireserba ang opening statement nila

504
00:32:50,051 --> 00:32:52,887
hanggang maisara ng prosecution
ang case nila.

505
00:32:52,887 --> 00:32:54,889
Karapatan 'yon ng defense.

506
00:32:54,889 --> 00:32:57,266
Bilang resulta,
magsasalita na si Mr. Haller.

507
00:32:57,850 --> 00:33:01,354
Pero ang statement niya
ay statement lang. 'Yon lang.

508
00:33:01,354 --> 00:33:03,648
Wala nang iba.

509
00:33:03,648 --> 00:33:05,900
Di dapat bigyan ng higit na importansiya

510
00:33:05,900 --> 00:33:08,861
sa statement ni Mr. Forsythe
para sa prosecution.

511
00:33:09,529 --> 00:33:10,488
Okay?

512
00:33:11,489 --> 00:33:12,490
- Opo.
- Sige.

513
00:33:13,074 --> 00:33:15,284
- Mr. Haller.
- Salamat, Your Honor.

514
00:33:25,586 --> 00:33:27,088
Members of the jury,

515
00:33:27,088 --> 00:33:30,508
ang nakikita n'yo sa screen
ay si Gloria Dayton.

516
00:33:31,134 --> 00:33:32,844
Ang biktima sa kasong 'to.

517
00:33:33,553 --> 00:33:38,057
Normally, gagawin ng defense attorney
ang lahat ng makakaya niya

518
00:33:38,057 --> 00:33:41,185
para iwasang magpakita
ng picture ng biktima sa jury.

519
00:33:41,185 --> 00:33:43,187
Gawain 'yon ng prosecutor.

520
00:33:43,187 --> 00:33:45,732
Gusto nilang maawa kayo sa biktima

521
00:33:45,732 --> 00:33:49,235
at parusahan
ang inaakusahang pumatay sa biktima.

522
00:33:50,111 --> 00:33:50,987
Normally.

523
00:33:51,654 --> 00:33:53,906
Pero hindi normal ang kasong 'to.

524
00:33:56,451 --> 00:33:58,953
Dati kong client si Gloria Dayton.

525
00:34:00,455 --> 00:34:02,040
Kilala ko siya.

526
00:34:02,707 --> 00:34:04,125
Importante siya sa 'kin.

527
00:34:04,625 --> 00:34:08,379
At importante din siya kay Mr. La Cosse.

528
00:34:09,422 --> 00:34:10,423
Magkatrabaho sila.

529
00:34:11,549 --> 00:34:13,384
Pero hindi lang 'yon.

530
00:34:14,135 --> 00:34:15,553
Magkaibigan sila.

531
00:34:17,555 --> 00:34:18,931
Buhay ang nawala dito.

532
00:34:19,974 --> 00:34:24,854
Biglaan at marahas na kinuha sa atin
ang isang babae.

533
00:34:25,980 --> 00:34:28,316
Brutal na pinaslang si Gloria Dayton,

534
00:34:28,316 --> 00:34:31,402
at kahit ano pa ang trabaho niya,
di dapat ginawa sa kanya 'yon.

535
00:34:31,402 --> 00:34:33,029
O sa kahit na sino.

536
00:34:33,029 --> 00:34:35,490
Kaya kakampi ako ng prosecutor dito.

537
00:34:35,490 --> 00:34:39,952
Sa tingin ko, importanteng maparusahan
ang gumawa ng kalupitang ito.

538
00:34:41,412 --> 00:34:46,292
Pero ipapakita ng ebidensiya
na hindi si Julian La Cosse 'yon.

539
00:34:46,918 --> 00:34:48,753
Sa katunayan, ipapakita ng ebidensiya

540
00:34:48,753 --> 00:34:53,508
na biktima rin si Julian La Cosse
ng isang serye ng mga krimen

541
00:34:53,508 --> 00:34:57,053
na lampas na sa saklaw
ng prosecution na ito.

542
00:34:57,804 --> 00:35:02,767
Sa kuwento ni Mr. Forsythe, nasangkot lang
si Gloria Dayton sa masasamang tao.

543
00:35:03,267 --> 00:35:06,187
Ito ang masasabi ko. Tama siya.

544
00:35:07,105 --> 00:35:09,190
Pero di niya alam ang buong kuwento.

545
00:35:09,774 --> 00:35:13,444
Ang makikita n'yo, hindi random
na pinaslang si Gloria Dayton.

546
00:35:13,444 --> 00:35:14,695
Tinarget siya.

547
00:35:15,404 --> 00:35:18,116
Sa kasamaang palad,
napunta si Julian La Cosse

548
00:35:18,116 --> 00:35:21,035
sa maling lugar sa maling oras,

549
00:35:21,702 --> 00:35:24,789
kaya naipit siya
sa magkakasunod na pangyayaring

550
00:35:24,789 --> 00:35:28,543
lingid sa kaalaman niya o ng prosecution.

551
00:35:29,127 --> 00:35:32,797
Di ko lang 'yon ikukuwento sa inyo.
Patutunayan ko pa.

552
00:35:37,301 --> 00:35:38,469
<i>Conspiracy?</i>

553
00:35:38,469 --> 00:35:41,139
Sabi mo, hahanap ka ng alternate suspect,

554
00:35:41,139 --> 00:35:42,849
hindi conspiracy theory.

555
00:35:42,849 --> 00:35:44,600
Buhay ko ang nakasalalay dito.

556
00:35:44,600 --> 00:35:48,729
Ito nga ang paraan para do'n.
Di 'yon theory. May conspiracy talaga.

557
00:35:48,729 --> 00:35:52,483
Kahit na, halos di niya binanggit
si Julian sa statement niya.

558
00:35:52,483 --> 00:35:56,320
Alam kong nakakalito,
pero pag inilatag natin lahat sa jury...

559
00:35:56,320 --> 00:35:57,697
...pasisimplehin natin.

560
00:35:57,697 --> 00:36:01,909
Pinatay si Glory Days dahil may DEA agent
at dating pulis na nagtutulungan

561
00:36:01,909 --> 00:36:04,871
para sirain 'yong sistema
at pagtakpan ang ginawa nila.

562
00:36:04,871 --> 00:36:06,664
Patutunayan ko kung paano at bakit.

563
00:36:06,664 --> 00:36:08,708
Naumpisahan na 'yong plano.

564
00:36:08,708 --> 00:36:11,586
Kung diskumpiyado kami dito,
di namin gagawin 'to.

565
00:36:12,086 --> 00:36:16,090
Promise, ito ang best way
para makakuha si Julian ng "not guilty".

566
00:36:17,633 --> 00:36:19,135
Kailangan mo lang...

567
00:36:19,135 --> 00:36:20,261
...magtiwala.

568
00:36:21,596 --> 00:36:24,473
Sabi ni Gloria,
makakaasa ka sa 'kin, di ba?

569
00:36:24,473 --> 00:36:25,975
Di ba 'yon ang sinabi niya?

570
00:36:26,517 --> 00:36:27,685
Kaya tiwala lang.

571
00:36:29,478 --> 00:36:30,688
Ngayon ka magtiwala.

572
00:36:37,570 --> 00:36:39,197
Ano'ng reaksiyon niya?

573
00:36:39,989 --> 00:36:43,075
Mukhang payag na siya.
Kinailangan lang ipaliwanag.

574
00:36:43,075 --> 00:36:44,243
Si David din.

575
00:36:44,827 --> 00:36:47,121
Sa totoo lang, nakakaloka 'yong plano.

576
00:36:47,622 --> 00:36:49,373
As in, nakakaloka talaga.

577
00:36:50,541 --> 00:36:53,127
Ay, wag kang mag-alala.

578
00:36:53,127 --> 00:36:55,421
Ayos na ayos 'yon!

579
00:36:57,924 --> 00:36:58,966
Kumusta ka naman?

580
00:36:59,550 --> 00:37:02,303
Maliban sa hindi ako kinakausap
ng anak ko?

581
00:37:03,971 --> 00:37:05,598
Kumusta kayo ni Andy?

582
00:37:07,475 --> 00:37:09,268
Actually, okay kami.

583
00:37:10,770 --> 00:37:11,646
Mabuti.

584
00:37:12,188 --> 00:37:15,149
Kasi gusto ko,
ako lang ang bida mamayang gabi.

585
00:37:15,650 --> 00:37:17,610
Oo naman, Counselor.

586
00:37:18,945 --> 00:37:19,904
Counselor.

587
00:37:22,490 --> 00:37:23,324
Salamat.

588
00:37:25,660 --> 00:37:29,205
Alam kong hindi siya natutulog,
pero kumukurap ba siya?

589
00:37:29,914 --> 00:37:31,582
Mapapamahal ka din sa kanya.

590
00:37:32,959 --> 00:37:33,793
Hi!

591
00:37:33,793 --> 00:37:34,961
- Hi!
- Hi!

592
00:37:35,586 --> 00:37:36,545
Kumusta?

593
00:37:37,255 --> 00:37:39,465
Ready na. Maghintay na lang tayo.

594
00:37:40,091 --> 00:37:41,008
Hi, mahal.

595
00:37:41,008 --> 00:37:43,719
- Kumusta 'yong hearing?
- Gaya ng in-expect natin.

596
00:37:43,719 --> 00:37:46,931
Hintayin na lang natin
'yong desisyon ng judge sa witness list.

597
00:37:46,931 --> 00:37:50,726
Okay, dahil kumpleto na tayo,
toast muna para kay Lorna.

598
00:37:51,227 --> 00:37:54,021
Saka sa sobrang galing
na accomplishment ko.

599
00:37:54,021 --> 00:37:56,732
Pero seryoso.
Ang galing mo, Lorna. Congrats.

600
00:37:56,732 --> 00:37:58,442
- Salamat.
- Salamat.

601
00:38:00,278 --> 00:38:02,363
Naalala ko tuloy. May ibibigay ako.

602
00:38:07,034 --> 00:38:09,412
- Ano 'to?
- Constitution ko.

603
00:38:10,329 --> 00:38:13,124
Bitbit ko lagi 'yan
mula no'ng pumasa ako sa bar.

604
00:38:13,958 --> 00:38:15,376
Ipapamana ko na sa 'yo.

605
00:38:16,377 --> 00:38:17,878
Sobrang proud ako sa 'yo.

606
00:38:20,715 --> 00:38:23,926
Pangarap ko talagang
magka-pocket-sized Constitution.

607
00:38:24,927 --> 00:38:27,054
- Buksan mo na lang.
- Sige na nga.

608
00:38:33,686 --> 00:38:36,897
Sobrang thoughtful din. Thank you.

609
00:38:36,897 --> 00:38:39,692
Basahin mo muna 'yong mga binago ko
bago ka pumirma.

610
00:38:39,692 --> 00:38:43,779
Oo nga, mukhang sineryoso mo
'yong sinabi kong negotiable lahat.

611
00:38:48,200 --> 00:38:50,411
- Typo ba 'tong number na 'to?
- Hindi.

612
00:38:53,372 --> 00:38:57,626
Kabisado ko ang accounting mo.
Sira ka na ba?

613
00:38:57,626 --> 00:38:59,837
Siguro, pero pagdating diyan, hindi.

614
00:39:02,840 --> 00:39:05,259
Waiter! Pahiram ng ballpen. Bilis.

615
00:39:05,259 --> 00:39:08,804
Bilisan mo.
Pipirma na ako bago pa siya matauhan.

616
00:39:12,558 --> 00:39:14,518
Nasa 'yo pa 'yong house listings?

617
00:39:14,518 --> 00:39:16,312
May ilang itinabi ako.

618
00:39:19,523 --> 00:39:22,360
Ay, salamat! Thank you.

619
00:39:22,360 --> 00:39:24,236
- Deserve mo 'yan.
- Mabuhay ako!

620
00:39:24,236 --> 00:39:25,154
Mabuhay ka.

621
00:39:43,297 --> 00:39:45,091
Mickey? Ano'ng meron?

622
00:39:46,258 --> 00:39:47,802
A, shit. Dito ka lang.

623
00:39:49,678 --> 00:39:52,098
- Homeland Security!
- Hoy!

624
00:39:52,765 --> 00:39:55,142
- Bumaba ka diyan!
- Uy! Ano'ng meron?

625
00:39:55,142 --> 00:39:56,143
Halika dito.

626
00:39:56,143 --> 00:39:58,938
Uy! Abogado niya ako.
Ba't n'yo siya inaaresto?

627
00:39:58,938 --> 00:40:03,025
May nag-report. May illegal alien daw
na nagpa-park dito tuwing gabi.

628
00:40:03,025 --> 00:40:05,486
- Anong report?
- Nasa deportation list 'to.

629
00:40:05,486 --> 00:40:08,155
Ano'ng sinasabi n'yo?
Di n'yo pa nga siya ina-ID.

630
00:40:08,155 --> 00:40:09,281
Na-ID na.

631
00:40:09,949 --> 00:40:12,076
May problema? Sa DHS ka magreklamo.

632
00:40:12,076 --> 00:40:13,452
Kalokohan naman.

633
00:40:13,452 --> 00:40:15,955
Si De Marco, 'no? Siya ang nag-utos nito.

634
00:40:15,955 --> 00:40:18,624
Wag kang lalapit kung ayaw mong sumunod.

635
00:40:19,959 --> 00:40:21,043
Tara na!

636
00:40:21,043 --> 00:40:21,961
Shit.

637
00:40:21,961 --> 00:40:23,546
Ano 'yon?

638
00:40:23,546 --> 00:40:24,922
Nagfi-flex si De Marco.

639
00:40:26,006 --> 00:40:29,260
Nakaabang 'yong Homeland Security.
Di lang flex 'yon.

640
00:40:31,178 --> 00:40:33,097
Mukhang di na siya magpapalamig.

641
00:40:37,685 --> 00:40:39,603
Tara. Ihahatid kita sa hotel.

642
00:40:39,603 --> 00:40:42,022
Di ka pwede dito
hangga't wala kang security.

643
00:40:42,690 --> 00:40:44,817
Mickey, tara na!

644
00:40:55,286 --> 00:40:57,329
BATAY SA MGA NOBELA NI
MICHAEL CONNELLY

645
00:42:35,135 --> 00:42:40,057
Nagsalin ng Subtitle: Ivee Jade Tañedo

