1
00:00:05,922 --> 00:00:08,258
<i>Julian La Cosse,
'yong ibinibintang sa 'yong murder...</i>

2
00:00:08,258 --> 00:00:10,593
<i>Giselle Dallinger.
Nakilala ko bilang Glory Days.</i>

3
00:00:10,593 --> 00:00:14,055
Sabi niya, tawagan kita pag nagkaproblema.
The best ka daw.

4
00:00:14,055 --> 00:00:15,682
A, nasa La Cosse case ka?

5
00:00:15,682 --> 00:00:17,684
Madalas na tayong magkikita.

6
00:00:17,684 --> 00:00:18,935
Sino 'yon?

7
00:00:18,935 --> 00:00:20,562
Dating pulis na galit sa 'kin.

8
00:00:20,562 --> 00:00:21,646
You've been served.

9
00:00:21,646 --> 00:00:23,940
Si Sly Funaro?
Di ba, wala na siyang lisensiya?

10
00:00:23,940 --> 00:00:25,483
Anak niya 'to, si Sly Jr.

11
00:00:25,483 --> 00:00:26,526
Ano'ng atin?

12
00:00:26,526 --> 00:00:29,529
Wala akong oras para ma-depose
sa fishing expedition n'yo.

13
00:00:29,529 --> 00:00:31,031
Diyan ka nagkakamali.

14
00:00:31,031 --> 00:00:34,325
<i>Ikaw ang dahilan
kung bakit naaresto si Mr. Moya.</i>

15
00:00:34,325 --> 00:00:36,369
- Tingnan n'yo 'to.
- Sino 'yong nakasombrero?

16
00:00:36,369 --> 00:00:40,248
Mukhang nakita ko na 'yong kotse
no'ng nakasombrerong sumunod kay Glory.

17
00:00:40,248 --> 00:00:42,333
Nag-promise kang mananagot na si Scott.

18
00:00:42,333 --> 00:00:45,378
Deborah, sa plea agreement,

19
00:00:45,378 --> 00:00:47,297
siguradong makukulong ang ex-husband mo.

20
00:00:47,297 --> 00:00:48,715
Tiwala ako sa 'yo.

21
00:00:48,715 --> 00:00:51,176
Hinuli ako no'ng gagong taga-DEA.

22
00:00:51,176 --> 00:00:53,344
- Si De Marco?
- May galit si De Marco kay Moya.

23
00:00:53,344 --> 00:00:55,346
Gusto niyang mawala nang tuluyan si Moya.

24
00:00:55,346 --> 00:00:58,725
Tinulak ni De Marco si Gloria
na magsalita laban kay Moya?

25
00:00:58,725 --> 00:01:01,394
Binigyan niya pa ng baril
na itatanim sa kuwarto ni Moya.

26
00:01:01,394 --> 00:01:02,854
Sly Sr., ano ba 'to?

27
00:01:02,854 --> 00:01:05,690
Ayokong dinadamay ako
sa joyride ng ibang tao, okay?

28
00:01:05,690 --> 00:01:08,276
Hindi kami ng client ko
ang nandamay sa 'yo.

29
00:01:08,276 --> 00:01:10,945
- Paano niya nalamang nando'n ka?
- Sinusundan ako.

30
00:01:10,945 --> 00:01:13,031
Pwede, o may tracker sa sasakyan mo.

31
00:01:13,031 --> 00:01:14,032
Tawagan mo ako agad.

32
00:01:15,200 --> 00:01:16,701
Kilala ko na 'yong nakasombrero.

33
00:01:28,046 --> 00:01:31,049
Si Neil Bishop 'yong nakasombrero.

34
00:01:31,049 --> 00:01:32,383
Sino si Neil Bishop?

35
00:01:32,383 --> 00:01:34,594
Investigator ng DA sa La Cosse case,

36
00:01:34,594 --> 00:01:37,806
na dating pulis na galit kay Mickey.

37
00:01:37,806 --> 00:01:39,224
Di na nakakagulat 'yon.

38
00:01:39,224 --> 00:01:41,643
Kinunan mo siya ng picture sa court?

39
00:01:41,643 --> 00:01:44,479
Nasa hallway kasi siya.
Kunwari nag-check ako ng email.

40
00:01:44,479 --> 00:01:46,272
Paano mo nasabing si Bishop 'yon?

41
00:01:46,272 --> 00:01:49,025
Nahanap ko 'yong green Civic
na nasa video.

42
00:01:49,025 --> 00:01:51,486
Sinearch ni Lorna 'yong VIN kagabi.

43
00:01:51,486 --> 00:01:53,738
No'ng hindi ka namin makontak.

44
00:01:53,738 --> 00:01:57,033
Ninakaw pala 'yong Honda
kaya nag-research pa ako.

45
00:01:57,033 --> 00:02:00,787
May naka-file na report
na pinirmahan ni Jake Houlihan.

46
00:02:01,579 --> 00:02:03,164
Sino si Jake Houlihan?

47
00:02:03,164 --> 00:02:05,041
Duh! Dating partner ni Bishop.

48
00:02:05,667 --> 00:02:08,253
Sorry, akala ko alam mo.
Nag-retire siya three years ago.

49
00:02:09,963 --> 00:02:13,925
So may bulok na kotse si Bishop
para sa mga sekretong trabaho.

50
00:02:13,925 --> 00:02:17,762
Bakit niya gagamitin 'yon
noong gabing pinatay si Glory?

51
00:02:18,346 --> 00:02:21,141
- Siya kaya ang pumatay?
- Pwede, pero bakit?

52
00:02:21,141 --> 00:02:24,269
May koneksiyon ba sila ni Moya
na di natin alam?

53
00:02:24,269 --> 00:02:25,854
Kung meron, aalamin ko.

54
00:02:25,854 --> 00:02:29,399
Ayos. Dahil okay na tayo diyan,
pwede na bang pag-usapan

55
00:02:29,399 --> 00:02:32,485
'yong fact na nasundan ka daw kagabi?
Ano'ng meron?

56
00:02:32,485 --> 00:02:34,654
Ay, oo. May nakita kang tracker?

57
00:02:34,654 --> 00:02:36,656
Wala, malinis 'yong sasakyan.

58
00:02:36,656 --> 00:02:40,076
Kung sinundan ka nga,
sinauna 'yong style nila.

59
00:02:40,076 --> 00:02:43,371
Wala akong nakita, pero di ako nakabantay.
Ngayon, gagawin ko na.

60
00:02:43,371 --> 00:02:47,625
Kung hindi, paano pa malalaman ni Sly Sr.
na nando'n ka kina Trina kagabi?

61
00:02:47,625 --> 00:02:49,961
E, si Trina? May sinabi ba siyang
magagamit natin?

62
00:02:49,961 --> 00:02:51,921
Kung maniniwala tayo sa kanya,

63
00:02:51,921 --> 00:02:54,966
{\an8}nagtanim daw si Glory ng baril
sa kuwarto ni Moya.

64
00:02:54,966 --> 00:02:57,635
{\an8}Inutusan daw siya ni De Marco
na gawin 'yon.

65
00:02:57,635 --> 00:03:00,722
Pwedeng dahilan 'yon
para ipapatay ni Moya si Glory.

66
00:03:01,222 --> 00:03:03,349
Di lang siya sinumbong, sinet up pa.

67
00:03:04,184 --> 00:03:05,226
Pwede.

68
00:03:06,227 --> 00:03:07,145
Bakit?

69
00:03:08,771 --> 00:03:11,107
Ewan ko ba. Parang may kulang.

70
00:03:12,567 --> 00:03:15,278
Pero ako na ang bahala.
Sige, bago ang lahat...

71
00:03:15,862 --> 00:03:18,907
Ipa-quash n'yo 'tong subpoena
ni Kendall Roberts.

72
00:03:18,907 --> 00:03:23,411
- Sino si Kendall Roberts?
- Dating sex worker na katrabaho ni Glory.

73
00:03:23,411 --> 00:03:27,415
Sinerve siya ni Val sa habeas ni Moya.
Sabi ko, ako na ang bahala.

74
00:03:27,415 --> 00:03:29,000
Ayos. Magbabayad ba siya?

75
00:03:30,460 --> 00:03:33,213
Cisco, habang iniimbestigahan mo
sina Bishop at Moya,

76
00:03:33,213 --> 00:03:34,797
idamay mo na si De Marco.

77
00:03:34,797 --> 00:03:37,300
Lagi siyang nababanggit.
Imposibleng nagkataon 'yon.

78
00:03:37,300 --> 00:03:39,135
- Sige.
- Saan ka pupunta?

79
00:03:39,135 --> 00:03:42,555
Aalamin ko kung paano na-assign
si Bishop sa kaso ni Julian.

80
00:03:42,555 --> 00:03:44,641
Imposible ding nagkataon lang 'yon.

81
00:03:48,937 --> 00:03:50,647
Saan galing 'yang picture?

82
00:03:51,731 --> 00:03:52,815
Sa Insta niya.

83
00:03:54,692 --> 00:03:56,819
Di na namin kayang tingnan
'yong ibang picture.

84
00:04:16,881 --> 00:04:17,924
Tao po?

85
00:04:20,134 --> 00:04:21,552
Mickey Haller?

86
00:04:22,804 --> 00:04:24,514
Oo, ako nga.

87
00:04:24,514 --> 00:04:25,890
Bakit ang tagal mo?

88
00:04:27,058 --> 00:04:28,434
Nagmadali na nga ako.

89
00:04:30,395 --> 00:04:31,604
May nakakita ba sa 'yo?

90
00:04:33,147 --> 00:04:34,357
Wala naman siguro.

91
00:04:34,357 --> 00:04:37,235
Ikaw si Glory Days?

92
00:04:37,235 --> 00:04:38,152
Oo.

93
00:04:40,363 --> 00:04:43,533
Sabi mo sa phone, may alam kang
makakatulong sa client ko?

94
00:04:43,533 --> 00:04:47,120
'Yong pumatay kay Martha?
Gusto niya rin akong patayin.

95
00:04:47,120 --> 00:04:49,539
Okay? Sinundan niya ako.

96
00:04:49,539 --> 00:04:52,625
At... hindi 'yon si...

97
00:04:53,376 --> 00:04:54,627
Ano'ng pangalan niya?

98
00:04:55,420 --> 00:04:56,421
Martinez?

99
00:04:56,421 --> 00:04:58,131
- Jesus Menendez?
- Hindi.

100
00:04:58,798 --> 00:04:59,882
Hindi siya 'yon.

101
00:05:00,466 --> 00:05:03,845
Okay? Tetestigo ako.
Pwede mo akong gawing witness.

102
00:05:04,512 --> 00:05:07,598
Basta mapakulong lang
ang hayop na 'yon, okay?

103
00:05:07,598 --> 00:05:09,684
Tinatarget niya ang mga gaya ko.

104
00:05:14,731 --> 00:05:15,982
Ayaw mong maniwala?

105
00:05:15,982 --> 00:05:18,401
Gusto ko, pero sa lagay mong 'yan...

106
00:05:18,401 --> 00:05:21,612
Pinatay niya 'yong kaibigan ko.
Papatayin niya rin ako.

107
00:05:21,612 --> 00:05:24,615
Nakita ko 'yong mukha niya,
kaya ko siyang ituro.

108
00:05:24,615 --> 00:05:27,785
May tattoo siya sa braso, okay?
Kaya kong i-describe!

109
00:05:27,785 --> 00:05:29,662
Okay, siguro...

110
00:05:29,662 --> 00:05:32,874
Isa-isahin muna natin, okay?

111
00:05:33,458 --> 00:05:37,128
- Gusto mo ng tubig?
- Ayoko ng tubig.

112
00:05:37,670 --> 00:05:39,213
Gusto kong makinig ka.

113
00:05:40,173 --> 00:05:42,133
Di mo ba naiintindihan? Hindi mo...

114
00:05:44,635 --> 00:05:45,595
Sandali!

115
00:06:09,452 --> 00:06:10,286
O.

116
00:06:16,084 --> 00:06:17,835
Ano'ng totoo mong pangalan?

117
00:06:21,089 --> 00:06:22,006
Gloria.

118
00:06:24,300 --> 00:06:25,676
Gloria Dayton.

119
00:06:26,511 --> 00:06:27,929
Taga-LA ka ba, Gloria?

120
00:06:29,680 --> 00:06:31,015
Taga-kung saan-saan.

121
00:06:41,818 --> 00:06:43,611
Nasa Hawaii ang mama ko.

122
00:06:43,611 --> 00:06:45,321
Sa kanya ako nakatira noon.

123
00:06:45,905 --> 00:06:50,284
May maliit siyang balkon
na puno ng orchids.

124
00:06:50,993 --> 00:06:54,038
Iba't ibang kulay at sukat, tapos...

125
00:06:56,791 --> 00:06:58,584
Sabi niya, maselan daw sila

126
00:06:59,669 --> 00:07:00,753
pero matatag.

127
00:07:03,256 --> 00:07:05,216
Siguradong miss ka na ng mama mo.

128
00:07:07,510 --> 00:07:12,181
Pag may anak ka na, parang laging
nasa labas ng katawan mo 'yong puso mo.

129
00:07:12,181 --> 00:07:13,641
Maniwala ka, alam ko 'yon.

130
00:07:16,060 --> 00:07:20,148
Gloria, kung gusto mong tumulong,
kailangan mong tigilan ang bisyo mo.

131
00:07:20,731 --> 00:07:23,943
- Di ka pwedeng mag-witness nang ganyan.
- Okay lang ako.

132
00:07:25,153 --> 00:07:26,654
Aayusin ko ang sarili ko.

133
00:07:27,822 --> 00:07:29,323
Kailangan kong gawin 'to.

134
00:07:30,825 --> 00:07:31,993
Para kay Martha.

135
00:07:31,993 --> 00:07:34,871
Mabuti naman. Pero sa lagay mo ngayon,

136
00:07:34,871 --> 00:07:37,707
hindi maniniwala 'yong jury
sa sasabihin mo.

137
00:07:40,626 --> 00:07:43,254
Pwede kitang tulungan kung gusto mo.

138
00:07:50,845 --> 00:07:51,679
Okay.

139
00:07:54,432 --> 00:07:56,392
Pero dapat pabantayan mo ako.

140
00:07:57,310 --> 00:07:59,103
Kung hindi, tatakas ako.

141
00:08:00,771 --> 00:08:03,733
- Kilala ko ang sarili ko.
- Sige, kukuha ako ng tao.

142
00:08:06,944 --> 00:08:07,820
Ganda ng cap.

143
00:08:09,906 --> 00:08:12,825
Hindi ako mahilig sa baseball

144
00:08:12,825 --> 00:08:17,371
pero gustong-gusto noon ng lolo ko
'yong Yankees.

145
00:08:18,372 --> 00:08:20,666
Si Mickey Mantle ang paborito niya.

146
00:08:24,295 --> 00:08:26,756
Wala akong Yankees cap,

147
00:08:26,756 --> 00:08:29,967
pero kung gusto mo, sa 'yo na 'to.

148
00:08:34,096 --> 00:08:35,806
May sasabihin akong sekreto.

149
00:08:36,474 --> 00:08:38,100
Mas magaling 'yong Dodgers.

150
00:08:46,359 --> 00:08:49,362
Kakayanin mo 'to, Gloria. Promise.

151
00:09:06,295 --> 00:09:09,966
Importante sa 'yo 'yong babaeng 'yon, 'no?
Kung okay lang itanong.

152
00:09:11,384 --> 00:09:14,929
Umasa akong
magiging maayos ang buhay niya, e.

153
00:09:15,471 --> 00:09:17,682
Akala ko, nagbagong-buhay na siya.

154
00:09:17,682 --> 00:09:22,061
Mr. Haller, matanda na siya.
Pinili niya 'yon. Di mo kasalanan 'yon.

155
00:09:22,061 --> 00:09:25,565
Pinagmamalaki ko pa namang
lagi akong advanced mag-isip.

156
00:09:26,524 --> 00:09:28,359
Kaso hindi ko naisip 'yon.

157
00:09:31,988 --> 00:09:35,408
Uy, may binanggit 'yong kaibigan kong
bagong Italian restaurant.

158
00:09:35,408 --> 00:09:38,244
Sasamahan kita kung gusto mong i-try.

159
00:09:41,372 --> 00:09:45,626
Gano'n ba kakawawa ang itsura ko
para magpresenta kang kumain para sa 'kin?

160
00:09:54,176 --> 00:09:56,596
- Tama ba ang iniisip ko?
- Oo.

161
00:10:16,365 --> 00:10:17,867
Lasang tagumpay, di ba?

162
00:10:19,285 --> 00:10:20,494
At kalayaan.

163
00:10:21,454 --> 00:10:22,705
At vindication.

164
00:10:22,705 --> 00:10:25,541
Pinaghirapan mo 'yong bar.
Malaking bagay 'yon.

165
00:10:25,541 --> 00:10:27,543
Deserve mong mag-celebrate.

166
00:10:27,543 --> 00:10:29,253
Kailan lalabas ang results?

167
00:10:29,253 --> 00:10:30,755
Tatlong buwan pa,

168
00:10:30,755 --> 00:10:33,507
pero... medyo ayos na rin dahil dito.

169
00:10:34,008 --> 00:10:34,842
Salamat, Izzy.

170
00:10:34,842 --> 00:10:37,928
Suhol lang sana 'yan
para tingnan mo 'yong lease ko.

171
00:10:37,928 --> 00:10:40,097
Ay, oo nga.

172
00:10:40,097 --> 00:10:42,516
Binasa ko na.

173
00:10:42,516 --> 00:10:43,893
Tama ka.

174
00:10:43,893 --> 00:10:46,312
Nasa building ng landlord mo 'yong gym,

175
00:10:46,312 --> 00:10:49,732
kaya covered 'yon
ng non-compete agreement sa lease.

176
00:10:49,732 --> 00:10:53,027
Violation ng terms
'yong dance classes nila.

177
00:10:53,027 --> 00:10:54,236
Ayos 'yan.

178
00:10:54,236 --> 00:10:56,530
Ano na'ng gagawin ko?

179
00:10:57,114 --> 00:10:59,825
Pupuntahan natin sila
para ipatupad ang batas.

180
00:10:59,825 --> 00:11:02,203
Pero may tanong muna ako.

181
00:11:05,373 --> 00:11:06,916
Ano 'yang nasa kabilang bag?

182
00:11:07,583 --> 00:11:08,876
- A, 'yan?
- Oo.

183
00:11:11,003 --> 00:11:12,713
Akala ko di mo na mapapansin.

184
00:11:13,214 --> 00:11:15,675
Dumaan na rin ako sa Donut Man

185
00:11:16,425 --> 00:11:18,886
para bumili ng tiger tails natin.

186
00:11:26,727 --> 00:11:30,106
Baka kailangan kong magpa-member sa gym
habang pinapatupad ang batas.

187
00:11:40,116 --> 00:11:42,326
Mickey Haller. Kay Andrea Freemann sana.

188
00:11:48,541 --> 00:11:50,126
Bilisan natin, Haller.

189
00:11:50,626 --> 00:11:52,336
May ipapanalo pa akong kaso.

190
00:12:00,261 --> 00:12:02,555
- Ano'ng ginagawa mo dito?
- Surprise.

191
00:12:02,555 --> 00:12:03,973
Ano? Hindi pwede.

192
00:12:04,724 --> 00:12:06,434
Discreet lang dapat tayo.

193
00:12:06,434 --> 00:12:09,186
Discreet naman tayo, a. Madalas.

194
00:12:10,146 --> 00:12:11,981
Alam yata ng staff ko, pero...

195
00:12:13,065 --> 00:12:14,984
Sige na nga. Alam din ni Maggie.

196
00:12:15,651 --> 00:12:17,153
Sinabihan mo si Maggie?

197
00:12:17,153 --> 00:12:21,657
Siyempre. May girl code.
Kailangan kong siguraduhing okay sa kanya.

198
00:12:21,657 --> 00:12:22,992
Okay daw ba?

199
00:12:22,992 --> 00:12:24,994
Oo. Naka-move on na siya sa 'yo.

200
00:12:26,203 --> 00:12:27,913
Kaya ba ng ego mo 'yon?

201
00:12:29,915 --> 00:12:30,750
Kakayanin.

202
00:12:31,250 --> 00:12:33,127
Bakit ka ba nandito?

203
00:12:33,753 --> 00:12:35,588
May tanong lang ako.

204
00:12:35,588 --> 00:12:37,590
- Di pwede sa phone?
- Mabilis lang 'to.

205
00:12:37,590 --> 00:12:40,760
Itatanong ko lang.
Paano ina-assign sa case ang investigator?

206
00:12:41,635 --> 00:12:43,262
Sige na. Importante 'to.

207
00:12:45,139 --> 00:12:47,475
Walang mahigpit na rules.

208
00:12:47,475 --> 00:12:51,437
May investigators na laging nakakatrabaho
ng ilang prosecutor.

209
00:12:51,437 --> 00:12:55,357
'Yong iba, may specialties,
gaya ng drugs o gangs.

210
00:12:55,357 --> 00:12:56,901
Minsan, pag tahimik,

211
00:12:56,901 --> 00:12:59,069
nag-aalok silang tumulong.

212
00:12:59,069 --> 00:13:00,738
Okay, kaya hypothetically,

213
00:13:00,738 --> 00:13:04,825
posibleng i-assign ng investigator ng DA
ang sarili niya sa case?

214
00:13:04,825 --> 00:13:06,660
Posible. Oo naman.

215
00:13:08,746 --> 00:13:10,372
'Yon lang. Salamat.

216
00:13:10,372 --> 00:13:13,375
- 'Yon lang ang kailangan mo?
- 'Yon saka ito.

217
00:13:17,630 --> 00:13:20,424
Ang pilyo mo. Umalis ka na.

218
00:13:20,424 --> 00:13:23,219
Di ko na nga itatanong 'yong dinner.
Bawal, e.

219
00:13:23,219 --> 00:13:24,720
Ite-text kita. Sige na.

220
00:13:24,720 --> 00:13:26,597
Sige. Ang ganda mo.

221
00:13:59,713 --> 00:14:01,298
Ano'ng ginagawa mo dito?

222
00:14:01,882 --> 00:14:04,677
Ang tanong, kailan mo pa ako sinusundan?

223
00:14:05,761 --> 00:14:07,680
Nagtatrabaho ako dito. Ikaw, hindi.

224
00:14:09,098 --> 00:14:12,268
Aba, may idinaan akong papeles
tungkol sa ibang case.

225
00:14:12,268 --> 00:14:13,185
Kalokohan.

226
00:14:14,061 --> 00:14:15,771
Sasabihan na kita, Counselor.

227
00:14:15,771 --> 00:14:18,941
Hindi na uubra
'yang kalokohan mo sa korte.

228
00:14:19,608 --> 00:14:20,442
Talaga ba?

229
00:14:20,943 --> 00:14:23,821
Kung ako sa 'yo, mag-plead out ka na agad.

230
00:14:24,989 --> 00:14:27,700
Kung di para sa 'yo,
para sa client mo na lang.

231
00:14:28,242 --> 00:14:31,328
Hindi niya kasalanang
napunta siya sa gagong lawyer.

232
00:14:34,915 --> 00:14:35,749
Excuse me.

233
00:14:38,210 --> 00:14:41,088
Uy, Bishop, medyo maaraw sa labas.

234
00:14:41,088 --> 00:14:42,715
Baka kailangan mo ng sombrero.

235
00:15:06,363 --> 00:15:07,656
Pasok!

236
00:15:10,868 --> 00:15:13,287
May assignment ka. 'Yong Glass case.

237
00:15:13,287 --> 00:15:17,499
Pa-draft ng summary ng Cruz Waiver
tapos paki-email sa opposing counsel.

238
00:15:18,167 --> 00:15:19,752
Cruz ni Penelope o Tom?

239
00:15:20,753 --> 00:15:21,587
Penelope.

240
00:15:24,089 --> 00:15:25,466
Hindi mo alam 'yon?

241
00:15:27,134 --> 00:15:28,052
Hindi, e.

242
00:15:29,345 --> 00:15:32,556
'Yong Cruz waiver,
pag inaprubahan ng korte,

243
00:15:32,556 --> 00:15:35,601
pansamantalang makakalabas
ang defendant na nag-plead guilty.

244
00:15:35,601 --> 00:15:37,102
Get-out-of-jail-free card.

245
00:15:37,102 --> 00:15:41,231
Oo, pero may timer,
at kung may lehitimong dahilan lang.

246
00:15:41,231 --> 00:15:42,441
Kaya sa kasong 'to,

247
00:15:42,441 --> 00:15:45,361
gustong um-attend ni Scott Glass
sa libing ng lola niya.

248
00:15:45,361 --> 00:15:47,905
- Bibigyan siya ng 24 hours.
- Ano'ng gagawin natin?

249
00:15:47,905 --> 00:15:50,407
Una, hihingi tayo ng approval sa judge.

250
00:15:50,407 --> 00:15:53,869
Pangalawa, ipapaintindi natin
kina Mr. Glass at sa abogado niya

251
00:15:53,869 --> 00:15:57,039
na babawiin ang plea deal
pag nilabag niya ang terms ng waiver,

252
00:15:57,039 --> 00:15:59,041
at hahabulin natin ang maximum sentence.

253
00:15:59,625 --> 00:16:01,335
Pangatlo, kailangan niyang malaman

254
00:16:01,335 --> 00:16:04,755
na lalabas 'yong abusadong ex niya,
kahit isang araw lang.

255
00:16:05,422 --> 00:16:06,256
Sige po.

256
00:16:06,256 --> 00:16:09,301
Ikaw ang mag-email sa defense
at magsabi sa court.

257
00:16:09,301 --> 00:16:11,387
Ako ang tatawag kay Deborah Glass.

258
00:16:12,554 --> 00:16:15,307
Inaabot nga pala nang isang linggo.

259
00:16:16,934 --> 00:16:17,768
Ang alin?

260
00:16:19,269 --> 00:16:20,980
Bago ma-break in 'yang sapatos.

261
00:16:20,980 --> 00:16:23,148
Bumili ka no'ng ini-insert.

262
00:16:23,148 --> 00:16:24,066
Sige.

263
00:16:24,692 --> 00:16:29,238
Okay lang 'yan. Dumaan kami diyan.
Basta tama ang sapatos mo, kakayanin mo.

264
00:16:30,739 --> 00:16:32,116
Aasikasuhin ko na 'to.

265
00:16:47,631 --> 00:16:49,842
Si Mickey Haller ba 'yong nakita ko?

266
00:16:51,176 --> 00:16:52,136
Oo, may...

267
00:16:53,429 --> 00:16:55,597
May pinag-usapan lang kami.

268
00:16:55,597 --> 00:16:59,309
May ilang inihabol
para sa kaso ni Lisa Trammell.

269
00:16:59,309 --> 00:17:01,603
A, 'yong gusto nating makalimutan.

270
00:17:05,357 --> 00:17:06,483
Uy, Andrea.

271
00:17:07,776 --> 00:17:09,319
Close tayo dito sa office.

272
00:17:09,319 --> 00:17:12,197
Medyo naging lax tayo
nitong nakaraang taon.

273
00:17:12,197 --> 00:17:14,950
Mukhang masyado tayong nakipaglaro
sa kabilang team.

274
00:17:15,826 --> 00:17:16,785
Ayoko ng gano'n.

275
00:17:18,787 --> 00:17:20,956
Kailangan mong mag-focus.

276
00:17:21,790 --> 00:17:24,835
Lalo kung gusto mong magkatsansang
maging head ng Major Crimes.

277
00:17:25,794 --> 00:17:28,589
Hindi ko alam
na available ang posisyong 'yon.

278
00:17:28,589 --> 00:17:31,508
Magre-retire na daw si Bernetti.
End of the year.

279
00:17:32,009 --> 00:17:34,845
Nasa unahan ka ng listahan ko.

280
00:17:35,429 --> 00:17:36,263
Wow.

281
00:17:37,890 --> 00:17:38,766
Salamat.

282
00:17:40,434 --> 00:17:42,519
- Nakakataba ng puso.
- Deserve mo 'yon.

283
00:17:42,519 --> 00:17:44,521
Isa ka sa pinakamagagaling dito.

284
00:17:45,105 --> 00:17:47,357
At alam kong mataas ang ambisyon mo.

285
00:17:50,819 --> 00:17:53,405
Wag ka lang gagawa ng ikakadismaya ko.

286
00:17:53,405 --> 00:17:54,531
Naiintindihan ko.

287
00:17:54,531 --> 00:17:55,449
Mabuti.

288
00:17:56,283 --> 00:17:58,243
Mag-uumpisa na 'yong meeting. Tara.

289
00:18:16,595 --> 00:18:17,846
Kumusta, Dok?

290
00:18:21,600 --> 00:18:24,603
Naliligaw ka ba, Cisco?
Di ba, dapat nasa Patch ka?

291
00:18:25,187 --> 00:18:27,064
Ilang taon na akong wala sa Saints.

292
00:18:28,315 --> 00:18:30,692
Magpa-practice sana akong mag-golf, e.

293
00:18:32,861 --> 00:18:33,779
Maiba naman.

294
00:18:34,363 --> 00:18:35,364
Balita ko nga.

295
00:18:36,281 --> 00:18:38,951
Gusto ka nga raw ilibing ni Teddy
sa Palmdale.

296
00:18:40,661 --> 00:18:41,829
Ano'ng kailangan mo?

297
00:18:41,829 --> 00:18:45,457
Konting sagot lang
tungkol sa cartel boss na si Hector Moya.

298
00:18:49,211 --> 00:18:50,129
Wag ngayon.

299
00:18:50,963 --> 00:18:52,798
Di rin ito ang lugar para diyan.

300
00:18:53,841 --> 00:18:54,675
Malamang.

301
00:18:55,884 --> 00:18:57,886
Kaya magsalita ka na,
para makaalis na 'ko.

302
00:18:59,012 --> 00:19:01,807
No'ng nagtatahi ka pa
ng tama ng bala ng Saints,

303
00:19:01,807 --> 00:19:05,936
tanda ko, sinabi ni Teddy
na may inaalagaan kang cartel sa Tijuana.

304
00:19:06,645 --> 00:19:08,730
Nakita mo na 'tong pulis na 'to?

305
00:19:08,730 --> 00:19:11,817
Si Neil Bishop?
Dati siyang nasa Valley Homicide.

306
00:19:11,817 --> 00:19:12,818
Hindi.

307
00:19:16,029 --> 00:19:21,451
Investigator na siya ngayon
ng district attorney's office.

308
00:19:23,370 --> 00:19:25,330
Malamang may koneksiyon 'yon.

309
00:19:28,750 --> 00:19:32,087
Sinasabi ko na sa 'yo.
Hindi ko kilala 'yan.

310
00:19:32,838 --> 00:19:35,257
Pero, Cisco, tigilan mo na 'to.

311
00:19:38,051 --> 00:19:39,303
Hindi pwede, Gabe.

312
00:19:40,470 --> 00:19:42,055
Kailangan ko ng info.

313
00:19:45,017 --> 00:19:49,563
Alam mo, pupusta ako,
matutuwa 'yong mga batang 'yon

314
00:19:49,563 --> 00:19:52,482
sa kuwento
no'ng hinawakan ko 'yong flashlight

315
00:19:52,482 --> 00:19:55,694
habang inaalis mo 'yong bala
sa puwet ni Tiny Cadero.

316
00:19:56,403 --> 00:19:57,738
Gamit ang plais.

317
00:19:58,363 --> 00:20:01,158
Pero hindi ko alam kung matutuwa ba do'n

318
00:20:01,158 --> 00:20:03,660
'yong management ng establishment na 'to.

319
00:20:03,660 --> 00:20:07,956
Alam mo, nagkagulo ten years ago.
May cartel war noon.

320
00:20:09,708 --> 00:20:11,126
Kailan ba nawalan?

321
00:20:11,126 --> 00:20:15,005
Umabot 'yon dito.
Dumanak ang dugo sa buong Valley.

322
00:20:15,005 --> 00:20:17,132
May dapat ba akong pagtuunan?

323
00:20:18,842 --> 00:20:21,011
Kung nasa Valley Homicide 'yong Bishop,

324
00:20:22,346 --> 00:20:24,264
baka may nahawakan siyang kaso do'n.

325
00:20:25,182 --> 00:20:26,141
'Yon lang?

326
00:20:26,141 --> 00:20:27,809
'Yon lang.

327
00:21:07,516 --> 00:21:08,392
NAKASOMBRERO?

328
00:21:36,503 --> 00:21:38,338
Uy, salamat ulit

329
00:21:39,715 --> 00:21:40,674
sa orchid.

330
00:21:41,591 --> 00:21:43,593
Maselan pero matatag, di ba?

331
00:21:45,220 --> 00:21:47,389
Ano, next week na ba?

332
00:21:48,265 --> 00:21:50,475
Oo, Friday, kung tama ang tantiya ko.

333
00:21:50,475 --> 00:21:52,602
Pasadahan natin 'yong testimony mo,

334
00:21:52,602 --> 00:21:55,355
tapos ibu-book kita sa hotel
sa tabi ng courthouse.

335
00:21:55,355 --> 00:21:58,483
Tapos magpahinga ka lang muna, okay?

336
00:22:00,027 --> 00:22:01,445
Okay, Mickey Mantle.

337
00:22:02,529 --> 00:22:03,530
Ganda ng cap, a.

338
00:22:18,295 --> 00:22:19,338
Ano'ng nangyari?

339
00:22:22,466 --> 00:22:26,803
'Yong gym kasi sa street ni Izzy.
'Yong nag-o-offer ng dance classes.

340
00:22:26,803 --> 00:22:28,680
Sabi mo, may non-compete siya.

341
00:22:28,680 --> 00:22:31,641
Meron nga.
Sa landlord na may-ari ng building.

342
00:22:31,641 --> 00:22:33,435
Pero hindi na kanila 'yon.

343
00:22:33,435 --> 00:22:39,024
Binili ng gym 'yong building, kaya...
wala nang kuwenta 'yong non-compete.

344
00:22:40,484 --> 00:22:42,402
Malulugi do'n ang studio niya.

345
00:22:55,499 --> 00:22:56,500
I'm sorry, Izzy.

346
00:22:58,877 --> 00:23:00,504
Di talaga ako sinusuwerte.

347
00:23:03,131 --> 00:23:07,219
May meeting in an hour
sa Echo Park. Baka makatulong.

348
00:23:09,388 --> 00:23:10,222
Sige.

349
00:23:13,141 --> 00:23:14,059
Salamat.

350
00:23:15,060 --> 00:23:15,894
Sige.

351
00:23:27,364 --> 00:23:29,908
Iche-check ko 'yong documents
ng La Cosse case.

352
00:23:29,908 --> 00:23:31,493
Para wala tayong ma-miss.

353
00:23:32,828 --> 00:23:35,247
Umuwi ka na.
Baka kailangan mo ng change of scenery.

354
00:23:35,247 --> 00:23:39,126
May pupuntahan muna ako.
Eddie, five minutes, andiyan na 'ko.

355
00:23:39,126 --> 00:23:41,253
Beverly Hills, sa Glendale ang daan.

356
00:23:41,253 --> 00:23:42,212
Sige.

357
00:23:42,712 --> 00:23:43,547
Glendale?

358
00:23:44,131 --> 00:23:47,592
- Saka ko ipapaliwanag.
- Hindi do'n ang daan pa-Beverly Hills.

359
00:23:48,677 --> 00:23:50,095
- Bye, Lorna.
- Bye.

360
00:24:02,941 --> 00:24:03,775
Hi.

361
00:24:06,319 --> 00:24:07,571
May...

362
00:24:09,865 --> 00:24:13,076
Mickey Haller. Kay David Siegel sana.

363
00:24:13,076 --> 00:24:14,369
Room 270.

364
00:24:17,289 --> 00:24:18,748
Alam mo na. Dating gawi.

365
00:24:20,083 --> 00:24:23,462
Sus. Hanggang ngayon? Abogado niya 'ko.

366
00:24:23,462 --> 00:24:25,630
Wala kang karapatang
halungkatin ang gamit ko.

367
00:24:25,630 --> 00:24:29,593
Sabi ng cardiologist ni Mr. Siegel,
heart-healthy diet lang.

368
00:24:29,593 --> 00:24:30,969
Private facility 'to.

369
00:24:30,969 --> 00:24:34,139
Karapatan naming halughugin
ang gusto naming halughugin.

370
00:24:34,139 --> 00:24:36,725
Ano? Baka may Big Mac at Twinkies dito?

371
00:24:40,020 --> 00:24:42,230
Sige na. Halungkatin mo na.

372
00:24:59,748 --> 00:25:00,749
Next week ulit?

373
00:25:10,884 --> 00:25:11,885
Uy.

374
00:25:12,844 --> 00:25:14,054
Lamang ang Lakers?

375
00:25:14,054 --> 00:25:15,514
Sa ngayon, oo.

376
00:25:16,306 --> 00:25:18,558
Ewan ko lang sa playoffs.

377
00:25:19,434 --> 00:25:21,102
Kumusta ang araw mo, Legal?

378
00:25:21,102 --> 00:25:22,771
Tulad pa rin ng kahapon.

379
00:25:22,771 --> 00:25:24,940
Nalampasan mo ba si Nurse Ratched?

380
00:25:24,940 --> 00:25:28,151
May dala ka bang hindi amoy mothballs?

381
00:25:28,151 --> 00:25:31,738
Paano? Chine-check niya ako
bago pumasok. May...

382
00:25:31,738 --> 00:25:33,406
Diyos ko naman!

383
00:25:33,406 --> 00:25:36,576
Pumunta ka dito,
tapos hindi ka nagdala ng rasyon?

384
00:25:42,499 --> 00:25:44,834
Ano ka ba? Gagawin ko ba sa 'yo 'yon?

385
00:25:51,466 --> 00:25:54,177
Italian subs ng Mario's sa Glendale.

386
00:25:54,761 --> 00:25:57,514
Alam mo talaga ang gusto ko, bata.

387
00:25:58,223 --> 00:26:00,100
At kilala ko ang maletang 'yan.

388
00:26:00,100 --> 00:26:05,522
Regalo 'yan ni Johnny "The Tooth" Russo
sa tatay mo noong 1975.

389
00:26:05,522 --> 00:26:07,148
Bakit "The Tooth"?

390
00:26:07,148 --> 00:26:09,401
Mahaba 'yong pangil niya.

391
00:26:09,401 --> 00:26:11,903
Nakalabas sa labi niya.

392
00:26:12,487 --> 00:26:15,907
Para tuloy siyang bulldog
na may underbite.

393
00:26:19,703 --> 00:26:20,704
'Yong mob...

394
00:26:21,538 --> 00:26:24,082
Hindi sila magaling sa nicknames.

395
00:26:24,082 --> 00:26:27,460
Kung malaki ang ilong,
tatawagin nilang "The Nose".

396
00:26:27,460 --> 00:26:31,631
Kung maliit tapos Tony ang pangalan,
tatawagin nilang "Little Tony".

397
00:26:32,549 --> 00:26:35,385
A, naalala mo 'yong mantika saka suka.

398
00:26:35,969 --> 00:26:38,179
Siyempre, Legal. Hindi ako baguhan.

399
00:26:39,347 --> 00:26:41,516
Sige na. Ilabas mo na 'yan.

400
00:26:41,516 --> 00:26:44,561
Di ka pumunta dito
para lang dalhan ako ng sandwich.

401
00:26:44,561 --> 00:26:46,855
Kailangan mo din ng rasyon.

402
00:26:47,480 --> 00:26:49,065
Ano'ng pinoproblema mo?

403
00:26:50,066 --> 00:26:54,529
Legal, hindi ko makita
'yong buong picture ng kaso ko.

404
00:26:55,405 --> 00:26:58,700
May kaduda-dudang DEA na pakalat-kalat,

405
00:26:58,700 --> 00:27:01,911
may corrupt na dating pulis,
may sindikato,

406
00:27:01,911 --> 00:27:06,541
may disbarred lawyer at anak niyang tanga,
at inosenteng client na nakakulong.

407
00:27:06,541 --> 00:27:09,127
Tapos 'yong biktima na dati kong client.

408
00:27:09,711 --> 00:27:11,630
- 'Yong call girl?
- Oo, si Glory Days.

409
00:27:11,630 --> 00:27:15,091
Higit sa lahat,
parang may sumusunod sa akin.

410
00:27:16,217 --> 00:27:19,763
Hindi maganda 'yan, bata.

411
00:27:19,763 --> 00:27:22,432
'Yong taga-cartel. Ano'ng pangalan no'n?

412
00:27:22,432 --> 00:27:23,725
Si Hector Moya.

413
00:27:23,725 --> 00:27:27,520
Na-subpoena ako kahapon
para tumestigo sa habeas petition niya.

414
00:27:27,520 --> 00:27:31,650
Sinet up daw siya
no'ng DEA agent saka ng dati kong client.

415
00:27:32,484 --> 00:27:36,196
Konektado 'yong kaso niya
sa pagpatay kay Glory.

416
00:27:37,030 --> 00:27:39,240
Hindi ko lang alam kung paano.

417
00:27:39,866 --> 00:27:41,868
Kailan isinampa 'yong habeas?

418
00:27:42,452 --> 00:27:43,870
Mga anim na buwan na.

419
00:27:44,913 --> 00:27:46,998
Kailan ka sinubpoena no'ng abogado?

420
00:27:46,998 --> 00:27:49,167
Kahapon. At hindi lang ako.

421
00:27:49,167 --> 00:27:52,128
May sinerve din silang
dating katrabaho ni Glory.

422
00:27:52,128 --> 00:27:54,005
Saka 'yong DEA agent.

423
00:27:54,005 --> 00:27:57,175
Nag-file sila ng habeas petition

424
00:27:57,175 --> 00:28:01,054
tapos naghintay nang anim na buwan
bago magpadala ng subpoena?

425
00:28:01,054 --> 00:28:04,057
- Sa tingin mo, di kakaiba 'yon?
- Kakaiba.

426
00:28:04,057 --> 00:28:08,436
Pero Legal, 'yong batang abogado,
wala siyang kaalam-alam.

427
00:28:08,937 --> 00:28:11,648
Inuutusan lang siya
ng erpat niyang nakakulong

428
00:28:11,648 --> 00:28:13,441
dahil sa tax evasion.

429
00:28:13,441 --> 00:28:16,111
Ano, wala ring alam 'yong erpat?

430
00:28:16,736 --> 00:28:18,071
Hindi.

431
00:28:18,071 --> 00:28:20,073
Parang may mali, bata.

432
00:28:20,573 --> 00:28:23,785
Mag-zoom out ka.
Tingnan mo 'yong buong picture.

433
00:28:23,785 --> 00:28:26,830
Di nga, Legal?
Kakasabi ko lang na hindi ko makita.

434
00:28:26,830 --> 00:28:31,084
Nagi-guilty ka kasi,
kaya lumalabo ang paningin mo.

435
00:28:31,084 --> 00:28:33,920
Sinisisi mo pa rin ang sarili mo
sa pagkamatay niya.

436
00:28:35,547 --> 00:28:36,464
Well,

437
00:28:37,340 --> 00:28:39,968
no'ng una, akala ko kagagawan ko 'yon,

438
00:28:39,968 --> 00:28:43,346
na pinilit ko siyang ilaglag si Moya
kaya siya pinatay.

439
00:28:44,180 --> 00:28:46,182
'Yon pala, sinakyan niya lang ako.

440
00:28:46,182 --> 00:28:49,018
Hawak na pala siya no'ng DEA agent.

441
00:28:49,018 --> 00:28:50,645
'Yon pala ang sinusunod niya.

442
00:28:50,645 --> 00:28:53,148
Bakit sinisisi mo pa rin ang sarili mo?

443
00:28:53,148 --> 00:28:55,108
Hindi ko kasi nakita, Legal.

444
00:28:55,108 --> 00:28:58,153
Problemado na pala siya,
di ko man lang natulungan.

445
00:28:58,653 --> 00:29:01,030
Hindi siya bastang aamin sa 'kin at...

446
00:29:01,030 --> 00:29:03,742
Bata, kung may natutunan man ako,

447
00:29:03,742 --> 00:29:07,245
'yon ay kailangan mong pakawalan
'yong mga multo,

448
00:29:07,245 --> 00:29:09,122
kung hindi, hihilahin ka nila pababa,

449
00:29:09,122 --> 00:29:11,875
tapos di ka na magiging
magaling na abogado.

450
00:29:12,917 --> 00:29:14,586
Sariling desisyon niya 'yon.

451
00:29:14,586 --> 00:29:17,338
Wala ka nang magagawa do'n ngayon.

452
00:29:18,339 --> 00:29:22,385
Pero kung may inosenteng client ka
na kailangan mong ipagtanggol,

453
00:29:22,969 --> 00:29:25,430
kailangan mo nang mag-isip nang maayos

454
00:29:25,430 --> 00:29:30,059
dahil wala nang mas marangal na adhikain
sa planetang ito

455
00:29:30,059 --> 00:29:33,396
kaysa ipagtanggol ang isang taong
pinagbibintangan lang.

456
00:29:33,396 --> 00:29:34,439
Nakuha mo?

457
00:29:36,024 --> 00:29:37,901
Hindi ka pwedeng pumalpak dito.

458
00:31:20,503 --> 00:31:21,880
Peke pala.

459
00:31:22,589 --> 00:31:23,756
Ano'ng peke?

460
00:31:23,756 --> 00:31:25,884
'Yong seal sa subpoena ni Kendall Roberts.

461
00:31:26,509 --> 00:31:30,847
United States District Court.
Southern District of California.

462
00:31:30,847 --> 00:31:34,183
Oo, pero Central District of California
ang Los Angeles.

463
00:31:34,183 --> 00:31:37,645
San Diego ang Southern District.
Tingnan mo 'tong sa akin.

464
00:31:38,396 --> 00:31:40,148
Kita mo? 'Yan ang totoo.

465
00:31:40,148 --> 00:31:43,401
Naka-file 'yan sa federal court.
Peke 'yong kay Kendall.

466
00:31:43,401 --> 00:31:47,071
Phinotoshop lang ni Sly Jr. 'yong seal.
Di nila finile 'yon.

467
00:31:47,739 --> 00:31:49,991
Ano 'yon, nagtitipid?

468
00:31:50,658 --> 00:31:51,868
Umiwas sa filing fees?

469
00:31:51,868 --> 00:31:54,370
Para sa isang subpoena?
Grabe nang ka-cheapan 'yon.

470
00:31:54,370 --> 00:31:56,164
Hindi, sinadya niya 'yon.

471
00:31:56,164 --> 00:31:59,542
Gusto niyang takutin si Kendall
para makipag-usap sa kanya.

472
00:31:59,542 --> 00:32:02,378
Pero ayaw niyang magka-record sa korte
na ginagawa niya 'yon.

473
00:32:02,378 --> 00:32:03,546
Ang tanong, bakit?

474
00:32:03,546 --> 00:32:06,883
Parang may mali.
Parang 'yong sinabi ni Legal kahapon.

475
00:32:06,883 --> 00:32:10,011
Bakit ang tagal nilang sinerve
'yong subpoenas?

476
00:32:10,011 --> 00:32:11,596
Bakit pineke 'tong isa?

477
00:32:14,140 --> 00:32:16,434
- Puwera na lang kung...
- Kung ano?

478
00:32:17,936 --> 00:32:20,146
Kung hindi tayo ang unang sinubpoena.

479
00:32:25,026 --> 00:32:26,402
Okay.

480
00:32:27,111 --> 00:32:28,655
Kung hindi tayo, sino?

481
00:32:30,615 --> 00:32:31,449
Si Glory Days.

482
00:32:32,283 --> 00:32:34,160
'Yon ang hindi natin naisip.

483
00:32:34,160 --> 00:32:36,704
Ba't papatayin ni Moya si Glory Days?

484
00:32:37,413 --> 00:32:38,831
Kailangan niya si Glory.

485
00:32:38,831 --> 00:32:42,502
{\an8}Kung tinanim niya 'yong baril,
pwedeng lumaya si Moya sa testimony niya.

486
00:32:42,502 --> 00:32:45,380
{\an8}Di naman 'yan maiisip ng taong
hanapbuhay ang pumatay.

487
00:32:45,380 --> 00:32:48,174
Maiisip 'yan ng abogado niya,
kahit disbarred 'yon.

488
00:32:50,677 --> 00:32:56,975
Sa utos ni Daddy, nag-file si Sly Jr.
ng habeas petition ni Moya noong July 29.

489
00:32:56,975 --> 00:32:59,060
Ano'ng pinaka-logical na gagawin nila?

490
00:32:59,060 --> 00:33:02,438
I-subpoena si Glory Days para tumestigo.
Two weeks later, patay na siya.

491
00:33:03,022 --> 00:33:05,108
Pinatay siya para di makatestigo.

492
00:33:05,733 --> 00:33:07,610
- Bingo.
- Pero sino? Si Bishop?

493
00:33:08,569 --> 00:33:11,197
- 'Yong DEA agent na si De Marco?
- Di ko pa alam.

494
00:33:11,197 --> 00:33:14,117
Baka silang dalawa, baka iba.
Naimbestigahan mo na si De Marco?

495
00:33:14,117 --> 00:33:16,536
Oo. Marami siyang award bilang agent.

496
00:33:16,536 --> 00:33:20,289
Walang masamang tinapay sa kanya.
Walang bahid ang record niya.

497
00:33:20,289 --> 00:33:22,333
Oo, cowboy ang mga DEA agent.

498
00:33:22,333 --> 00:33:26,295
Kung malinis ang record niya,
magaling siyang magtago.

499
00:33:26,295 --> 00:33:29,507
Guys, teka lang.
Delikado na 'tong pinapasok natin.

500
00:33:29,507 --> 00:33:33,302
Di ka pwedeng bastang magturo ng pulis
at DEA agent nang walang pruweba.

501
00:33:33,302 --> 00:33:35,430
Pahihirapan tayo ni Forsythe sa korte.

502
00:33:35,430 --> 00:33:38,558
Kaya kailangang mahanap natin agad
'yong pruweba.

503
00:33:38,558 --> 00:33:42,729
Ang sigurado lang ngayon,
hindi si Julian ang pumatay kay Glory.

504
00:33:42,729 --> 00:33:45,982
Kaya alamin natin kung sino.
Para sa kanilang dalawa.

505
00:33:54,574 --> 00:33:57,618
Naisip ko, may space ako, may plano ako,

506
00:33:57,618 --> 00:34:00,872
pero kulang sa Midas touch mo

507
00:34:00,872 --> 00:34:02,665
para maging ginto na lahat.

508
00:34:02,665 --> 00:34:04,459
Oo, bola pa more.

509
00:34:05,043 --> 00:34:08,963
May celebrity choreographers 'yong gym,
kailangan ko ng pantapat na star power.

510
00:34:08,963 --> 00:34:11,841
- Tapos ako 'yong star power?
- Sa TV cred mo?

511
00:34:12,425 --> 00:34:15,136
Pag nagturo ka
ng ilang klase sa isang linggo,

512
00:34:15,136 --> 00:34:16,679
game changer 'yon.

513
00:34:16,679 --> 00:34:19,807
Mapupuno 'yon. Hati tayo sa kita, 50-50.

514
00:34:22,393 --> 00:34:23,853
Ang laki no'n, Izzy.

515
00:34:23,853 --> 00:34:25,480
Sige na nga. 60-40.

516
00:34:25,480 --> 00:34:28,608
Desperado na 'ko, Cat. Parang awa mo na.

517
00:34:50,338 --> 00:34:51,964
May mas maganda akong idea.

518
00:34:52,632 --> 00:34:54,175
Imbes na magturo,

519
00:34:54,175 --> 00:34:57,845
i-sublease ko kaya ang studio mo
bilang rehearsal space?

520
00:34:58,471 --> 00:34:59,806
Sublease?

521
00:34:59,806 --> 00:35:02,642
Nilagay kami ng show
sa bodega sa Arts District.

522
00:35:02,642 --> 00:35:05,561
Konti na lang,
magwa-walk out na ang tuhod ko.

523
00:35:07,188 --> 00:35:09,565
- Igi-give up ko ang studio ko?
- Pansamantala.

524
00:35:09,565 --> 00:35:13,069
Di tatagal 'yong choreographer
ng Bad Bunny sa gym na 'yon.

525
00:35:13,069 --> 00:35:14,403
Palipasin mo lang!

526
00:35:16,322 --> 00:35:18,366
Kailangan kong mabayaran 'yong rent.

527
00:35:18,366 --> 00:35:22,495
Kuripot 'yong producers sa pasahod
pero galante sila pag maganda 'yong lugar.

528
00:35:22,495 --> 00:35:24,914
Kikita ka pa. Promise.

529
00:35:24,914 --> 00:35:27,250
Saka magandang marketing 'yon.

530
00:35:27,250 --> 00:35:29,585
Iha-highlight namin 'tong studio
sa bawat episode.

531
00:35:34,799 --> 00:35:37,009
- Okay. Push na 'yan!
- Yes!

532
00:35:38,219 --> 00:35:40,638
- Push.
- Tara sa loob. Ipapakita ko sa 'yo.

533
00:35:46,978 --> 00:35:47,979
Andrea Freemann.

534
00:35:52,733 --> 00:35:53,776
Ano?

535
00:36:37,445 --> 00:36:38,988
Bawal po kayo dito, ma'am.

536
00:36:39,739 --> 00:36:42,825
Ay, Andrea Freemann po ng DA's office.

537
00:36:42,825 --> 00:36:44,702
May tumawag sa 'kin.

538
00:36:44,702 --> 00:36:46,954
Ano'ng nangyari?

539
00:36:46,954 --> 00:36:48,206
Bandang 11:00 a.m.,

540
00:36:48,206 --> 00:36:50,917
pinasyal ng biktima 'yong aso niya
sa park.

541
00:36:50,917 --> 00:36:54,629
Nakita ng jogger 'yong nangyari.
May lalaking nakaabang sa biktima.

542
00:36:55,463 --> 00:36:57,048
- Nakatakas ba?
- Hindi.

543
00:36:57,965 --> 00:36:59,717
Nagpa-patrol kami ng partner ko

544
00:36:59,717 --> 00:37:03,221
no'ng nakita namin 'yong lalaking duguan
na tumatakbo sa Stadium Way.

545
00:37:03,221 --> 00:37:05,640
Nahuli namin siya
bago kami pinatawag sa scene.

546
00:37:05,640 --> 00:37:08,351
- Teka, nandito siya?
- Nasa likod ng cruiser.

547
00:37:08,935 --> 00:37:11,687
Chineck namin 'yong ID.
Ex-husband ng biktima.

548
00:37:11,687 --> 00:37:15,816
Alam siguro 'yong routine ng biktima,
hinintay niyang dumating, saka...

549
00:37:18,653 --> 00:37:20,071
Ma'am, ayos ka lang ba?

550
00:37:20,071 --> 00:37:21,113
Ma'am.

551
00:37:56,983 --> 00:37:58,442
Paki-hold!

552
00:37:58,442 --> 00:37:59,860
Paki-hold po!

553
00:38:09,745 --> 00:38:10,955
Delivery.

554
00:38:17,753 --> 00:38:19,547
Gloria? Nandiyan ka ba?

555
00:38:25,720 --> 00:38:26,595
Gloria?

556
00:38:32,560 --> 00:38:33,561
Gloria?

557
00:38:35,688 --> 00:38:36,897
Gloria.

558
00:38:38,274 --> 00:38:39,650
Ay, shit.

559
00:38:42,778 --> 00:38:43,779
<i>- Uy.</i>
- Wala na siya.

560
00:38:43,779 --> 00:38:48,075
<i>Ha? Dapat nasa court na siya in an hour.
Di ka na bibigyan ng judge ng continuance.</i>

561
00:38:48,075 --> 00:38:51,162
Alam ko. Nakadepende sa kanya
'yong kaso ni Jesus.

562
00:38:51,162 --> 00:38:53,873
Pag di siya tumestigo,
pwedeng ma-life in prison si Jesus.

563
00:38:53,873 --> 00:38:56,709
<i>Akala ko, babantayan siya
no'ng Road Saints guy?</i>

564
00:38:56,709 --> 00:38:58,502
<i>Ano'ng pangalan no'n? Dennis?</i>

565
00:38:58,502 --> 00:39:02,965
Di ko pinatuloy 'yon. Parang ayos naman
kasi si Glory. Baka may nangyari.

566
00:39:02,965 --> 00:39:04,592
<i>Ito ang nangyari.</i>

567
00:39:04,592 --> 00:39:09,055
<i>Pina-rehab mo siya, nagbayad ka ng hotel,
at magbabayad ka ng room service.</i>

568
00:39:09,055 --> 00:39:10,723
<i>Niloko ka niya, Mickey.</i>

569
00:39:12,391 --> 00:39:13,476
Hindi gano'n 'yon.

570
00:39:14,310 --> 00:39:17,271
May iba pang nangyayari dito.
Sige na, Lorna.

571
00:39:18,647 --> 00:39:21,067
HINDI KO KAYA, MICKEY MANTLE. SORRY.

572
00:39:25,488 --> 00:39:26,739
Ayos lang kayo?

573
00:39:29,658 --> 00:39:30,493
Mr. Haller?

574
00:39:32,661 --> 00:39:34,497
Ayos lang ako. Nag-iisip lang.

575
00:39:36,457 --> 00:39:40,544
Pinaglalaruan nila tayong lahat.
Tatapusin ko na 'tong kalokohang 'to.

576
00:40:07,613 --> 00:40:10,324
Ten minutes lang ako.
Hintayin mo ako sa kanto.

577
00:40:10,324 --> 00:40:11,492
Sige.

578
00:40:39,061 --> 00:40:39,979
Sly?

579
00:40:42,606 --> 00:40:43,691
Tao po?

580
00:41:04,628 --> 00:41:05,546
Sly?

581
00:41:13,095 --> 00:41:13,971
Sly?

582
00:41:22,146 --> 00:41:24,857
- Gago ka ba?
- Sorry, may pag-uusapan tayo.

583
00:41:24,857 --> 00:41:26,484
Sino ka ba?

584
00:41:26,484 --> 00:41:29,111
Mickey Haller. Nag-usap tayo sa phone
no'ng isang araw

585
00:41:29,111 --> 00:41:32,531
pagkatapos mo akong
i-serve ng subpoena sa courthouse.

586
00:41:33,574 --> 00:41:34,992
Bumalik ka na lang.

587
00:41:34,992 --> 00:41:38,329
By appointment lang ang practice ko.

588
00:41:38,329 --> 00:41:40,664
Tigilan mo ako, Sly. Maupo ka.

589
00:41:40,664 --> 00:41:43,250
- Di ka pwedeng bastang pumasok dito.
- O?

590
00:41:43,250 --> 00:41:45,044
E, di idemanda mo ako.

591
00:41:45,669 --> 00:41:46,504
Good luck.

592
00:41:48,672 --> 00:41:49,882
Ano ba'ng kailangan mo?

593
00:41:51,383 --> 00:41:54,136
Pineke mo 'yong subpoena
ni Kendall Roberts.

594
00:41:55,221 --> 00:41:56,555
Wala akong alam diyan.

595
00:41:56,555 --> 00:41:58,516
Hindi mo siguro alam noon

596
00:41:58,516 --> 00:42:02,311
na papatayin si Gloria Dayton
pag sinerve mo siya on the record.

597
00:42:03,562 --> 00:42:07,024
Kaya iniwasan mong maulit
ang pagkakamaling 'yon kay Kendall.

598
00:42:07,024 --> 00:42:09,068
- 'Yon ang nangyari.
- Puro ka kalokohan.

599
00:42:09,068 --> 00:42:10,027
Sure ka?

600
00:42:10,611 --> 00:42:12,738
Umalis ka na,
kung hindi, tatawag ako ng pulis.

601
00:42:12,738 --> 00:42:13,781
Trespassing ka.

602
00:42:13,781 --> 00:42:15,449
Sige. Tumawag ka ng pulis.

603
00:42:15,449 --> 00:42:18,285
Tatawag naman ako sa State Bar Association

604
00:42:18,285 --> 00:42:21,539
para sabihing
sunod-sunuran ka lang sa tatay mo.

605
00:42:22,206 --> 00:42:23,958
- Di mo gagawin 'yan.
- Subukan mo.

606
00:42:23,958 --> 00:42:28,462
Nagpa-practice siya nang walang lisensiya.
Nagpa-practice ka nang walang alam.

607
00:42:28,462 --> 00:42:30,464
Babanggitin ko din 'yong pekeng subpoena.

608
00:42:31,257 --> 00:42:34,885
Pamemeke ng federal court document.
Felony 'yon, okay?

609
00:42:36,428 --> 00:42:37,263
O kaya...

610
00:42:39,014 --> 00:42:40,474
magtulungan tayo.

611
00:42:42,810 --> 00:42:45,396
- Paano?
- Iisa ang cause of action natin.

612
00:42:45,396 --> 00:42:47,481
Saka di mo kaya 'tong pinasok mo.

613
00:42:49,316 --> 00:42:51,068
Ano'ng gusto mong mangyari?

614
00:42:51,068 --> 00:42:54,697
May phone sa Victorville 'yong tatay mo.
Matatawagan mo siya?

615
00:42:57,783 --> 00:43:01,328
Alam kong meron.
Nakausap ko siya no'ng isang gabi.

616
00:43:03,038 --> 00:43:04,039
Hindi pwede.

617
00:43:05,082 --> 00:43:07,334
Siya ang tumatawag pag lights out na.

618
00:43:07,960 --> 00:43:12,256
May cell phone jammer sa Victorville.
Pinapatay lang ng kung sino.

619
00:43:12,256 --> 00:43:14,174
Okay, so ito ang gagawin mo.

620
00:43:14,174 --> 00:43:16,010
Pag tumawag siya mamaya,

621
00:43:16,010 --> 00:43:18,846
sabihin mo,
pupuntahan ko siya sa Victorville.

622
00:43:18,846 --> 00:43:21,765
- Ano? Di 'yon papayag.
- Kailangan niyang pumayag.

623
00:43:21,765 --> 00:43:24,393
Sabihin mo, ilagay ako sa visitors list.

624
00:43:24,977 --> 00:43:27,896
Magre-register ako sa gate
bilang lawyer niya.

625
00:43:28,564 --> 00:43:29,690
Kay Hector Moya din.

626
00:43:30,608 --> 00:43:34,695
Oo. Mula ngayon,
cocounsel na tayo ni Hector Moya.

627
00:43:34,695 --> 00:43:36,405
Cocounsel? Kalokohan naman!

628
00:43:36,405 --> 00:43:38,282
Ito ang kalokohan, Sly.

629
00:43:38,282 --> 00:43:40,784
Inosente si Julian La Cosse.

630
00:43:40,784 --> 00:43:43,912
Pwede siyang makulong habambuhay
dahil sa bagay na di niya ginawa.

631
00:43:43,912 --> 00:43:45,789
Di ako papayag na mangyari 'yon.

632
00:43:46,373 --> 00:43:50,711
Sa tingin ko din, inosente si Moya.
At least sa kasong konektado sa baril.

633
00:43:51,211 --> 00:43:53,213
Saka hindi niya pinapatay si Glory Days.

634
00:43:54,590 --> 00:43:57,301
Tulungan mo 'yong client ko,
tutulungan ko 'yong sa 'yo.

635
00:43:58,010 --> 00:44:01,513
Pero, Sly, pag bumiyahe ako
nang dalawang oras papunta do'n

636
00:44:01,513 --> 00:44:04,725
tapos hindi nasunod 'yong sinabi ko,

637
00:44:04,725 --> 00:44:07,686
maniwala ka,
tatawagan ko 'yong California Bar.

638
00:44:10,898 --> 00:44:15,361
Saka, Sly, i-lock mo 'yong pinto mo.
Maraming loko-loko dito.

639
00:44:16,070 --> 00:44:18,197
Tama silang lahat tungkol sa 'yo!

640
00:44:18,822 --> 00:44:19,990
Tarantado ka nga!

641
00:44:33,796 --> 00:44:37,675
MASAMA ANG ARAW KO. DI MUNA AKO LALABAS.

642
00:44:40,469 --> 00:44:43,347
BUSY AKO, PERO SUBUKAN MO.
DINNER?

643
00:44:44,723 --> 00:44:46,684
Tara, kain tayo, Eddie.

644
00:44:48,936 --> 00:44:50,062
Pucha, sino ka?

645
00:44:50,771 --> 00:44:52,690
Agent James De Marco, DEA.

646
00:44:54,274 --> 00:44:56,068
Ikinagagalak kong makilala ka.

647
00:45:03,325 --> 00:45:05,411
BATAY SA MGA NOBELA NI
MICHAEL CONNELLY

648
00:46:44,134 --> 00:46:49,139
Nagsalin ng Subtitle: Ivee Jade Tañedo

