1
00:00:16,440 --> 00:00:21,160
<i>Naghahabol na ng oras sa Thailand para</i>
<i>sagipin ang nawawalang grupo ng soccer.</i>

2
00:00:24,080 --> 00:00:27,280
<i>Mga batang, edad 11 hanggang 16,</i>
<i>kinatatakutang patay</i>

3
00:00:27,360 --> 00:00:30,440
<i>matapos mawala</i>
<i>kasama ang 24-taong-gulang na coach.</i>

4
00:00:33,640 --> 00:00:36,600
<i>Wala talagang pamimilit</i>
<i>sa panayam ngayon.</i>

5
00:00:38,560 --> 00:00:40,760
<i>Ang tadhana</i>
<i>ng mga kabataang manlalaro</i>

6
00:00:40,840 --> 00:00:44,360
<i>at coach nila sa Thailand</i>
<i>ay nakabihag sa buong mundo.</i>

7
00:00:46,080 --> 00:00:50,080
<i>Hindi mo kailangang sagutin</i>
<i>ang anumang tanong na ayaw mong sagutin.</i>

8
00:00:50,160 --> 00:00:51,840
<i>Walang tama o maling sagot.</i>

9
00:00:54,400 --> 00:00:58,720
<i>Ito ang malaking internasyunal</i>
<i>na tangkang pagsagip na isinagawa.</i>

10
00:00:58,800 --> 00:01:01,040
<i>May mga tulong mula sa buong mundo.</i>

11
00:01:08,560 --> 00:01:11,880
Ang pinakamahalaga sa amin
ay ang kapakanan mo.

12
00:01:11,960 --> 00:01:14,440
-Pwede tayong huminto anumang oras.
-Sige.

13
00:01:15,160 --> 00:01:18,160
<i>Isa itong drama</i>
<i>na napanood ng buong mundo.</i>

14
00:01:18,240 --> 00:01:22,440
<i>Nakulong sa loob ng matubig na kuweba</i>
<i>ng Thai sa loob ng 17 araw.</i>

15
00:01:35,120 --> 00:01:37,480
Malamang hindi alam ng nasa labas,

16
00:01:38,120 --> 00:01:42,280
lubos na walang ideya
kung ano ang nangyari sa amin.

17
00:01:44,240 --> 00:01:47,720
Marahil ang katotohanan
ay hindi ang inaasahan ng tao.

18
00:02:03,200 --> 00:02:07,520
CHIANG RAI, HILAGANG THAILAND

19
00:02:14,360 --> 00:02:16,200
Titan, sa gilid ka lang. Ingat.

20
00:02:17,000 --> 00:02:20,280
Sa araw na 'yon,
nagkita kami para maglaro ng football.

21
00:02:22,040 --> 00:02:23,320
Hoy!

22
00:02:23,400 --> 00:02:24,840
-Baka mangagat.
-Tayo na!

23
00:02:26,480 --> 00:02:29,040
Ang daming aso!

24
00:02:31,640 --> 00:02:34,840
HUNYO 23, 2018

25
00:02:37,720 --> 00:02:40,400
Ako si Eakpol Jantawong.
Eak ang palayaw ko.

26
00:02:40,480 --> 00:02:41,760
COACH EAK

27
00:02:43,720 --> 00:02:46,240
Para maging coach, una, dapat lider ka.

28
00:02:47,280 --> 00:02:49,120
Ikalawa, dapat disiplinado ka.

29
00:02:49,640 --> 00:02:50,680
Kailangan ito.

30
00:02:52,240 --> 00:02:54,880
At dapat masigasig ka dito.

31
00:03:09,280 --> 00:03:12,120
Ang mga mag-aaral dito,

32
00:03:12,200 --> 00:03:16,000
karamihan siguro ay sa scooter gang,
umiinom at nagsisigarilyo.

33
00:03:18,280 --> 00:03:23,040
Ginawa ang football na ito
para ilayo sila sa mga droga.

34
00:03:24,480 --> 00:03:29,960
Karamihan sa kanila
galing sa mahihirap na pamilya.

35
00:03:31,480 --> 00:03:34,720
Gusto kong maging propesyunal
at maglaro sa bansa.

36
00:03:35,680 --> 00:03:39,160
Gusto ko ang Man-U.

37
00:03:39,960 --> 00:03:41,480
Ang Manchester United.

38
00:03:42,280 --> 00:03:43,120
Man-U.

39
00:03:45,000 --> 00:03:49,120
Titnitiyak ni Coach Eak na masipag kami.
Nagsasanay kami ng husto.

40
00:03:50,920 --> 00:03:54,280
Pinupwersa ko sila para
makapasok sila sa akademya.

41
00:03:54,360 --> 00:03:57,240
Para magka-scholarship
para libreng makapag-aral.

42
00:04:06,040 --> 00:04:08,480
24 ako noong panahong 'yon.

43
00:04:09,760 --> 00:04:12,960
Kapag wala kami s field,
para nila akong kuya.

44
00:04:15,600 --> 00:04:21,840
Kahit hindi kami magkakadugo,
magkakasama kami na parang pamilya.

45
00:04:22,600 --> 00:04:27,560
Nangungunang koponan sa hilaga
laban sa nangunguna sa Timog! Puntos? 2-0.

46
00:04:28,960 --> 00:04:33,160
Ang plano namin pagkatapos magsanay
ay pumunta sa kuweba.

47
00:04:35,920 --> 00:04:40,400
May mga mall na pasyalan ang mga bata
sa lungsod. Pero ang nasa lalawigan,

48
00:04:40,480 --> 00:04:44,040
ang mayroon lang sa kanila
ay mga bundok at kagubatan.

49
00:04:45,440 --> 00:04:49,360
Ang pinaka kapana-panabik na puntahan
ay ang Kuweba ng Tham Luang.

50
00:04:49,880 --> 00:04:51,400
Ilang beses na ko doon.

51
00:04:56,160 --> 00:04:59,080
Pagkatapos naming maglaro,
kumain kami ng konti.

52
00:04:59,680 --> 00:05:03,920
Bumili ako ng sampung tusok
ng inihaw na baboy at isang kilo ng bigas.

53
00:05:07,440 --> 00:05:09,880
Hindi ko ito maubos, kaya tinapon ko ito.

54
00:05:21,120 --> 00:05:22,280
<i>Nakakain na kami…</i>

55
00:05:23,640 --> 00:05:25,480
…at nagbisikleta sa Tham Luang.

56
00:05:45,000 --> 00:05:48,600
<i>Nang araw na 'yon, hindi naman maulan.</i>
<i>Maaraw at mainit noon.</i>

57
00:05:55,160 --> 00:05:59,320
Ang ilan ay nasasabik kasi ito pa lang
ang unang punta nila sa kuweba.

58
00:06:01,840 --> 00:06:05,680
<i>Buong bilis ang kanilang pagpedal,</i>
<i>nakikipagkarerahan!</i>

59
00:06:09,720 --> 00:06:11,760
At siyempre, ako ang kulelat.

60
00:06:11,840 --> 00:06:12,680
TITAN

61
00:06:15,920 --> 00:06:21,680
Si Titan ang pinakabata. Sinumang makakita
sa kanya, tinutukso siya.

62
00:06:21,760 --> 00:06:23,960
Walang araw na walang panunukso.

63
00:06:24,520 --> 00:06:25,640
Araw-araw ito.

64
00:06:25,720 --> 00:06:27,840
Ang lakas ni Titan?

65
00:06:30,040 --> 00:06:32,280
Sa tingin ko wala.

66
00:06:37,480 --> 00:06:43,000
Malapit talaga kami ni Titan.
Para kaming magkapatid.

67
00:06:46,800 --> 00:06:50,600
<i>Habang papunta, nadaanan namin</i>
<i>ang mga puno ng orange sa kalsada.</i>

68
00:07:04,320 --> 00:07:06,320
THAM LUANG
HINDI GUBAT NA PARKE

69
00:07:09,400 --> 00:07:10,720
Manalangin tayo.

70
00:07:16,360 --> 00:07:18,800
PANGANIB!
BAHA SA KWEBA HULYO-NOBYEMBRE

71
00:07:18,880 --> 00:07:20,400
BAWAL PUMASOK MULA RITO!

72
00:07:22,360 --> 00:07:25,720
Nakita namin ang karatula,
ang mga bata, "Bawal pumasok."

73
00:07:27,720 --> 00:07:33,640
Sabi sa karatula baha ito
mula Hulyo hanggang Nobyembre.

74
00:07:35,680 --> 00:07:39,320
Noong pumasok kami sa kweba.
Ika-23 ng Hunyo 'yon.

75
00:07:39,400 --> 00:07:41,240
Hindi pa tag-ulan noon.

76
00:07:53,920 --> 00:07:57,000
Humingi kami ng pahintulot
kay Nang Non na makapasok.

77
00:07:58,360 --> 00:08:01,640
Si Nang Non ang lokal na ispiritu.

78
00:08:02,360 --> 00:08:06,080
Kung babastusin namin siya
o hindi hihingi ng pahintulot,

79
00:08:06,160 --> 00:08:09,520
maaaring may mangyaring masama.

80
00:08:14,360 --> 00:08:19,880
<i>May kwento sa likod ng ispiritu</i>
<i>ni Nang Non. Prinsesa siya noon.</i>

81
00:08:22,840 --> 00:08:27,800
<i>May isang utusan ang umibig sa prinsesa.</i>

82
00:08:29,880 --> 00:08:31,320
<i>Kaya nagtanan sila.</i>

83
00:08:34,440 --> 00:08:36,560
<i>Hinabol sila ng mga sundalo.</i>

84
00:08:40,040 --> 00:08:43,480
<i>Ang utusan ay umalis para maghanap</i>
<i>ng pagkain ng prinsesa…</i>

85
00:08:47,760 --> 00:08:49,760
<i>pero pinatay siya ng mga sundalo.</i>

86
00:08:53,840 --> 00:08:56,320
<i>Naghintay ang prinsesa,</i>
<i>pero di siya umuwi.</i>

87
00:08:56,400 --> 00:08:58,840
<i>Kaya nagpakamatay siya gamit ang hairpin.</i>

88
00:09:03,280 --> 00:09:06,400
<i>Kaya parang natutulog na prinsesa</i>
<i>ang kabundukang ito.</i>

89
00:09:25,400 --> 00:09:28,520
<i>Nang marating namin ang bukana,</i>
<i>excited ang mga bata.</i>

90
00:09:28,600 --> 00:09:32,120
<i>"Grabe! Ganito ba talaga kalaki?</i>
<i>Napakalaki!"</i>

91
00:09:38,960 --> 00:09:41,200
Iniwan namin ang mga gamit dun, lahat.

92
00:09:41,280 --> 00:09:42,120
ADUL

93
00:09:52,680 --> 00:09:54,560
Hindi kami nagdala ng pagkain.

94
00:09:54,640 --> 00:09:57,560
Bawat isa kumuha ng flashlight
at pumasok sa loob.

95
00:10:02,640 --> 00:10:06,280
Hiniling ko kay Tee na manguna
para ako ang huling tao.

96
00:10:07,360 --> 00:10:10,440
Si Tee ang kanang kamay ko.

97
00:10:12,040 --> 00:10:14,960
Mas komportable ako
pag nasa tabi ko si Tee.

98
00:10:15,520 --> 00:10:21,040
Dahil mapapangalagaan niya ang ibang bata.

99
00:10:29,520 --> 00:10:30,720
<i>Napasok ko na dati.</i>

100
00:10:31,960 --> 00:10:35,560
Tiwala ako
na kaya ko silang gabayan papasok.

101
00:10:49,320 --> 00:10:51,560
Isang oras lang ang itatagal namin.

102
00:10:52,280 --> 00:10:53,960
May tutorial pa ko tapos.

103
00:11:14,640 --> 00:11:16,240
Napakaraming harutan.

104
00:11:19,800 --> 00:11:21,240
Nag-aasaran kami.

105
00:11:21,320 --> 00:11:24,600
Inaasar namin si Tee, lalo na.
Kasi may nobya siya.

106
00:11:24,680 --> 00:11:27,680
Tulad ng pagkuha ng larawan
at nakahawak ng kamay.

107
00:11:32,320 --> 00:11:35,000
Nag-aasaran sila sa buong paglalakbay.

108
00:11:36,000 --> 00:11:38,560
Masaya akong nakikita silang ganoon.

109
00:11:49,280 --> 00:11:52,680
PASUKAN

110
00:11:52,760 --> 00:11:54,760
<i>Nang nasa Sangandaan na kami,</i>

111
00:11:55,840 --> 00:11:59,000
<i>di kami makakanan</i>
<i>kasi di pwede ang higit ilang metro.</i>

112
00:11:59,080 --> 00:11:59,920
SANGANDAAN

113
00:12:00,000 --> 00:12:02,040
<i>Kung magpapatuloy, kakaliwa kami.</i>

114
00:12:11,560 --> 00:12:15,000
Natakot ako ng narating namin
ang Sangandaan.

115
00:12:17,160 --> 00:12:18,480
Para itong ilog.

116
00:12:19,000 --> 00:12:22,480
Natakot akong baka bumaha
at hindi na kami makakalabas.

117
00:12:22,560 --> 00:12:23,400
MIX

118
00:12:25,080 --> 00:12:29,280
Anuman ang panahon, laging may tubig doon.

119
00:12:29,360 --> 00:12:30,680
Hindi ito natutuyo.

120
00:12:33,440 --> 00:12:36,120
Sabi ko sa kanila
maraming tubig na pumapasok.

121
00:12:36,720 --> 00:12:38,640
Siguro dapat na tayong bumalik.

122
00:12:41,240 --> 00:12:44,840
<i>Sabi namin kung babalik siya, balik na.</i>
<i>"Duwag ka? Duwag!"</i>

123
00:12:50,520 --> 00:12:54,160
Gusto kong magdesisyon sila.
Kung babalik sila, pwede.

124
00:12:54,240 --> 00:12:56,680
Ang ganda doon,
pero malayo pa lalakarin.

125
00:12:56,760 --> 00:12:59,760
<i>Ito ay boto para makita</i>
<i>kung sinong maiiwan o aalis.</i>

126
00:12:59,840 --> 00:13:02,760
-Tayo na. Tara na ngayon.
-Gusto ko ring pumunta.

127
00:13:03,520 --> 00:13:06,360
Sumagot ang lahat, "Sige. Ituloy natin."

128
00:13:08,400 --> 00:13:12,040
Sa loob ko, gusto ko ng umalis.
Gusto ko ng lumabas.

129
00:13:14,200 --> 00:13:16,360
-Ingat kayo.
-Pasok na tayo sa loob.

130
00:13:17,240 --> 00:13:19,720
<i>Iniwan namin ang mga bag at sapatos namin</i>

131
00:13:20,280 --> 00:13:22,520
<i>kasi ayaw naming mabasa ang mga ito.</i>

132
00:13:26,040 --> 00:13:30,000
Dinala namin ang mga flashlight.
Ayun na. Nagpatuloy na kami tapos.

133
00:13:34,320 --> 00:13:35,320
Uy, hintay.

134
00:13:38,800 --> 00:13:43,720
Nagtatrabaho ako sa Kuweba ng Tham Luang
mga halos dalawang taon na.

135
00:13:44,280 --> 00:13:48,840
Bawat gabi, kailangan kong pumunta
at tingnan kung may naiwan sa mga kuweba.

136
00:13:51,880 --> 00:13:56,160
Karaniwan, nagsisimulang umulan sa Hulyo.
At Hunyo pa lang!

137
00:13:56,240 --> 00:13:59,360
Ewan ko saan nanggagaling ang ulan.

138
00:14:01,120 --> 00:14:03,760
Mula sa harapan,

139
00:14:03,840 --> 00:14:09,600
ang Kuweba ng Tham Luang
ay sampung kilometro at 316 metrong haba.

140
00:14:10,880 --> 00:14:12,320
Kaya kapag tag-ulan na,

141
00:14:13,160 --> 00:14:16,680
umaagos ang tubig
mula sa bundok at binabaha ang kuweba.

142
00:14:18,160 --> 00:14:22,880
May mga butas kung saan
pumapasok ang tubig sa bawat direksyon.

143
00:14:25,880 --> 00:14:27,720
11 bisikleta ang nabilang ko.

144
00:14:29,080 --> 00:14:32,680
Sa unang tingin, akala ko matatanda sila.

145
00:14:33,600 --> 00:14:36,120
Kung pumasok ka
na di alam ng tagabantay,

146
00:14:36,200 --> 00:14:39,320
baka maipit ka doon magdamag
ng walang nakakaalam.

147
00:14:47,320 --> 00:14:51,840
Pumasok kami ng pumasok
kasi napakaganda nito.

148
00:14:54,840 --> 00:14:58,480
May lakas na humihila sa amin papasok.

149
00:15:00,920 --> 00:15:04,160
Gusto kong isama ang mga bata
para makakita ng maganda.

150
00:15:07,080 --> 00:15:12,080
Naisip ko lang na may ipapakita
akong bago sa mga bata.

151
00:15:14,160 --> 00:15:15,720
<i>Ang ganda. Napakaganda.</i>

152
00:15:17,400 --> 00:15:19,280
<i>Para itong kislap.</i>

153
00:15:19,360 --> 00:15:21,680
<i>Napakaganda sa loob ng yungib na ito.</i>

154
00:15:35,000 --> 00:15:38,480
Kailangang bumalik ni Titan
bago mag-5 kasi may tutor siya.

155
00:15:38,560 --> 00:15:42,720
Sabi ko, "Balik na tayo. Wala na tayong
oras. Balik na lang ulit tayo."

156
00:15:42,800 --> 00:15:43,760
Tayo na.

157
00:15:49,720 --> 00:15:51,320
Kaya lahat kami pabalik na,

158
00:15:51,880 --> 00:15:54,800
at nag-uusap kami
at nagdadaldalan ng normal.

159
00:15:55,680 --> 00:15:58,840
Hanggang makabalik kami sa Sangandaan.

160
00:16:00,600 --> 00:16:02,000
Nang nandoon na kami,

161
00:16:02,560 --> 00:16:05,760
Sabi ko, "Uy, dito ba tayo nanggaling?"

162
00:16:05,840 --> 00:16:08,280
Di kami naligaw kasi isa lang labasan.

163
00:16:08,360 --> 00:16:11,480
Sabi ni Eak dito kami nanggaling.

164
00:16:13,080 --> 00:16:16,840
Lubusang nabaha ang Sangandaan.

165
00:16:17,400 --> 00:16:20,080
Ganap na natakpan ito.
Hindi kami makadaan.

166
00:16:21,280 --> 00:16:24,560
At sa sandaling 'yon, naisip ko, "Lintik".

167
00:16:25,480 --> 00:16:27,160
Lagot kami nito.

168
00:16:30,960 --> 00:16:32,400
Nagulat ang lahat.

169
00:16:34,160 --> 00:16:36,400
Sabi ko maghanap kami ng daan palabas.

170
00:16:37,200 --> 00:16:39,960
Hahanapin ko sana ang labasan.

171
00:16:41,200 --> 00:16:43,360
Noon ako nagpasyang sumisid.

172
00:16:48,360 --> 00:16:52,800
Masama ang kutob ko. Makakahanap ba
ng paraan na malakabas si Eak, o hindi?

173
00:17:01,000 --> 00:17:04,920
Binuksan ko ang mga mata ko,
pero wala akong makita.

174
00:17:10,040 --> 00:17:12,200
Naghukay ako gamit kamay ko…

175
00:17:18,520 --> 00:17:20,520
pero wala akong makitang daanan.

176
00:17:25,600 --> 00:17:29,040
At ang isang paghinga
na ginawa ko nang sumisid ako

177
00:17:29,680 --> 00:17:30,720
ay nauubos na.

178
00:17:35,080 --> 00:17:36,840
Para akong mahihimatay.

179
00:17:39,000 --> 00:17:42,240
At nang nangyayari 'yon,
hinila ko ang lubid…

180
00:17:42,320 --> 00:17:43,440
Isa, dalawa…

181
00:17:43,520 --> 00:17:45,200
<i>Hinila na ako ng mga bata.</i>

182
00:17:45,280 --> 00:17:46,280
Isa pa.

183
00:17:46,800 --> 00:17:51,160
Akala ko mamamatay na ako.Di na ako
makakaligtas. Nawalan na ko ng hininga.

184
00:18:09,240 --> 00:18:10,440
Sabi ko sa mga bata…

185
00:18:11,800 --> 00:18:13,000
na walang labasan.

186
00:18:14,360 --> 00:18:17,200
Nang sinabi ni Eak 'yon, natahimik kami.

187
00:18:17,720 --> 00:18:19,080
Di namin alam gagawin.

188
00:18:27,760 --> 00:18:29,160
May tao ba dito?

189
00:18:29,240 --> 00:18:31,920
Alas singko o sais ng gabi,
nasa loob pa sila.

190
00:18:34,200 --> 00:18:36,920
Kumuha pa ng tao
ang amo ko para hanapin sila.

191
00:18:37,000 --> 00:18:40,040
-Asan kayo?
-Asan kayo?

192
00:18:45,360 --> 00:18:49,240
Naglakad kami mula sa unang yungib
hanggang sa pangalawang yungib.

193
00:18:49,320 --> 00:18:52,600
Tinawag namin sila,
pero hindi namin sila makita.

194
00:18:55,200 --> 00:18:57,360
Marami ng umaapaw na tubig.

195
00:18:59,200 --> 00:19:01,480
At wala sila sa ikatlong yungib.

196
00:19:02,240 --> 00:19:05,320
At inisip ko
na baka makita namin sila sa T-junction.

197
00:19:05,880 --> 00:19:06,840
May tao ba dito?

198
00:19:08,800 --> 00:19:12,160
Pagdating doon,
bag at sapatos lang nila ang nakita namin.

199
00:19:13,120 --> 00:19:16,680
Naghanap ako
hanggang makita ko ang mga phone nila.

200
00:19:18,960 --> 00:19:20,760
Sa puntong iyon, nag-alala ko.

201
00:19:21,800 --> 00:19:23,560
Mga bata pa lang sila.

202
00:19:32,040 --> 00:19:33,200
Dumadami ang tubig.

203
00:19:34,000 --> 00:19:36,360
Sabi ko, "Ano ng gagawin natin ngayon?"

204
00:19:37,520 --> 00:19:40,120
Paano natin ilalabas ang mga batang ito?

205
00:19:40,200 --> 00:19:41,840
Nasaan kayo?

206
00:19:42,480 --> 00:19:45,640
Sabi ko, "Tayo na, alis na tayo.
Hingi tayong tulong."

207
00:19:58,320 --> 00:20:01,080
Nang nalaman kong tumaas
ang lebel ng tubig,

208
00:20:01,680 --> 00:20:04,880
kailangang gawin ko ang lahat
para di sila matakot.

209
00:20:05,560 --> 00:20:08,720
Kaya pinilit kong umarte ng normal
hangga't maaari.

210
00:20:10,480 --> 00:20:14,320
Sinabi ko sa mga bata
na baka alon lang 'yon.

211
00:20:15,720 --> 00:20:18,200
Naniwala talaga ako na bababa ang tubig.

212
00:20:19,040 --> 00:20:20,960
Kaya sabi ko matulog na sila.

213
00:20:21,440 --> 00:20:25,040
Titignan namin ang lebel ng tubig bukas.
Alis kami pag bumaba.

214
00:20:25,120 --> 00:20:27,960
Dalawa, tatlo, sige.

215
00:20:28,040 --> 00:20:31,360
Sabi namin, "Aayos din ito."
Positibo ang iniisip namin.

216
00:20:34,800 --> 00:20:36,960
Sa akin, huli na ko sa tutoryal ko.

217
00:20:37,840 --> 00:20:41,000
Sa loob-loob ko,
"Ang ganda! Walang tutoryal!"

218
00:20:45,440 --> 00:20:48,280
Wala pang natataranta.

219
00:20:48,360 --> 00:20:53,680
Sa kanila, isang bagong lugar lang ito
para matulog. Parte pa din ng adventure.

220
00:20:58,240 --> 00:21:02,120
Sa unang gabi,
ang inaalala lang namin ay ang masigawan.

221
00:21:02,200 --> 00:21:04,760
Ilan sa amin hindi nagpaalam sa magulang.

222
00:21:07,720 --> 00:21:10,200
Iniisip ko hinahanap na ko ng magulang ko.

223
00:21:11,560 --> 00:21:13,800
Inaalam saan ako nagpunta.

224
00:21:19,320 --> 00:21:23,920
Nag-aalala ako kapag nasa labas si Tee
kasama ang mga kaibigan.

225
00:21:26,520 --> 00:21:29,680
Antay ako ng antay,
pero hindi siya umuwi ng bahay.

226
00:21:31,600 --> 00:21:35,800
Akala ko nakipag-away si Tee.

227
00:21:35,880 --> 00:21:40,320
Tapos tumawag ang isang bata sa iskul
at sinabing naipit si Tee sa kuweba.

228
00:21:47,680 --> 00:21:52,000
Nang dinala ako ng asawa ko doon,
nakakatakot talaga.

229
00:21:53,240 --> 00:21:57,280
Pagpasok ko, nakikita ko
ang mga nagkukumpulang tao.

230
00:21:57,360 --> 00:21:58,720
Baba kayo sa gulod.

231
00:21:59,280 --> 00:22:00,320
Tutulong ako.

232
00:22:00,400 --> 00:22:04,400
Nasa pasukan ang mga sapatos nila.
Walang gumalaw ng kahit ano.

233
00:22:04,480 --> 00:22:07,520
Nandun ang bisikleta ng anak ko,
kasama ng bag niya.

234
00:22:08,120 --> 00:22:09,640
Laking gulat ko.

235
00:22:11,480 --> 00:22:16,000
Nakatiwangwang ito, at sobrang nag-alala
ako ng makita ko ang kuweba.

236
00:22:16,880 --> 00:22:19,800
Kumirot ang puso ko,
hindi ko alam ang gagawin.

237
00:22:19,880 --> 00:22:23,960
Magdasal lang ako sa lahat ng sagradong
nilalang na protektahan siya.

238
00:22:24,040 --> 00:22:27,320
Hindi ko alam
na pumunta ng kuweba ang anak ko.

239
00:22:27,400 --> 00:22:30,040
Kanina, sabi niya
may laban sila ng football.

240
00:22:30,120 --> 00:22:31,200
Yun ang sabi niya.

241
00:22:32,320 --> 00:22:35,800
Hindi ko alam na pupunta siya
sa kuwebang tulad nito.

242
00:22:35,880 --> 00:22:38,560
Tinatanong nila ako,
pero umiiyak lang ako.

243
00:22:40,800 --> 00:22:44,720
Hindi ako makasagot noon
dahil sa sobrang sama ng loob ko.

244
00:22:55,320 --> 00:22:58,000
Sa unang gabi,
di kami nagpatay ng flashlight.

245
00:22:59,760 --> 00:23:02,440
Masyadong madilim. Lahat ay matatakot.

246
00:23:04,760 --> 00:23:06,720
Magkakatabi kaming natulog.

247
00:23:08,480 --> 00:23:09,600
Magkakahawak.

248
00:23:11,640 --> 00:23:16,680
Mas malamig sa yelo ang pakiramdam,
parang kinakagat kami ng lamig.

249
00:23:23,880 --> 00:23:27,240
Ang tanging naririnig lang namin
ay ang aming paghinga,

250
00:23:27,320 --> 00:23:32,440
at ang tibok ng aming mga puso.

251
00:23:44,920 --> 00:23:48,280
Sa unang gabi,
nag-alala ako kung makakalabas ba kami…

252
00:23:51,000 --> 00:23:53,480
at may pananagutan ako sa 12 pang buhay.

253
00:23:54,120 --> 00:23:58,000
At wala kaming ideya
kung anong susunod na mangyayari sa amin.

254
00:24:12,560 --> 00:24:16,200
Ang unang kwento ay tungkol sa
insidenteng nangyari kagabi.

255
00:24:16,280 --> 00:24:19,080
-Tama.
-Bumaha sa kuweba. Di na sila nakabalik.

256
00:24:19,160 --> 00:24:23,040
Kahit ang mga awtoridad
ay di makalapit sa kanila.

257
00:24:23,120 --> 00:24:25,080
PANGANIB!
BAHA SA KUWEBA HUL-NOB

258
00:24:25,160 --> 00:24:26,280
Sige, magbilang.

259
00:24:26,360 --> 00:24:27,200
-Isa.
-Dalawa.

260
00:24:27,280 --> 00:24:28,120
-Tatlo.
-Apat.

261
00:24:28,200 --> 00:24:29,200
-Lima.
-Anim.

262
00:24:29,280 --> 00:24:31,880
Nagpadala kami
ng walong pangkat sa kabuuan.

263
00:24:31,960 --> 00:24:33,840
Ilang tao iyon?

264
00:24:33,920 --> 00:24:37,200
Mga 50 tao. Nagdala sila
ng gamit sa pagsisid, pagkain.

265
00:24:41,240 --> 00:24:46,240
Kakaunting tao,
maging ang mga explorer ng kuweba,

266
00:24:46,320 --> 00:24:48,640
alam ang daanan nila sa kuweba.

267
00:24:48,720 --> 00:24:51,320
MAPA NG THAM LUANG
ALAMAT NI NANG NON

268
00:24:51,400 --> 00:24:54,760
Explorer ako ng kuweba
na bihasa sa Kuweba ng Tham Luang.

269
00:24:56,480 --> 00:24:59,560
Sa unang araw ng pagpasok
para hanapin ang mga bata,

270
00:24:59,640 --> 00:25:02,120
lubog sa tubig ang T-junction.

271
00:25:06,880 --> 00:25:08,840
Ang unang kagamitan sa pagsagip

272
00:25:08,920 --> 00:25:11,600
ay binubuo ng maliit na bomba ng tubig

273
00:25:11,680 --> 00:25:14,920
at mga lubid
at anumang bagay na makukuha sa lugar.

274
00:25:17,600 --> 00:25:22,000
Ngayon na ang oras para gamitin
ang mga bomba, para mabuksan ang daan.

275
00:25:23,840 --> 00:25:27,600
Nilalabanan namin ang tubig
na may limitadong kagamitan

276
00:25:27,680 --> 00:25:32,800
na hindi talaga sapat
sa pagbomba ng tubig.

277
00:25:44,440 --> 00:25:48,120
Nang magsimulang umulan,
hindi na ito huminto.

278
00:25:48,640 --> 00:25:54,920
Kasabay ng malakas na ulan,
maaaring bumaha at maaaring malunod sila.

279
00:25:55,000 --> 00:25:56,680
Baka di sila mahanap.

280
00:25:56,760 --> 00:25:58,920
Kung hindi bumuhos ang ulan…

281
00:26:00,120 --> 00:26:03,040
at bumaba na ang tubig,
pwede na tayong magbomba.

282
00:26:03,120 --> 00:26:04,440
Magandang balita ito.

283
00:26:04,520 --> 00:26:06,440
Masaya kong andito ang gobernor.

284
00:26:06,960 --> 00:26:09,600
Pupunta daw siya para balitaan kami.

285
00:26:09,680 --> 00:26:14,280
Dumating siya para bigyan kami
ng update bawat isa o dalawang oras.

286
00:26:14,360 --> 00:26:19,520
Sana lang ay ayos sila, at wala ng ulan.

287
00:26:22,440 --> 00:26:25,800
<i>Kailangan nating bilisan,</i>
<i>suungin ang balakid.</i>

288
00:26:26,520 --> 00:26:30,880
Nagsisimula na itong mapuno ng tubig,
alam mo ba 'yon?

289
00:26:31,400 --> 00:26:35,840
-Kahapon, hindi ganito kataas ang tubig.
-Napupuno na.

290
00:26:36,320 --> 00:26:37,920
-Marami pang tubig?
-Oo.

291
00:26:41,160 --> 00:26:42,720
Kailangang bilisan kasi

292
00:26:42,800 --> 00:26:46,200
mas maraming tubig ang pupunta
mula sa likod ng kuweba.

293
00:26:46,280 --> 00:26:48,240
PASUKAN
SANGANDAAN

294
00:26:48,320 --> 00:26:50,000
LIKOD NG KUWEBA

295
00:26:50,080 --> 00:26:54,240
Nakakaalarma kasi kung magtagpo
ang dalawang agos,

296
00:26:54,320 --> 00:26:56,600
babaha hanggang sa bunganga ng kuweba.

297
00:26:58,400 --> 00:27:01,160
Nakakabahala 'yon.

298
00:27:03,360 --> 00:27:07,320
18 ORAS SA LOOB NG KUWEBA

299
00:27:14,360 --> 00:27:16,360
May tubig pa din paggising namin.

300
00:27:18,600 --> 00:27:21,120
Lumingon ako at nasa tabi namin ang tubig.

301
00:27:22,360 --> 00:27:25,240
Napakabilis. Hinahabol
at hinahabol kami nito.

302
00:27:25,960 --> 00:27:28,560
<i>Kailangan kong maghanap ng solusyon.</i>

303
00:27:30,720 --> 00:27:33,720
<i>Tinipon ko ang grupo</i>
<i>para isipin ang gagawin.</i>

304
00:27:36,800 --> 00:27:39,320
<i>Sabi ko, "Sa mas malayo tayo maghanap?"</i>

305
00:27:45,840 --> 00:27:48,240
Sabi ko tipirin ang flashlight nila.

306
00:27:48,320 --> 00:27:49,560
Matipid na gamitin.

307
00:27:56,240 --> 00:27:59,320
Patuloy kong sinasabi
na di kami pwedeng sumuko.

308
00:28:09,080 --> 00:28:12,320
Nagsimula kaming magreklamo.
"Asan na ang mga rescuer?

309
00:28:12,400 --> 00:28:15,840
"Bakit hindi nila tayo hinahanap?
Bakit walang tulong?"

310
00:28:20,200 --> 00:28:22,120
Hindi sapat ang tao!

311
00:28:24,240 --> 00:28:25,400
Pwede na.

312
00:28:25,480 --> 00:28:28,720
<i>Gaano katagal bago sila manganib?</i>

313
00:28:29,320 --> 00:28:34,280
Hindi ko inaasahan na magtagal,
pero bawat minuto ay mahalaga.

314
00:28:50,000 --> 00:28:51,360
Dahan-dahan. Ingat ka.

315
00:28:51,440 --> 00:28:56,040
Titan, anak ko, hinihintay kita rito.

316
00:28:56,640 --> 00:29:02,840
Uwi na tayo, mahal.
Halika na, uwi na tayo!

317
00:29:02,920 --> 00:29:06,000
Pakiramdam ko
kailangang marinig ako ni Titan.

318
00:29:06,640 --> 00:29:10,400
Naniniwala talaga ako
na kaya kong makipag-usap sa anak ko.

319
00:29:10,960 --> 00:29:14,040
Kahit paano,
malaman niyang inaantay ko siya.

320
00:29:19,560 --> 00:29:22,880
Madalas nakakauwi na ko
ng ika-pito, walo, siyam ng gabi.

321
00:29:24,040 --> 00:29:27,280
Kaya naging mas malapit siya kay Eak
kaysa sa akin.

322
00:29:32,080 --> 00:29:36,200
Naisip ko si Eak at magkasama sila ni Eak.

323
00:29:36,280 --> 00:29:39,360
Naisip ko, "Pakiusap, Eak,
ilabas mo si Titan.

324
00:29:39,440 --> 00:29:45,160
Naniniwala kong mailalabas mo siya." Lokal
na ispiritu, bigyan mo sila ng lakas.

325
00:29:45,240 --> 00:29:46,840
Huminahon ka.

326
00:29:46,920 --> 00:29:49,280
Apurang paghahanap sa 12 bata at coach.

327
00:29:49,360 --> 00:29:50,800
MGA BATA AT COACH NAWALA

328
00:29:50,880 --> 00:29:52,720
Pamilya nag-aabang ng balita.

329
00:29:52,800 --> 00:29:54,600
PAMILYA NAGKAMPO SA MALAPIT

330
00:29:54,680 --> 00:29:58,640
Isa itong lokal na kwento noon.
Di ko inisip na may mangyayari dito.

331
00:29:58,720 --> 00:30:00,320
Naisip ko, "13 na patay."

332
00:30:00,400 --> 00:30:02,400
JAMES LONGMAN
DAYUHANG MAMAMAHAYAG

333
00:30:02,480 --> 00:30:06,320
Naalala ko ang direktor namin.
Sabi niya, "Malaking kwento ito."

334
00:30:10,120 --> 00:30:17,120
Darating na ang mga pangunahing ahensya.
Patuloy silang pinapadala para tuumulong.

335
00:30:18,960 --> 00:30:22,000
Maraming tao ang nagpakita.

336
00:30:22,080 --> 00:30:27,600
Mga duktor, nars, sundalo,
pwersa mula sa buong Thailand.

337
00:30:28,480 --> 00:30:32,360
Ito ang talagang nagpaantig sa akin.

338
00:30:34,760 --> 00:30:40,600
<i>Mga mga unit na nagsusuri sa lugar,</i>
<i>naghahanap ng posibleng pasukan.</i>

339
00:30:41,480 --> 00:30:44,880
<i>Magpapalipad ng kanilang mga helicopter</i>
<i>ang mga pulis</i>

340
00:30:44,960 --> 00:30:48,600
<i>kung sakaling may ibang daanan</i>
<i>sa loob ng kuweba.</i>

341
00:30:48,680 --> 00:30:53,120
<i>Para sa mga lokal na opisyal,</i>
<i>mga opisyal ng kagubatan, at sundalo,</i>

342
00:30:53,200 --> 00:30:57,720
<i>susuriin nila ang lugar at pasakan</i>
<i>ang mga butas na maaaring agusan ng tubig.</i>

343
00:30:58,960 --> 00:31:03,200
<i>Ang mga SEAL ay direktang lilipad</i>
<i>mula sa Sattaship, darating ng gabi.</i>

344
00:31:05,320 --> 00:31:06,360
HUKBONG-DAGAT

345
00:31:06,440 --> 00:31:10,840
Ako ang kumander ng Hukbong-dagat.

346
00:31:11,680 --> 00:31:14,640
Naghahabol na sa oras,
at tumataas ang tubig.

347
00:31:14,720 --> 00:31:20,600
-Tignan ang paa.
-Konti pa, isa, dalawa.

348
00:31:21,240 --> 00:31:22,920
Dapat bombahin ang tubig,

349
00:31:23,000 --> 00:31:27,640
para mabilis na mahanap
ng mga SEAL natin ang mga bata.

350
00:31:37,040 --> 00:31:40,960
Ang mga Navy Seal ng Thai
ay bihasa sa pagsisid.

351
00:31:41,640 --> 00:31:43,680
Narating namin ang T-junction.

352
00:31:44,800 --> 00:31:49,800
Tapos sinubukan naming sumisid
lampas ng Sangandaan.

353
00:31:53,720 --> 00:31:57,680
Nang tumaas ang tubig,
hindi na kami makapasok ng malayo.

354
00:32:06,480 --> 00:32:09,840
TATLONG ARAW SA KUWEBA

355
00:32:16,440 --> 00:32:19,760
Nag-set ng alarm si Tee
ng alas-sais ng umaga kada umaga.

356
00:32:25,640 --> 00:32:28,400
Kundi namin alam ang oras,
mas nakaka-stress.

357
00:32:28,480 --> 00:32:34,080
Gugugulin namin ang araw namin
ng walang plano.

358
00:32:41,280 --> 00:32:44,560
Binigyan ko sila ng gawain.

359
00:32:46,000 --> 00:32:52,000
Umaga hanggang gabi,
hahanap kami ng paraan para makalabas.

360
00:32:52,720 --> 00:32:56,400
Palaging sinasabi ni Coach Eak
na may paraan para makalabas.

361
00:32:57,040 --> 00:33:00,080
Kaya nagsikap kaming maghanap
ng labasan bawat araw.

362
00:33:03,440 --> 00:33:08,520
Kailangan kong maging positibo
para hindi sila sumuko.

363
00:33:15,880 --> 00:33:19,240
Lalakad kami hanggang mapagod,
at sa oras na 'yon gabi na.

364
00:33:20,680 --> 00:33:25,880
Gutom lang ang naiisip ko.

365
00:33:29,640 --> 00:33:31,680
Lahat pinag-uusapan ang pagkain.

366
00:33:31,760 --> 00:33:36,800
Parang gutom sa ibabaw
ng maraming gutom. Sobrang hirap.

367
00:33:37,480 --> 00:33:42,560
Gusto naming kainin ang lahat
ng naiisip namin. Bawat isang bagay.

368
00:33:44,160 --> 00:33:48,640
Nais naming mag-order ng KFC.
"Maghahatid kaya sila dito?" naisip namin.

369
00:33:49,880 --> 00:33:51,800
Karaniwang maiisip pag gutom.

370
00:33:52,840 --> 00:33:57,160
Nanaginip ang isang bata na umiinom
ng soya, ang paborito niyang inumin.

371
00:33:57,240 --> 00:33:59,760
Nanaginip siya na sumisipsip sa straw.

372
00:34:00,440 --> 00:34:06,080
Pero ng magisising siya, sinisipsip niya
pala ang daliri ng paa ni Adul.

373
00:34:10,600 --> 00:34:15,000
Gusto kong kainin ang kinain namin
sa football field ng hapong 'yon.

374
00:34:16,720 --> 00:34:22,600
Sayang lang kasi konti ang kinain ko. Kung
alam ko lang, marami sana kong kinain.

375
00:34:30,200 --> 00:34:33,080
Nanaginip akong kumakain
kasama ang pamilya ko.

376
00:34:36,360 --> 00:34:38,520
Umaasa ako na kung makakalabas ako,

377
00:34:39,200 --> 00:34:41,360
Matitikman ko uli luto ng inay ko.

378
00:34:43,680 --> 00:34:48,240
Wala kaming pera noon, nilulutuan ako
ng mga simpleng ulam ng nanay ko.

379
00:34:59,120 --> 00:35:02,600
Sa bahay, lagi kaming may buto ng baboy
at repolyong kari.

380
00:35:05,680 --> 00:35:07,520
Gusto ko talaga luto ng ina ko.

381
00:35:29,960 --> 00:35:33,080
Ang nasasabi ko lang sa kanila
ay uminom ng tubig.

382
00:35:34,080 --> 00:35:36,840
Gawin ang anuman para mabuhay.

383
00:35:40,200 --> 00:35:45,000
<i>Medyo nakatulong ang pag-inom ng tubig,</i>
<i>pero magugutom pa rin kami.</i>

384
00:35:46,800 --> 00:35:51,440
Nagsimula na kaming makaramdam ng pagod,
panghihina.

385
00:35:51,520 --> 00:35:55,000
Kapag sinubukan kong bumangon,
natutumba ako.

386
00:35:57,800 --> 00:36:02,440
Gagawin ko ang lahat para protektahan
sila, para masigurong ayos sila.

387
00:36:05,560 --> 00:36:08,360
Namatay ang magulang ko noong bata pa ako.

388
00:36:11,320 --> 00:36:15,760
Kaya hinirang ako bilang baguhang Budista,
para di pabigat sa kamag-anak ko.

389
00:36:17,280 --> 00:36:21,320
Hinirang ako ng mahigit sampung taon
bago ko iniwan ang pagkamonghe.

390
00:36:24,240 --> 00:36:30,040
Nakatulong na palakasin ang isip
at katawan ko ng pagiging isang Budista.

391
00:36:31,520 --> 00:36:35,320
Kung malulumbay tayo,
babagsak din ang ating katawan.

392
00:36:35,400 --> 00:36:38,560
pag malakas ang isip natin,
manunumbalik ang katawan.

393
00:36:39,760 --> 00:36:43,320
Bago kami matulog, nagdarasal kami,
humihingi ng proteksyon.

394
00:36:45,120 --> 00:36:50,280
Gusto niyang magdasal kami kay Nang Non
sa pag-asa ng isang himala.

395
00:36:53,400 --> 00:36:56,560
Nakakatulong ito sa aming guminhawa
at maging kalmado.

396
00:36:58,960 --> 00:37:02,720
Gusto niyang manatiling kalmado kami,
para di kami mabaliw.

397
00:37:03,320 --> 00:37:06,320
Para kung walang magligtas
di kami mababaliw.

398
00:37:06,400 --> 00:37:08,120
Maging mahinahon lang kami.

399
00:37:13,080 --> 00:37:17,480
Huminga lang kami ng malalim
at nagdasal na makaligtas kami.

400
00:37:37,080 --> 00:37:39,160
Malakas ang buhos ng ulan.

401
00:37:39,240 --> 00:37:43,880
At kung saan ako nakatayo
ay dating bakuran nitong pambansang parke…

402
00:37:43,960 --> 00:37:45,320
IKA-APAT NA ARAW

403
00:37:45,400 --> 00:37:51,040
…ngayon ay dagat na ng putik.
Mahirap ang bawat parte ng operasyong ito.

404
00:37:51,560 --> 00:37:55,240
-Gaano kaligtas ang nasa loob?
-Depende kung nasaan sila.

405
00:37:55,320 --> 00:37:58,360
Tama. Anong alam mo
sa ganitong klaseng kuweba?

406
00:37:58,440 --> 00:38:00,840
Kung nasa tamang lugar sila,

407
00:38:00,920 --> 00:38:05,280
mabubuhay sila ng lima, anim na araw.
Pero ang tubig ngayon,

408
00:38:05,360 --> 00:38:08,920
ang tubig baha ay pataas ng pataas.

409
00:38:12,280 --> 00:38:15,920
Umaasa ako. Gusto kong makalabas
ng ligtas ang mga bata.

410
00:38:16,000 --> 00:38:17,280
NANAY NI MARK

411
00:38:17,360 --> 00:38:19,040
Lahat silang 13.

412
00:38:21,680 --> 00:38:24,560
Sabi nila sa akin
magdasal para huminto ang ulan,

413
00:38:25,440 --> 00:38:30,680
para pahintuin ng mga ispiritu
ng Tham Luang ang ulan.

414
00:38:31,200 --> 00:38:33,320
Para mailabas namin ang mga bata.

415
00:38:36,360 --> 00:38:37,960
Maliit na bata si Mark.

416
00:38:39,600 --> 00:38:41,400
At takot siya sa dilim.

417
00:38:43,200 --> 00:38:45,800
Marami na kaming pinagdaanang magkasama.

418
00:38:46,480 --> 00:38:50,960
Dahil nakipaghiwalay ako sa ama niya
noong halos isang taong gulang siya.

419
00:38:54,160 --> 00:38:57,760
Inisip ko
kung makakalabas ba siya ng buhay.

420
00:39:02,080 --> 00:39:04,720
Hindi ko ito kinaya, at nahimatay ako.

421
00:39:05,920 --> 00:39:08,680
Parang nasiraan na ako ng isip.

422
00:39:09,760 --> 00:39:12,000
Maayos ka na ba?
Heto, ammonia ito.

423
00:39:12,080 --> 00:39:14,760
-Hilutin siya.
-Nagkamalay na siya.

424
00:39:16,360 --> 00:39:20,040
4 NA ARAW SA LOOB NG KUWEBA

425
00:39:29,600 --> 00:39:31,800
Di na bumaba ang tubig, tumataas pa.

426
00:39:31,880 --> 00:39:35,000
Kaya, nagpatuloy lang kami
sa pag-asang may malabasan.

427
00:39:38,320 --> 00:39:42,240
<i>Umabot kami sa pinakamalayong lugar</i>
<i>na maaari naming puntahan.</i>

428
00:39:44,320 --> 00:39:46,080
Hindi kami makatakas.

429
00:39:47,440 --> 00:39:48,640
Puro kadiliman lang.

430
00:39:50,920 --> 00:39:51,880
Grabe ito.

431
00:39:53,520 --> 00:39:54,920
Gusto ko ng liwanag.

432
00:39:59,080 --> 00:40:01,320
Sabi ng isa sa mga bata sa grupo,

433
00:40:01,800 --> 00:40:06,280
"Hindi ko na kaya.
Pagod na ako. Gusto ko ng umuwi!"

434
00:40:06,360 --> 00:40:10,920
Uy, kakayanin natin ito.
Magtiwala ka sa akin.

435
00:40:11,640 --> 00:40:15,600
<i>Lumalakas ang stress</i>
<i>at gayundin ang gutom.</i>

436
00:40:16,640 --> 00:40:18,360
<i>Parang, hindi na namin kaya.</i>

437
00:40:22,200 --> 00:40:28,760
Sinisi ng lahat ang kanilang mga sarili.
Tulad ng, hindi sana kami pumunta.

438
00:40:31,200 --> 00:40:34,320
Sabi ni Eak, "Sino gustong umiyak, iyak.
Ilabas lang."

439
00:40:35,440 --> 00:40:38,120
Nais naming makita magulang namin.
Gutom kami.

440
00:40:38,840 --> 00:40:44,400
Sinasabi namin sa isa't isa, tulad ng,
mahal namin ang isa' isa at iba pa.

441
00:40:45,480 --> 00:40:48,120
Sobrang stress na kami.

442
00:40:49,640 --> 00:40:51,480
Di ko inisip na mabubuhay kami.

443
00:40:54,080 --> 00:40:58,440
Paulit-ulit kong sinabi na anumang
mangyari sa amin, di kami dapat masira.

444
00:40:59,760 --> 00:41:01,320
Kailangang magtulungan.

445
00:41:06,240 --> 00:41:09,360
Mga limang minutong katahimikan.

446
00:41:10,320 --> 00:41:12,080
Nakarinig kami ng helicopter.

447
00:41:13,200 --> 00:41:15,840
Parang lumilipad ang helicopter sa ibabaw.

448
00:41:18,720 --> 00:41:22,960
Nakarinig ako ng boom,
parang may gumagawa ng maingay.

449
00:41:23,440 --> 00:41:25,920
Tulad ng pagbabarena o anuman.

450
00:41:30,480 --> 00:41:33,960
Lahat ay parang, "Uy! Uy"!
Nagkapag-asa muli ang lahat.

451
00:41:34,040 --> 00:41:37,280
Mula sa kawalang pag-asa,
biglang nagkaroon ng pag-asa.

452
00:41:40,680 --> 00:41:42,200
May sasagip ba sa atin?

453
00:41:42,280 --> 00:41:45,120
Pakiusap tulungan ninyo kami!

454
00:41:45,200 --> 00:41:47,880
Di ko maisip
kung ano ang mga ingay na 'yon.

455
00:41:48,440 --> 00:41:49,720
May tao ba doon?

456
00:41:52,040 --> 00:41:54,240
Bigla, parang may tunog ng tubig.

457
00:41:54,320 --> 00:41:59,320
Parang tubig na bumubuhos. Sinubukan kong
tingnan kung anong nangyayari.

458
00:41:59,400 --> 00:42:01,400
Nakita ko ang aninong paparating.

459
00:42:01,880 --> 00:42:02,880
Parang daluyong!

460
00:42:07,000 --> 00:42:08,440
Para itong flash flood.

461
00:42:10,280 --> 00:42:13,560
Nang makita ko ito,
sabi kong takbo sila sa mas mataas.

462
00:42:18,640 --> 00:42:22,200
Lahat ay nagsimulang magkandarapa,
nagtutulakan sa isa't isa.

463
00:42:32,280 --> 00:42:36,640
Konti na lang natangay na si Eak.
Kung di siya tumalon, baka patay na siya.

464
00:42:41,880 --> 00:42:42,800
Ang lakas.

465
00:42:43,840 --> 00:42:44,760
At, payapa.

466
00:42:47,520 --> 00:42:48,480
Kalma ang tubig.

467
00:42:51,760 --> 00:42:54,120
PASUKAN, YUNGIB 2, YUNGIB 3
SANGANDAAN

468
00:42:54,200 --> 00:42:57,080
Napunta kami
sa pinakamataas na lugar sa kuweba.

469
00:42:57,160 --> 00:42:59,840
YUNGIB 3 KUNG NASAAN SILA

470
00:42:59,920 --> 00:43:05,480
Walang daan palabas.
At ngayon lubusang binaha na ang pasukan.

471
00:43:14,200 --> 00:43:17,320
Umaagos ang tubig sa loob
at napuno na ang kuweba.

472
00:43:17,840 --> 00:43:23,560
Maririnig mo ang pagtama ng tubig
sa mga pader ng kuweba. Boom, boom, boom.

473
00:43:26,880 --> 00:43:28,600
Bumulwak ang tubig sa amin.

474
00:43:31,280 --> 00:43:34,000
Nabigla kami.
Hind pa kami nakakita ng ganito.

475
00:43:35,440 --> 00:43:37,560
Sa pagtaas ng tubig, umatras kami.

476
00:43:40,160 --> 00:43:44,960
Kailangan naming magsimula muli
sa pasukan ng kuweba.

477
00:43:48,000 --> 00:43:50,320
Nakapanlulumo, sobrang nakapanlulumo.

478
00:43:56,680 --> 00:43:58,360
<i>Nawala ang pag-asa namin.</i>

479
00:44:00,480 --> 00:44:03,200
Ngayon wala na kaming pagpipilian.

480
00:44:03,760 --> 00:44:06,480
Naipit na kami.
Wala ng ibang mapupuntahan.

481
00:44:10,040 --> 00:44:12,320
Umasa kaming titigil na ang tubig.

482
00:44:12,800 --> 00:44:14,360
Sana wag ng tumaas pa.

483
00:44:20,120 --> 00:44:25,960
Nagsimula akong mag-isip na kung
mamamatay kami, ito ay mula sa pagkalunod.

484
00:44:28,440 --> 00:44:30,920
Pakiramdam ko sa ganoon kami mamamatay.

485
00:44:40,600 --> 00:44:44,720
Nag-alala talaga ako
kasi nawalan na ng anak ang nanay ko noon.

486
00:44:45,200 --> 00:44:47,200
Ayokong malungkot siya muli.

487
00:44:50,640 --> 00:44:53,720
<i>Sensitibong bata si Tle.</i>

488
00:44:56,080 --> 00:44:59,680
<i>Ini-spoil siya ng magulang niya,</i>
<i>kasi nag-iisang anak siya.</i>

489
00:45:00,920 --> 00:45:02,720
Inaakap ko siya pag natutulog.

490
00:45:02,800 --> 00:45:04,320
NANAY NI TLE

491
00:45:04,400 --> 00:45:06,760
Kaming tatlo magkakasamang natutulog.

492
00:45:07,920 --> 00:45:12,040
Para sa akin,
sinisisi ko ang kapalaran ko.

493
00:45:12,720 --> 00:45:17,040
Naisip ko baka marami akong karma,
kasi di ko napalaki ang unang anak ko.

494
00:45:18,280 --> 00:45:21,840
At kapag nawala ko din ang batang ito,
Hindi ko na kakayanin.

495
00:45:34,360 --> 00:45:39,760
Sinisi ko ang sarili ko. Dinala ko sila
doon. Ako ang responsable dito.

496
00:45:41,760 --> 00:45:44,080
Hindi ko gustong may mawalan.

497
00:45:45,600 --> 00:45:50,720
Napakasakit ng mawalan ng minamahal.

498
00:45:52,400 --> 00:45:55,640
Noong anim na taong gulang ako,
namatay ang kapatid ko.

499
00:45:56,400 --> 00:46:00,960
At ang nanay ko, hindi niya ito nakayanan.
Kaya namatay din siya.

500
00:46:02,440 --> 00:46:07,040
At hindi nagtagal,
nagkasakit ang tatay ko at namatay.

501
00:46:11,280 --> 00:46:13,840
Kung may mamatay…

502
00:46:15,360 --> 00:46:18,360
Hindi ko alam kung paano…

503
00:46:20,080 --> 00:46:22,840
Paano harapin…
Paano harapin ang pamilya nila.

504
00:46:23,400 --> 00:46:27,320
Hindi ko alam paano kakayanin
o paano ko sasabihin

505
00:46:28,120 --> 00:46:32,160
na dinala ko ang mga anak nila dito
para mamatay.

506
00:46:55,880 --> 00:46:59,480
LIMANG ARAW SA LOOB NG KUWEBA

507
00:47:03,800 --> 00:47:05,600
Naipit na kami.

508
00:47:05,680 --> 00:47:10,320
Ang pwede lang gawin ay umakyat
at maghukay ng aming daan palabas.

509
00:47:17,680 --> 00:47:20,320
Wala akong ideya kung gaano ito kakapal.

510
00:47:23,440 --> 00:47:25,880
Naisip ko pag maghukay, makakalabas kami.

511
00:47:28,720 --> 00:47:32,320
Salit-salitan kami sa paghuhukay.

512
00:47:33,320 --> 00:47:35,480
Kung walang ginagawa ang mga bata,

513
00:47:35,560 --> 00:47:40,640
nagsisimula silang mag-isip ng masama.

514
00:47:41,360 --> 00:47:44,280
At siguradong
magkakawatak-watak ang grupo.

515
00:47:48,600 --> 00:47:49,840
Lika tulungan mo ko.

516
00:47:49,920 --> 00:47:51,200
Nagtulungan kami.

517
00:47:51,760 --> 00:47:55,680
Teamwork ito,
tulad noong naglaro kami ng football.

518
00:47:56,240 --> 00:48:00,560
Di ka pwedeng maglarong mag-isa di ba?
Kailangang laruin ng magkakasama.

519
00:48:03,720 --> 00:48:06,880
Isang koponan kami.
Magkasama kaming manalo o matalo.

520
00:48:13,880 --> 00:48:17,360
At tinanong ako ng mga bata
kung gaano kalalim sa inisip ko.

521
00:48:18,520 --> 00:48:22,600
-Kaya, sabi ko mga limang metro.
-Lahat naniwala. Lahat kami.

522
00:48:24,400 --> 00:48:28,440
<i>Naisip ko baka humantong kami</i>
<i>sa taniman ng orange.</i>

523
00:48:57,440 --> 00:49:03,320
Kapag nakalabas kami sa hukay, Kakain kami
ng ilang orange ng estranghero.

524
00:49:03,400 --> 00:49:06,680
Pagagalitan kaya kami?
Palalayasin ba kami ng may-ari?

525
00:49:07,160 --> 00:49:10,720
Pinlano namin ito ng husto.

526
00:49:14,240 --> 00:49:19,080
Pag nakalabas kami at nahanap ang taniman
ng orange, may maliit na tindahan doon.

527
00:49:19,160 --> 00:49:24,560
Kukuha kami ng makakain. At kolektahin ang
mga bisikleta namin sa harap ng kuweba.

528
00:49:25,040 --> 00:49:27,080
At magbisikletang umuwi.

529
00:49:42,400 --> 00:49:45,280
Patuloy kaming naghukay, nagpatuloy.

530
00:49:48,440 --> 00:49:52,920
Ang ilan sa amin nagnanais
na tamaan ng asteroid ang kuweba.

531
00:49:54,400 --> 00:49:57,840
Boom! Pag sumalpok ito,
makakaalis na kami.

532
00:49:59,840 --> 00:50:05,240
Nang nagsimulang magbiro ang mga bata,
medyo nakatulong ito.

533
00:50:07,000 --> 00:50:10,880
May nagtanong, "Pag may babaeng
nakahubad dito, anong gagawin mo?"

534
00:50:12,680 --> 00:50:14,840
Sabi ni Adul, "Pagod na ko…

535
00:50:15,440 --> 00:50:18,160
papahukayin ko siya!"

536
00:50:19,720 --> 00:50:22,120
Lahat nagtawanan ng husto.

537
00:50:22,200 --> 00:50:24,640
Akala namin may iba siyang sasabihin.

538
00:50:24,720 --> 00:50:30,840
Hay, naku! Ang daming nakakatawa. Pero
di nakakatawa ang mood. Nakakakaba ito.

539
00:50:39,960 --> 00:50:43,720
Ito ang huling pag-asa namin.
Ito ang tanging labasan namin.

540
00:50:52,320 --> 00:50:56,160
Nararamdaman ko na talaga ang interes
sa nangyayari araw-araw.

541
00:50:56,960 --> 00:50:59,880
Kaagad, naging isang maliit
na nayon ito sa gubat

542
00:50:59,960 --> 00:51:02,160
kung saan may daan-daang tao roon.

543
00:51:02,240 --> 00:51:07,400
Naging isang
malaking pangyayari ito sa daigdig.

544
00:51:07,480 --> 00:51:11,280
Ang kapalaran ng 12 batang manlalaro
at coach nila sa Thailand

545
00:51:11,360 --> 00:51:13,240
ay nakabihag sa buong mundo.

546
00:51:13,320 --> 00:51:18,320
12 kabataang manlalaro ng soccer
at coach nila ang nawawala.

547
00:51:18,400 --> 00:51:22,120
May nakapagsabi ba hanggang kailan
ang itatagal ng grupong ito?

548
00:51:22,200 --> 00:51:23,400
Hindi nila alam.

549
00:51:23,480 --> 00:51:25,680
Walang tigil ang mga rescuer

550
00:51:25,760 --> 00:51:28,840
sa pagbomba ng libong galong tubig
palabas sa kuweba

551
00:51:28,920 --> 00:51:31,600
para makapasok sila at mahanap ang grupo.

552
00:51:31,680 --> 00:51:35,560
Naalala ko, nandoon kami.
Tngin ko karamihan akala wala na sila.

553
00:51:35,640 --> 00:51:38,960
Tingin ko, ganoon talaga.
Parang, tiyak, patay na sila.

554
00:51:40,200 --> 00:51:43,680
Sa mga unang araw,
pinipilit nilang higupin ang tubig.

555
00:51:43,760 --> 00:51:49,480
At nagpadala sila ng mga Navy Seal. Pero,
ang lakas ng agos, kaya di sila makapasok.

556
00:51:50,240 --> 00:51:52,880
Doon sila humingi ng tulong
sa ibang bansa.

557
00:51:52,960 --> 00:51:58,920
Kahapon, sabi namin bawat minuto mahalaga.
Ngayon, bawat sampung segundo mahalaga.

558
00:51:59,000 --> 00:52:02,520
Pero natatalo kami
sa laban namin sa tubig.

559
00:52:03,080 --> 00:52:07,760
At ngayon may mga eksperto tayo.

560
00:52:07,840 --> 00:52:14,600
Mga eksperto sila sa pagsisid sa kuweba,
nagmula pa sa lahat ng panig ng mundo.

561
00:52:15,800 --> 00:52:19,560
Maraming grupo
ang gumagawa sa operasyong ito.

562
00:52:20,560 --> 00:52:24,120
Lahat sila nasa 8,000 na tao.

563
00:52:24,880 --> 00:52:29,040
Mga diver mula Amerika,
Australya, at Tsina.

564
00:52:33,040 --> 00:52:36,120
Nariyan ang grupo
ng mga boluntaryong diver.

565
00:52:36,200 --> 00:52:37,520
Isang napaka, parang

566
00:52:37,600 --> 00:52:40,240
mga grupo ng mga kakatwa sa buong mundo.

567
00:52:42,760 --> 00:52:44,600
Maaga pa lang, sabi ko na,

568
00:52:44,680 --> 00:52:47,320
"Kung may magagawa kami mula sa Australya

569
00:52:47,400 --> 00:52:50,920
magpadala ng tao
o payo sa telepono o anuman,

570
00:52:51,640 --> 00:52:54,400
sabihin ninyo lang, at tutulong ako."

571
00:52:56,920 --> 00:53:01,360
Si Rick Stanton at John Volanthen
ay mga kilalang diver sa kuweba

572
00:53:01,440 --> 00:53:03,920
sa piling antas ng sport na ito.

573
00:53:04,920 --> 00:53:09,280
Nagsimula ang pag-uusap namin ni Rick
ilang araw bago kami talaga umalis

574
00:53:09,360 --> 00:53:10,960
upang pumunta sa Thailand.

575
00:53:11,680 --> 00:53:16,320
Ayon kay Rick at John
ang kuweba ay talagang lubog sa baha.

576
00:53:16,400 --> 00:53:19,360
Di talaga mapapasok
ng mga diver ang kuweba.

577
00:53:26,120 --> 00:53:30,600
Ang Thai Navy Seal at si Ben Reymenants
at isang kasama ni Ben na diver

578
00:53:30,680 --> 00:53:34,600
ay sangkot sa paglagay
ng ilang tali noon sa kuweba.

579
00:53:37,360 --> 00:53:41,040
Pero ang impormasyong nakukuha
namin mula sa ilan tulad ni Ben

580
00:53:41,120 --> 00:53:43,280
ay talagang grabe ang kundisyon.

581
00:53:46,080 --> 00:53:47,080
Huwag magkamali.

582
00:53:47,160 --> 00:53:51,120
Kalimitan, hindi ako kailanman
tatalon doon. Imposible.

583
00:53:53,760 --> 00:53:58,560
Malakas na agos at walang makita.
Hindi talaga ako masyadong umaasa.

584
00:54:02,520 --> 00:54:06,160
Madilim at masalimuot sa kuweba.
Kaya, naglagay kami ng lubid.

585
00:54:06,960 --> 00:54:12,560
Ang unang grupo ay sisisid
at maglalagay ng tali habang papunta.

586
00:54:14,200 --> 00:54:16,120
Pagdating sa dulo, babalik sila.

587
00:54:17,160 --> 00:54:22,040
Ang sunod na grupo maglalagay ng isa pang
tali mula doon at magpapatuloy.

588
00:54:23,960 --> 00:54:25,320
Salitan buong oras,

589
00:54:25,400 --> 00:54:27,720
ang mga Briton, naglalagay ng lubid.

590
00:54:27,800 --> 00:54:31,480
Sunod ang Navy Seal, kami,
at salitan, talaga, buong oras.

591
00:54:33,800 --> 00:54:37,160
Kailangan naming magpatuloy.
Dapat mahanap ang mga bata.

592
00:54:37,240 --> 00:54:41,520
Kailangang mailabas namin
ang mga bata sa kuweba.

593
00:54:52,640 --> 00:54:56,480
<i>Ang ikalima, ikaanim, at ikapitong araw.</i>
<i>Pare-pareho lang sila.</i>

594
00:55:05,640 --> 00:55:08,760
Madilim at nauubos na
ang baterya ng flashlight namin.

595
00:55:10,560 --> 00:55:15,760
Na-stress kami dahil doon. Pag walang
flashlight, wala kaming magawa o makita.

596
00:55:17,880 --> 00:55:24,280
<i>Ganito naging buhay namin.</i>
<i>Hukay, upo, inom ng tubig. Iyon lang.</i>

597
00:55:28,520 --> 00:55:31,640
Kung wala kaming ginawa,
naghihintay kaming mamatay.

598
00:55:31,720 --> 00:55:35,240
Sa pamamagitan ng paghuhukay.
may tsansa na makaligtas kami.

599
00:55:40,040 --> 00:55:43,440
Habang naghuhukay kami,
lahat kami nakakarinig ng ingay.

600
00:55:44,800 --> 00:55:47,280
May mga ingay ng mga batang naglalaro.

601
00:55:50,320 --> 00:55:55,680
Nakarinig ako ng tandang at ang ilan
sa mga mas bata nakarinig ng mga aso.

602
00:55:57,720 --> 00:55:59,880
Di namin alam saan sila nanggaling.

603
00:56:00,360 --> 00:56:01,800
Narinig lang namin sila.

604
00:56:01,880 --> 00:56:04,520
Nagkakaproblema ang utak namin.

605
00:56:05,080 --> 00:56:09,000
Ayos ka lang? Tayo na. Hoy.

606
00:56:09,560 --> 00:56:13,600
<i>Inaaliw namin ang isa't isa.</i>
<i>Kung may nalulungkot,</i>

607
00:56:13,680 --> 00:56:16,080
<i>aaliwin ng nakatatanda ang nakababata.</i>

608
00:56:21,920 --> 00:56:27,040
Palagi kong sinasabi sa mga bata
na siguradong may magliligtas sa atin.

609
00:56:27,800 --> 00:56:30,360
Na mabubuhay tayo at hindi mamamatay dito.

610
00:56:31,960 --> 00:56:35,400
Aaliwin ako ni Tee.
Binigyan niya ko ng pag-asa.

611
00:56:36,640 --> 00:56:38,480
Tinitiyak kong mabubuhay lahat.

612
00:56:38,960 --> 00:56:42,360
Dinala namin sila rito.
Ilalabas namin sila ng buhay.

613
00:56:52,840 --> 00:56:55,720
Miss ko na ang nanay ko.
Miss ko na pamilya ko.

614
00:56:58,840 --> 00:57:02,640
Ilan sa mga bata
natulog katabi ko sa mga bisig ko.

615
00:57:08,880 --> 00:57:11,080
Nang natulog kaming magkakahawak…

616
00:57:11,720 --> 00:57:14,680
parang kaakap ko pamilya ko.
Masarap sa pakiramdam.

617
00:57:33,240 --> 00:57:37,640
Hindi ako gaanong makatulog.
Kinausap ko ang asawa ko.

618
00:57:38,480 --> 00:57:42,880
Anong gagawin natin kung mamatay siya?

619
00:57:43,880 --> 00:57:47,120
Hindi ako kumain ng kahit ano
sa loob ng limang araw.

620
00:57:49,240 --> 00:57:53,960
Nag-aalala lang ako sa anak ko. Iniisip ko
kung anong ginagawa niya ngayon.

621
00:57:54,520 --> 00:57:57,440
-Kumusta ka nitong nakaraang araw?
-Stress.

622
00:57:57,920 --> 00:57:59,400
May sasabihin ka ba?

623
00:58:00,360 --> 00:58:02,080
Gusto ko ng makita anak ko.

624
00:58:04,120 --> 00:58:07,080
Tumanggi akong matulog.

625
00:58:07,640 --> 00:58:10,920
Gusto nilang matulog ako.
Binigyan nila ako ng gamot.

626
00:58:11,000 --> 00:58:16,000
Pero tumanggi akong inumin. Ayoko. Baka
lumabas ang anak ko at di ko siya makita.

627
00:58:16,560 --> 00:58:21,480
-Umaasa ka pa ba?
-Fifty-fifty…

628
00:58:24,760 --> 00:58:28,680
Malungkot talaga ako noong araw
na nagtanong ang mga tao sa akin,

629
00:58:29,680 --> 00:58:33,920
"Kung namatay ang anak mo,
paano mo mababayaran ang libing?"

630
00:58:34,800 --> 00:58:35,800
Nadurog ako.

631
00:58:35,880 --> 00:58:42,040
Dalangin ko anuman ang mangyari na mahanap
namin ang mga bata, patay man o buhay.

632
00:58:42,120 --> 00:58:44,680
Kahit man lang sana makita katawan nila.

633
00:58:58,080 --> 00:58:59,160
Sasabihin ko,

634
00:58:59,240 --> 00:59:04,520
sa ngayon di pa nagbubunga ang paggamit
ng agham. Nag-aalala na ang mga lokal.

635
00:59:05,360 --> 00:59:10,480
Ngayon, inimbitahan nila
si Phra Khuva Boonchum,

636
00:59:10,560 --> 00:59:14,400
na isang napakarespetadong monghe
sa Lalawigan ng Chiang Rai.

637
00:59:14,480 --> 00:59:17,840
Pumunta siya para magsagawa ng seremonya
para sa espiritu…

638
00:59:17,920 --> 00:59:20,080
Seremonya na magbubukas ng daanan.

639
00:59:21,920 --> 00:59:26,480
Pumunta ang Kagalang-galang na Monghe
para palayain ang ispiritu at maawa.

640
00:59:27,840 --> 00:59:32,080
<i>Ayon sa alamat,</i>
<i>ang Kagalang-galang na Mongheng Boonchum</i>

641
00:59:32,160 --> 00:59:34,120
<i>ay soulmate ni Nang Non noon.</i>

642
00:59:35,120 --> 00:59:39,480
Umuulan buong araw bago dumating
ang Kagalang-galang na Monghe.

643
00:59:39,560 --> 00:59:44,160
Sa sandaling dumating siya,
tumigil ang ulan. Tumigil lang ito.

644
00:59:46,960 --> 00:59:50,960
Nag-meditate si Khuva at sinabing

645
00:59:51,040 --> 00:59:56,160
ang mga bata
ay magkakasama pa rin at buhay.

646
00:59:56,680 --> 01:00:00,760
Tumigil ako ng iyak pagdating ni Khuva
kasi paniwala ko ayos anak ko.

647
01:00:01,240 --> 01:00:04,480
Paniwala kong ligtas siya
at iyon ang nagpasaya sa akin.

648
01:00:07,480 --> 01:00:08,560
Kumanan.

649
01:00:09,480 --> 01:00:14,160
BALITA SA VATICAN

650
01:00:14,240 --> 01:00:20,720
Ang dalangin ko ay ukol sa mga
nawalang bata noong nakaraang linggo.

651
01:00:21,280 --> 01:00:24,240
Lahat ay nagdarasal para sa kanila,
sa buong mundo.

652
01:00:24,320 --> 01:00:28,800
Ipagdasal natin ang mga bata
na nawala noong nakaraang linggo.

653
01:00:28,880 --> 01:00:34,160
Napakalaking pwersa ito ng pagkakaisa.
Di lang sa Thailand, kundi buong mundo.

654
01:00:51,040 --> 01:00:54,880
9 NA ARAW SA LOOB NG KUWEBA

655
01:01:01,560 --> 01:01:07,320
Sa ika-siyam na araw,
wala ng may natitirang lakas.

656
01:01:12,720 --> 01:01:15,680
Nasa gitna na kami ng buhay at kamatayan.

657
01:01:18,960 --> 01:01:21,880
<i>Si Eak ang pinakamaraming hinukay</i>
<i>sa aming lahat.</i>

658
01:01:23,000 --> 01:01:24,600
<i>Gusto niya kaming makaalis.</i>

659
01:01:26,720 --> 01:01:29,280
<i>Naghukay si Eak</i>
<i>hanggang magdugo kamay niya.</i>

660
01:01:35,400 --> 01:01:38,600
<i>Pinanghihinaan na ako ng loob.</i>

661
01:01:39,520 --> 01:01:43,440
<i>Habang naghuhukay ako,</i>
<i>lihim akong umiiyak.</i>

662
01:01:49,080 --> 01:01:51,480
<i>Kung may makakita, manghihina rin sila.</i>

663
01:01:59,080 --> 01:02:02,600
Natakot ako na makalimutan kami ng tao.

664
01:02:03,080 --> 01:02:07,880
Tulad ng, "Ang 13 batang 'yon
malamang hindi nakatagal.

665
01:02:07,960 --> 01:02:09,440
Kalimutan na natin sila."

666
01:02:13,720 --> 01:02:17,000
Lumalala ang mga kaibigan ko.

667
01:02:18,320 --> 01:02:23,040
Nag-akapan kami, handang sumuko.
Parang, kung mamatay kami, mamamatay kami.

668
01:02:44,400 --> 01:02:50,960
Sabi ng ilang bata pwede naming kainin
ang unang mamamatay.

669
01:02:51,840 --> 01:02:58,840
Sinumang mamatay papakainin
ang mga kaibigan nila. Para mabuhay sila.

670
01:03:05,440 --> 01:03:07,880
Nang matutulog na kami, sinabi namin,

671
01:03:09,160 --> 01:03:12,440
"Kung hindi tayo maghuhukay bukas
ng lalabasan natin…

672
01:03:13,600 --> 01:03:14,760
Tapos na tayo."

673
01:03:25,600 --> 01:03:29,240
10 ARAW SA LOOB NG KUWEBA

674
01:03:38,560 --> 01:03:40,320
Hindi na kaya ng katawan ko,

675
01:03:42,240 --> 01:03:46,400
Nakahiga lang ako,
nakabaluktot, niyayakap ang sarili.

676
01:03:51,840 --> 01:03:53,760
Nagsasara na ang mga utak namin.

677
01:03:59,880 --> 01:04:01,520
Sabi ng lahat…

678
01:04:03,040 --> 01:04:04,920
"Ito na ata huling araw natin."

679
01:04:06,400 --> 01:04:08,680
Natakot kami na mamamatay na.

680
01:04:12,480 --> 01:04:16,040
Ang mga flashlight ay halos patay na.

681
01:04:17,920 --> 01:04:22,440
Sabi ni Eak patayin lang namin
ang mga flashlight. Maging kami lang muna.

682
01:04:38,680 --> 01:04:40,520
<i>Bigla, may narinig akong tunog.</i>

683
01:04:45,680 --> 01:04:49,120
<i>Ito ay parang mga bula.</i>

684
01:04:58,560 --> 01:05:01,680
<i>Narinig ko uli.</i>
<i>May narinig akong nagsabing, "Hello"?</i>

685
01:05:01,760 --> 01:05:02,760
Hello?

686
01:05:04,640 --> 01:05:06,720
<i>May enerhiya na gumising sa akin.</i>

687
01:05:11,280 --> 01:05:14,680
<i>Nawala ang gutom at pagod ko.</i>

688
01:05:16,920 --> 01:05:18,280
<i>Natigilan kami.</i>

689
01:05:18,760 --> 01:05:21,840
<i>Para kaming,</i>
<i>"Baba ka, bilis, bago sila umalis."</i>

690
01:05:43,880 --> 01:05:46,720
Nasa harap ako.
Muntik akong mahulog pagtalon ko.

691
01:05:49,360 --> 01:05:52,560
Umiyak ako. Umiiyak ako noon.

692
01:05:54,280 --> 01:05:56,560
-Salamat.
-Hello. Salamat.

693
01:05:56,640 --> 01:05:58,200
Ilan kayo?

694
01:05:58,280 --> 01:06:00,080
-13.
-13?

695
01:06:00,160 --> 01:06:01,720
-Oo, 13.
-Magaling.

696
01:06:01,800 --> 01:06:06,640
-Oo, oo.
-Kahit sino, hingi ng pagkain sa kanila.

697
01:06:09,520 --> 01:06:12,880
Napakasaya namin
na may dumating para iligtas kami.

698
01:06:14,280 --> 01:06:16,840
Di ko alam paano ito ilarawan.
Sobrang saya.

699
01:06:17,760 --> 01:06:19,400
Sa wakas, may tutulong.

700
01:06:19,480 --> 01:06:24,160
10 araw na kayo rito.
Napakalakas ninyo.

701
01:06:24,240 --> 01:06:26,360
-Malakas.
-Napakalakas.

702
01:06:26,920 --> 01:06:31,120
-Sinong marunong mag-ingles? Isalin!
-Nagugutom kami!

703
01:06:31,200 --> 01:06:35,160
-Alam ko. Nauunawaan ko. Babalik kami.
-Alam niya. Babalik siya uli.

704
01:06:35,240 --> 01:06:38,720
-Ayos? Babalik kami.
-Gusto nilang kumuha ng litrato.

705
01:06:42,400 --> 01:06:46,800
-Sabihin mo sa kanila gutom na tayo.
-Sinabi ko na. Alam daw nila.

706
01:06:46,880 --> 01:06:48,960
May dala siyang tsokolate.

707
01:06:49,040 --> 01:06:52,160
"Dapat ba nating hingin sa kanya?
Dapat ba?"

708
01:06:53,520 --> 01:06:58,400
At walang nangahas na hingin ito sa kanya.
Nakakatawa talaga ito.

709
01:06:58,880 --> 01:07:02,880
-Napakasaya ko.
-Masaya rin kami.

710
01:07:02,960 --> 01:07:04,760
Oo. Maraming salamat.

711
01:07:06,080 --> 01:07:08,680
Proud ako. Sobrang proud ako sa mga bata.

712
01:07:08,760 --> 01:07:13,880
Kung hindi naging malakas ang loob nila,
o kung di naging malakas ang katawan nila,

713
01:07:13,960 --> 01:07:19,000
palagay ko di nila kakayaning tumagal
bago pa dumating ang tulong.

714
01:07:25,320 --> 01:07:27,840
Sabi nila maghintay tayo rito.

715
01:07:27,920 --> 01:07:30,720
Sinabi ng mga diver na maghintay kami.

716
01:07:31,600 --> 01:07:34,160
Isang grupo ng mga Thai diver
ang darating.

717
01:07:42,120 --> 01:07:44,520
Naguluhan talaga ako.

718
01:07:45,560 --> 01:07:49,240
Akala ko ilalabas kami ng mga dayuhan.
Pero umalis na sila.

719
01:08:08,920 --> 01:08:13,240
May hiyawan bandang 10 ng gabi.
Bumaba kami para makita ang nangyayari.

720
01:08:16,320 --> 01:08:19,000
Sobrang saya namin.

721
01:08:23,440 --> 01:08:25,200
<i>Tumalon at nagyakapan kami.</i>

722
01:08:26,760 --> 01:08:28,080
Uuwi na siya.

723
01:08:28,160 --> 01:08:32,560
Nabuhayan kami muli.
Para bang nagbukas ang langit.

724
01:08:40,640 --> 01:08:44,880
Gumaan ang pakiramdam ko
tulad ng bulaklak na namukadkad.

725
01:08:45,360 --> 01:08:51,680
Napakasaya ko.
Ito ang pinakamasayang naramdaman ko.

726
01:08:54,280 --> 01:08:57,320
Magkakaroon ng press conference.

727
01:08:57,400 --> 01:08:59,960
Nakita na namin ang 13 na bata.
Ligtas sila.

728
01:09:02,160 --> 01:09:06,760
Natagpuan silang mga buhay ngayon,
pagkatapos mawala ng sampung araw.

729
01:09:06,840 --> 01:09:11,000
Natagpuang buhay ng mga rescuer
ang 12 na bata at coach nila.

730
01:09:11,080 --> 01:09:15,360
Nakatanggap kami ng balitang nakita na
ang mga bata. Napakaganda nito.

731
01:09:24,200 --> 01:09:27,720
<i>Nang gabing iyon, ang saya-saya namin.</i>

732
01:09:31,280 --> 01:09:35,000
<i>Naging masaya kami.</i>
<i>Nagyakapan kami at kumanta.</i>

733
01:09:38,800 --> 01:09:40,400
Hindi na kami stress.

734
01:09:41,160 --> 01:09:42,400
Hindi na ako takot.

735
01:09:45,440 --> 01:09:47,240
Sobra na akong na-pressure.

736
01:09:47,320 --> 01:09:51,280
Pero ngayon,
parang inalis sa akin ang isang bundok.

737
01:09:51,360 --> 01:09:55,320
Nakaligtas kami!
Sulit lahat ng mga ginawa namin.

738
01:09:58,960 --> 01:10:00,200
Ang iisipin na lang,

739
01:10:00,800 --> 01:10:03,120
anong mangyayari sa akin pag labas ko.

740
01:10:16,000 --> 01:10:18,160
-Sa kabuuan, malusog pa lahat?
-Oo.

741
01:10:18,240 --> 01:10:20,840
Ang kaisipan nila…
Nagdala ka ba ng tagapayo?

742
01:10:20,920 --> 01:10:24,480
Sa ngayon, mauuna muna ang mga SEAL.
Para sa kaligtasan nila.

743
01:10:24,960 --> 01:10:26,360
Lipat natin mga tangke.

744
01:10:29,240 --> 01:10:32,600
<i>Narinig na lang namin,</i>
<i>ang pagdating ng grupo ng rescue.</i>

745
01:10:37,360 --> 01:10:39,760
Sabi nila, "Sikat na kayo, di ba?"

746
01:10:39,840 --> 01:10:44,040
Lahat kami napaisip, "Ano? Talaga"?
Mga promding bata lang kami.

747
01:10:44,120 --> 01:10:46,440
"Sikat sa mundo"?
Ayaw naming maniwala.

748
01:10:50,920 --> 01:10:52,480
Kala ko kakain na kami.

749
01:10:52,560 --> 01:10:56,680
Iyon lang naisip ko. Darating na
ang pagkain. Iyon lang ang gusto ko.

750
01:11:00,200 --> 01:11:05,040
Nang araw na 'yon, pinainom kami
ng power gel para bigyan kami ng lakas.

751
01:11:06,560 --> 01:11:10,120
Lahat medyo nadismaya.
Wala pang laman ang tiyan namin.

752
01:11:10,200 --> 01:11:12,440
Kumakain lang kami para mabuhay.

753
01:11:15,320 --> 01:11:19,280
Pagdating nila,
para akong, "Paano kami lalabas?"

754
01:11:19,360 --> 01:11:21,840
Hindi pa rin bumababa ang tubig.

755
01:11:21,920 --> 01:11:26,320
Pero parang di sila sigurado.
Sabi nila malalaman daw namin.

756
01:11:30,080 --> 01:11:34,560
<i>Isang grupo ang nanatili sa amin</i>
<i>sa kuweba. Apat na opisyal ang nagpaiwan.</i>

757
01:11:41,640 --> 01:11:46,640
-Sino 'yan? iyong naka-dark blue na shirt?
-Anak ni Ae.

758
01:11:47,280 --> 01:11:49,360
Si Titan! Nakahiga si Titan.

759
01:11:49,440 --> 01:11:51,760
Naiyak ako ng makitang ang payat niya.

760
01:11:52,320 --> 01:11:55,520
-Halos di ko siya makilala.
-Puro buto siya.

761
01:11:55,600 --> 01:11:58,520
Pero napakaswerte namin na ligtas siya.

762
01:12:03,760 --> 01:12:04,920
Nakita namin sila.

763
01:12:05,640 --> 01:12:08,480
Saglit kaming nagsaya,
pero may isa pang hamon.

764
01:12:10,200 --> 01:12:13,400
Ang susunod na hakbang ay mag-isip

765
01:12:14,040 --> 01:12:18,400
ng paraan para alisin
ang mga bata sa kuweba.

766
01:12:21,520 --> 01:12:24,480
Para sa gobyerno ng Thai,
di nila alam ang gagawin.

767
01:12:24,560 --> 01:12:28,040
At tiyak na hindi pagpuna 'yon
sa mga Thai,

768
01:12:28,120 --> 01:12:32,040
kasi kahit anong bansa sa mundo
ay walang magiging plano para dito.

769
01:12:32,120 --> 01:12:34,920
Wala pa noong nakaranas
ng ganitong sitwasyon.

770
01:12:37,120 --> 01:12:39,880
Maraming bihasang diver sa kweba
sa buong mundo

771
01:12:39,960 --> 01:12:42,840
na handa sa mga ipagagawa
na makaabot sa puntong

772
01:12:42,920 --> 01:12:45,800
makakatulong sila
sa pagliligtas sa mga bata.

773
01:12:45,880 --> 01:12:47,520
Pero ang kaibahan namin…

774
01:12:47,600 --> 01:12:50,120
ANESTESISTA - SIRUHANO NG VET

775
01:12:50,200 --> 01:12:53,920
…sa iba ay ang kasanayang medikal
na mabibigay namin dito,

776
01:12:54,000 --> 01:12:59,080
at malinaw, bilang anestesista at isang
vet na may kasanasan sa anestesya,

777
01:12:59,160 --> 01:13:02,640
alam mo, na napakahalagang bagay 'yon
na magkaroon tayo.

778
01:13:04,960 --> 01:13:09,760
Napakalaki ng panganib ng pagsisid
sa may mga malay na bata.

779
01:13:09,840 --> 01:13:12,360
May posibilidad na mag-panic ang mga bata.

780
01:13:12,920 --> 01:13:15,000
At ang panic ay kamatayan, talaga.

781
01:13:17,080 --> 01:13:20,880
Nag-isip kami ng ilang mga opsyon.
Napunta ako sa pagkonsidera

782
01:13:21,360 --> 01:13:23,840
na maghintay na tuluyang humupa ang tubig,

783
01:13:24,760 --> 01:13:26,520
na aabot ng apat na buwan.

784
01:13:27,400 --> 01:13:29,840
Pansamantala, papadala kami ng pagkain.

785
01:13:32,520 --> 01:13:33,520
Nabigla ako…

786
01:13:34,600 --> 01:13:38,640
nang nabalitaan kong
paghihintayin nila kaming humupa ang tubig

787
01:13:38,720 --> 01:13:40,240
o pag wala ng tag-ulan.

788
01:13:41,840 --> 01:13:44,080
Bakit kailangang maghintay ng matagal?

789
01:13:46,920 --> 01:13:48,400
Nasiraan kami ng loob.

790
01:13:52,320 --> 01:13:54,360
Habang lalo ko itong iniisip,

791
01:13:54,440 --> 01:13:57,720
malinaw na marumi ang kondisyon doon,

792
01:13:57,800 --> 01:14:00,400
at lalong sasahol
pag kumain ang mga bata

793
01:14:00,480 --> 01:14:02,680
kasi may mga di maiiwasang produkto.

794
01:14:03,720 --> 01:14:08,800
Kaya malamang magkasakit sila,
magkaimpeksyon,

795
01:14:08,880 --> 01:14:11,240
alam mo, di maaabot ng tulong medikal.

796
01:14:11,320 --> 01:14:17,440
Ito ay dahan-dahan
at hindi kanais-nais na kamatayan.

797
01:14:19,880 --> 01:14:24,080
Kaya, alam mo, kapag ang lahat
ng iba pang plano ay nabigo,

798
01:14:24,160 --> 01:14:26,040
isa na lang ang solusyon.

799
01:14:27,160 --> 01:14:29,960
Yun ay patulugin ang mga bata
at pasisirin sila.

800
01:14:33,520 --> 01:14:36,480
Hindi mo kailangang maging diver
o anestesista

801
01:14:36,560 --> 01:14:41,200
para malaman mo ang konsepto
ng pagpapatulog sa bata,

802
01:14:41,760 --> 01:14:46,120
ilublob ang ulo nila sa ilalim ng tubig,
at pagkatapos ng tatlong oras,

803
01:14:46,200 --> 01:14:48,960
inaasahan na
pag muli kang umahon sa tubig,

804
01:14:49,040 --> 01:14:50,920
buhay pa ang mga batang iyon,

805
01:14:51,000 --> 01:14:52,440
kakatwang ideya ito.

806
01:14:54,160 --> 01:14:56,240
May tatlong bagay akong nakikita

807
01:14:56,320 --> 01:15:00,960
na pwedeng mangyari. Mapupuno
ng tubig ang mga mask, at malulunod sila.

808
01:15:01,040 --> 01:15:03,600
Mababara hingahan nila,
di sila makakahinga.

809
01:15:03,680 --> 01:15:07,920
Ang huling kinababahala ko, pag ang mga
'yon hindi pumatay sa mga bata,

810
01:15:08,000 --> 01:15:11,800
sa 23-degree na temperatura ng tubig
at hangin sa loob ng kuweba,

811
01:15:11,880 --> 01:15:14,280
sa loob ng tatlong oras, na  pinatulog,

812
01:15:14,360 --> 01:15:17,280
tiyak na babagsak ang temperatura nila,

813
01:15:17,360 --> 01:15:20,040
at dahan-dahan silang mamamatay sa lamig.

814
01:15:22,440 --> 01:15:25,520
Tingin ko, sa huli, makatwirang sabihin,

815
01:15:25,600 --> 01:15:29,720
"Kung patutulugin ko sila,
baka mamatay sila."

816
01:15:30,800 --> 01:15:33,360
"Pero kahit paano
tulog sila pag namatay."

817
01:15:39,200 --> 01:15:45,200
Kelangan naming ipaalam sa mga magulang.
Kelangang tanggapin ang kasamang panganib.

818
01:15:46,240 --> 01:15:49,440
May tsansa
na mamatay ang ilang bata.

819
01:15:50,080 --> 01:15:55,040
Delikado ang maiwan, pati sa paglabas.
Pinapirma nila ako ng form ng pahintulot.

820
01:15:55,120 --> 01:15:59,040
Kung di ako pipirma,
hindi nila ilalabas ang mga ito.

821
01:16:01,600 --> 01:16:05,400
Kung palilipasin ang tag-ulan,
aabutin ng tatlo o apat na buwan.

822
01:16:05,480 --> 01:16:07,720
Baka mag-zero ang mga tsansa namin.

823
01:16:07,800 --> 01:16:12,600
Pero kung makipagsapalaran kami,
kahit paano mga 50-50, na mas maganda.

824
01:16:12,680 --> 01:16:16,000
Kailangan naming magpasya agad.
Napakahirap na desisyon.

825
01:16:19,880 --> 01:16:21,240
Sige, pipirma ako.

826
01:16:21,880 --> 01:16:23,920
Habang pumipirma, naguguluhan ako.

827
01:16:24,840 --> 01:16:29,440
Natakot ako kahit na sinubukan nila
kaming bigyan ng katiyakan.

828
01:16:29,520 --> 01:16:30,760
Natakot pa rin ako.

829
01:16:32,360 --> 01:16:34,280
Natakot akong di siya makalabas.

830
01:16:43,760 --> 01:16:49,760
Pinag-uusapan nila ito na parang
magiging masaya ang pagsisid…

831
01:16:51,160 --> 01:16:52,680
para di sila ma-stress.

832
01:16:57,320 --> 01:16:59,000
Gusto kong mag-dive.

833
01:17:00,280 --> 01:17:03,480
<i>Handa kami. Nakakasabik!</i>
<i>Gusto talaga naming gawin ito.</i>

834
01:17:04,960 --> 01:17:07,240
Di namin alam na ganoon kadelikado.

835
01:17:08,800 --> 01:17:12,440
Mga bata lang kami.
Gusto lang naming makalabas.

836
01:17:12,520 --> 01:17:13,920
Iyon lang inisip namin.

837
01:17:26,440 --> 01:17:29,680
Kailangan naming maglakbay
ng mahabang distansya.

838
01:17:30,800 --> 01:17:32,600
Pagpasok namin…

839
01:17:34,720 --> 01:17:36,240
gagamitin namin oxygen.

840
01:17:39,080 --> 01:17:40,640
Pero pabalik,

841
01:17:41,280 --> 01:17:46,960
gagamitin namin ang mga tangke na nilagay
namin sa daanan, para palitan ang naubos.

842
01:17:50,400 --> 01:17:54,000
Ang simula ay 300 metro lamang mula rito.

843
01:17:54,080 --> 01:17:58,600
At may bahagi kung saan umaagos ang tubig.

844
01:17:58,680 --> 01:18:01,160
Kailangan naming sumisid dito.

845
01:18:01,880 --> 01:18:04,080
Paantay ng update bukas. Kaya namin.

846
01:18:04,560 --> 01:18:07,640
Team kami…
Ang team ng SEALs. Hindi kami umaatras.

847
01:18:09,120 --> 01:18:11,320
Siya si Petty Officer Saman Gunan.

848
01:18:13,640 --> 01:18:17,240
Nagtrabaho siya ng maraming taon sa SEALs.

849
01:18:19,080 --> 01:18:22,720
Nang araw na 'yon, nagboluntaryo siyang

850
01:18:23,240 --> 01:18:25,080
ilagay ang mga tangke sa loob.

851
01:18:27,200 --> 01:18:29,120
Palabas na siya…

852
01:18:30,600 --> 01:18:31,680
nahimatay siya.

853
01:18:35,560 --> 01:18:37,080
Hindi na siya nagkamalay.

854
01:18:41,520 --> 01:18:43,200
Nalaman ko ito ng umaga.

855
01:18:45,560 --> 01:18:48,440
Nagmensahe ako sa isang tao sa yunit niya.

856
01:18:50,080 --> 01:18:51,080
Siya…

857
01:18:52,240 --> 01:18:54,560
VALEPON GUNAN
ASAWA NI SAMAN

858
01:18:54,640 --> 01:18:56,640
Kinumpirma niyang namatay siya.

859
01:19:00,160 --> 01:19:01,840
Kakikita ko lang sa kanya.

860
01:19:03,480 --> 01:19:06,880
Nang araw na 'yon,
pinasakay siya sa eroplano.

861
01:19:07,480 --> 01:19:08,600
At ako noon…

862
01:19:09,920 --> 01:19:13,600
tinatawag ang pangalan niya.
Panay ang tawag ko sa kanya.

863
01:19:13,680 --> 01:19:19,200
Pinipilit kong sabihin sa sarili ko
na hindi ito totoo. Hindi tunay.

864
01:19:26,320 --> 01:19:30,600
Ipagpapatuloy pa rin ang misyon
sa kuweba kasi andun pa din ang mga bata.

865
01:19:30,680 --> 01:19:33,240
Ito, nauunawaan ko.

866
01:19:33,320 --> 01:19:36,720
SAMAN GUNAN
DISYEMBRE 23, 1980 - HULYO 6, 2018

867
01:19:39,440 --> 01:19:44,200
Naisip ko lang, "Kung pinatay nito
ang propesyunal na dating Navy Seal,

868
01:19:45,840 --> 01:19:48,080
Imposibleng makalabas ang mga bata."

869
01:19:56,800 --> 01:19:58,400
Lahat kami napaisip

870
01:19:58,480 --> 01:20:02,680
talagang napakaliit ng pag-asa
na magtagumpay ito.

871
01:20:05,560 --> 01:20:11,560
Nakakahinga pa rin kami
pero nagiging mas mahirap.

872
01:20:13,080 --> 01:20:16,320
Sabi nila bumabagsak ang antas ng oxygen.

873
01:20:18,200 --> 01:20:23,560
Sobrang nag-aalala ako kung ano
ang gagawin kung naubusan sila ng hangin.

874
01:20:23,640 --> 01:20:28,200
At mas maraming ulan
ang parating sa susunod na linggo.

875
01:20:29,000 --> 01:20:31,160
Mas lalo itong delikado.

876
01:20:32,720 --> 01:20:35,280
Sa pagtaas ng tubig at pagbaba ng oxygen,

877
01:20:35,360 --> 01:20:38,200
wala silang magagawa
kundi simulan ang pagsagip.

878
01:20:38,280 --> 01:20:44,160
Ngayon, handang-handa na kami.
Ngayon ang D-day natin.

879
01:20:44,240 --> 01:20:49,320
Sinabi ng mga opisyal na ang delikadong
operasyon ay isinasagawa na ngayon.

880
01:20:49,400 --> 01:20:52,560
Kanina lang,
tinawag itong "D-Day" ng gobernor.

881
01:20:52,640 --> 01:20:55,440
Pagsagip ito
"na walang katulad", tawag nila.

882
01:20:55,520 --> 01:21:00,040
Ito ang kauna-unahang paraan
ng pagkuha sa buong mundo.

883
01:21:03,480 --> 01:21:07,080
16 NA ARAW SA LOOB NG KUWEBA

884
01:21:09,200 --> 01:21:12,360
Bandang 9:00, 9:30,
may nag-anunsyo, "Punta na tayo".

885
01:21:13,920 --> 01:21:17,200
Nasa lampas ng konti
sa dalawang kilometro ang mga bata.

886
01:21:18,120 --> 01:21:22,480
Kaya alam nating tatlong-oras
ang lalakbayin ng mga bata palabas.

887
01:21:33,160 --> 01:21:35,120
Habang papalapit kami, Naisip ko,

888
01:21:35,200 --> 01:21:39,160
"Eto na. Nakarating din kami
sa kuweba at lahat sila mamamatay."

889
01:21:39,680 --> 01:21:42,360
Doon na magiging totoo ang lahat ng ito.

890
01:21:46,480 --> 01:21:50,040
Ang mga bata ay masunurin.
Sa oras na yun, masasabi namin

891
01:21:50,120 --> 01:21:53,800
dadalhin sila ng lumilipad na karpet,
at sasang-ayon sila.

892
01:21:53,880 --> 01:21:56,360
Napakadesperado nilang makaalis sa lugar.

893
01:21:58,080 --> 01:21:59,800
Nakakatawa ng nagpasya sila

894
01:21:59,880 --> 01:22:03,480
ang mga batang nakatira sa malayo
mula sa kuweba ang mauuna.

895
01:22:04,640 --> 01:22:06,840
Akala nila, pag nakalabas na sila,

896
01:22:07,400 --> 01:22:11,040
magbibisikleta sila pauwi at kakain.

897
01:22:13,600 --> 01:22:16,840
Hiniling ko na ako ang huling aalis.

898
01:22:25,440 --> 01:22:28,440
Ang unang batang pinatulog ko,

899
01:22:28,520 --> 01:22:31,360
alam mo, tandang-tanda ko pa.

900
01:22:36,920 --> 01:22:39,800
Ang hirap ilarawan ang pakiramdam na,

901
01:22:39,880 --> 01:22:43,000
nilulublob ang mukha
ng walang malay na bata sa tubig.

902
01:22:44,160 --> 01:22:46,080
Ganun ka kababa, tingin ko.

903
01:22:48,520 --> 01:22:50,320
Susundan tapos ng, alam mo na,

904
01:22:50,400 --> 01:22:52,720
itatali ang mga kamay sa likuran nila.

905
01:22:53,920 --> 01:22:56,600
Ang pahiwatig na baka
may gawin ako sa kanila,

906
01:22:56,680 --> 01:22:59,200
at baka magdulot yun
ng kanilang kamatayan.

907
01:23:02,680 --> 01:23:05,600
1600 metro o higit pa, sumisid sila.

908
01:23:07,080 --> 01:23:10,120
Ang mga bata dapat umahon sa tubig,

909
01:23:10,200 --> 01:23:14,520
dadalhin sa tuyong lupa…

910
01:23:16,280 --> 01:23:18,080
Ang mga Briton ang responsable

911
01:23:18,160 --> 01:23:22,720
sa paghahatid ng mga bata sa amin
sa ikatlong yungib.

912
01:23:23,200 --> 01:23:26,200
Para sa parte namin,
kami ang nagplano sa operasyon

913
01:23:26,280 --> 01:23:29,520
mula sa ikatlong yungib
hanggang sa harap ng kuweba.

914
01:23:31,840 --> 01:23:35,360
Mula sa ikatlong yungib,
gumamit kami ng mga 200 katao.

915
01:23:36,960 --> 01:23:38,040
Mag-ingat ka.

916
01:23:38,120 --> 01:23:40,040
Buong araw kaming nag-abang.

917
01:23:40,120 --> 01:23:42,040
Kaya wala ng makakapigil.

918
01:23:44,200 --> 01:23:46,480
Ang hukbo, kaliwa at kanan.

919
01:23:47,160 --> 01:23:48,080
Kanan muna.

920
01:23:51,760 --> 01:23:53,360
Ako ang pangalawang umalis.

921
01:23:56,120 --> 01:23:59,320
Tinurok nila ako ng ganito.
Sobrang sakit.

922
01:24:02,160 --> 01:24:03,400
Nawalan ako ng malay.

923
01:24:15,480 --> 01:24:18,200
Ang unang grupo ang pinakadelikado.

924
01:24:19,040 --> 01:24:21,280
Umasa kami ng himala.

925
01:24:35,520 --> 01:24:37,040
Dahan-dahan.

926
01:24:55,680 --> 01:24:58,520
Tahimik ang mga nagliligtas
habang lumalabas.

927
01:24:59,600 --> 01:25:02,520
Na parang namatay ang mga bata.
Napakatahimik.

928
01:25:08,120 --> 01:25:11,640
Yun ang unang ambulansya.
Nag-aabang ang buong mundo dito.

929
01:25:21,800 --> 01:25:26,080
<i>Sa 16 araw na paghihintay, nakita natin,</i>
<i>ngayon, ang isa sa Wild Boars!</i>

930
01:25:29,640 --> 01:25:31,520
Tuwang-tuwa ako.

931
01:25:31,600 --> 01:25:33,880
IKA-APAT NA MIYEMBRO NG WILD BOAR

932
01:25:33,960 --> 01:25:37,560
Sabi ng ulat sa Hilagang Thailand
mga apat na ang nailabas.

933
01:25:39,760 --> 01:25:41,360
Naging maayos ang nauna.

934
01:25:41,920 --> 01:25:45,720
Mahirap paniwalaan ang unang araw.
Kaya natin ito.

935
01:25:46,600 --> 01:25:50,720
18 ARAW SA LOOB NG KUWEBA

936
01:25:54,800 --> 01:25:59,400
Bigla na lang,
sa huling araw, nagbago ang plano.

937
01:26:00,160 --> 01:26:02,560
Sinabihan akong mauna. Para kong, "Ano"?

938
01:26:03,120 --> 01:26:07,360
Sabi nila gusto muna nilang lumabas
ang pinakamalaki.

939
01:26:07,440 --> 01:26:10,160
Doon ako nagsimulang mag-alala.

940
01:26:13,000 --> 01:26:18,200
Naisip ko kung lalabas ako, magtataka ang
mga magulang bakit iniwan ko ang mga bata.

941
01:26:18,280 --> 01:26:19,880
Malalagot ako.

942
01:26:21,480 --> 01:26:23,320
Nag-aalala pa ako kung paano

943
01:26:23,800 --> 01:26:27,560
ko ipapaliwanag ang lahat sa magulang.

944
01:26:29,720 --> 01:26:31,520
Kumandong ako kay Dr. Harris,

945
01:26:34,080 --> 01:26:37,600
Nang magtinginan kami,
tinusok ako sa binti, parang "shoop".

946
01:26:39,800 --> 01:26:42,240
Doon ko siya pinasalamatan.

947
01:26:42,320 --> 01:26:46,640
At hiniling ko na alagaan ang mga bata
at sabi ko magkita kami sa labas.

948
01:27:12,800 --> 01:27:16,680
<i>Ang huling bata sa huling araw ay si Mark.</i>

949
01:27:17,880 --> 01:27:20,640
Sobrang malungkot. Ako na lang ang natira.

950
01:27:21,160 --> 01:27:25,560
Wala akong mga kaibigan na aaliw sa akin,
sabihan ako na maging ligtas.

951
01:27:26,080 --> 01:27:27,800
Kaya para kong, "Hindi bale".

952
01:27:29,600 --> 01:27:32,360
Palagay ko pinakaastig ang huling lumabas.

953
01:27:32,440 --> 01:27:33,960
Tinapos niya kwento.

954
01:27:38,760 --> 01:27:41,200
Ang huling lumabas ay si Mark.

955
01:27:42,280 --> 01:27:45,760
Palagay ko di na mahalaga
kung huli siya, basta ligtas siya.

956
01:28:28,480 --> 01:28:31,680
Nang nagising ako,
para akong pinanganak na muli.

957
01:28:35,760 --> 01:28:38,560
Nakahubad akong nakahiga doon.

958
01:28:39,120 --> 01:28:43,920
At inalagaan ako ng husto ng lahat.
Na para akong sanggol.

959
01:28:55,720 --> 01:28:59,600
Napakasaya ko.
Sobrang masaya. Hindi ko mailarawan ito.

960
01:29:05,280 --> 01:29:06,880
Nagawa na ang misyon.

961
01:29:06,960 --> 01:29:11,960
Lahat ng 12 na bata at coach nila
ay matagumpay na nailigtas.

962
01:29:12,800 --> 01:29:15,640
Maiisip mo lang.
Gaya ng sabi mo, isang himala.

963
01:29:15,720 --> 01:29:19,800
Wala pa akong nakitang kaganapang
pagsamahin ang mundong tulad nito.

964
01:29:22,760 --> 01:29:25,600
Ang bayani dito
ay lahat ng tao sa mundo.

965
01:29:26,320 --> 01:29:32,480
Gumawa kami ng isang bagay na di akalain
ninuman na magagawa namin, sa unang beses.

966
01:29:35,680 --> 01:29:39,000
Ito ang aming karangalan.
Mission Possible ito.

967
01:29:39,080 --> 01:29:44,280
Parating na siya ngayon,
Coach Eak. Coach Eak!

968
01:29:57,840 --> 01:30:02,280
Isa itong himala na lahat nakaligtas.

969
01:30:05,760 --> 01:30:08,240
Sa pagpasok ng mga magulang,

970
01:30:08,320 --> 01:30:12,240
Naisip ko, "Anuman ang mangyari,
mangyayari."

971
01:30:12,320 --> 01:30:15,520
Hinanda ko na ang sarili ko
sa anumang kahihinatnan.

972
01:30:15,600 --> 01:30:18,400
Sabi niya pag natutulog sila,
magkakahawak sila.

973
01:30:20,800 --> 01:30:25,280
Nang marinig ko 'yon, pakiramdam ko
lahat sila parang mga anak ko na rin.

974
01:30:25,360 --> 01:30:27,080
Talagang nagmamahalan sila.

975
01:30:28,080 --> 01:30:34,280
Inatake siya ng ilan dahil dito o iyon.
Pero tinuturing namin siyang pamilya.

976
01:30:34,360 --> 01:30:36,800
Walang gustong mangyari ito.

977
01:30:36,880 --> 01:30:40,600
Nang pumunta sila,
sinabi nila sa akin na maging matapang.

978
01:30:41,200 --> 01:30:43,840
"Wag kang mag-alala.
Naiintindihan ng lahat."

979
01:30:44,320 --> 01:30:46,640
Nang narinig ko, para kong, "Ayos".

980
01:30:47,160 --> 01:30:49,560
Natunaw lahat ng alalahanin ko.

981
01:30:54,960 --> 01:30:57,560
Nang nakita ko ang nanay ko, nagulat ako.

982
01:30:58,080 --> 01:31:02,360
Gusto kong bumabab at lumakad
papunta sa kanya, pero di ko kaya,

983
01:31:02,440 --> 01:31:04,520
kasi mahina pa ang mga binti ko.

984
01:31:05,560 --> 01:31:09,280
Kaya tumakbo pa ang nanay ko
at niyakap ako.

985
01:31:09,840 --> 01:31:13,040
Ang unang nakita ko
ay umiiyak ang magulang ko.

986
01:31:14,720 --> 01:31:18,440
Luha ito ng kagalakan.
Napanatag sila ng nakalabas ako.

987
01:31:19,200 --> 01:31:22,000
Niyakap ko siya at sinabing,

988
01:31:22,480 --> 01:31:26,480
"Tee, magpapaalam ka kung saan ka
pupunta mula ngayon. Mahal kita."

989
01:31:29,040 --> 01:31:31,000
Tuwang tuwa ako. Nagyakap kami

990
01:31:31,080 --> 01:31:32,400
at sobrang saya namin.

991
01:31:32,960 --> 01:31:35,600
Ito ay iniingatan ko pa hanggang ngayon.

992
01:31:36,480 --> 01:31:42,840
Nang makita ko sila, umiyak ako.
Sa isip ko, "Nananaginip ba ko?"

993
01:31:43,320 --> 01:31:46,600
Akala daw ni Tle
hindi na niya kami makikita pa…

994
01:31:47,760 --> 01:31:50,880
At nang sinabi niya 'yon
may kumirot sa puso ko.

995
01:31:51,360 --> 01:31:53,680
Hindi ako makapagsalita.

996
01:31:55,160 --> 01:31:57,280
Dinala nila larawan ni Sarhento Sam.

997
01:31:58,160 --> 01:32:01,520
Natahimik kami. Natulala lang kami.

998
01:32:03,520 --> 01:32:07,800
Pumunta siya para sagipin kami,
pero hindi na siya nakabalik.

999
01:32:09,840 --> 01:32:14,880
Bakit kailangang may mamatay para sa amin?

1000
01:32:21,160 --> 01:32:22,880
Nang makita ko ang mga bata,

1001
01:32:23,360 --> 01:32:26,960
sobrang pinagmamalaki ko
ang ginawa ng asawa ko.

1002
01:32:27,040 --> 01:32:29,640
Tagumpay ang ginawa niya.

1003
01:32:34,480 --> 01:32:38,720
Hindi ko sila kailanman sinisi
kasi nauunawaan ko

1004
01:32:39,360 --> 01:32:41,960
na walang may gustong mangyari ito.

1005
01:32:45,480 --> 01:32:50,000
Gusto kong mamuhay sila ng normal

1006
01:32:50,840 --> 01:32:55,280
at sundin ang kanilang mga pangarap
tulad ng ibang bata.

1007
01:32:55,360 --> 01:32:58,840
Ipagpatuloy nilang abutin
ang kanilang mga pangarap.

1008
01:33:25,440 --> 01:33:27,680
Hindi ko inisip na sikat ako o anuman.

1009
01:33:28,480 --> 01:33:31,600
Bata lang ako na naipit sa kuweba

1010
01:33:32,080 --> 01:33:34,720
at sumikat
salamat sa mga tumulong sa amin.

1011
01:33:35,880 --> 01:33:38,760
Nang nangyari ito,
kailangang mag-adjust ako.

1012
01:33:38,840 --> 01:33:41,040
Kailangan maging mas magalang ako.

1013
01:33:41,640 --> 01:33:43,600
Para pag nakita ako matutuwa sila

1014
01:33:44,760 --> 01:33:50,480
na makitang mabubuting bata kami,
na nagligtas sila ng mabubuting bata.

1015
01:34:01,560 --> 01:34:04,160
Hindi ko na magagawa ang anumang gusto ko.

1016
01:34:04,720 --> 01:34:08,000
Kailangan kong maging mabait ngayon,
mag-aral mabuti,

1017
01:34:08,080 --> 01:34:11,120
at wag biguin ang mga tao,
kasi niligtas nila kami.

1018
01:34:12,320 --> 01:34:16,200
Maraming salamat sa pagbibigay sa akin
ng suporta hanggang ngayon.

1019
01:34:18,920 --> 01:34:20,480
Huwag susuko.

1020
01:34:25,240 --> 01:34:27,040
Wild Boars!

1021
01:34:27,120 --> 01:34:28,080
Wild Boars!

1022
01:34:29,120 --> 01:34:33,000
Kapag naiisip ko ilang tao
ang pumunta para tulungan kami,

1023
01:34:33,920 --> 01:34:38,920
Hindi ko alam paano ko mababayaran
ang utang na ito.

1024
01:34:39,000 --> 01:34:43,160
Kung susubukan ko, hindi magiging sapat
ang buong buhay na ito.

1025
01:34:48,960 --> 01:34:53,600
PAGKATAPOS SILANG MASAGIP,
ANG TEAM AY NAGLAKBAY SA MUNDO.

1026
01:35:24,040 --> 01:35:28,880
SINISIKAP NGAYON NI TEE NA IPAALAM
SA NANAY NIYA KUNG SAAN SIYA NAGPUPUNTA.

1027
01:35:34,960 --> 01:35:39,640
ILANG BESES BUMALIK
SA LOOB NG KUWEBA SI MIX.

1028
01:35:42,600 --> 01:35:46,560
NAKATANGGAP SI ADUL NG TULONG PINANSYAL
PARA MAG-ARAL SA NEW YORK.

1029
01:35:46,640 --> 01:35:48,520
MAGTATAPOS SIYA SA 2023.

1030
01:35:53,520 --> 01:35:57,960
PANGARAP NI TLE NA MAGBUKAS
NG SARILING NEGOSYO BALANG ARAW.

1031
01:36:01,280 --> 01:36:06,320
PLANO NI MARK NA MAG-ALAGA NG MGA MANOK.

1032
01:36:09,560 --> 01:36:11,360
Manatiling ganyan. Baba! Taas!

1033
01:36:13,360 --> 01:36:15,560
Baba! Taas!

1034
01:36:21,480 --> 01:36:26,760
PANGARAP PA RIN NI TITAN
NA MAGING ISANG SIKAT NA FOOTBALLER.

1035
01:36:26,840 --> 01:36:27,760
Muli?

1036
01:36:30,040 --> 01:36:32,080
-Pwede na bang umalis?
-Bahala ka!

1037
01:36:32,640 --> 01:36:35,640
NAGTAYO NG SARILING FOOTBALL ACADEMY
SI COACH EAK.

1038
01:36:35,720 --> 01:36:37,320
Titan, wag kang patatalo.

1039
01:36:37,400 --> 01:36:39,080
-Abutan mo siya.
-Ano ba.

1040
01:36:39,160 --> 01:36:40,240
Bilisan mo, Titan.

1041
01:36:42,480 --> 01:36:43,760
Huli na 'yon.

1042
01:36:46,760 --> 01:36:48,120
Sige, alis na ang isa.

1043
01:36:51,320 --> 01:36:56,040
ANG MGA GINAWANG EKSENA SA DOKUMENTARYONG
ITO AY GINAMPANAN NG MGA AKTOR

1044
01:36:56,120 --> 01:37:00,080
BATAY SA MGA PANGYAYARING
NAALALA NG MGA NAKAPANAYAM.

1045
01:41:40,400 --> 01:41:45,400
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Maricar Borbon

